ACHI POV
"So, bagong lipat kayo rito?" Tanong ng katabi ko nang makaalis si Principal Santos sa classroom namin.
Napatingin ako sa aking katabi. Isang babaeng may nunal sa pinakagitna ng ilong ang nakangiting nakatingin sa akin. She has this long brown wavy hair. She's actually pretty and her smile is so charming.
"I'm Lydia, by the way." Pakilala nito at nilahad niya ang kanyang kamay habang nakangiti parin.
Nagdalawang isip pa ako kong tatanggapin ko ba ang kamay nito o hindi. Pero in the end, tinanggap ko ito.
"I'm Achi." Pakilala ko and we shook our hands. Ako ang unang bumitaw at umayos ng pagkakaupo. Wala paring teacher kaya napakaingay ng buong classroom. Maingay ang mga lalaki na naglalaro sa likod, at maingay din ang mga babaeng nagchichikahan din sa harap.
"You never answered me, Achi." Napalingon ulit ako sa aking katabi at nagtatakang napatingin sa kanya.
"Ano ba tanong mo?" Tanong ko.
Bigla itong ngumiwi. "Okay ka lang ba? Pero I asked you if bagong lipat kayo rito sa Esperanza."
Napatango ako bilang sagot ko. "Pasensya na. Medyo naninibago lang ako." I reasoned out. Kahit hindi talaga ako sure kong bakit hindi ako makafocus sa paligid ko.
"Ay, I get you. Ganyan din ako noong nagdecide akong lumipat sa Section C. Pero this section are the best. Masyadong wala nga lang teacher na gusto magturo sa atin dahil sa magkapatid na Rosenbloom." Aniya saka pasimpleng tumingin sa likod. Tapos dumikit sa akin.
"The one who laughed at you earlier and the guy who came in late, those are the Rosenbloom twins. They're fraternal twins which is the reason why the don't really look alike. May pagkakahawig, pero hindi talaga magkamukha." Bulong nito sa akin na parang masyadong big deal ang dalawang tao na kinukwento nito.
I tried to look like I am not interested, pero deep inside napakainteresado ako sa dalawang lalaki na nasa likod namin. Lalo na sa lalaking nagngangalang Magnus Cale.
"The one who laughed at you is Argus Cole, the eldest of the twins. While you know Magnus Cale." Pagpatuloy nito. Hindi na ako nagtanong dahil halata sa mukha ni Lydia na handa siyang dumaldal tungkol sa magkapatid na Rosenbloom. Wala rin namang teacher kaya hinayaan ko na siya.
Mas lalo niyang nilapit ang upuan nito sa akin at hinila ang damit ko at bumulong lalo. "But you know what that its really weird that Cale is 20 minutes late today. He's never been late for his whole high school life. And...." Bigla itong huminto sa pagsasalita at sumilip sa likod. Tapos tumingin ulit ito sa akin. "He said he's waiting for someone. Like sino? Cale would never wait for someone. Not over his hot sexy body. Kaya sobrang weird niya ngayon. Ngayon lang siya naging weird ng ganito. Unlike his twin brother who is already weird since the beginning of time."
Hindi ko alam ang itutugon ko sa sinasabi ni Lydia. I never met the Rosenbloom in my whole entire life. Ngayon lang. Kaya I don't know how weird for him to be late and wait for someone. Hindi ba dapat normal iyon sa isang tao?
Palage nga akong late noon, at palage akong may hinihintay noon.
Well, that was before though.
Mas nagiging madaldal si Lydia for the next couple of minutes. Hinayaan ko lang. Nag-enjoy rin akong makinig sa kanya. Pero hindi na niya naikwento ang tungkol pa sa magkambal.
When the first period ended, may teacher na pumasok for the second period. Naging tahimik na rin si Lydia at seryosong nakikinig sa lesson.
Habang ako ay hindi masyadong makapagfocus sa pakikinig sa guro na nasa harapan. I can feel the stare of Cale. Hindi ko alam kong bakit niya ako tinitigan. I never know him. Wala akong matandaan na nakilala o nakita ko siya somewhere. Ngayon lang. Dito lang sa Esperanza.
Though I remember his stares a week ago from the gasoline station, but that just it.
I tried to ignore his stares, though he's behind me. And focus on just listening. Or maybe, I'm focusing on pretending to be listening. The next two hours was hell for me, but I tried myself ignoring him.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ang morning period.
"Sabay tayong pumunta sa cafeteria, okay?" tumango ako sa sinabi ni Lydia at tumayo na mula sa pagkakaupo. Sinukbit ko ang bag sa aking balikat at naglakad na palabas ng classroom. Mas lalo akong nakahinga ng maluwag nang hindi ko siya maramdaman na sumunod sa amin.
Ngumiti ako kay Lydia dahil nagk-kwento na naman ito, pero parang hindi pumapasok sa isipan ko ang mga sinasabi niya hanggang sa maka-order kami ng lunch namin.
