Chereads / His Achilles Heel (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

ACHI POV

Werewolves. Vampires. I didn't actually think before that they really exist. But it didn't shock me about their existence either.

Even though I am already aware of their existence, I can't deny to myself that I am hella scared right now.

Napatingin ako sa aking harapan at napamura ako ng malakas nang makita ang lalaking nagmukhang lobo na hinahabol ang sasakyan ko na umaandar paatras.

The guy is not really turning into a real wolf. His body is human but his face is a werewolf; with sharp fangs, bloody red eyes and he got claws in his hands.

Malakas na huminto ang aking sasakyan nang lumanding sa bubong ng aking Jeep ang lalaking lobo.

"Fuck! Not my jeep!" utas ko at mabilis ko kinuha ang dalawang trailing point knife na nakatago sa dashboard ng aking sasakyan.

Narinig ko ang pagtalon ng lobo mula sa bubong ng aking Jeep pababa. I immediately got of of the car. Hindi ko na pinansin ang panganib na pwede kong maharap. I'm scared but my adrenaline is kicking in that I can't run away to save my life.

I heard an angry growl from my back, at sa paglingon ko ay agad itong sumugod sa akin. Mabilis akong tumagilid at sinipa siya ng malakas sa tagiliran.

Galit itong napatingin sa akin. He growled and attack me again. I dodge his attacks, trying to avoid his claws. But he is so fast and so strong that he is able to scratch me in my stomach. I grunt because of the pain.

I took a step back. Napahawak ako sa aking tiyan na nagdurugo. Medyo malalim ang pagkakasugat niya sa akin. At hindi ko alam kong maghihilom ito agad o hindi. I heard werewolf bites and claw marks are fatal. It's either it will turn you to one of them or it'll kill you. I hope, none of the above.

Napatingala ako para tingnan ang letseng lobo na umatake sa akin, pero wala na ito sa paligid.

Fuck! He's playing with me and I hate playing with a werewolf like him.

Sinabi ko na sa kanila na lubayan ako, pero ano tong nangyayari ngayon? Why am I being a target now? Do I look like a food to them?

Hinanda ko ang sarili ko sa susunod na atake. I ignore the pain that I am feeling right now. Hindi dapat ako magpatalo sa lobo na iyon. I've experienced hell and it's much worse than this. I can't be defeated by a werewolf.

I can feel myself burning like there's something within me trying to escape. So I let it all out. Hinayaan ko maramdaman ang mainit na bagay na unti-unting umuusbong sa sistema ko.

When I heard a little noise, mabilis kong pinaikot sa aking mga kamay ang dalang trailing point knife na hawak ko. Saka ako tumumbling para maiwasan ang mabilis na pag-atake ng lobo sa akin. I landed on his back kasabay ng pagbaon ng dalawang kutsilyo sa kanyang likod.

He groaned in pain saka ako umalis sa kanyang likod at mabilis siyang sinipa. Malakas na bumagsak ang lobo. His werewolf face slowly fades and he turn to a full human again. Pero kumunot ang aking noo na makilala kong sino ito.

"Diego?"

No! He's not the one who attacked me earlier. The one who attacked me is bigger than him and got red bloody eyes.

But Diego eye's is yellow.

Kaso huli na ang lahat nang marealize ko kong anong nangyari. Napasinghap ako ng maradaman ko ang matulis na pangil sa aking leeg. Mas lalo akong napasinghap ng mas dumiin ang pagkakagat nito sa akin.

Mabilis akong bumagsak sa lupa ng bitawan ako ng lobong kumagat sa akin kasabay ng paghawak ko ang aking leeg. I tried to stop myself from bleeding, pero alam ko na sobrang daming dugo ang umaagos mula sa aking sugat sa leeg. I got bitten and this is so bad.

The werewolf bites makes me weaker, nanghihina akong napahiga sa sahig ng daan habang nakatingin sa lobong kumagat sa akin. Ngumisi ito nang maramdaman niya na mas lalo akong nanghina.

Pero bago ako mawalan ng malay, narinig ko ng malakas na ulolong ng isang lobo.

I don't know who's the one growling, but I feel Cale's anger and scream.

