Chapter 18 - Chapter 18

"Hi, Mama!" Bati ko sa Mama ko pagkababang-pagkababa ko mula sa kuwarto ko. Napasarap ang tulog ko kagabi, nadiligan kasi ... ng pagmamahal at magandanag memories kagabi. Huwag kayong eme diyan. Hahaha

"O nak, tinanghali ka ah."

"Oo nga po e. Buti na lang Sabado po ngayon kundi patay na naman ako nito. Haha! Ano po pagkain?" Sagot ko rito habang inaangat ang mga pantakip ng ulam na nasa ibabaw ng lamesa.

"Naku, walang pagkain diyan! Ikaw ba naman ang magising ng alas onse ng umaga, tingin mo may maaabutan kang almusal?" Sermon nito sa akin.

Napasimangot ako. "Nagugutom na ako e." Nakalabi at mahina kong sabi.

"O ayan. Kainin mo yan." Sabi ni Mama sa akin sabay abot sa akin ng isang paper bag galing Bonchon. Nanlaki ang mata ko kasi favorite fastfood ko yun, maliban siyempre sa Jollibee.

"San galing ito, Ma?"

"Kanin pa? Siyempre yung lover boy mo!"

"Whoaaa, talaga po Ma? Nasan po siya?"

"Umalis na. Ayaw kang ipagising e. Napagod ka daw kagabi," sabi nito sabay lapit ng mukha nito sa akin ar tinitigan ako sa mata. "Sabihin mo nga, yung totoo, nagjerjer kayo kagabi noh?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nagjerjer? Ano yuuuun?

"Ano ba yang sinasabi mo, Ma? Nagjerjer? Anoooo yun? Saan mo nakuha yang word na yan?"

Natawa ito. "Narinig ko lang sa bading sa kanto. So ano, nagjerjer na kayo?"

"Ano ba, Ma! Of course not! Ganyan ba ang itinuro mo sa aming magkakapatid?"

Lalong lumakas ang tawa nito. "Hindi! Pero anak, magtitrenta ka na next month, gusto ko ng magkaapo. Pwede mo namang baliin yung ibang itinuro ko sa inyo. Ano ba yang si Jimmy, kung alam ko lang na babagal bagal yan, dapat di nalang namin pinabalik yan dito sa Pinas!" Mahabang talak nito.

"Pinabalik? Anong pinabalik, Ma?" Tanong ko rito. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang rinig ko o hindi e.

Tumingin ito sa akin. "Anong sinasabi mo? Kumain ka na lang diyan. Gutom ka na ata kaya kung anu-ano ang naririnig mo e! Hala shoo! Kumain ka na dun!" Pagtataboy nito sa akin patungo sa isang bahagi ng sala namin.

"O-kay. Baka mga gutom lang ako." Sabi ko sabay lakad papunta sa sala.

Nandito pa rin ako sa sala at nilalantakan ang 2-piece Honey Citrus chicken ko na nakaupgrade into Seoul fried rice. Medyo malamig na pero masarap pa rin. May kasama ring large iced tea pero inilagay ko muna sa ref kasi di naman masarap kapag hindi malamig. Nanghihinayang nga lang ako kasi hindi ko naabutan si Jimmy nang hinatid ito. Sayang talaga. Napahinto ako sa pagkain ko ng marinig kong tumutugtog yung ringtone kong "Gashina" ni Sunmi. Meaning, may tumatawag sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay hindi ko napigilang ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Hello?"

"Hello. Baby?"

"Yes po. Bakit ka napatawag?" Pabebeng tanong ko rito. Napapailing na lang ako sa inaakto ko. Dati kapag may tumatawag sa akin sa cellphone, halos ayaw kong sagutin pero ngayon, halos magkandasamid samid ako masagot lang yung tawag.

I heard him chuckle on the other line. "Wala lang, namimiss lang kita. Anyway, kumain ka na?"

"Yes! Kinakain ko yung dinala mo kanina. Ang sarap nito 'By! Thank you!"

"I am happy that you love the food. Buti tama yung naorder ko."

"Oo nga e. Nagulat ako na nakuha mo yung saktong inoorder ko sa Bonchon. Sino nagsabi sa'yo?"

"Secret."

"Lah. Pasecret secret pa. Sino nga?" Pamimilit ko rito.

"Secret nga. Next time ko na sasabihin."

"Ano ba yan. Dami mo ng secret sa akin." Sabi ko rito sa telepono na nakalabi na para bang nakikita ako nito.

"Hala. Ano pa bang secrets ko sa'yo?"

"Yung ano -"

"Yung ...?"

"Yung dahilan kung bakit mo ako iniwan sa ere noong nagconfess ako sa'yo. Hanggang ngayon di mo pa sinasabi sa akin."

I heard him sigh on the other line.

" 'By, hindi ko na sinasabi kasi I think hindi na importante iyon. Iyon lang yun, okay? Napapraning ka na naman e. Pero kahit ganun, may topak ka, mahal pa rin kita. Gets?"

Natahimik ako. Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin? Sino ba ang mali? Ako ba na hindi makamove on sa araw na iyon o siya na ayaw ng balikan ang eksenang iyon?

" Baby, hindi ka na sumagot diyan ..."

Nagising ako sa malalim na pag-iisip. "Ah, yeah. Okay. Pasensya na. I just doze off a bit."

"Ganito na lang, may gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman. Bakit?"

"Date na lang tayo. Para naman mawala yang topak mo sa akin, hahaha."

