Hatak ko ang maleta ko habang paakyat ako ng barko. This is my first time going on a cruise ship.. Ito yun wedding gift nila Mama at Papa sana sa amin kung natuloy lang ang kasal.
Naipailing ako. Ayoko maalala ang kahihiyan iniwan ni Joseph. Kaya ako tumakas sa amin para sandaling makalimot sa mga nangyari. At baka sa pagsakay ko sa cruise ship, maghilom ako.
"Mam." nagulat ako ng salubungin ako ng isang lalakeng naka unipormeng puti. Tingin ko isa sya sa mga cabin crew. Hiningi nya ang ticket ko at boarding pass. Then nagtawag sya ng crew para buhatin ang dala ko.
Walang alam sina Mama at Papa kung saan ako nagpunta. Nag iwan lang ako ng sulat at nagpaalam na sandali akong mawawala. Alam ko nag aalala sila ngayon, pero mas inaalala ko naman ang sarili ko kapag nagpatuloy akong magkulong sa bahay at paulit ulit pakinggan ang pagsosorry ni Tita Cora at ng mga relatives ni Joseph. Mababaliw ako.
"Ah!
Nagulat ako sa flash ng camera. Bigla nalang kasing nagliwanag at sa mukha ko pa talaga tumama.
"Ano ba!" sigaw ko.
"I'm sorry. I didn't mean to. I was capturing the seas." Malumanay na tinig ng lalakeng may hawak ng isang DSLR.
Hindi na ako nagsalita ng magsorry sya. Iniwasan ko nalang then tumuloy na ako sa magiging kwarto ko. Bumaba ako ng B-Deck. Mabuti nalang may nag aassist sa mga first timer sa cruise ships kaya hindi ako naligaw.
"Thank's po Mam." ngiting paalam ng babae sa akin matapos nyang buksan ang pintuan ng kwarto ko. Binaba ko ang dala ko. Comfy naman ang kwarto. May kama, may coffeetables, cabinet sa side ng kama. May bathroom, at may maliit na kitchen.
Nahiga ako sa malambot na kama. Then pumikit at dinama ko ang unti unting pag ugoy ng barko. Papaalis na kami. Kinuha ko sa shoulder bag ko ang itinerary ng cruise. First stop namin sa Singapore, then sa Macau, Taiwan, China at huli sa Thailand. Susubukan ko'ng mag enjoy kahit parang malabo.
Naupo ako saka hinatak ang maleta.
Kasama sa promo na kinuha nina Mama at Papa ang libreng food along the cruise. Nag iisip na ako ng pwede ko isuot mamaya paglabas ko. For sure, halo halong tao ang makikita ko dun. May mga elite,at average people na kabilang ako.
"Gosh. Iilan lang pala nadala ko.", usal ko ng makita ang laman ng maleta ko. Naalala ko na, hindi naman ako nakapamili ng dadalhin. This whole trip was just unexpectedly. Hindi ko nga alam kung nagdala ba ako ng napkins at deodo. Basta kung anong nahatak ko bago makarating dito yun lang talaga ang dinala ko.
"Bahala na nga." hinablot ko ang isang dress sa nga nakatiklop kong damit then kinuha ko sa ibabaw ng coffeetable ang isang malinis na twalya.
"Need to take a bath." pumasok ako sa mala 5 star na shower room. Para kasing gawa sa porcelain ang tiles then yun bath tub na sa sobrang linis mahihiya kang maligo. Nagbabad ako for awhile. Then nakaidlip.
---
Nagising ako ng namalayan kong malamig na ang tubig na binababaran ko. Tumayo ako at hinablot ang bath robe. Bago ako lumabas ng shower room. Nagbihis na ako. Then nagpatuyo lang sandali ng buhok.
Humarap ako sa salamin. Minsan gusto kong itanong sa sarili ko yun mga linyahan ni Liza Soberano sa movie nya. Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why!. Gusto ko isigaw sa mukha ni Joseph yun. Then bigyan sya ng sampal kapag nangatwiran pa sya.
Then itanong sa kanya yun mga linyahan ni Claudine Barreto sa movie nya na Milan, Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O kailangan mo ako kaya mahal mo ako?. Mga ganun. Hindi nyo naitatanong, fan ako ng romantic drama movies.. kaya siguro nagsawa din si Joseph sa akin. Masyado na daw akong OA.
Lumabas ako ng kwarto ng unti unti ng natuyo ang laylayan ng buhok ko. Ayoko kasing lalabas o aalis na basa pa sya. Ayoko din kasing nababasa yun damit ko. May dala akong maliit na pouch bag na may laman pera at phone ko. In case na baka may bayaran ako or magbigay ako ng tip.