-

I heard it again. The sound of the machine, and some people whispering about me.

I feel it again. The water. The pain. Myself floating upside down.

Pilit kong imulat ang aking mga mata, pero masyadong mahina ang aking katawan. I tried to move my hand and legs, but I can't. I feel like I'm stuck....again.

Where I am? Nasaan ako?

"She's regaining her consciousness. She's responding Doc."

Agad ko naimulat ang aking mga mata nang marealize ko kong nasaan ako. I find myself floating inside a big glass cage full of water. I saw my own reflection from the glass and I am naked. Fully naked.

Fuck! Why am I here again? Bakit nandito ulit ako sa impyernong to?

May mga tubo na nakasabit sa aking buong katawan. Mayroon din sa aking bibig. Pilit kong tinanggal ang tubo na naka-inject sa aking leeg at sa iba pang parte.

When I finally did it, tinanggal ko rin ang tubo sa aking bibig.

"Let her sleep again!" rinig kong sigaw ng lalaking nakaitim. The same fucking guy who made my life a living hell!

Malakas kong sinuntok ang glass na naging dahilan para mag-crack to.

I know I killed him 2 years ago! Pinatay ko na siya pero bakit buhay parin siya? Bakit nandito na naman ulit ako sa impyernong laboratoryo na ito?

I can't be a fucking rat again. Hindi ako papayag na pag-eeksperimentuhan na naman niya ako. My life will never become normal because of him.

Paulit ulit kong sinusuntok ang glass cage hanggang sa magdugo na ang aking kamao. Pero hindi ako tumigil hanggang sa magiba ko ang glass cage na kinaroroonan ko.

Isang malakas na pagkabasag ang yumanig sa buong laboratoryo kasabay nang pag-agos ng tubig mula sa glass cage kasama ako. Naramdaman ko ang pagbaon ng isang matulis na bagay sa aking tiyan. Pero hindi ako nakaramdam ng sakit. Mas nakaramdam ako ng galit nang makitang tatakas ang lalaking nakaitim na kinamumuhian ko.

Mabilis akong tumayo at sinundan ang lalaki. Hindi ko na pinansin ang aking hubong katawan. All I could think of is to kill that fucking man.

Nang maabutan ko ito, ay mabilis ko siyang sinuntok na kinatumba nito. Dinaganan ko siya at pinagsusuntok sa mukha.

"You should die! Die! Die! Die!" Galit kong sigaw habang paulit-ulit na tumatama sa mukha nito ang aking kamao.

I know I am in a dream, but this feels so real. Alam ko na itong lalaki na pinagsusuntok ko ay matagal ng patay. I killed him with my own bare hands.

Pero pakiramdam ko ay bumalik ako nakaraan. Ang nakaraan na nagpabago ng buhay ko. Ang nakaraan na nagnakaw ng pangarap ko sa buhay. Pati na rin ang mahal ko sa buhay.

Nang mapagod ako kakasuntok ay napasigaw ako sa inis at tumayo. Pagkatapos ay yumuko ulit at pinatayo ang lalaki. Malakas ko siyang sinandal sa pader at sinuntok ulit sa mukha.

But the guy just smirk on me.

"Do you think you've already killed me?" Tanong nito na may halong pang-iinis. Hindi ako sumagot, mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo nito.

"Oh, Achilles. You never know how much you prove to me that you're still stuck with me."

"Shut up! I killed you! Pinatay na kita! Kaya tumahimik ka!" Galit kong sigaw at sinuntok ko ulit ang mukha nito. His face is so messed up because of the punches I give him.

"You're not alive! You're dead! Patay kana!" Sigaw ko ulit pero tumawa lang ang lalaki. Pagkatapos ay bigla niya akong dinuraan. Tapos tumawa ulit na parang baliw.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong mahawakan sa leeg at sinakal. Hindi ko inaasahan na makakagalaw siya pero eto ako ngayon, nakakulong sa mga kamay niya.

"Yes, Achilles. I am dead. But I will always be alive inside your head." He whispered then he bit my neck that made me screamed.

-

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Napatingin ako sa paligid at nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako.

