Chapter 13 - Chapter 13

"Kinakabahan ako..." sabi ko kay Jimmy. Mula nung nagkaaminan kasi kami kanina sa may kotse nito, bigla na lang nitong sinabi na magdidinner kami sa bahay ng mga ito. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Para akong tinadyakan ng kabayo sa dibdib.

"Why?"

"Paano kung hindi niya ako magustuhan?"

"Nino?"

"Ni Tita."

"Malabong mangyari yun. Kaya smile ka na, okay?" Sabi nito sabay kuha sa kamay ko at hinalikan ito. Nagiging habit na nito iyon.

"Tingin mo?"

"Oo nga, bakit ang kulit mo? Kakagatin kita diyan e."

"Hahaha! Baliw ka! Bakit mo ko kakagatin?"

"Kulit mo e."

"Pasensya na. Masisisi mo ba ako?"

"Okay lang, mahal naman kita e."

Natahimik ako sa sinabi nito. Di ko pa rin maiwasang manibago....at kiligin. Napaka outspoken kasi nito sa pagsasabi ng "I love you" sa akin.

"Ahm, Jimmy..."

"Yes, Baby?"

"May tanong ako."

"Ano yun?

Hindi ko alam kung itutuloy ko pero I think I need to know the truth. Matagal ko ng iniisip ito e.

"Bakit iniwan mo ako nung nag confess ako sa'yo noon? Bakit bigla kang nawala noon? Bakit ganun?"

Time naman nito na tumahimik. Siguro hindi nito inaasahan na tatanungin ko iyon sa kanya.

"Kailangan ko ba talagang sagutin yan? Ang mahalaga, alam mong mahal kita. Ang mahalaga, magkasama na tayo ngayon di ba? Hayaan mo na yung nakaraan, okay?"

Tumango na lang ako sa sinabi nito kahit nga sa totoo lang, sa kaloob-looban ko, may tanong pa ring gumugulo sa akin.

What are you hiding, Jimmy? Why can't you answer my questions?

--

"Okay, it's now or never." Bulong ko sa sarili ko.

"Ready, Baby? Relax okay?"

Tumango na lang ako sa kanya kahit na nga kinakabahan pa rin ako. Nag doorbell na ito sa pinto at iniluwa nito si Tita.

"Hi, Mom." Bati nito sabay halik sa pisngi ni Tita.

"Hi po, Tita." Bati ko naman dito.

"Hi anak, hi Jonnie. Halika, pasok na kayo." Sabi nito at nauna na ito sa loob ng bahay. Iginala niya ang mga mata. Wala pa ring nagbabago sa loob nito. Ganoong ganoon pa din ang itsura. Naramdaman kong hinawakan ni Jimmy ang kamay ko habang papunta kami ng kusina.

"Jimmy, baka makita ni Tita..." bulong ko rito habang inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak nito.

"E ano naman? Okay nga iyon."

Hinayaan ko na lang ito sa trip nito. Bahala na nga ito.

"Oo nga pala anak, sakto dito na kayo kumain ng hapunan. Kare-kare ang ulam. Paborito mo. Ika din Jonnie, dito ka na kumain." Aya nito sa kanila ng bigla itong mapatingin sa kamay nilang magkahawak. Hindi ako halos makatingin dito dahil hindi ko rin alam ang irereact.

"Anak, mukhang may ikukwento kayo sa akin. Pero sige mamaya na, doon muna kayo sa salas at ihahanda ko lang yung lamesa."

"Sige po, 'Ma. Si Daddy, nasan?"

"Nasa office pa siguro. Sige hala, doon na kayo. Jonnie, feel at home ha?" Taboy nito sa kanila. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon dito.

"Halika na, Baby." Aya ni Jimmy sa akin habang pabalik kami sa salas. Binuksan nito ang tv na at nagscan ng pwedeng mapapanood habang ako naman ay nandito sa kabilang upuan.

"Bakit nandiyan ka?" Tanong nito sa akin.

"Bakit, may mali ba sa pwesto ko?" Sagot ko rito.