Bumaba ako sa C-Deck dahil doon ang dining area, ball room at bar nila. After kong kumain, balak kong uminom kahit konti para hindi na ako makakapag isip bago matulog. Bago ako pumasok sa dining area, sinalubong ako ng isang babae sa frontdesk at binigyan nya ako ng mauupuan ko. Then menu saka mga condiments na gagamitin ko. Its all set. Pagkain nalang ang hinihintay.
Dumating ang appetizers.
Inilapag nya sa mesa ko ang isang mangkok ng mushroom soup, isang pair ng sushi at grilled tomatoes. Matapos nyang ayusin ang mga pagkain, sandali nya akong iniwan para balikan ang main entree. Umorder lang ako ng isang Beef Wellington and Filet Mignon which are their best sellers. Nagsimula akong kumain. Damang dama ko sa bibig ko ang kakaibang lasa ng mga pagkain na pang first class. Susulitin ko na ito tutal nandito na ako.
Hindi ko namalayan ang oras habang kumakain. Nang maubos ko ang huling order ko which are the desserts, nakaramdam na agad ako ng antok. Nag iwan ako sa mesa ng tip para sa magandang serbisyo nila then agad na akong tumayo para umakyat sa upper deck. Malapit sa lounge ang bar. Sumakay ako ng elevator paakyat then may ilan cabin crew ang nagturo sa akin papunta sa bar.
Maingay ng makapasok ako dun. May mga tao na sa loob na sige ang pagsayaw at pag indak habang mga nagpapakalunod na sa alak. Then sa labas naman ng bar, madadaanan ang swimming pool, na may mga naliligo.
"Goodevening Mam!" bati sa akin ng bartender na nakangiti at tinanong ang order ko.
"Tequila." sagot ko saka mabilis syang lumipat sa kabilang side ng bar. Tuwang tuwa sa kanya ang mga umoorder dahil sinasabayan nya ng pagsasayaw ang paghalo halo nya ng mga alak sa dalawa nyang kamay. Ganito siguro talaga ang mga nagtatrabaho sa cruise. Nakangalum-baba ako habang hinihintay ang drinks ko. Naaliw din naman ako sa maingay na tugtugin na pinakakawalan ng Dj sa gitna ng dance floor at ang hindi magkandamayaw na sigawan at tilian ng mga babaeng nagsasayaw. Napapaisip ako kung ang mga taong ito na nagpapakasaya ngayon eh tulad ko din ba? Na kaya nandito sa cruise ship para sandaling takasan ang mga problema? Magpakasaya?
Hindi ko napansin ang baso sa harap ko. Iniwan na pala yun ng bartender. Then may katabi pa itong isang lata ng beer na inihabol kong orderin kanina. Nadala kasi ako sa musika kaya sandali akong natulala. Kinuha ko ang baso at beer in can saka umalis ng bar. Gusto ko mapag isa. Walang ingay. Walang tao. Ako lang, mag isa.
Sa paglilibot ko sa upper deck. Nakarating ako sa terrace. Malapit sya sa kinatatayuan ng radar ng barko. Nasa dulo na ako ng upper deck at wala na akong naririnig na ingay. Walang tao. Ako lang mag isa, ang tanging kasama ko nalang ay ang hawak kong alak sa kamay ko at ang dagat. Pati ang buwan na pasilip silip sa akin na para ba akong binabantayan. Its so peaceful.
Lumapit ako sa barendilyas at saka ko pinasok ang dalawa kong binti sa loob nun. Para bang nakalaylay ang mga paa ko sa hangin. Then nakasandal ang mukha ko sa malalamig na grills na nagsisilbing harang sa terrace. Pinakiramdaman ko ang lamig na galing sa kinauupuan ko at sa tahimik na dagat. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang kwento ng Titanic. Sa upper deck nagkakilala sina Rose at Jack. Pero duon din sila namatay.
I sighed. Then take again some sips on my drink. Pumikit ako. Kahit anong pigil ko, naalala ko at naalala pa din ang nangyari. It was a big mistake.. Na pumayag ako magpakasal kay Joseph. Pero masasabi ko ba kung anong susunod na mangyayari? Sino bang may alam na lolokohin nya ako sa araw ng kasal namin? Na heto nagmukha akong tanga, at ngayon mag isa akong nagpapakalasing dito sa barko.
What could be worst than that!
"You shouldn't stay here not wearing any coat? Lalamigin ka!" napadilat ako at sa gulat ko nabitawan ko ang basong hawak ko. Nahulog ito sa tubig.
"Who the hell are you!!" bigla kong tayo at sigaw sa estranghero.
"I'm sorry. Naistorbo ata kita?" malumanay nyang sagot. Bigla akong kumalma. He's sitting on the other side of the terrace. Then he wears a coat with a scarf on his neck. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil siguro sa nakabalot sa leeg nya na tumatakip sa kalahati ng mukha nya. Ang tangi ko lang nakikita ay ang mga mata nyang kumikislap. Its like sparkling maybe because habang nakatingin sya sa akin, nakatingin din sya sa bwan na nasa likuran ko lang.
