Chapter 12 - Chapter 12

"Girl, blooming ka. May jowa ka na?" Pansin sa akin ni Jenniquer.

Napangiti ako sa sinabi nito. I am that transparent?

"Bakla uy, sagutin mo ako! Hindi yang nginingitian mo lang ako hahaha! Ano? may jowa ka na no? Jowa mo yung kasama mo nung Sabado ano?"

"Hindi ah. Pinagsasasabi mo diyan." Tanggi ko naman dito.

"Huwag mo na akong charotin." Sabi nito sabay kiliti sa tagiliran ko. Di naman ako maihi sa pagpigil dito kasi maya maya may klase na naman ako.

"Basta, di kita titigilan mamaya. Akala mo ha. Osya, balik na ako sa pwesto ko dahil mamaya may klase na din ako doon sa East wing."

"Okay, lumayas ka na nga dito. Dami mo kuda hahahaha." Pagtataboy ko rito.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa habang hindi mapigilang alalahanin ang nangyari noong weekend sa Tagaytay. Ngayon ko napagtanto na kaya siguro ang daming nagmamahal kasi ang sarap pala ng nagmamahal. Nakakaadik sa sarap.

"Hi, 'Nie!" Si Bernard ang dumating na may dalang choco butternut munchkins at inabot sa akin.

"Hi, Bern. Sakto nagugutom na ako. Thank you." Sagot ko rito habang nilalantakan na ang bigay nito.

Tumabi ito sa akin sabay kalabit sa braso ko. "O bakit?" Tanong ko.

"Balita? Di ka man lang nagtext sa akin mula nung Sabado ah. Kinalimutan mo na agad ako?"

"Ang arte mo, Bern. Di bagay sa'yo. Anyway, pasensya naman kung hindi ako nakapagtext sa'yo. Medyo ..."

"Medyo ... ano? Kayo na ba?" Pagpapatuloy nito sa sinasabi ko.

Natahimik ako sa tanong nito. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ba talaga kami ni Jimmy dahil wala namang confirmation. Yes, we kissed, we hugged and some sorts pero we didn't confirm anything about the 'relationship' we have. Ang hirap pala ng ganito, napakasaya pero may kasamang kaba.

"Uy, di ka na sumagot diyan."

"Hindi ko kasi alam kung kami na talaga Bernard e."

Tiningnan ako nito sabay sabing, "Paanong di mo alam?"

"Hindi niya naman sinabing mahal niya ako e. Sweet siya sa akin pero di ko alam kung matatawag na 'kami' na nga."

Tumahimik itong sandali, "Basta guard your heart Nie. Mahirap umasa sa walang label na relasyon. Masasaktan kang lalo."

"Yeah, I know. Thank you, Bern. Buti na lang talaga andiyan ang bestfriend ko for me." Sabi ko sabay yakap dito. Gumanti rin ito ng yakap pero napapahigpit na ata. Di na ako makahinga e!

"Ahm, wait Bern... di ako makahinga! Hahaha! Higpit mo yumakap ah.." sabay kalas dito.

"Sorry, hehehe. Na carried away lang." Sabi nito sabay kamot sa ulo nito.

---

"Okay class, your fourth quarter examination is fast approaching and we need to work really hard in order for you to pass it. So, for the next two weeks, we are going to focus on your past lessons from first quarter until this quarter. No more absences from you, are we clear?"

"Yes, Ma'am!"

"Okay, goodbye class!"

"Goodbye, Ma'am Jonnie! Thank you for teaching us!"

Unti-unti ng naglabasan ang mga estudyante ko habang ipinagpatuloy ko naman ang pagbubura ng blackboard ng may narinig akong kumatok sa pintuan.

"O yes nak, bakit?" Tanong ko sa estudyante ko pero napako ang mata ko sa hawak nito.

"Hi po, Ma'am. Ipinaaabot po nung gwapong mama sa labas. Boyfriend mo yun, Ma'am? Ang gwapooooo!" Sabi nito sabay abot sa akin ng hawak nito. Dalawang lavender roses.

Napangiti ako. "Nasan siya?"

"I am here." Napatingin ako sa nagsalita, Si Jimmy.

"Miss, alis na po ako." Paalam ng estudyante ko habang di mapigil ang ngiti. Tinanguan ko naman ito.

"What are you doing here?" Tanong ko rito.

"Sinusundo ka." Kaswal na sabi nito.

"Pero di ko pa uwian. Saka sana di ka na nag-abala pa." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"But I want to." Sabi nito sabay hawak sa isang kamay ko. Kinilig naman ako sa ginawa nito pero siyempre, kailangan kong alisin ang kamay ko. Nasa school kasi kami.

"Nasa school tayo, Jimmy. Baka makita tayo ng mga bata."

"Okay." Sabi nito habang nakanguso. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero bigla kong inipit ang nguso nito. Biglanh sumeryoso ang mukha nito sa ginawa ko.

"Baby, wag mo ng gagawin yun." Sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin.

Nagagalit ba ito? Hala.

"Are you mad? Pasensya ka na. Promise I won't do that again." Sabi ko.

"Very good. Don't do that again kung ayaw mong magkasala ako. Nasa school tayo pero you are turning me on."