"Wala. Pero bakit ayaw mo kong tabihan?"

"E sa ayoko e. Saka nakakahiya..."

"Paanong nakakahiya? Baby, magboyfriend-girlfriend na tayo. Walang mali kung magkatabi tayo."

Natahimik ako sa sinabi nito kasi tama naman kasi talaga ang sinabi nito. Ang problema nga lang, di talaga ako sanay...pa.

"Ayaw mo kong katabi pero doon sa Bernard na yun kung makayakap ka wagas."

Tumaas ang kilay ko sa narinig ko rito. Nagseselos ba ito?

"Jimmy..."

"O!"

"Baby Jimmy...."

"Ano nga ..."

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko rito sabay lapit rito. Nakasimangot ito at ayaw tumingin sa mukha ko kaya ako na ang gumawa ng paraan, hinawakan ko na ang dalawang pisngi nito.

"Bitawan mo ko ... doon ka sa Bernard mo."

Natawa ako sa inakto nito. Asarin ko ngang lalo. Haha.

"Gusto mo ba? Pwede naman." Sabi ko na natatawa-tawa. Nanlaki ang mata nito at biglang humarap sa akin.

"Seryoso ka? Iiwan mo ko dito?"

"Hahahahaahaa! Nakakaloka ka! Hahaha"

"Sige, tawa lang. Porket alam mong..."

"Alam kong ..." pagpapatuloy ko sa sinasabi nito.

"Porket alam mong patay na patay ako sa'yo, ginaganito mo ako. Sige, okay lang, ganyanin mo ako. Porket nakuha mo na katawan ko..."

Pinagpapalo ko ito sa braso ng marinig ko ang pinagsasasabi nito.

"Siraulo ka! Pinagsasasabi mo diyan! Marinig ka ng Tita!"

"Hahahahaha" hindi mapigil ang tawa nito. "I really love it kapag napapablush kita, Baby."

"Hindi 'to blush. Gigil ito!"

"Kung anu-ano pinagsasasabi nito. Kapag ako di pumasa kay Tita, yari ka sa akin talaga!" Banta ko rito.

"Bakit? Gusto mo ba talagamg pumasa kay Mama?"

"Siyempre!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Di ba dapat obvious yun kung bakit?"

"Hindi e. So, bakit nga gusto mong pumasa kay Mama?"

'Kasi ..."

"Kasi .... ano nga Baby? Tagal naman sabihin. Ganito, tulungan kita. Ang dahilan niyan ay dahil sa three words."

"Three words?"

"YES! It starts with I and ends with you. Com'on wag na mahiya, say it."

"I... hate you?" Pang-aasar niya rito.

"Nyek! Hindi naman yun iyon e!"

"Jimmy! Jonnie! Handa na ang pagkain!" Narinig kong tawag sa amin ni Tita galing kusina.

"Sige po, Tita. Papunta na po!" Tumayo na ako para pumunta sa kusina ng pigilan ako ni Jimmy, "Bakit?"

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko..."

"May tinatanong ka ba?" Maang-maangan kong tanong.

"Sige ganyan ha. Okay lang. Di naman matatapos ang gabing ito na di mo yan nasasabi sa akin."

"Tingnan natin." Sagot ko sabay lakad papuntang kusina.

---

"Kamusta ka na, Jonnie? Tagal na nating di nagkita ah." Tanong sa akin ni Tita. Ibinaba ko muna ang kutsara at inihinto ang pagkain para sagutin ito.

"Ayos naman po ako Tita. Kayo po?"

"Naku eto, tumatanda na. Hahaha"

"Okay lang po, Tita. Hindi naman po halata e."

"Hahaha! Itong batang ito o, binobola pa ako!"

"Naku Tita hindi po. Totoo lang po na, napakabata po ninyong tingnan."

"Sige na nga. Anyway anak, bakit nga pala magkasama kayo ni Jonnie?" Tanong nito kay Jimmy. Bumaling si Jimmy sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay sabing, "Kami na po, Ma."

