Chapter 19 - Chapter 19

"Cause when you love someone

You open up your heart

When you love someone

You make room

If you love someone

And you're not afraid to lose 'em

You'll probably never love someone like I do

You'll probably never love someone like I do"

Nakatingin ako sa bintana habang nagpe-play ang kanta ni Lukas Graham na "When You Love Someone." Jimmy sings along in it very well and I can't help but to also sing with it. Habang kinakanta namin yung song, I realized na bagay na bagay sa akin yung message ng song. Because of love, I opened up my heart... again. Yung tipong kahit pinangako ko na sa sarili ko na never na akong magmamahal ulit ay nagmahal pa rin ako -- and the funny things is with the same man. Halos lahat ng nasa lyrics feeling ko naramdaman ko na pero yung part na "you never afraid to lose them ..." yun ata ang hindi ko kaya. I already lose him before at ngayon na okay na kami, I don't know if makakaya ko pa ulit kapag nagkahiwalay kami.

"Penny for your thoughts? Parang ang lalim naman ng iniisip mo, 'by. Bakit?" Rinig kong tanong ni Jimmy sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti ito habang tutok ang atensyon nito sa manibela.

Nakangiti akong sumagot sa kanya, "hindi naman ganun kalalim. Maganda lang kasi talaga yung song kaya iniintindi ko yung lyrics."

Tumango-tango ito. "And how do you find the meaning of the lyrics?"

"Very selfless. Lalo na yung part na "When you love someone, you never afraid to lose them. Very sacrificial."

"O-okay. Mejo seryoso ka talaga ngayon ha. Any problem?"

"Wala, promise."

"Okay, sabi mo e. Basta always remember na if you need anything, andito lang ako. Okay?"

Tumango ako bilang sagot rito and let out a sigh. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin pero feeling ko something will happen today.

-----

"W-w-wow..." buong paghanga kong nasabi ng makita ko kung nasaan kami ngayon. Antagal ko ng di nakakapunta sa lugar na ito! We are at Enchanted Kingdom!

"You like it?" I heard him say.

"Of course, I like it! Tagal ko ng di nakakapunta rito!"

"Good to know. So, ano ang gusto mong umpisahan natin sa mga rides?" Tanong nito sa akin.

Napaisip ako. "Hmmmm... ano kaya maganda? Alam ko na! Air race!"

"Air race? Maganda ba yun? Alam mo namang antagal kong nawala sa Pilipinas kaya di ko na talaga alam kung ano rides ng EK ngayon."

"Oo promise mag-eenjoy ka sa Air Race. Isa sa mga favorite rides ko yun e."

Tumango-tango ito. "Okay, doon tayo." Sabi nito sabay hawak sa isang kamay ko. Napakagaan ng mga paa ko ngayon. Tila naging daan ang pagpunta namin dito para makalimutan ko ang bumabagabag sa akin kanina. Napapansin ko na habang naglalakad kami ay maraming mga babaeng napapalingon sa boyfriend ko. I can't help to frown but I know na dapat maging proud ako dahil ang gwapo ng boyfriend ko. Sweet pa. Tapos...yummy pa. Haha!

" Baby ..." bulong nito sa tenga ko

"Bakit?"

"Naiinis ako." Sagot nito sa akin.

Kumunot ang noo ko. "O, bakit naman?"

Ngumuso ito. "Ang dami mo kasing fans..."

"F-fans?"

"Oo, fans. Dami kong kaagaw sa'yo. Andaming tumitingin sa'yong lalaki."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. Ako? Pinagtitinginan?

"Sure ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman may dumi ako sa mukha? Baka may muta ako? Tignan mo nga!" Sabi ko sabay harap dito.

Huminto muna kaming dalawa at ipinikit ang mga mata. "Ano, may muta ba ako?"

Naramdaman ko na lang na may nag smack ng kiss sa akin. Napadilat akong bigla. Siraulo talaga itong Jimmy na ito! Pero siyempre kinilig ako. Hihi.

"Sira ulo ka talaga!" Sabi ko rito sabay palo rito. Tatawa tawa naman ito habang pinipigilan ang mga palo ko rito --palong pabebe. Haha

"Tama na! Hahaha!" Sabi nito.

"Baliw ka talaga! Nakakahiya!"

"Okay lang yun! Para alam ng mga tumitingin sa'yo na taken ka na! Hahaha!"

"Ewan ko sa'yo! Halika na! Gusto ko na mag rides!"

"Opo, mahal na prinsesa!"

"Ayan na ba yun?" Rinig kong sabi sa akin ni Jimmy habang nakatingin kami sa Air Race na rides.

"Yes, yan na yun. Isa sa mga favorites ko yan."

"Para namang pambata. Aren't we too old enough for that?"

Napangiti ako sa sinabi nito. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito ang tingin nito sa rides na nasa harap namin. Kung pagbabasehan mo lang kasi ang itsura nito ay masasabi mong pambata talaga ito. Ang Air Race ay parang maliliit na space jet pero huwag kang papalinlang dahil once na nakasakay ka na, hindi pwedeng hindi ka sisigaw rito.

"Baby, ako na ang nagsasabi sa'yo, hindi pambata yan promise." Paniniguro ko rito.