Kinapa ko ang parte ng aking katawan kong saan ako nakagat at naramdaman ko ang bandage na nakaikot sa aking buong leeg.

Hinahabol ko parin ang aking hininga. Nanginginig ang aking katawan at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

A nightmare.

Akala ko bumalik ako na nakaraan. Akala ko buhay pa ulit siya. Akala ko.....

Biglang bumukas ang pintuan at natatarantang pumasok si Lydia. I can see how worried she is when she came close to me.

"Omygad! You're awake!" She exclaimed. Nanlalaki ang mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay. "How are you feeling? Wala bang masakit sa'yo? Nagugutom ka ba?" Sunod sunod nitong tanong.

Napangiti ako. God. I miss this freaking lady.

Hinawakan ko pabalik ang kanyang kamay. "I'm fine." Sagot ko at lumilinga linga sa paligid.

Hindi nga pamilyar ang kwartong kinalalagyan ko. The room is big and it doesn't look like Lydia's room because of the interior design.

Itim halos ang kulay ng buong kwarto. The other color is only white. At tanging ang kama na kinahihigaan ko lang ang tanging puti.

This is a man's room.

"Nasaan ako?" Tanong ko.

Imbes na sumagot si Lydia ay tumingin ito sa may pintuan. Ilang sandali pa ay pumasok ang lalaking tanging naalala ko bago ako mawalan ng malay kanina.

Nakasuot ito ng itim na v-neck t-shirt at ripped jeans. His hands are on his pockets and his eyes are darker than the usual. Halatang galit na galit ito. Pero hindi sa akin.

Lumapit ito sa may kama, sa left side ko. Habang si Lydia ay nasa right side ko.

Napansin ko ang paglambot ng expression nito nang mapatingin ito sa aking leeg pero agad din bumalik ang galit nito.

His silence is making me want to run away from him. Natatakot ako sa klase ng presensya nito. Nakakatakot dahil parang may nagwawala na naman sa aking sistema.

"Cale, she's bitten." Lydia broke the silence that makes me remember what happened before I passed out.

Kinapa ko ang aking tiyan at naramdaman ko rin na nakabandage rin ito. I also realize that I'm wearing a white dress, a sleeveless dress.

"Anong gagawin natin, Cale? She is now his first beta." Napatingin ulit ako kay Lydia nang magsalita ito.

"We'll wait." sagot ni Cale na kinalingon ko nito.

"Wait. What are you guys talking about?" Medyo nalilito kong tanong. Mas lalong hinigpitan ni Lydia ang pagkakahawak nito sa aking kamay.

The way she's acting right now makes me nervous. Parang may nangyayari na hindi ko alam. Well, may alam ako tungkol sa klaseng sitwasyon na kinabibilangan ko pero feeling ko may mga bagay parin akong hindi alam.

"We need to tell her the truth, Cale. Siya nalang ang walang masyadong alam dito sa lugar na'to." Saad ni Lydia.

"Okay. I'll tell her myself." Maiksing tugon naman ni Cale.

Tumango lang si Lydia at biglang tumayo saka naglakad palabas ng kwarto. Pipigilan ko na sana siya ng may biglang sumabog sa loob ng aking tiyan.

Napasinghap ako at napahawak sa aking tiyan.

"Are you okay?" Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Cale at ang maingat na paghawak nito sa aking likod. Napatingin ako sa kanya at may biglang sumabog na naman sa loob ng aking katawan.

Napasigaw ako hindi dahil sa sakit kundi sa tension na nangyayari sa aking mismong katawan.

"What the fuck is happening to you, Achilles?" Natatarantang tanong ni Cale.

Bigla ko siyang tinulak at mabilis na tumayo. Medyo nahihilo ako pero pinilit ko na makatayo ng maayos.

"I need to go home." Mahina kong usal. I tried to make a step forward when there's another explosion happened inside my body.

Malakas na bumagsak ako sa kama dahil sa lakas na pagsabog na iyon.

"Fuck, Achilles! Anong nangyayari sa iyo?" Hindi ko siya pinansin at pinilit na tumayo ulit. Pero pinigilan na ako ni Cale. "Stop forcing yourself to move. Just tell me what is happening." Nahimigan ko ang matinding pag-alala nito.

