A very disturbing howl breaks the silence between Cale and I. Masyado na itong malakas at nakakapangilabot pakinggan. Hindi na ako magtataka kong lahat ng mga tao na nakatira sa Esperanza ay mag-alsa balutan na dahil sa narinig.
"Ganyan ba talaga maggrowl ang isang alpha?" tanong ko.
"No." maikling sagot nito. Tumingin ako ito sa akin ng seryoso. Nawala na ang pagkagulat sa kanyang mukha. Pero ramdam ko parin na hindi parin nagbabago ang kulay ng aking mga mata.
And I can see my own reflection from Cale's werewolf eyes. My silver eyes still showing. It's glowing like a lightning.
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. I concentrate and focus on hiding the monster within me. Alam ko na kapag natriggered ulit ako, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. My lust for killing will be back again.
Ilang sandali pa ay ramdam ko na bumalik na sa normal ang kulay ang mga aking mata kaya ako dumilat ulit.
Nilingon ko ang lalaking kasama ko. He looks different from being the normal human being. His transformation is also different from what I remember from the stories about werewolves. Dapat magfull transformation siya, iyong mukhang lobo talaga. Iyong mukhang hayop. Pero hindi.
Cale transformation is not that I can say that is complete. His body is still human, but he has claws, he has a fur from his face down to his chest and arms and he almost has a wolf face with fangs and yellow eyes.
I averted my gaze. His presence is making me shiver. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag ganito siya kalapit sa akin. I shakes my head and clenched my fist.
Whatever this feeling is, I should not let my guard down. Getting fooled once is enough.
Umalis kami ni Cale sa bahay. Nakasakay ako sa sasakyan nito habang binabaybay namin ang daan papunta sa kung saan. Hindi ako nagtanong dahil alam ko naman na pupunta kami sa lugar kung saan hindi ako mahahanap ng taong lobo gusto mahanap ako.
Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasan mangamba sa pwedeng mangyari. Alam ko naman na kaya kong protektahan ang sarili ko, kaso ayoko lumabas ang balita tungkol sa akin.
My father and I tried to forget what happened to me a few years ago. We tried to start a new life though it was not possible. Forgetting is actually easy, but the outcome of that tragedy changed our life on a whole different level. Kapag may nakaalam tungkol sa akin at sa kakayahan ko, baka bumalik na naman yung dati. Kahit pa sabihin ko na patay na ang taong nasa likod ng pagkagulo ng buhay ko, hindi ako pwedeng magpakampante.
I killed him, but I know I didn't kill all his underlings. They might be planning to take me back again and that's what I don't what to happen.
"Penny for your thoughts?" napalingon ako sa aking katabi na magsalita ito. Saglit din itong napatingin sa akin. "Masyadong malalim ang iniisip mo." dugtong nito.
Tumango ako. "I am just thinking."
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay ni Cale na dumapat sa aking legs. Napatingin ulit ako sa kanya.
"I know this is a lot to take in, Achilles but this is real. We are real. This is not just some fiction joke or what. And maybe this is hard to believe..." pinutol ko ang pagsasalita nito sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanyang kamay na nakapatong sa aking hita.
"I already told you, Cale. You as a werewolf is not a big deal for me. Siguro nagulat ako na malaman na totoo talaga ang mga kwento tungkol sa lobo, bampira at kung ano pa diyan pero hindi iyan ang iniisip ko." medyo nagulat ako sa paraan ng pagsagot ko sa kanya. I answered him calmly but I can feel my heart beating loudly.
Medyo naguguluhan na ako sa nangyayari sa sarili ko. He's presence is making me act like I am not me. Simula noong makilala ko sila, nag iba na ang kilos at pananalita ko. As if I am close with them for so long. Especially, Cale. Para lang ako nakikipag-usap sa isang matalik na kaibigan.
Iyong promise ko sa sarili ko na hindi magpapadala sa kahit sino mang gusto maging malapit sa akin ay unti-unting naglalaho.
Kaso hindi rin ako nakapag isip ng matino ng biglang pumutok ang gulong ng sasakyan ni Cale. Mabilis na nagpaikot-ikot ang sasakyan namin bago ito malakas na sumalpok sa isang puno. Mabuti na lang ay nagawa akong yakapin ni Cale. Kasi kung hindi ay baka tumalsik na ako palabas ng kotse. Hindi pa naman ako nagsuot ng seatbelt.
I can feel Cale's heartbeat. Ramdam ko ang takot at pag-alala sa puso nito habang mahigpit itong nakayakap sa akin.
"Sht!" he cursed bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
Napamura rin ako sa aking isipan at napatingin sa kanyang mga mata na nagkukulay yellow na. Unti-unti na namang nagbago ang mukha nito.
He shifts in front of me and his anger is slowly rising. Hinawakan ko ang magkabilang braso nito at paulit-ulit na sumisigaw sa isipan ko na kumalma siya dahil hindi nakakatulong ang galit sa dibdib nito dahil sa nangyari. Para naman akong natulala na nakatingin sa kanya na parang naririnig ko ang iniisip ni Cale.
'I'm calm down, Achilles. You need to calm down too. '
We are now both staring at each other's eyes. Hindi ko magawang umiwas sa pagkakatingin niya sa akin na parang natameme ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin habang naririnig ko ang sinasabi nito sa kanyang isipan.
I cursed inside my head.
Did he hear my inner thoughts who is shouting at him to calm down?
And he just answered.
'Yes, I can clearly hear your thoughts right now Achilles.'