ACHI POV
Maingat akong bumangon sa kama nang magising ako. Tumingin ako sa gilid kong nasaan nakalagay ang digital clock.
It's 12:07 pm, Monday.
I never expected to fall asleep for 2 days. Siguro, malakas talaga ang epekto ng gamot na iyon. First time kong magamit ang liquid medicine ko and first time ko ring atakihin ng ganoon. For sure, maraming nakalistang katanungan ang hinahanda ng kambal na Rosenbloom pati na rin si Lydia.
At eto ang iniiwasan ko simula noong lumipat dito. Ang kwestyunin ang nakaraan ko.
Lumabas ako ng kwarto. Bumaba mula sa second floor at naglakad papuntang kusina. Pero bumagal ang paglalakad ko nang may marinig akong ingay mula sa kusina. May naamoy rin akong masarap.
Wait! Nandito na si Papa?
Mabilis kong pinasok ang kusina para salubungin si Papa. Pero imbes si Papa ang maabutan ko na nagluluto, ay ibang tao ang naabutan ko. Nakasuot ito ng jersey shirt na may nakaprint na pangalan sa likod. May mga pagkain na nakahanda sa kitchen table at may isang pitsel pa na juice.
"Cole?"
Napalingon sa akin si Cole habang may hawak pa na sandok.
"Gising ka na!" masayang saad nito saka lalapit sana sa akin para yumakap pero umatras ako.
Mukhang napansin naman nito ang aking pagkailang sa ginawa at umatras din at napakamot sa kanyang batok.
He looks so handsome with his attire even though he is just wearing a jersey shirt and cotton shorts. May apron din itong suot. Nakatsinelas at nakangiti na nakatingin sa akin. Ibang iba siya sa kakambal nito na sobrang seryoso ang mukha.
"Anong ginagawa mo rito? Wala bang pasok? Saka paano ka nakapasok dito?" sunod sunod kong tanong dahil nalilito ako sa nangyayari. Walang basta basta makapasok sa bahay na'to.
Pero nakapasok si Cale rito noong sabado ng gabi habang inaatake ako. Kaso paano?
"Walang pasok ngayon. At saka ako ngayon ang nakatoka na bantayan ka. At may susi si Cale sa bahay mo kaya nakapasok ako. Oops! Iyong niluluto ko!" sagot nito pero agad na napatakbo dahil sa iniwan nitong niluluto.
Napakunot lang ang noo ko. Paanong may susi si Cale sa bahay ko? Saka nasaan ba si Papa? Hindi pa rin ba siya uuwi?
I need to call him.
Aalis na sana ako ng marinig kong magsalita si Cole.
"Cale and Lydia will be here soon. We'll talk about what happened last Saturday night."
I didn't answer and just left the kitchen. Hindi ko rin naman alam kong ano sasabihin ko. I mean, what happened last Saturday night was crazy. Inatake ako ng lobo, at inatake rin ako. Tapos ngayon, nandito ang kambal sa pamamahay ko. May ibabaliw pa ba ang aking buhay?
Bumalik ako sa kwarto ko at naisipang maligo. Pagkatapos kong maligo ay tinawagan ko si Papa. But he's not answering. Nagr-ring lang ang phone nito at walang sumasagot. Medyo kinabahan na ako dahil hindi ganito si papa noon. If he would leave the house, he will still call me to know where he was. Pero ngayon, ni isang text o tawag o wala.
Napaupo ako sa aking kama na nanginginig ang kamay. Nakaramdam ako ng takot.
Hindi pwedeng may nangyaring masama kay Papa. Siya nalang ang natira sa buhay ko. I can't lose the only family I have right now.
*knock knock*
Napatigil ako sa pagtipa ng text para kay Papa nang may marinig akong katok. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka si Papa ang kumakatok. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pintuan.
I was disappointed when I opened the door. Dahil hindi naman si Papa ang kumakatok, kundi si Lydia.
"You're really okay! Thank God!" mabilis akong niyakap ni Lydia. Napabuga lang ako ng hangin.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ulit nito ng humiwalay ito sa pagkakayakap.
