Chereads / His Achilles Heel (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

ACHI POV

Kumunot ang noo ko na napatingin kay Lydia. I am not surprised knowing that Rosenbloom owns this kind of book. But I am curious why Lydia is so serious looking at the book right now.

"This book should not be here. We need to return it to Cole right now." natataranta nitong saad. Tatalikuran na sana niya ako nang mahawakan ko siya sa braso.

"Teka lang, Lydia ah. Nalilito na ako. Ano ba ang meron sa libro na'yan at kailangan isauli agad kina Cole? That book is obviously fictitious. Don't tell me, Rosenbloom are werewolves kind of family?" biglang nanlaki ang mga mata ni Lydia sa sinabi ko. I shakes my head. "Seriously? Who would ever believe that werewolves exist?" dugtong ko at saka ko sinukbit ng maayos ang bag ko.

Sakto naman na tumunog na ang bell as a sign na tapos na ang lunch break.

"Mauuna na ako. If you want to return the book, go ahead."

Napabuga ako ng hangin ng makalabas ako ng library saka napailing. The way I talk to Lydia is somewhat rude. Napatigil pa ako sa paglalakad dahil gusto ko balikan si Lydia sa loob para humingi ng paumanhin, kaso biglang tumaas ang pride ko at hinayaan nalang. I continued walking until I reach my room.

Naging tahimik ang afternoon period. Tahimik lang si Lydia na nasa tabi ko at mukhang may malalim na iniisip. The Rosenbloom twins are absent, but it looks like the teacher doesn't mind their absence at all.

Hindi ko nalang din pinansin at nakinig nalang sa teacher namin.

"Miss Dominguez?" napatingala ako mula sa pagkakayuko at napatigil sa pagsusulat nang marinig kong tinawag ang pangalan ko.

"Po?" nagtataka kong tanong.

"Do you play sports?" tanong nito na kinagulat ko.

"Eh, bakit po ma'am?" tanong ko ulit. May ideya na ako kong bakit niya ako tinanong kong naglalaro ako. Pero nagtanong parin ako. If I'm still the same girl who lived in Manila, I would reject it right away even though she's not asking me to join yet.

I played soccer until Grade 9, but I stopped playing when my life starting to become sour. Hindi ko na rin ginusto maglaro ulit dahil sa nangyari noon. At kahit pa nagbabagong buhay na ako, wala na rin akong plano maglaro ulit.

"I need new player and you look like you can play anything." Napakamot ako sa aking batok dahil sa sinabi ng teacher namin.

Napalingon ang ibang kaklase ko sa akin. Napangiti ako ng tipid. "Pasensya na po, hindi po ako naglalaro." mahina kong sagot.

Napuna ko agad ang paglungkot ng mukha ng teacher namin. "Oh, okay. I understand." mahina ring saad nito bago niya kami dinismiss.

Napabuga ako ng hangin ng makalabas ang last teacher namin for today. Nagsialisan na rin ang mga kaklase ko.

Napatingin ako sa aking katabi at nakatulala parin si Lydia. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa inakto nito.

Kinalabit ko siya na naging dahilan para magising siya mula sa pagkakatulala. Napalingon siya sa akin at ngumiti. Napakunot ang noo ko. She's acting weird. What's up with this girl?

"Uuwi ka na?" tanong nito, masaya ang boses nito at mukhang wala lang sa kanya ang nangyari kanina.

"Oo.. Uhm, okay ka lang?" tanong ko. I can't explain her sudden change of moods. Parang hindi ko tuloy alam kong pagkakatiwalaan ko siya. It seems like she is hiding something, and it scares me to trust again.

She smiled. "Oo naman." Tumayo ito at kinuha ang bag nito saka tumingin ulit sa akin. "Gusto mo gumala muna?" nagulat ako sa tanong nito. Hindi ko inaasahan na yayayain niya ako. Lalo na after ko siyang tinarayan at iniwan kanina sa library.

"Uhmm. Sige." nagdadalawang isip kong sagot. But Lydia just smiled. Then bigla na naman akong hinila palabas ng classroom.

Hindi ko alam bakit nagpahila nalang ako kay Lydia. I would never let anyone do this to me. Ako pa siguro iyong nanghihila. Pero ngayon, mukhang nabaliktad na ata ang mundo ko.

I stop Lydia from dragging me when we almost got passed the parking lot.

"Bakit? Maiiwan na tayo ng tricycle. Limited pa naman ang tricyle papuntang downtown." saad nito. Akmang hihilahin niya ulit ako nang mapaatras ako. Napataas ang kilay nito na napatingin sa akin.

Napakamot ako sa batok ko. "Ugh, I brought my car here." I said then I pointed to my Jeep Wrangler who is just meters away from us.

"Oh, that's yours pala?" gulat nitong sabi. "Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong nito na nakangisi na saka hinila na naman niya ako palapit sa sasakyan ko. Napailing lang ako.

Grabe. Hindi ko alam kong anong klaseng gamot tong iniinum tong babaeng kasama ko. She's so hype, and I can't keep up. Palage pa siyang nakangiti. Napatanong ako sa sarili ko kong bakit siya pa ngayon ang nakasama ko sa unang araw ko rito?

In the end, wala akong nagawa kundi pumasok sa kotse. Binuksan ko ang nasa passenger seat para makapasok si Lydia. When she get inside, malaki ang ngiti na nakatingin sa akin.

"Can you stop smiling?" hindi ko mapagilang masabi. Tunog mataray na naman ako. Pero imbes na tumigil sa kakangiti si Lydia ay mas lalo lang itong ngumisi.

Napabuga nalang ako ng hangin saka ko pinaandar ang sasakyan.

"Okay, I picked 5 uniforms for you and 2 sets of P.E uniform." Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin kay Lydia. She's holding 5 sets of uniforms and 2 sets of P.E uniform.

Nandito kami sa tindahan kung saan binebenta ang mga school uniforms nang buong school dito sa Esperanza. Kakapasok lang namin 15 minutes ago at nandito ako ngayon sa may pinto ng store dahil kakatapos ko lang kausapin si Papa.

"Bakit lima? Saka alam mo ba ang sizes na kasya sa akin?" tanong ko at tiningnan ang mga pinili niya para sa akin.

Kumuha ako ng isang uniform at tiningnan ko ito ng maigi. Hindi masyadong malaki, hindi rin masyadong maliit.

"Why don't you try to wear it to check if it fits?" Lydia suggested. Napabuga na naman ulit ako ng hangin saka ko kinuha sa kanya ang mga pinili para sa akin at pumunta sa may dressing room.

Sinuot ko ang limang uniporme at dalawang sets ng P.E uniform at napapataas lang ang kilay ko na magkasya lahat iyon.

Sobrang saya pa ni Lydia nang makita niya ako na nagkasya ang mga pinili niya sa akin. Hindi ko na pinatulan pa masyado ang pagiging masaya nito at binayaran lahat ng binili ko.

Pumunta naman kami ng Gaisano Mall. Eto lang ang mall na mayroon sila rito pero may tatlong palapag ito. May sinehan sa loob, malawak na grocery store, foodcourt, department store at arcade. Marami rin mga iba't ibang klaseng tindahan at may mga fastfood chains pa.

Sinamahan lang din niya ako bumili ng running shoes, at mga school supplies. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang korean restaurant para magdinner.

The dinner was smooth. Madaldal parin si Lydia. Nakikitawa ako pero hindi ko magawang maging masaya. The more I talk to her, the more I feel the guilt. Nasasaktan din ako. Gusto kong magwalk out at iwan siya, kaso ayoko maging rude sa kanya. Lydia Trinidad is actually a good friend. Kahit ramdam ko na may tinatago siya, alam ko na mabuti siyang tao.

Almost 8 PM na rin kaming natapos kumain. Gusto ko na sana umuwi kaso nag-aya si Lydia na pumunta sa may plaza. Gusto ko rin tumanggi, pero hindi ko magawa dahil sa ngiting pinapakita ni Lydia sa akin.

Napabuga lang ako ng hangin nang makalabas si Lydia sa sasakyan at dumiritso sa may swings.

Medyo konti lang ang mga tao na nandito ngayon sa plaza. Mostly mga matatanda at mga bata. Walang masyadong teenagers na kagaya namin.

Umupo ako sa isang bench, nasa harapan ko lang si Lydia na nag-eenjoy sa swing. Napangiti lang ako nang mapatingin ako sa kanya.

I actually envy her. She seems so happy and free. Mukhang wala siyang iniisip na problema. She looks like she's hiding something tho, but I don't think its not normal. May tinatago rin naman ako, at mas mabigat ang sekreto na tinatago ko. Mukha ngang wala lang sa kanya iyong sekreto na pilit nitong tinatago.

Napatigil sa pagduduyan si Lydia. Nanlaki ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumayo ito at nagmadali itong lumapit sa akin.

Magtatanong na sana ako ng may maramdaman akong kakaibang lamig sa likod ko. Agad ko nilingon kong sino ang tinitingnan ni Lydia.

Kumunot ang aking noo nang makita ang limang lalaki naglakad palapit sa amin. The 4 of them are wearing black button down polo and black slacks. But the guy in the middle is wearing a white button down polo and black slacks. They have pale skin that glows under the moonlight.

"What are you doing here, Allester?" kinakabahang tanong ni Lydia. Hinahawakan ko agad ang kanyang kamay dahil nanginginig ito habang kunot parin ang noo na nakatingin sa limang lalaki na nasa aming harapan.

The guy smirked, then flashes a big smile. Halatang nagugustuhan ang takot na pinapakita ni Lydia.

My brows raised when I noticed something from the guy named Allester.

He's got a fangs. He's got a freaking fangs!

Humigpit ang pagkahawak ko sa kamay ni Lydia at mukhang napansin niya iyon dahil humigpit din ang hawak nito sa akin.

"This is entertaining." may halong pangungutya na saad ng lalaking nasa harapan namin. Siya lang ang ngumisi habang ang apat na kasamahan nito ay tahimik lang at walang kareak-reaksyon.

"What do you want?" nanginginig na tanong ni Lydia.

The guy smirked again. Saka dahan dahang lumalapit sa amin. Gusto ko sana umatras pero mas hinigpitan ni Lydia ang pagkakahawak sa akin. Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

Actually, hindi ako natatakot kong bampira man ang kaharap ko ngayon or what. I'm just afraid of trouble that I might encounter. Dahil hindi naman nakakatakot ang makaharap ang isang bampira, totoo man o hindi. I've already experienced hell, and this is nothing to me.

But Lydia makes me feel I need to be scared, not for myself but for her.

Nilingon ko ang lalaking nagngangalang Allester at tinitigan siya na walang emosyon. Napataas ang kanyang kilay pero unti unti ring kumunot ang kanyang noo na napatingin sa akin.

"Interesting..." mahinang saad nito na dinig parin namin.

"What do you want?" ako naman ngayon ang nagtanong. Malalim ang boses ko at may halong banta.

"Ohh, you are a tough one." tugon nito, malayo sa tanong ko. The he instantly moved like a wind. Napakurap ako. Damn! He is indeed a vampire! Tangina, may igaganda pa ba ang paglayo ko?

Kinalma ko ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Napansin ko ang pagkonti ng mga tao sa plaza, halos nagsisuwian na. Kami nalang ata ang naiwan. Mas lalo kong naramdaman ang panginig ni Lydia, napamura ako sa aking isipan.

Hindi ko alam kong saan siya pumunta. Masyadong mabilis ang galaw nito. Parang hangin, at walang tunog. Pero noong may maramdaman akong malamig na hininga sa aking likod ay agad ko nabitawan si Lydia at mabilis na hinarap ang lalaking nasa likod ko.

Mukhang nagulat ang lalaki sa mabilis kong paggalaw. I smirked. His eyes got widened. Bago pa siya makabawi sa pagkakagulat ay mabilis ko siya sinuntok sa mukha.

Napaatras siya dahil sa malakas kong pagsuntok. Lalapitan ko na ulit siya ng marinig ko ang tili ni Lydia.

Natataranta akong napatingin kong saan ito at para akong nanlamig ng makita si Lydia na hawak ng isang lalaking nakaitim. Nakahawak ito sa kanyang leeg at nakalabas ang pangil nito, mukhang handang handa na kagatin ang leeg nito.

I cursed. Why did I even punched that guy Allester without thinking that he got someone with him? At hindi ko man lang naisip si Lydia. Tangina!

Damn, my impulsive acts!

"Do you think you can handle me?" narinig kong tanong ni Allester na nasa likod ko.

Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam kong kaya ko ang isang kagaya niya. But he's a freaking a vampire. I should be freaking out right now but what I did is punched him.

Napailing ako. What happened to me 2 years ago really changed me. I can control my aggression but I can't control my impulse. My emotions are somewhat hollow and empty. Hindi ko magawang magulat, at matakot ng sobra.

Napapikit ako ng maramdaman ko na nasa mismong likod ko ang bampirang si Allester.

Hah! Vampires! I didn't even know that they really exist. But what do I know? I even exist. I miraculously survived from the incident that happened 2 years ago.

"Interesting... I can smell how sweet your blood is." I flinched when I feel his touch on my neck. Para akong nandiri sa paraan ng paghawak niya sa akin. Gusto ko siya bigwasan pero natatakot ako sa pwedeng gawin ng mga kasama kay Lydia.

I bit my lip. Biglang kumabog ng husto ang puso ko. Bigla itong naghaharumentado. Hindi dahil sa takot, kundi sa kakaibang emosyon na rumagasa sa sistema ko.

Nagulat nalang ako ng malakas na tumilapon ang lalaking nakahawak kay Lydia. Sunod sunod ding nagsilabasan ang iilang kalakihan na hindi ko kilala at mabilis na kinorner ang natirang tatlong bampira.

Paglingon ko, wala na si Allester sa likod ko.

But a pair of light brown eyes met mine. Nakakunot ang noo nito at ramdam ko ang galit mula sa mga mata nito. Pero imbes na matakot sa nakakatakot nitong aura ay mas lalo lang naghaharumentado ang puso ko.

Napasinghap ako ng mabilis itong lumapit sa akin at marahan na pinunasan ang leeg ko na hinawakan ni Allester.

"W-what are y-you..." hindi ko natapos ang itatanong ko nang nilagay niya ang hintuturo nito sa aking labi.

Kumunot ang aking noo, pero biglang nanlaki ang mga mata sa sumunod na nangyari.

Naramdaman ko ang paglapat ng malambot nitong labi sa labi ko. Saglit lang iyon, pero biglang lumipat ang labi nito sa aking leeg kong saan hinawakan ni Allester.

Biglang nanghina ang tuhod ko, mabuti nalang ay nasalo niya agad ako kung hindi ay baka dumaosdos na ako sa lupa.

Pero tangina!

Did Magnus Cale Rosenbloom just kissed me?