"You know what, you look so awkward with your own action. What's up with you?" nagtatakang tanong ni Lydia na pinagtaka ko rin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. How come I become awkward with my own actions?
Uminum ako ng tubig, at nagsimulang sumubo ng pagkain. Muntikan na akong mapangiwi nang maalala ko na pasta lang pala ang inorder ko.
"See? You've ordered pasta yet you look like you're not used eating pasta for lunch. Saka naiilang ka sa sarili mo. Your actions tell me like you are acting differently from the real you." komento nito na nagpatigil sa akin sa pagkain.
Napatitig ako kay Lydia. I never thought someone wouldn't notice. But she did. Masyado siyang observant sa bawat kilos ko at nahuhulaan niya kong umaakting lang ako o hindi. And yes, she's right. I don't eat pasta for lunch. I'm not calm and my actions are not serene and proper. Hindi rin ako sanay na tahimik.
Kahit na wala akong pakialam kong nasaang lugar ako at hindi ako naiilang kong nasaan ako, pero naiilang ako sa sarili kong galaw.
"Naninibago lang siguro ako." mahinang sagot ko. I bit my lip, then I forced myself to eat the pasta that I ordered. Why the hell did I ordered pasta? -,-
"Naninibago saan? Sa paglipat niyo rito sa Esperanza?" tanong nito, nahimigan ko na ang pagiging curious nito sa buhay ko.
"Maybe." maiksi kong sagot.
"Well, I never been in your position so maybe you're just not feeling the new place. But you'll get it over soon then you'll be fine. You'll never feel awkward at yourself anymore."
Tumango lang ako. Though I appreciate her optimism, I didn't say anything at all. If I'm still in Manila and she's one my of closest friends, maybe we are now talking some crazy things and laughing. But our conversation halts when we started focusing on our lunch.
Ilang minuto ang lumipas at biglang bumukas ang pinto ng cafeteria. Malakas ang pagkakabukas noon na kinabigla nang lahat. Everyone look at the door and I found myself looking at Cole who's now dragging someone helplessly.
Napatayo ako sa nakita ko. Pati si Lydia ay napatayo rin.
"Ano na naman ang ginawa ni Diego?" narinig kong tanong ng isang estudyante. Napatingin ako sa lalaking hinihila ni Cole. Duguan ito at bugbog sarado na ang mukha.
What the hell did he do?
"Oh noes. Diego did it again." napalingon ako kay Lydia.
"What did Diego do to be in a state like that?" tanong ko.
That new face name Diego looks like a mess. Putok ang labi at namamaga ang mukha. Sobrang kawawa niya tingnan. Pero wala akong naramdamang awa. Hindi ko alam pero hindi ko magawang makaramdam ng awa sa lalaking hinihila ni Cole.
I should pity that poor Diego, but my old instinct tells me that he deserves it.
Everyone gasped when Cole let go of Diego and kick him in the face.
"Goddamit, Diego! Do I need to fucking kill you just to tell who's behind all those crazy stunts that are happening right now in this campus?!" galit na galit na saad ni Cole. Lumuhod ito at kinuwelyuhan si Diego. "Tell me, motherfucker. Sino pang mga kasabwat mo!?"
"Did something happened?" mahinang tanong ko kay Lydia. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Lydia sa akin at humawak sa aking braso.
"Something is actually happening inside the campus since the first day of school." mahina ring sagot nito. Napatingin ako kay Lydia. I'm taller than her and she's only about 5 feet I guess. Hanggang balikat ko lang siya. Kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Pero hindi takot mula sa ginagawa ni Cole, kundi sa ibang bagay. At hindi ko alam kong ano iyon.
Ano naman ang nangyayari rito para bugbugin ni Cole ang lalaking hawak hawak nito ngayon?
Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Naramdaman ko rin ang takot ng ibang estudyante. May iba naman na mukhang wala lang, pero naramdaman ko ang pagkainip. Hindi ko nga alam kong para saan.
Binalik ko ulit ang tingin sa aking harapan, kung nasaan si Cole at iyong lalaking nagngangalang Diego.
Diego spits blood to Cole's face. Napamaang ako. Lalo na mabasa ko sa mukha nito ang gustong ipahiwatig sa kanyang ginawa.
Ganyan na ganyan din ang ginawa niya. He did it the same to me. My jaw clenched. Naikuyom ko ang aking kamay.
"Well, you asked for it." mahinang saad ni Cole at malakas na sinuntok si Diego na kinawalan nito ng malay.
Hinintay ko na may dumating na security guard o kaya mga teachers para saklolohan ang walang malay na si Diego at pagalitan ang galit na galit na si Cole, pero walang dumating.
What the fuck is this school? Wala ba silang pakialam sa mga nagbubugan sa loob ng campus?
Tumayo si Cole at humarap sa aming lahat. Ngumisi ito ng nakakaloko saka pinasok ang dalawang kamay sa kanyang mga bulsa. "Sigurado naman alam niyo na kong ano ang kinahihinatnan niyo kong hindi kayo titigil sa kalokohan niyo." kalmadong saad nito.