"I'm fine." maikling sagot ko. Napansin ko ang pagkatitig niya sa aking leeg na agad ko hinawakan. "Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Kaso umiling lang si Lydia at hinila na ako pababa papunta sa dining area. Naabutan namin ang magkambal na nag-aayos ng table. Cole just smiled at me saka ito umupo sa right side ng table.
Napatingin naman ako sa kakambal nito na tahimik lang na naupo sa tabi ni Cole. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at seryosong nakatingin lang sa pagkain na nakahanda.
"Kain na tayo." aya ni Cole at nagsiupo naman kami ni Lydia sa hapag.
Walang naupo sa kabisera. Kaharap ko si Cole at katabi ko naman si Lydia.
Napakatahimik ng buong hapag. Kahit sanay ako sa tahimik, nawiwirduhan ako sa katahimikan na dala ng mga kasama ko. Halatang may tensyon sa paligid namin na ako lang ata ang walang pakialam.
When I finished my food, tumikhim ako. Matiim kong tinitigan ang dalawang lalaki sa harap ko. Especially si Cale. Ramdam ko naman kasi na may gusto silang sabihin sa akin pero mukhang nahihirapan sila kong saan magsimula.
I mean, what's so hard explaining about their life as a werewolf? Hindi naman ako inosenteng tao para magfreak out sa totoo nilang anyo.
"So? How's life being a werewolf?" panimula ko na kinabigla nila. I asked them calmly and without humor. I can't joke about it tho because I know, being different is somewhat dangerous and not funny at all.
"Why are you not freaking out knowing about them, Achi? Bakit kalmado ka lang?" nagtatakang tanong ni Lydia. Huminga ako ng malalim.
"Are you not a werewolf then?" tanong ko. Umiling naman ito. "Then if you're not a werewolf, what are you then? And don't tell me you didn't freak out when you found out about them?" dugtong kong tanong sabay tingin sa kambal.
"Lydia is special and a daughter of a great seer in town. But she freak out when she found out about us. Kahit siguro hindi normal na tao tapos malaman nila na may mga lobo kang kasama ay mag-ffreak out parin dahil sino nga bang maniniwala ngayon? We're living in the 21st Century already. Werewolves and seer even vampires should not exist anymore." Cole reasoned out. Naging seryoso na rin ang hitsura nito.
"So you expect me to freak out just because I am seating with werewolves right now, ganoon ba?"
"Hindi naman sa ganoon, Achi. Kaso, nagtataka lang din naman kami kung bakit kalmado ka lang." depensa ni Lydia.
"And now you are bitten of the new alpha in town." Napataas ang kilay ko nang magsalita si Cale.
"The worst scenario is that, tonight is the full moon." dugtong naman ni Cole na mas lalong kinakunot ng noo ko.
Naalala ko ang nangyari noong Sabado. Noong makagat ako ng hindi ko kilalang letseng lobo na umatake sa akin. Tapos si Diego na nagawa kong saksakin.
And I remembered all the fiction story about werewolves. About the full moon and their bites even their claw marks that will either turn you into one of them or will kill me.
Kaso buhay na buhay ako ngayon, magaling na ang aking mga sugat.
Wait. Are they thinking that I will be?
"No! I will not turn to a werewolf!" bulalas ko bigla na kinatayo ko. I cursed inside my head because of the things I remember about what happened to me last 2 years ago.
"How can you be so sure? Nakagat ka, Achilles! A werewolf bites will either kill you or make you one of us!" saad ni Cole na tumayo na rin.
Umiling ako. I'm sure na hindi ako magiging lobo. Pero natatakot ako sa nangyari.
Kaso bakit ako matatakot? I know, I already killed him. Hindi na niya ako magugulo pa. Hindi na!
Napatay ko na siya! Kung mangyari man ang sinasabi niya noon, alam ko na hindi na niya ako magagalaw pa!
Napansin ko ang pagtayo ng mga kasama ko. Unang lumapit sa akin si Cale. Hahawakan na sana niya ako pero agad ako umiwas.