"Grr.." umihip ang malakas na hangin. Naramdaman ko na ang lamig na sinasabi nya. Malamig nga. At oo naka spaghetti strap dress lang ako at oo lalamigin nga ako.
"Take this." hinubad nya ang brown gamossa coat nya.
"Ayoko nga. Sayo yan. Bakit mo ipapasuot sa akin!" pagtataray ko. May tama na ata ako ng tequila at nakakapagsungit na ako.
"I don't mind giving it to you. Sige na." pagpipilit nya at wala ako magawa kundi tanggapin yun. Malumanay sya sa pagsasalita na para bang madali nya akong mapapayag sa anuman ang hilingin nya o sabihin. Nakakaasar.
Sinuot ko ang coat. Mabigat sa pakiramdam pero comfy dahil malambot kaya lang halos hindi na makita ang mga kamay ko sa haba ng sleeves nito. Mukha tuloy akong hanger na sinampayan ng extra large na damit.
"That's fine now." Ngumiti sya at nagulat ako. Then he sits back where he is at tinuloy ang ginagawa nya. Nagulat ako. Ngayon naman parang hindi na nya ako nakikita, pero parang kanina lang concern pa sya sa akin.
Bumalik din ako sa pwesto ko saka binuksan ang lata ng beer. Hindi ko maiwasan malingon sa kanya. Now that he's not wearing a coat, mas malinaw na ang itsura nya sa akin, medyo bumaba kasi sa dibdib nya ang scarf nya. Matangkad sya. Mahaba ang mga biyas pero may postura ang katawan. Nag gygym kaya sya? Malalapad ang mga balikat nya at mas umigting pa ang masculinity nya dahil sa clef chin nya. Then his pointed nose na akala mo nag aartista sya at ang hindi ko mapakawalan ng mga mata ko ay ang mga kumikinang nyang mga mata at mapupulang labi nya na para bang nahiya ang labi ko dahil di naman ako natural pinkish lips. Pasalamat pa ako sa mga lipsticks.
"Huh?" nanlaki ang mata ko ng makita ko syang lumingon sa akin. Nahiya ako at tumalikod. Masyado bang obvious ang pagtitig ko sa kanya at naramdaman nya yun?
"You're alone too?" nagsalita sya. Then I slowly move my head as an answer. Hindi ko pa din sya nililingon.
"Were the same. I'm alone too. Mag isa lang akong umakyat dito sa barko." nagulat ako. Does he mean na? Mag isa lang din sya sa byahe na to?
Nilingon ko na sya. Then he smiled. Nahawa ako sa ngiti na yun at gumuhit na din sa mga labi ko ang isang pilit na ngiti.
"Mind if I join?" hindi ako nakatanggi dahil lumipat sya sa pwesto ko dala ang isang bag nya. Then I just realized na sya yun lalake kanina na nakabangga ko na may dalang camera.
"Ikaw yun lalake kanina?" natawa sya ng banggitin ko yun. Hindi sya nagkaila dahil halata sa mukha nya na natatawa sya pag naaalala nyang binangga ng camera nya ang mukha ko then yun flash nyang halos masilaw ako.
"Sorry ha. I was taking some pictures kanina. Sobra kasi akong na amazed sa dagat." ngumiti ako.
"Okay lang. Masyado din kasi akong maganda kaya akala mo pati mukha ko mukhang dagat na din." Natawa sya sa biro ko.
"You have a fine sense of humour. I like it." inalok ko sya ng iniinom ko pero tumanggi sya. Hindi pala sya umiinom. Nahiya ako bigla dahil may katabi pa syang lasenggera.
"Bakit ka nga pala napunta dito? I mean? Why cruise?" naisipan kong itanong. Nacurious ako dahil mag isa lang sya tulad ko.. May nangyari din kaya sa kanyang hindi maganda?
"I just want to relax.. From all the stress and depression.." hinawakan ko ang kabilang pisngi ko. Pwede rin naman yun ganun rason..
"Eh ikaw?" nagulat ako. Alam ko naman na itatanong din nya yun.
"Uhhh --
Sandali akong nag isip paano ko ba sasagutin ang tanong nya.
"Nagpunta ako dito dahil I want to forget and heal." he stared at me for a moment, baka kasi siguro trip ko lang sya.
"Heal? Are you in pain?" nacurious na sya sa sagot ko.
"Oo. I am in pain." siguro nga kahit umakyat pa ako ng barko, magpakalayo layo. Hindi ko maiiwanan ang sakit na dinulot ng mga pangyayari sa akin.
Hindi sya madaling kalimutan..
Eh paano pa ang maghilom?
---
A/N:
Thanks for reading and hope you enjoy :)
By the way, do expect some errors dahil no edits pa ito. Then sa first POV si Reena po iyon ang ating HEROINE :)
Thanks guys, dont forget to vote ❤️