Chapter 17 - Chapter 17

Naiwan ako dito na hindi malaman ang gagawin. Ayaw ko mang paapekto sa sinasabi nito, hindi ko pa rin maiwasan. Si Jimmy kasi ang at stake rito. Naghilamos akong muli ng mukha para magising ako. I need to get hold of myself para paglabas ko, okay ang itsura ko na parang walang nangyari. I retouched my make up and before I leave the comfort room, I plastered a beautiful smile on my lips.

Smile, self. Kaya mo yan.

Paglabas ko ay may hindi ako inaasahang bubungad sa akin--si Bernard.

"Jonnie..."

"Bernard... Kumusta ka?" Tanong ko rito habang tinitingnan ang itsura nito. Pumayat ito ng labis na ikinalulungkot ko.

"Ito, ganito pa rin. Miss na miss ka pa rin..."

Natigilan ako sa sinabi nito. I feel awkward at hindi ko alam ang sasabihin ko. "Bern ..."

Tumawa ito ng pagak, "Huwag mo akong alalahanin. Gusto ko lang sabihin sa'yo na sinusubukan kong umabante sa'yo. Saka I'm sorry nga pala kasi alam kong pinahirapan kita noong nawala ako. Huwag mong sisihin sarili mo ha, need ko lang talaga makalayo layo para mahanap ang sarili ko." Mahabang sabi nito.

Natawa ako ng bahagya. "Naloka ako doon sa hinanap mo ang sarili mo, hahaha. Pero seriously talking, ano nang bago sa'yo? Two months kang hindi nagpakita sa akin."

"Saka na tayo magkwentuhan kapag tayong dalawa na lang. Nakakahiya sa boyfriend mo. Baka kanina pa naghihintay yun sa'yo."

"Oo nga. Pero isa na lang Bern, b-bakit kasama mo si Elah?"

"Ah si Elah? Mahabang kuwento e. Basta next time na mag-usap tayo, kuwento ko sayo. Pero pwedeng payakap muna? Miss ko na yakap mo sa akin e."

"Oo naman!" Sabi ko rito sabay yakap ng mahigpit rito. Masaya ako na ayos na kami ng bestfriend ko. It made me feel better. Nabadtrip man ako kanina sa bruhang Elah na iyon, bawing-bawi naman iyon kay Bernard.

"Halika na, balik na tayo?" Aya nito.

Ngumiti ako rito at tumango. "Halika na."

-----

"Bakit antagal mo?" Tanong sa akin ni Jimmy pagkaupong-pagkaupo ko sa table namin.

Lumingon ako rito. "May kinausap kasi ako. Isang demonyo saka isang anghel."

Kitang-kita naman ang pagtataka sa mukha nito sa sagot ko. "Anong ibig mong sabihin? Isang anghel saka isang demonyo? I don't get it."

Natawa ako. "Okay lang na wala kang alam. Baka kasi nasa purgatoryo ka." Mahina kong sabi.

"Anong purgatoryo? Wait, galit ka ba?"

"Naku hindi. Bakit naman ako magagalit. Ang saya saya ko nga oh. Ha-ha-ha!" Sagot ko rito na napakasarcastic. Mainit pa rin ulo ko, naaalala ko kasi bigla bigla yung paghalik ni Elah rito.

Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko, "Huwag ka ng magalit please? Yung kay Elah kanina, hindi ko ginusto yun. Nakita mo naman yun di ba?"

Inirapan ko ito. "Ewan ko sa'yo." Sagot ko rito at naramdaman kong binitawan nito ang kamay ko. "Wait lang..." sabi nito sabay alis sa table namin. Tiningnan ko ito kung saan ito papunta at nakita ko itong binulungan ang manager ng restaurant na ito. Sinusundan pa rin ng mga mata ko ang kinikilos nito at nakita kong pumuwesto ito sa grand piano na nasa gitna ng restaurant. Tumaas na naman ang kilay ko. Ano na naman kayang pasabog nito? Hmmmm...

"Ehem ehem... Mic check.. mic check.." napatingin ang mga iba pang kumakain sa pwesto nito.

