Chereads / Cant Get Enough Of You / Chapter 6 - Chapter Five

Chapter 6 - Chapter Five

Bangkok Thailand ang second stopby namin.

Excited ako na magkasama kami ni Leandro sa pagmamasyal sa Thailand. Lalo ngayon at sigurado na kami sa mga nararamdaman namin. We just make love last night at hindi pa din nawawala sa pandama ko ang mga halik nya sa buo kong katawan.

"Ready?" yaya sa akin ni Leandro. Sabay na kaming bumaba ng barko. Hawak nya ang bag na dala namin habang nasa balikat ko ang bag ng DSLR. Nakalista na sa maliit kong journal ang mga tourist spots na pupuntahan namin, isa na dun ang Grand Palace, Wat Phra Kaew, Wat Pho, Burma Railway, at Siam Paragon then ilan temples na bibisitahin namin.

Kulang ang isang araw namin sa pamamasyal pero susubukan sulitin.

"Wow!" sigaw ko ng makarating kami ng Grand Palace. Sinasabing palasyo ng mga tumayong hari at reyna ng Thailand kaya ginawa itong museo.

"Reena!" rinig kong sigaw ni Lean at mabilis akong tumakbo sa harapan ng gate. Nag pose saka umilaw ang flash ng camera nya. Matapos pa ang ilan kuha, pumasok na kami sa loob para maglibot. Hindi ko namamalayan ang oras habang kasama si Lean, minsan para pang hihinto ang pintig ng orasan kapag masaya kami. Mga bagay na hindi ko noon nadanasan kay Joseph. Hindi ko alam na isa lang palang lalake mula sa cruise ship na ito ang tunay na magpapaligaya sa akin.

Tanghali kami ng marating namin ang templo ng Golden Buddha. Napakaraming turista ang nagdadasal at nag aalay sa tinuturing na santo ng mga tsino ganun din ang mga nakatira dito sa Thailand.

"Nasaan kaya yun?" Palingon lingon ako sa paligid. Nawala sa paningin ko si Lean at kanina lang panay sya kuha ng litrato sa paligid.

"Huh!" napansin ko sya sa harap ng isang malaking replika ni Buddha. Sa paligid nun may mga monghe at iilan nagdadasal. Nilapitan ko sya.

"Lean?" hindi sya sumagot at saka ko lang narealized na nakapikit sya at tahimik na nagdadasal. Tumahimik ako.. Pero nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko saka magkasamang pinagdikit ang mga palad nya at kanang kamay ko.

"Lean?" nakangiti syang humarap sa akin.

"What did you pray for?" tanong ko habang nakatingin sya sa akin.

"There's nothing I need to pray for. Nagdasal ako dahil nagpasalamat ako. Nagpasalamat ako dahil nakilala kita." halos mag init ang pakiramdam ko sa sinabi nya sabayan pa ng pagkislap animo ng mga mata nya. Dahil siguro sa kakaibang kulay nito o dahil muli nanaman itong tinatamaan ng liwanag.

"Ako din Lean.." pagkangiti ko niyakap ko sya. Saka humalik sa pisngi nya. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Pero naalala kong nasa sagradong templo kami at baka maviral pa ako pag ginawa ko yun.

Matapos namin magdasal sa templo. Sunod namin pinuntahan ang Bulma Railway at Siam Paragon na isa sa pinakamalaking mall sa Thailand. Hindi ako nagsawa sa kakapose dahil alam kong maganda ako sa camera ni Lean pero syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na mapuno ang phone ko ng bagong memories at isa na dun ang kasama si Lean. Kumain kami sa Siam, then namili ng mga nagustuhan souvenirs. Gabi na kami nakabalik ng barko. Nananakit na din ang mga binti ko kaya't pinilit ko nalang maglakad. Ayoko din magpahalata kay Lean na sumasakit ang binti ko.

"Get rest.." utos nya pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko. Binaba ko ang paperbags na dala ko sa couch. Sandali muna syang pumasok sa loob bago umalis.

"Coffee?" alok ko habang nasa kusina ako. Bigla nalang may kumapit sa katawan ko. Then I felt Lean's breath into my neck. Nakakakiliti.

"I want to sleep here." bulong nya at lumingon ako sa kanya, halos magbanggaan ang mga ilong namin then panakaw nya akong hinalikan sa labi ko.

"What is that!" gulat ko saka sya tumawa.

"You're so cute." namula ang mga pisngi ko. Hindi sya bumitaw sa yakap nya sa akin at lalo pa nyang dinuldol ang mukha nya sa balikat ko. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos. Patapon tapon ang mainit na tubig na sinasalin ko sa tasa.