Tinignan ko ang mukha ni Tita at hindi halos makahinga sa paghihintay ng sasabihin nito.

Is it a yes? a no? Maybe?

"Okay." Sagot nito. Napaisip ako sa sinabi nito. Okay? Oo ba yun o hindi?

"Okay? As in okay, Ma?" Narinig kong tanong ni Jimmy. Siguro, pareho kami ng naiisip nito.

"Okay... and congratulations! At last!"

"So, wala kang problema sa amin ni Jonnie, Ma?" Tanong ni Baby, este ni Jimmy.

"Why should I? Alam kong ang tagal mo nang gusto si Jonnie. Sa wakas, kayo na." Nakangiting saad nito.

Lumapit si Jimmy sa pwesto nito at niyakap ito. "Thank you, Ma..."

Tinawag ako ni Jimmy upang lumapit sa pwesto nila at ginaya ko ang ginawa nito. Niyakap ko si Tita sabay sabing, "Salamat po Tita at tanggap ninyo po ako."

"Ano ka ba namang bata ka! Nasubaybayan na kitang lumaki ano kaya alam kong mabuti kang bata. Bale ikaw na lang magpasensya sa anak ko ha. Kapag pinaiyak ka, sumbong mo sa akin." Mahabang sabi nito.

Napangiti ako sa sinabi nito. So wala na talaga kaming problemang dalawa. Ang saya, hehe.

"Opo, Tita. Susumbong ko po talaga siya haha"

"Hay naku, Ma. Baka ako pa ang paiyakin niyan. Porket alam niyang patay na patay ako sa kanya, binubully niya ako, Ma." Pagsusumbong nito na parang bata.

"Totoo ba iyon, Jonnie?"

"Hindi po Tita ah," sabi ko habang nanlalaki ang mga mata at pinadidilatan ng mga ito si Jimmy. "Huy, baka maniwala si Tita! Kailan kita binully, aber?"

"Kanina! Di mo nga masabi yung pinapasabi ko sa'yo kanina e..."

Tinignan ako ni Tita, "Ano ba pinapasabi sa'yo ng anak ko, Jonnie? Mahirap ba?"

Si Jimmy ang sumagot rito, "Hindi Ma. Napakadali lang naman ng sasabihin niya e, "Jimmy, I love you..." yun lang Ma hindi niya masabi. Ang akit akit!" Pagpapatuloy nito habang tila sinusuntok ang dibdib nito.

"Hindi naman pala mahirap Jonnie e. Dali na, sabihin mo na. Di ka titigilan niyan sinasabi ko sa'yo."

Tinignan ko si Tita pati na rin si Jimmy. Nakita ko sa mga mata nito hint of amusement na para bang sinasabing, "sabi ko sa'yo e, sasabihin mo din sa akin yung I love you..."

Tinignan ko ulit si Tita na para bang hinihintay ang anumang sasabihin ko. Sige na nga.

"I love you."

"Ano? Di ko marinig?"

"I love you kako!" Sabi ko na medyo pasigaw na.

"Ma, galit siya oh."

"Naku Tita hindi po. Okay, eto na ha... Jimmy, I love you. Okay na?"

"I love you, too." Sagot nito. "Ang sweet ng girlfriend ko Ma ano?"

"Oo na. Puro kayo kalokohan. Sige na kung tapos na kayo kumain, iwanan na ninyo ako dito. Iniinggit ninyo lang ako e. Matawagan nga ang Daddy mo ..."

"Naku Tita ako na po magliligpit." Alok ko rito.

"Naku, wag na. Kaya ko na ito. Doon na kayo sa sala at alam kong maglalandian pa kayo." Taboy nito sa amin. Sinunod naman namin ito at pumunta sa sala.

"Sabi ko sa'yo di matatapos ang gabing ito na hindi mo nasasabi iyon sa akin e." Pang-aasar nito sa akin.

Inirapan ko ito. "Oo na, panalo ka na."

"I love you, Jonnie."

"I love you too, Jimmy."

---