"Good evening po. Pasensya na po at nakakaistorbo sa mapayapa ninyong hapunan. Okay lang po bang kantahan ko kayo ngayong gabi? Anyway, ang kakantahin ko ngayong gabi ay inaalay ko sa babaeng pinakamamahal ko. Iyon po siya." Litanya nito sabay turo nito sa akin. Sinundan ng mga tao ang itinuro nito at halos gusto ko ng lumubog sa kahihiyan sa ginawa nito. I am not used na maging center of attraction and the way the people are looking at me make me shiver. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o sa.. kilig.

"Ano bang ginagawa mo?" Sabi ko rito na walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nginitian lang ako nito pati na rin ng ibang guests. Gosh, kakahiya.

"Bago ko kantahin ang kantang ito ay gusto ko munang sabihin na, "Jonnie, Baby, I really really love you. Ikaw lang nakikita ng mata ko. Happy second monthsary and I know na hindi lang tayo sa ganito aabot. Aabot tayo hanggang anniversaries."

Pagkasabi nito ng mga ito ay tumugtog na ito sa piano. He is playing the song we sang at the wedding. He is playing "When God Made You" by Natalie Grant and Newsong.

It's always been a mystery to me

How two hearts can come together

And love can last for ever

But now that I have found you I believe

That a miracle has come

When God sends the perfect one

Now gone are all my questions about why

And I've never been so sure of anything

In my life

Oh I wonder what God

Was thinking

When he created you

I wonder if he

Knew everything I would need

Because he made all my dreams come true

When God made you

He must have been thinking about me

I stared at him habang kinakanta niya ang part na panlalaki ng song. It feels great na ngayon, alam kong sa akin na niya inaalay ang kanta. Heck, I am falling in love with him more. Bahagya niyang inihinto ang tinutugtog ng papunta na sa babaeng part yung song. Sinenyasan niya akong pumunta sa piano at kantahin yung part ng babae. Umiling-iling ako pero the crowd cheers me to stand and go to the piano. Maya maya ay may humila sa akin patayo, Si Bernard.

"Uy, pumunta ka na doon. Papahiya mo ba si Jimmy? Ang KJ mo naman. Sige ka, pag di ka pumunta doon, iisipin kong ako talaga ang gusto mo." Kulit nito sa kanya pero alam kong hindu bukal ang sinasabi nito. Paano? Ang lungkot ng mata nito.

Tumango ako rito at pumunta na sa pwesto ni Jimmy. Nangangatog man ang tuhod ko, inumpisahan ko na ding kantahin yung part ko lalong lalo na ng makita kong ngumiti si Jimmy sa akin ng pagkatamis-tamis.

I promise that wherever you may go

Wherever life may lead you

With all my heart I'll be there too

And from this moment on

I want you to know

I'll let nothing come between us

And I will love the ones you love

Now gone are all my questions about why

And I've never been so sure of anything

In my life

Oh I wonder what God

Was thinking

When he created you

I wonder if he

Knew everything I would need

Because he made all my dreams come true

When God made you

He must have been thinking about me

Nakarinig ako ng palakpakan ng matapos namin ang kanta. Tumayo si Jimmy mula sa piano chair. Ako na ang unang yumakap rito dahil bawing-bawi ito sa pagkabadtrip ko kanina kay Elah.

"I love you, Jonnie. 'Wag ka na magseselos, okay?" Masuyong sabi nito. Tumango tango ako. Naoverwhelmed kasi talaga ako, honestly. The next thing I did is, I tiptoed and give Jimmy a warm kiss. I kiss him like I never did before. Wala na kaming pakialam kung may audience. Basta, ang alam ko lang, moment namin ito ni Jimmy. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng kiss namin ng may marinig kaming kumalabog sa pinto. Nang tingnan ko, si Elah pala ang lumabas at nagdadabog.

Nagkibit balikat na lang ako kay Jimmy. Pakialam ko ba sa kanya. Buti nga sa kanya! Hahhaha! Elah - zero, Jonnie-one.

"Happy ka na?"

"Happy. Sobra."

---

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag