Chereads / Runaway With Me / Chapter 17 - Anonuevo's Residence 2

Chapter 17 - Anonuevo's Residence 2

~Hapon~

"Jervin?"

Tawag muli ng kaniyang ate mula sa labas ng kanilang cr. Ngunit hindi sumagot ang binata at nagpatuloy lamang sa pag-iyak ng tahimik.

"Malapit na mag ala-una. Diba oras un ng pasok mo? Sorry sa nangyari kanina."

Sabi ng ate ni Jervin sakaniya ngunit hindi pa rin sumasagot ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at naglakad na papalayo. Ilang saglit pa ay tumigil na sa pag-iyak ang binata at saka tumayo na at naghubad para makaligo na. Habang naliligo ay lumulutang ang kaniyang isipan kaya't inabot siya ng isang oras bago matapos maligo. Pagkalabas niya sa kanilang cr ay derederetso lamang siyang naglakad patungo sa kuwarto upang makapag bihis na.

"Jervin, sorry sa ginawa ko sayo kanina."

Pag hingi ng tawad ng kuya ni Jervin sakaniya ngunit hindi ito pinansin ng binata at nagpatuloy lamang ito sa pag-aayos sa kaniyang sarili.

"Ako dapat ang naghahanap ng trabaho ngayon at hindi ikaw. Pagpasensiyahan mo na ako dahil nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa mga kompanyang nirereject ang pag-aapply ko."

Dagdag pa ng kuya ni Jervin sa sinabi niya kanina. Sarkastikong tumawa ang binata sa sinabi ng kaniyang kuya habang naghahanap na ng itim na jacket na gagamitin niya.

"Mga dahilan mo bulok."

Mahinang kumento ni Jervin sa idinahilan ng kaniyang kuya sakaniya habang isinusuot na ang makapal na itim na jacket at saka ang kaniyang bag. Napabuntong hininga ang kuya ng binata mula sa labas ng kuwarto.

"Pasensya na ulit Jervin. Hindi ko sinasadya ung ginawa ko sayo."

Paghingi muli ng tawad ng kuya ni Jervin sakaniya at saka naglakad na papalayo ng kuwarto. Nang marinig na ng binata ang pag sara ng isang pinto ay lumabas na ito sa kuwarto at dali-daling bumaba ng hagdan at lumabas ng kanilang bahay na wala man lang paalam sa kanilang mga magulang o sa kung sino mang nakatatanda sa kanilang pamamahay.

Nang makarating na siya sa sakayan ng bus na patungo sakaniyang eskwelahan ay nakaramdam siya ng pananakit sa dulong bahagi ng kaniyang labi. Nang hinawakan niya ito ay nagdurugo ito. Agad na tinakpan ng binata ang sugat sa kaniyang labi gamit ng kaniyang panyo. Agad siyang sumakay ng bus na tumigil habang tinatakpan pa rin ang kaniyang sugat sa labi.

Noong makasakay ay nakahanap kaagad siya ng mauupuan at saka agad niyang iniabot ang bayad sa kundoktor nang matapat ito sa kaniyang kinauupuan. Habang bumabyahe ay nakatingin lamang ang binata sa malayo habang lutang ang isipan nito. Buong byahe ay ganun lamang ang ginawa ng binata hanggang sa makarating na ito sakaniyang eskwelahan. Dali-dali itong bumaba ng bus at pumasok sa gate ng kaniyang eskwelahan at imbis na pumunta ito sa canteen dahil wala pa siyang kinakain simula nung pagka gising pa lang niya ay dumiretso na sa kaniyang silid-aralan na kung saan ay inaantay na siya ng dalaga. Mayroong sinambit ang dalaga na kung ano at saka tinignan ang kaniyang kaibigan.

"Jervin bilisan mo, kanina pa kita inaantay."

Bulong ni Yvonne sa hangin ngunit narinig pa rin ito ni Jervin kahit nasa pinto pa lamang ito ng kanilang silid-aralan. Masayang tumango na lamang ang binata at dali-daling lumapit sa dalaga at sa kaibigan nito.

"Ano ginawa niyo kanina?"

Tanong ni Jervin kela Yvonne at Melanie ngunit imbis na sagutin ito ng dalaga ay nag-isip ito ng malalim habang hawak ang kaniyang baba. Natawa na lamang ang binata habang ibinababa niya ang kaniyang bag. Natawa na lang din ang kaibigan ng dalaga, napailing at saka tinignan ang binata.

"Wala naman kami masyadong ginawa kanina. Natulog lang 'tong si Tamayo."

Sagot ni Melanie sa tanong ni Jervin sakanilang dalawa ni Yvonne. Agad na tinignan ng dalaga ang kaibigan at napabusangot. Natawa ng bahagya ang binata sa inasta ng dalaga kaya't agad na napalingon muli ang dalaga at saka ngumiti ito sa binata na may halong hiya.

"Oh? Anong nangyari dyan sa labi mo?"

Takang tanong ni Yvonne kay Jervin nang agad napansin na nagdudugo ang labi nito. Nanlaki ang mga mata ng binata at saka hinawakan ang kaniyang labi. Nakaramdam agad ito ng hapdi.

"W-wala lang 'to. Wag mo na alalahanin."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang pinupunasan ang dugo na lumalabas sa sugat sa may labi ng binata. Napabusangot na lamang ang dalaga dahil sa sinagot sakaniya ng binata.

"Masakit ba yan?"

Nag-aalalang tanong naman ni Melanie kay Jervin. Agad na nilingon ng binata ang kaibigan at saka umiling.

"Hindi. Hindi ko nga maramdaman, e."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Melanie. Walang pag-aalinlangang tinapik ng dalaga ang kamay ng binata na may hawak na panyo.

"Aray! Ba't mo ako pinalo?!"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang naguguluhan ito sa inasta ng dalaga tungo sakaniya. Hindi sinagot ng dalaga ang tanong sakaniya ng binata at kinuha lamang ang panyo ng binata mula sa kamay nito at dahan-dahang pinahid ang sugat sa labi nito. Hindi na nakaimik pareho ang binata at ang kaibigan sa ikinilos ng dalaga.

"Leha."

Sambit ni Yvonne habang pinupunasan pa rin nito ang sugat sa labi ng binata. Ilang saglit ay nanlaki ang mga mata ng binata at itinigil na ng dalaga ang pag punas sa labi ng binata habang nakangiti ito.

"Bilib na ako sayo."

Ang tanging nasabi na lamang ni Jervin kay Yvonne. Nginitian lamang ng dalaga ang binata.

"Hindi kayo bibili ng pagkain? O magpapabili lang kayo?"

Tanong ni Melanie kela Jervin at Yvonne. Nagkatinginan lamang ang dalaga't binata at sabay na tinignan ang kaibigan saka nginitian. Sinamaan ng tingin ni Melanie sina Jervin at Yvonne.

"Ano gusto niyo at tsaka wag niyong kalimutan mga pambayad niyo."

Sabi ni Melanie kela Yvonne at Jervin matapos niyang iwasan ng tingin ang dalawa. Lumaki pang lalo ang ngiti ng dalaga't binata at dali-daling kinuha ang kanilang pera sa kanilang bag at saka ibinigay iyon sa kaibigan.

"Resibko sakin tsaka Hasnel. Tig-dalawa."

Sabi ni Jervin kay Melanie habang nakangiti ito sa kaibigan.

"Sakin naman Bomy, Chuknee, Hasnel at Resibko!"

Sabi naman ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti pa rin ito sa kaibigan.

"At pareho pa talaga kayong tig-apat."