"Yung mga next po sa pila... punta na po rito!" Sigaw ng attendant ng rides na iyon. Lumapit na kaming dalawa at habang papunta na kami sa mismong sasakyan namin ay binulungan pa ako ni Jimmy kung mag eenjoy ba talaga kami sa rides na yun. Umoo na lang ako para wala na itong masabi.

"Be ready, 'by. Humawak kang mabuti." Sabi ko rito ngunit hindi na ito nakasagot pa dahil umandar na ang Air Race. Tawa lang ako ng tawa habang pinapaikot kami ng rides na ito at mas lalo pang nadagdagan iyon ng marinig ko ang sigaw ni Jimmy.

"Okay ka lang?" Sigaw ko rito.

"Waaaah! 'By, ayoko na 'by! Waaaah! Bababa na akoooo! Kuya!" Sigaw nito habang patuloy sa pag-ikot ng 360 degrees ang rides. Tawa lang ako ng tawa sa pagsigaw nito.

Maya maya ay humina na ang pag-andar ng Air Race at bago pa man kami makababa ay kumapit na ng mabuti sa akin si Jimmy. Muka ngang nahilo talaga ito.

" 'by wait lang." Pigil nito sa akin ng nakalabas na kami ng Air Race.

Huminto naman ako at tinanong ito kung bakit. Pero bago pa man ito makasagot ay bigla na lang itong tumakbo sa isang sulok at doon ay sumuka ito.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko rito habang hinahaplos ang likod nito. Hindi ito sumagot sa tanong ko dahil suka pa rin ito ng suka. Nang matapos ito sa pagsuka ay sobrang putla na ito.

'Hala, 'by ang putla mo na. Ano, uwi na tayo?" Aya ko rito.

Umiling-iling ito habang nagpupunas ng panyo sa noo nito. "No. We are not going home. Sisiw lang ito."

Napatawa ako sa sinagot nito. Sisiw talaga ha? E kung makikita siguro nito ang muka nito sa salamin, malalaman niyang hindi lang 'sisiw' ito.

"Talaga lang ha. Sisiw talaga?" Pang-aasar ko rito.

"Oo nga! Ano ba yang rides na gusto mo, walang ka thrill thrill!" Sagot nito na may konti ng yabang sa boses. Nakabawi na siguro ng lakas kahit paano. Haha!

"Yabang ah! Parang hindi lang kagagaling sa pagsuka, noh?" Asar ko.

"Opo na po. Talo na ako. Hahaha! Pero wag muna tayo umuwi. Sayang naman ang EK experience natin kung uuwi agad tayo. Kaya ko na, promise." Sagot nito habang pinapagpag ang damit nito.

"Sige ha, sabi mo yan."

"Oo nga po. Pero 'by, pwede bang yung medyo mahilab hilab muna yung rides na sasakyan natin? Medyo hilo pa ako e."

Tumingin ako at ngumiti rito. "Okay po. Doon muna tayo sa 'totoong pambata'. Carousel muna tayo." Sabi ko rito sabay kuha sa kamay nito. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay nito ng mapansin kong pinagtitinginan na naman ito ng ibang babae.

Well ... sorry na lang kayo dahil akin na ang gwapong nilalang na ito!

We spent the whole afternoon riding all the rides of EK. Wala na kaming pakialam kung pawisan na kaming dalawa sa dami ng rides na nasubukan namin. Bumili rin kami ng panibagong damit dahil nabasa kami masyado sa Rio Grande. Pero ang pinakagusto kong part ay yung sa Ekstreme Tower kasi habang tumataas baba ito ay sumisigaw naman ito ng, "I love you, Jonnie!"

Hindi na naalis ang ngiti ko sa labi mula pa kanina. For sure, this is one of the most memorable memories that I will treasure.

Pauwi na kami at papunta na kami ngayon sa kotse nito ng maramdaman kong tinatawag ako ni Mother Nature.

"Jimmy ..."

"Yes, 'by?"

"Pwede bang mauna ka na sa kotse?"

"O, bakit?"

"Naiihi na talaga ako e."

"Gusto mo bang samahan kita?" Tanong nito.

"Naku, wag na. I can manage. Hintayin mo na lang ako rito, okay?"

"Sure ka?"

"Oo naman. Parang timang 'to."

"Sige na nga po. Basta babalik ka ha."

Ako naman ang natawa sa sinabi nito. "Of course babalik ako. Walang maghahatid sa akin pauwi e."

Naglakad na ako papuntang CR at naiimbyerna na ako dahil malayo layo din ang nilakad ko bago makarating roon. Mas nadagdagan ang inis ko ng makita kong napakahaba ng pila. Inabot rin ako ng 20 minutes bago makabalik sa parking lot.

Nakangiti pa rin ako habang naglalakad palapit sa pwesto ng sasakyan ni Jimmy ng mapansin kong may kausap itong babae. Nagtago ako sa isang nakapark na sasakyan ng magulat ako kung sino ang kausap nito: si Elah!

Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa nito dahil hinalikan nito si Jimmy at as the way she looks at it, he is enjoying the kiss. Naramdaman kong may pumatak na luha sa pisngi ko.

Ito na ba yung kutob ko kanina? Ganun ba talaga? Kapag may magandang nangyayari, kapalit agad nun ay pagluha?

-----