Namula ako. Tama ba ang pagkakarinig ko? I am turning him on? My golly.

"A-a-ano ba yang pinagsasasabi mo?" Sabi ko habang hindi makatingin ng diretso rito.

"Hahahaha! You're blushing, Baby!"

"Paano kasi kung anu-ano ang sinasabi mo. Napakataklesa mo!"

Hinawakan nito ang kamay ko sabay sabing, "Look at me. Pasensya na kung I say what's on my mind pero I think I have to say it. Everytime you touch me, nawawalan ako ng discernment sa mga bagay bagay."

Natahimik ako sa sinabi nito. Base sa mga kinikilos nito, iisipin kong mahal ako nito pero ayoko munang umasa. Gusto kong marinig muna sa mga labi nito yung three magical words.

"Ang cheesy mo. Halika na." Sabi ko na lang rito.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa faculty room. Iiwan ko lang itong mga gamit ko. Gusto ko sanang pag-stay-in ka doon pero baka mapagalitan ako e."

"Okay lang, I understand. Sasamahan lang kita doon tapos mag-i-stay na muna ako sa kotse. I'll wait for you."

Naglakad na kaming dalawa papunta sa Faculty room. Pinagtitinginan kami ng iba kong co-teacher, dahil siguro ngayon lang nila ako nakitang may ibang kasamang lalaki bukod kay Bernard. Nginitian ko na lang ang mga ito. Malapit na kami sa faculty room ng makasalubong namin si Nanay Head kasama ang Principal ko.

"Good afternoon po mga Ma'am." Bati ko sa mga ito.

"Good afternoon,too." Bati naman ni Ma'am Principal.

"Good afternoon po." Bati naman ni Jimmy sa mga ito.

"Who is this young man, Miss?" tanong ni Ma'am Principal sa akin.

"Ahm, si Jimmy po ...."

"Boyfriend po ni Jonnie, Ma'am. Nice to meet you po." salo ni Jimmy sa sasabihin ko sabay abot ng kamay nito upang makipagkamay kay Ma'am. Napatingin ako rito dahil sa sinabi nito. Boyfriend?

"Wow, Miss Jonnie. Ikaw ha, napakamalihim mo. May boyfriend ka na pala di ka nagkukwento. Anyway, I have some business to do. Nice to meet you, Jimmy. Wag mong paiiyakin yang anak namin ha."

"Don't worry, Ma'am. I won't."

"Sige na, una na ako sa inyo."

"Sige po, Ma'am. Salamat po." Paalam namin rito.

Nang makaalis na ito, di ko napigilang tanungin ito. "What was that?"

"What?" Tanong rin nito sa akin.

"That. Saying that you are my boyfriend! Bakit mo sinabi yun?"

"Bakit? Hindi mo ba ako boyfriend?"

"Psssst, boses mo hinaan mo. Halika nga doon tayo mag-usap sa kotse mo!"

Hinila ko na ito papunta sa kotse nito at buti na lang on-going pa ang klase kaya walang pakalat kalat na mga estudyante sa paligid. Makakapag-usap kami ng maayos.

"Okay, so going back. Why did you tell her na boyfriend kita?"

"Bakit hindi ba?"

Natahimik ako. Ano ba ang isasagot ko?

"Actually, hindi ko alam. Ano ba tayo?" Tanong ko rito.

Hinawakan nito ang kamay ko. "Jonnie, listen to me. We kissed. We hugged. Hindi ba sapat yun para masabing tayo? Remember this, I will never kiss a woman na hindi ko mahal. I will never hug a woman kung wala akong nararamdaman. Not unless kung you let other man kiss you na wala kang feelings."

"Of course, not!" Sabi ko rito. "Ikaw nga first kiss ko e!"

Bumakas ang tuwa sa mukha nito. "Really, I am your first? I thought ... e ano si Bernard?"

"He is my bestfriend."

Napabuntung-hininga ito. "Niloko mo ako. Halos mamatay ako sa selos nung sinabi mong kayo. Buti na lang talaga I made up my mind na lumaban. My god, I am jealous for nothing!"

Natawa ako. Nagseselos pala ito?

"I love you, Jonnie. I love you, my Baby."

Para akong nasabugan ng bomba ng marinig ko ang sinabi nito. He loves her! Mahal niya ako!

"Really? You love me?" Tanong ko rito. I need to hear it again! Baka kasi nabibingi lang ako.

"Of course, I love you! Do you think I will do this all kung hindi kita mahal? Napaka dense mo naman, Baby!"

"I'm sorry. I just can't believe na... mahal mo rin ako."

"Silly girl. I love you, okay? I love you ever since. So, nasan na I love you ko?"

"I love you, Jimmy."

"I love you more. Kiss mo naman ako." Sabi nito sabay pikit ng mga mata at pagpapatulis ng nguso nito.

I looked at his face. I still can't believe na mahal niya din ako. Is this dream come true?

"Baby, I am waiting ..."

"Pero baka may makakita sa atin."

"Don't worry, heaveny tinted ito. Now, kiss me."

"Okay, Baby," and I kissed him feverishly. Ano pa ba ang pumipigil sa akin? Mahal ko siya at mahal niya din ako. God, thank you!

------