"Why are you pushing that I will turn into a werewolf? Bakit siguradong sigurado kayo?" medyo naiinis ko nang tanong. Kasi kahit hindi man lang nila masyadong sinasabi ay ramdam ko ang pag-aalala nila na magiging lobo ako.
"Because you were bitten, Achi! Iisa lang ang patutunguhan kapag nakagat ka ng isang lobo tapos nabuhay ka pa. Gumaling din agad ang sugat mo sa leeg at sa tiyan. Sa tingin mo, hindi totoo ang mga kwento tungkol rito?" sagot ni Lydia.
"Kaya kayo nandito? Ganoon ba?"
"Hindi lang dahil doon, Achilles. The one who bit you is the one who killed our father, the former alpha." nagulat ako sa sinagot ni Cole.
At ngayon ko lang napansin ang mga mata nito na nagluluksa. Lalong lalo na si Cale na tahimik lang.
"Anong ibig niyong sabihin?" nalilito ko nang tanong. "Wait. Your father was killed by the one who bit me? Paanong?"
"Mahabang kwento, Achi. Ang mahalaga ngayon ay ikaw." sagot ni Lydia.
"Yeah, hindi pwedeng makalapit ang gagong iyon sa'yo." saad naman ni Cole na nanggalaiti na sa galit.
Tumingin naman ako kay Cale. Ramdam ko ang galit sa puso nito. Ramdam ko ang puso nito na tumitibok ng husto hindi lang dahil sa galit kundi sa sakit na nararamdaman nito. He's in pain because of his father's death. At naiintindihan ko siya.
I've felt his pain, because this is the kind of pain that I experience when my mom and brother died.
"Teka, anong kailangan ng gagong alpha na umatake sa akin? Papatayin ba niya ulit ako?" tanong ko bigla. Biglang umusbong ulit ang kuryusidad sa katawan ko.
Hindi man ako nagulat sa nangyayari ngayon, ay marami parin akong katanungan. I'm not used of being in this kind of situation. Iyong sitwasyon na hindi kapani-paniwala.
But who am I kidding, I've experienced hell. Bakit parang hindi parin ako nasanay?
"You're his first beta as an alpha, Achilles. Dahil ngayong gabi ay full moon, ang una mong full moon, he will do everything to have you."
"But what if I will not turn into a werewolf, what happens then?"
"That's what we will find out." sagot ni Cale saka ako hinawakan sa kamay. "But I want you to find him." dugtong nito na kinataas ng kilay ko.
Ano naman ang gusto nito? Hanapin ko ang lalaking kumagat sa akin?
"Cale, kailangan ba talagang si Achi ang maghanap sa kanya?" medyong iritado tanong ni Lydia. "Muntikan na siyang mapatay ng lalaking iyon! Paano kong totohanin na niya ngayon!"
"Lyds, only Achilles has a connection with that asshole Mikael and Cale should be the alpha not him! Kaya wala tayong choice kundi si Achilles ang maghanap sa kanya."
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Cale sa akin dahil sa sinabi ni Cole. Hindi makapaniwala sa narinig.
"So gagawin niyo rin akong bitag? Wow ah! Talagang naniniwala kayo na magiging lobo ako at may connection na ako sa letseng lobong iyon?! Para ano, maghiganti?" hindi makapaniwalang saad ko sa kanila.
Gusto ko na sila pagtatadyakan, pero alam kong magiging mahirap lang iyon at magiging magulo dahil mga lobo ang dalawang lalaking kaharap ko.
"He killed my father, Achilles! You don't know how it feels to have someone you love be killed in front of you!" utas ni Cale na kinabigla ko.
Biglang umusbong ang galit sa puso ko dahil sa sinabi nito.
"Sa tingin mo ba hindi ko pinagdaanan iyan!? I've watched my mom and brother died infront of me! Wala akong nagawa noong pinatay sila mismo sa harapan ko! Sa tingin mo, alam mo rin ang pinagdaanan ko, ha?!" napahawak ako sa dibdib ko. Sinapak ko ito ng malakas dahil bigla akong nakaramdam ng kakaibang init. Parang may kakaibang demonyo na gustong lumabas mula sa katawan ko. "Pag sinabi kong hindi ako magiging lobo, ay hindi talaga ako magiging lobo dahil tangina! Isa na akong halimaw noon pa!"