"Pero kakaalis lang natin kagabi." Sagot ko.

"Okay, I am hurt." Sabi nito.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Mukhang pinagsasawaan mo na ang katawan ko, Binibini."

Natawa na naman ako. Pinagsasawaan? Ito, pagsasawaan ko? Never!

"Alam mo Mr. Jimmy Camacho, tigil-tigilan mo yang kaartehan mo at tigilan mo na din yang kakasabi na pinagsasawaan ko ang katawan mo dahil kapag may nakarinig na iba aakalain nila na nagjerjer na tayo!"

"Jerjer? Ano yon, 'by?"

Natigilan na naman ako. Shocks! Ano ba 'tong bunganga ko naman talaga oh! Nakakahiya.

"Wala. Wala lang yun. Salitang bakla lang."

"Hmmm.. pwede naman tayong magjerjer e!" Malakas na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Mula ata ng maging kami nito, lagi na lang lumalaki mata ko e. "Of course not! Hindi pwede yun!"

Narinig ko ang malakas na tawa nito sa telepono. "So tama ang pagkakaintindi ko sa ibig sabihin ng jerjer, it's sex, right? Hahaha!"

"Oo na. Tama ka na. Pero I stand with what I said earlier, no jerjer okay?"

"Oo naman. I am willing to wait, even for years. Basta, sunduin kita diyan mamaya ha. Continuation ng monthsarry celebration natin ito. Maligo ka na, mabilis lang ako nandiyan na ako, okay? Love you!"

"Okay, bibilisan ko lang. Promise, love you too." Sagot ko rito sabay pindot ng end call sa cellphone ko.

Hindi pa man ako nakakatayo ay nakarinig ako ng door bell sa pinto.

"Jonnie, may nagdo door bell. Buksan mo yung pinto!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Opo, Ma! Ito na po!" Sigaw ko pabalik habang papunta sa pintuan. Napanganga ako ng makita ko kung sino ang nasa labas.

"A-ano ang ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ka. Good morning, Sleepy Head." Bati nito sa akin sabay halik sa noo ko. Naconscious ako ng wala sa oras sa ginawa nito. Hindi pa ako naliligo, for sure nagmamantika ang mukha ko, baka nga may tinga or muta pa ako e! Gosh! Kakahiya!

"P-pasok ka. Akala ko susunduin mo ako mamaya pa. Bakit andito ka na?"

"Kasi po nandiyan lang naman ako sa labas. Nasa kotse lang ako."

"Nakakainis ka. Bakit hindi mo na lang ako ginising? Anong oras ka ba dumating kanina?"

"Ahm .. mga 9 or 9:30?"

"What? 11:30 na ah! Don't tell me na 2 hours ka na sa labas?"

"Mga ganun na nga."

"Hala. I'm sorry 'by..."

"Ano ka ba? Di ba sabi ko sa'yo, willing to wait naman ako? Basta ikaw, handa akong maghintay. Nakapaghintay nga ako sa'yo ng ilang taon e, ano pa ba ang ilang oras?" Sabi nito sa akin habang nakahawak ang kamay nito sa pisngi ko.

Namula ako sa sinabi nito at parang may kung anong kamay ang humaplos sa puso ko. Napakasincere ng boses nito at lalo kong nararamdaman ang sincerity nito kapag tumitingin ito sa mga mata ko.

"Ang cheesy mo talaga, 'by." Sabi ko rito pero hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko.

"Okay lang na cheesy. Ang mahalaga napapangiti naman kita. Anyway, mag-ayos ka na at tanghali na po, Binibini."

"Opo, Ginoo. Maliligo na po ako. Mga 30 minutes, okay lang ba?"

"Ay naku, ang babaeng ito ... Napakakulit. Willing to wait nga po. Sige na, ligo ka na. Baka di na ako makapagpigil hahalikan kita rito e." Banta nito sa akin. Pagbabantang gusto ko pero siyempre nakakahiya rin naman.

"Ewan ko sa'yo. Sige na ligo na po ako. Dito ka lang ha."

Tumango lang ito at umakyat na ako sa kuwarto upang maligo at mag-ayos. Makaraan ang ilang sandali ay bumaba na ako, all dolled up. Siyempre naman ayokong maging pangit katabi ang guwapong nilalang na ito, ano!

"Bakit ang ganda mo?" Tanong nito sa akin.

" E bakit ang bolero mo?"

Natawa lang ito. "Hindi ako nambobola. Talaga lang ang ganda mo. Baka mapaaway ako niyan mamaya kapag may tumingin sa'yong iba."

"Asus ang arte mo. San ba tayo pupunta? Halika na!" Aya ko rito.

"Sige alis na tayo pero paalam muna tayo kay Mama."

Napatingin ako rito. Mama?

"Mama? Sinong Mama?"

"Si Mama. Yung Mama mo na magiging Mama ko na rin sa future."

"E di meow. Hahaha"

Pumunta kami sa kusina para magpaalam kay Mama at kuntodo payag naman ito sa date namin ni Jimmy. Bago pa nga kami umalis ay binulungan pa ako nito na pwede kaming magjerjer ni Jimmy. Napailing na lang ako rito.

Lumabas kami ng bahay na magkahawak kamay at pumasok sa kotse na may ngiti sa labi. Ang hindi lang namin alam ay may dalawang pares ng mata ang nakabantay sa amin at sinundan ang kotse naming dalawa.

----