"Lean.. What will happen when we get off the ship? I mean, after this cruise?" naisipan kong itanong matapos kong magtimpla ng kape namin. Bumitaw sya sa yakap nya at lumipat kami sa may coffeetable.

"Ano bang gusto mong gawin natin? Just tell me." sagot nya saka kinuha ang isang tasa.

"I want you to meet my parents." sambit ko saka tumingin sa kanya. Ngumiti sya. I felt relief.

"I want to meet your parents. But.." natigilan sya sa pagsasalita. Nagtaka ako.

"I don't know if you'll want to meet mine." hindi ko sya maintindihan pero sa natatandaan ko, hindi sila maayos ng pamilya nya.

"Bakit naman?" nag aalala kong tanong.

"My father doesn't want me to get married unless, I'll marry a woman he wants me to be with."

"Sya ang pipili ng mapapangasawa mo?" malungkot syang tumango.

"Ayoko Reena.. Kaya ako lumayo. I dont want anyone nor my father manipulate me and my life. Gusto kong mabuhay ng malaya. Gusto ko ako pipili ng mamahalin ko." mabigat din ang pinagdadaanan nya. Kaya pala mag isa din sya.

Nilapitan ko si Lean sa kinauupuan nya at niyakap sya.

"I'll accept you for who you are Leandro. I like you. I- I love you." nagulat sya sa sinabi ko. Nagrespond sya sa yakap ko saka mariin akong hinalikan sa labi ko.

"Thanks Reena. I love you too." I decided na muling magmahal. At pakiramdam ko matapang ako para harapin ang kahit ano.. Pero ito nga ba ang nagpapalakas sa akin?

---

We ended up sleeping on the same bed but no make love tonight. Magkayakap lang kami habang natutulog. At sabay dinadama ang malamig na paligid. He keeps on kissing my cheeks at hindi nya ako pinakakawalan sa mga bisig nya. I felt so safe. I felt so secured..

Naalimpungatan ako ng kalagitnaan ng gabi. Dumilat ako at sya ang nakita ko. Mahimbing syang natutulog pero still, he never let me go out of his hug. Hinawakan ko ang pisngi nya at muli akong pumikit.

---

Ilan araw ang lumipas bago kami huminto sa Macau. Nagstopby kami sa Taiwan then tuloy sa Macau after a day. Sa gabi pa ang opening ng Exhibit ni Leandro. Kaya mas madami pa kaming oras para mamasyal.

"Lets go to Venetian Macao later night okay." bilin ni Lean habang pababa kami ng barko. Isa sa mga listahan ng dadayuhin namin ang ilan simbahan sa Macau including, Ruins of St. Paul, A-ma Temple, at Fortaleza do Monte isang 17th century fort na may rooftop park whick is amazing. Then Senado Square kung saan isa sa pinakamalaking dining and shopping mall sa Macau.

Pagbaba namin ng barko, tanaw na tanaw namin ang Macau Tower. Tulad sya sa Tokyo Tower at Eiffel Tower.

Hindi ako pinakawalan ni Leandro sa mga kamay nya. Ngayon, sya naman ang panay hatak sa akin kung saan saan. At sa natatandaan ko that's my habit pero mukhang na adapt nya na.

"Tapos na ba yun mga preparations sa exhibit nyo?" I asked habang papasok kami ng St. Paul.

"Yeah. Tayo nalang ang hinihintay." Nagulat ako sa sagot nya.

"What should I wear tonight?" na curious kong tanong. Based on what I've seen sa invitation ng opening ng Exhibit. Parang formal attire dapat.

"You'll be beautiful anything you wear." namula ako sa sinabi nya. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Lalo tuloy akong mapapapraning sa pag iisip sa susuutin ko.

"10pm ang Exhibit Opening. Be on time ha." nakatawa nyang paalala. I shrugged ng sabihin nya yun then he just chuckled. Alam nya talaga paano ako aasarin.

Tinuloy namin ang pamamasyal sa Senado Square para kumain.

Huminto ako sa isang boutique ng makita ang dress na display nila. Nakita ko si Lean na pumasok sa katabing store kaya naisipan kong pumasok sa loob. I saw different dresses at kahit di obvious sa itsura ko I love dresses. Mas gusto ko mag dress kaysa mag jeans at shorts.

"This will look good on me." nasambit ko habang hawak ang dress na yun. Pakiramdam ko maattract lalo si Lean sa akin at kung susuutin ko ito mamaya sa Exhibit.

"Reena?" nabitawan ko ang hawak ko ng marinig ko si Lean. May binili pala sya sa kabilang store.