I walked out after my burst out. Wala na akong pakialam kong ano na ang nasabi ko sa kanila. Wala na akong pakialam kong ayaw nilang maniwala.
If they think I will help them find that fucking alpha who killed Cale's father, hinding hindi ko gagawin iyon dahil natatakot ako sa pwede kong magawa.
Ayoko na magkatotoo ang sinabi ng demonyong lalaki na pumatay kay Mama at Kuya. Ayoko na tuluyan na ako mawalan ng kontrol sa buhay ko.
Ang gusto ko nalang ngayon ay mamuhay ng normal.
Kaso paano? Paano ako mamumuhay ng normal kong may dalawang lobo sa pamamahay ko?
Nagising ako ng may marinig na malakas na alulong. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ko at pagpasok ni Cale na hinihingal.
He still looks like human but his eyes are different. Nagkulay yellow ito. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso nito.
"Are you okay? Wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong agad nito ng makalapit.
Hindi agad ako makasagot dahil may narinig ulit kaming umalulong. Kumunot lang din ang noo ko nang mabilis na umalis si Cale sa harap ko at sinara lahat ng aking bintana. He's showing his werewolf speed and I can say I am impressed.
"He's near. We need to leave your house for a while." saad nito sabay hila sa braso ko. Agad ko ito binawi na nakakunot ulit ang mga noo.
"Kagigising ko lang Cale ah. Wag mo akong apurahin ah!" medyo naiinis kong sabi.
"There's no time, Achilles. If he finds you and you won't join him, he might kill you for real." pagod ko siyang tiningnan.
"He won't. Trust me. Nakatsamba lang siya noong Sabado. Pero hindi ako papayag na mapuruhan ulit ng gagong iyon."
"Why are you so sure that he won't hurt you huh!?" medyo nagulat ako sa pagsigaw ni Cale.
Nanlaki rin ang aking mga mata nang makita kong paano siya nagtransform sa mismong harapan ko. Humaba ang pangil nito, pati na rin ang tenga nito at ang mga kuko nito. He just shift infront of me. At hindi ko alam ang kong ano dapat ang maging reaksyon ko.
Imbes na umatras ako palayo sa kanya ay nanatili akong nakatitig sa mukha ni Cale.
If I'm still the innocent girl 2 years ago, siguro matatakot na ako ng tuluyan sa kanya. Pero hindi na ako inosente sa mga imposibleng bagay.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni Cale sa mababang boses. Mabigat ang mga hininga nito na tila pinipigilan ang sarili. "I can easily hurt you right now, Achilles." dugtong nito as he greeted his teeth to control himself more.
Napangisi ako. "Can you?"
Mabilis niya akong nilapitan at sinakal. Naramdaman ko agad ang pagbaon ng matutulis nitong kuko sa aking leeg.
But I didn't feel any pain. Mas nararamdaman ko ang sarili ko na umiinit. Mas lalong nag-enhance ang mga senses ko. Imbes na labanan si Cale para tanggalin ang kamay nitong nakasakal sa akin ay hinayaan ko lamang siya.
"You can't hurt me even if you tried to, Cale." kalmado kong sabi. Hinawakan ko ang kamay nito at mas lalo kong diniinan ang pagkakasakal niya sa akin.
"What the hell are you doing?!" natataranta nitong tanong habang pilit na niyang inaalis ang pagkakasakal niya sa akin. Pero pinigilan ko siya. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya para mas lalong bumaon ang kuko nito sa akin. "Are you trying to kill yourself?! I said stop!!!"
Bumitaw ako sa kanya na agad naman niyang inalis ang kamay nito sa leeg ko. I close my eyes to feel my own blood circulating on its own, healing the wound in my neck.
"What the.... what is happening?"
Binuksan ko ang aking mga mata at alam ko na nagbago na ang mga kulay nito. From brown eyes to silver eyes.
"I told you, Cale. Hindi ako magiging lobo at hinding hindi ako madaling nasasaktan o mamamatay."
"Then what are you?"
"I'm more than a monster."