Hinawakan ko ang damit nito saka pinilit na tumayo ulit. Pero nagmura lang ulit ito at binuhat ako. "Tell me what you want, just let me hold you and I'll do whatever you need."

"I need to take my medicine.. "

Hindi ko na alam kong ano ang nangyari basta naramdaman ko nalang ang sarili ko na buhat buhat ni Cale. His arms are so strong but he is careful while carrying me.

Sinakay niya ako sa kanyang sasakyan at mabilis naming narating ang bahay namin. When we arrived, he carried me again.

Hindi ko na pinansin kong paano niya napasok ang bahay namin dahil napakahightech nito. Maybe he has my electronic keys. Pero hindi ko na masyadong pinansin iyon.

The explosions inside my body continues. Hindi ito masakit pero nagugulat ako kapag may sumasabog. Parang may nakabaong hindi ko mabilang na bomba sa aking katawan na kada sampung minuto ay sumasabog.

Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ni Cale habang karga ako papaakyat sa kwarto ko. Ramdam ko rin ang sobrang pag-aalala nito.

When we reached my room, maingat niya akong hiniga sa kama.

"Tell me, where's your medicine?" Tanong nito na natataranta. Umiling ako at pinilit na tumayo.

Hindi na niya sana ako papatayuin ng biglang napasigaw ako ng malakas dahil sa napakalakas na pagsabog sa aking katawan. If it is a real bomb, the whole house will explode too. Pero napatalon lang katawan ko sa sobrang lakas nito, na naging dahilan para maitulak ko rin ng malakas si Cale.

Nang mahimasmasan ako ay mabilis akong tumayo at pumunta sa aking walk-in closet. Sumunod si Cale sa akin.

I opened the unused drawer and a keyboard pops out.

"What the hell are you doing, Achilles?" Hindi ko siya sinagot at nagtipa sa keyboard.

I hit 'Enter' after I typed the passcode then the secret closet opens up.

A couple of guns, different kind of knife and daggers showed up. Mayroon ding glass window cabinet na puno nang mga vial na naglalaman ng asul na likido. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kumuha ako ng isang vial at mabilis ko itong ininum.

Pagkatapos ko maubos ang laman vial ay malakas akong bumagsak sa sahig. Agad na umalalay sa akin si Cale at binuhat niya ako pabalik sa aking kwarto at hiniga sa aking kama.

My nerves calm down. Unti unti ring nawawala ang tension sa loob ng aking katawan. Bumabalik na rin sa normal ang paghinga ko pati na rin ang pagtibok ng aking puso. Marahas kong tinanggal ang bandage sa aking leeg at tinapon ito sa kong saan.

Napatingin ako kay Cale. Nagtatanong ang mga mata nito. Alam ko naging curious ito sa ginawa ko. Lalo na sa nakita sa closet ko.

Dahan dahan kong inangat ang aking kamay at hinaplos ang kanyang mukha. I am not sure why I am doing this but this is what I want to do when I see him again. At ngayon, nasa tabi ko na siya. Nakatingin sa aking mga mata.

Napangiti ako. "You're a werewolf right?" I asked out of nowhere. Kahit alam ko na sa sarili ko na isa siyang lobo.

Pero ewan ko ba. Gusto ko parin siya tanungin. Hindi para sa isang kompirmasyon kundi para marinig ko mismo sa kanyang labi ang totoo.

"Yes, I am a werewolf." Sagot nito.

I smiled. I am actually a fan of mythical creatures. Especially werewolf. But never in my entire life I believe on their existence. Nagbago lang ang pananaw ko nang may mangyari sa akin at marinig nang kong anu-ano tungkol sa mga lobo, bampira at kong ano pa. Then I met them, my werewolf classmates.

Naramdaman ko na ang pag-epekto ng gamot. Unti-unti na rin akong nilalamon ng antok. Kaso pinilit ko parin ang sarili ko na magsalita para sabihin sa kanya ang gusto sabihin mula sa nangyari sa akin kanina.

Kaso hindi na ito natuloy dahil naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nito sa aking labi.

Then everything went dark.