"May bibilhin ka?" he asked ng mapansin nya na pumasok pala ako sa boutique ng mga dresses. Mabilis akong umiling.

"Wala. Let's go!" sabay hatak ko sa kanya palabas.

Kumain kami after mamili. Then sandali pa kaming bumalik sa barko para iwan ang mga binili namin, may kinausap pa syang mga kasamahan sa Exhibit. Nagpalit lang ako ng susuutin ko papuntang Venetian. Saka dinala na ang jacket ko.

"Huh?" napansin ko ang kahon sa ibabaw ng kama ko. Wala naman iyun kanina. Nilapitan ko ang kahon saka binuksan. Halos mapatalon ako sa nakita. I saw the dress from the boutique! Did Leandro bought it for me?

Sa sobrang excited ko agad kong sinukat ang dress at voila! It perfectly fits! Parang glass shoes lang ni Cinderella.

Hindi ko maitago ang saya kaya matapos ko sukatin ang dress, hinanap ko agad si Lean. Nakita ko sya sa upper deck, dun kasi kami magkikita bago bumaba. Tumakbo ako ng makita sya saka niyakap. Nagulat sya at hinawakan akong mahigpit pagkasalo nya sa akin.

"Hey!" nakatawa nyang bati sa akin pagkahalik ko sa pisngi nya.

"Namiss agad kita." I said at natawa sya.

"Then lets go to Venetian."

Wala kaming sinayang na oras. Palubog na ang araw ng marating namin ang Venetian. As we expected, napakadaming turista along Venetian Macao Hotel and Cotai Arena. Then may mga nakasalubong pa kaming kasamahan namin sa cruise.

"I want to ride the boat!" sigaw ko ng makita ang mga boat na umiikot sa buong Venetian.

"Sige let's try out those Gondola." sagot ni Lean saka ako hinatak papasok sa loob ng indoor canal. Madaming tao sa paligid, mga namimili, namamasyal at karamihan ay naka check in sa Venetian Macao Resort and Hotel. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng mga gusali around the canal. Para ba akong nasa Italy. Sabayan pa ng pagkanta ng mga Gondoliere na syang nagsasagwan sa mga Gondola.

Umikot ang mga mata ko. Para bang nasa isa akong lugar na sandaling magpapalimot sa akin sa mga tunay na nangyayari sa realidad. May casino para sa mga mayayaman tao na gusto lang mag enjoy, kumita at sandaling tumakas sa trabaho. May resort at hotel na para sa mga pamilya na gustong magpakasaya at ang inner canal para sa mga magkakapareha na gustong maramdaman ang sinasabing romance na sanhi ng pagsakay sa Gondola.. Lahat ng tao around Venetian may kanya kanyang dahilan kung bakit narito. At ako, isa lang ang rason ko, be with Leandro.

"Reena!" Narinig ko si Lean at hinila ako. Nagulat nalang ako at nakatayo na ako sa isa sa mga Gondola. Nakapagpa reserve na agad sya ng masasakyan namin. Pinaupo nya ako. Then tinabihan nya ako, habang nasa harap namin ang isang Gondoliere na kumakanta ng Italyano.

It is romantic. Totoo nga ang mga sinasabi ng ma kaibigan ko. This place is full of romance. At pakiramdam ko humihinto ang oras sa twing lilingunin ko si Leandro.

"Did you like it?" Wika nya habang sabay kaming nakikinig sa pagkanta ng Gondoliere.

"Of course.. So I'm with you." ngumiti sya at hinagkan ako sa labi ko. Nagulat ako. Shocks! I just remember were on public at talagang okay lang na maghalikan kami dito? Migosh! This is so out of the plan!

Hindi ako makawala sa mga labi nya. Oo at nahihiya ako pero hindi ko talaga sya matanggihan. Tumigil lang sya ng ng hindi na ako makahinga.

"Are you okay?" nakatawa nyang tanong. He sound teasingly. Kinurot ko sya sa pisngi.

"Of course I'm okay!" pasigaw kong sagot. Binaba kami ng Gondoliere sa other side ng Inner Canal. Inalalayan ako ni Lean na maka akyat. Then nagpasalamat kami sa may ari ng boat.

Tumingin ako sa wrist watch ko and its almost 9PM. May exhibit si Lean ng 10PM and I can't afford na malate sya sa sarili nyang event.

Saka isa pa, matagal din ako mag ayos. Ayokong ma rush ako sa pagpapaganda ko lalo at mag papaimpress ako kay Lean. Tama..

Gusto ko, ako lang ang maganda at makikita nyang maganda sa paningin nya sa gabing ito.

---

A/N:

Thank for supporting and hope you keep on reading :)

Expect some error guys ha!

Dont forget to vote!