Hindi ko alam kong sino ang tinutukoy nito pero mukhang tinutukoy niya ang mga kasabwat na sinasabi niya kanina. Mga kasabwat ni Diego sa kalokohan. Pero anong klaseng kalokohan para humantong sa ganito?
Nagulat ako ng biglang lumingon si Cole sa akin at ngumisi lalo. "Hindi niyo naman siguro siya gagalitin diba?" bigla nitong tanong.
Walang sumagot. Hindi rin ako sumagot. Alam ko na hindi ako ang tinatanong nito kahit sa akin ito nakatingin.
Teka, sinong magagalit?
He chuckled like a sane person who just came from the mental. "I hope you wouldn't let him get mad, especially the ones he's waiting for is here." dagdag nito saka naglakad palabas ng cafeteria.
Naramdaman ko ang pagkawala ng tension ng buong paligid nang tuluyang makalabas si Cole. May mga lalaking dinaluhan si Diego at bumitaw na rin si Lydia mula sa pagkakahawak sa akin.
"Oemgee. Did something bad happened again?" tanong ni Lydia sa kanyang sarili tapos biglang humarap sa akin. "And Cole said, huwag siya galitin kasi nandito na ang hinihintay niya. Like, sino ba talaga ang hinihintay niya?"
"What are you talking about?" nagtataka kong tanong dahil para siyang ewan na nakatingin sa akin. I can imagine how her brain is trying to figure out the thing that just happened. I want to figure out that too, but I promised to myself that I will avoid any trouble once I leave Manila. So kahit na alam ko na may gulo na nangyayari sa school na'to, I shouldn't stick my nose to it and just let them be.
Wala naman akong kinalaman sa gulo na nangyayari kaya labas na ako rito. I should just focus to my studies just like what Papa said.
Bigla akong hinila ni Lydia palabas ng cafeteria. Mabuti nalang nagawa kong makuha ang bag ko bago niya ako tuluyang mahila.
When we reached the library, we went directly to the farthest part of the room. Binitawan ako ni Lydia nang marating namin pinakudulo ng shelves. "Stay here, I'll just get a book." saad nito saka mabilis na umalis at pumunta sa kabilang shelves. Wala naman akong nagawa kundi ang maghintay nalang.
Napatingin ako sa mga libro na nakalagay sa shelves. I look up above to see what kind of section I am right now and my brows raised when I read the three words.
"Myths and Legends." I read aloud.
Hmmm. Interesting. The whole shelves contain a lot of collections about myths and legends. I scan one part of the shelf and one thick book caught my attention. Walang nakasulat sa gilid ng libro kaya kinuha ito sa lalagyan.
Mas lalong tumaas ang aking kilay na mabasa ko sa mismong front covers ng libro.
"Lycaon, King of Arcadia."
I know what this book is and I am familiar with the term of Lycaon. Hindi naman ako masyadong inosente para hindi alam kong ano ang pinakafamiliar na term nito.
Werewolf.
Binuklat ko ang libro at binasa ang nasa first page.
The werewolf is a mythological animal and the subject of many stories throughout the world—and more than a few nightmares. Werewolves are, according to some legends, people who morph into vicious, powerful wolves.
But they are not just mythical creatures. They are the creatures of the night. Lycaon is the King of Arcadia and known to be the first werewolf in history. Before he becomes a wolf, he tried to trick Zeus, the king of the gods, into eating human flesh. When he failed, he turned into the most creature of the night .
Lycaon descendants are still out there. Dressing like a human, blending in with humans. When the full moon rises from the sky, they turn to the most dangerous creature of the night. With Lycaon bloodline, they are the most unkillable creature and the immortal ones.
"Ano iyan?" Muntikan na akong mapatalon ng biglang sumulpot si Lydia sa harap ko. Naisara ko agad ang libro at napahawak sa aking dibdib.
"Jeez! You almost give me a hard attack!" reklamo ko habang hawak hawak parin ang aking dibdib.
Tangina! Nagulat talaga ako ng bongga. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang lalabas na ito sa aking dibdib.
Napakunot ang noo ni Lydia ng nakatingin sa librong hawak ko. "How did you get that?" tanong nito.
"Dito." sagot ko at tinuro ang bakante kong saan ko kinuha ang libro. "Bakit?" nagtataka ko namang tanong dahil binitawan nito ang hawak niyang libro at kinuha ang libro na hawak ko.
"This book should not be here. Why is it here?" tanong nito sa sarili.
"I'm not sure, Lydia. Nakita ko lang iyan dito. Saka bakit hindi dapat nandito yang libro na'yan? This place is a library, where books can be found. So normal na nandito ang libro na'yan. Unless, someone owns it." saad ko na puno rin ng pagtataka sa sarili.
"Yes, and only one family owns this book."
"Who?"
"The Rosenbloom."