~Gabi~
"Yvonne."
Tawag ni Jervin kay Yvonne pagkalabas na pagkalabas pa lang niya sa pintuan ng kwarto ni Beatrice sa tahanan ng pamilyang Tamayo. Agad na napatingin ang pamilya at mag-anak ng dalaga sa binata at hindi umimik nang naglakad na ito papalapit sa dalaga na nakaluhod sa lapag habang hawak ang kamay ng kaniyang lola na nakahiga sa kama at wala ng buhay. Hindi lumingon ang dalaga sa pagtawag sakanya ng binata dahil sobra-sobra ang sakit na nadarama nito ngayon sa pagkawala ng kaniyang lola. Lumuhod na rin ang binata katabi ang dalaga at saka hinimas ang braso nito upang ikomfort.
Hindi na napigilan ng dalaga ang kanyang lungkot kaya't napayakap na agad siya sa binata. Nagulat ng bahagya ang binata ngunit niyakap naman agad nito pabalik ang dalaga. Habang yakap-yakap ang dalaga ay tinitigan lamang ng binata ang lola ng dalaga. Maya-maya pa ay nagkatipon-tipon na ang mga Tamayo sa salas kasama si Jervin. Nanatiling tahimik ang lahat dahil sa pagkawala ni Beatrice.
"Jervin? Tama ba?"
Tanong ng babae na may kababaan ang tangkad, maputi at mahaba ang buhok kay Jervin. Napatingin kaagad ang binata sa babae at saka tumango.
"Bakit po?"
Tanong pabalik ni Jervin sa babaeng tinanong siya kani-kanina lang. Tinignan din ni Yvonne ang babaeng nagtanong kay Jervin at inabangan ang isasagot nito sa binata.
"Ikaw na nga."
Ang tanging nasambit lamang ng babae kay Jervin at nagsimula ng umiyak. Nagtaka ang binata kaya't nilingon niya ang dalaga at saka tinignan ito ng may pagtataka sa kanyang mukha.
"Nagkaron kasi ng pangitain si Mama Beatrice. Nakita niya na nakuha raw ako ng masamang wizard then the only person that can defeat him was you."
Kwento ni Yvonne kay Jervin nang hindi ito nililingon. Tila lalu pang naguluhan ang binata sa sinabi sakanya ng dalaga ngunit hinayaan niya na lamang iyon at hinimas ang balikat ng dalaga.
"Alam mo ba, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong nawala na si Mama Beatrice. Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako ngayon o nagsisisi. Hindi ko madescribe ung nararamdaman ko ngayon."
Sabi ni Yvonne habang nakatulala. Tiningnan lamang siya ng kaniyang mga kamag-anak at ng binata.
"Siguro sa sobrang dami ng emotion na nararamdaman ko ngayon, e, para bang nagmalfunction na ako at parang wala ng nararamdaman na emosyon."
Dagdag pa ni Yvonne sa sinabi niya kanina. Nagsiyukuan na lamang ang mga kamag-anak nito, samantalang nakatulala pa rin ang dalaga. Patuloy namang tinitignan ng binata ang dalaga.
"Bakit ngayon pa kailangang mangyari 'to? Bakit?"
Tanong ni Yvonne at ilang saglit pa ay may luhang lumabas sa kanyang mata at gumapang ang luhang iyon pababa sa kanyang pisngi.
"May rason ang Diyos kung bakit na niya kinuha si mama."
Sagot ng babaeng nagtanong kay Jervin kanina sa tanong ni Yvonne. Biglang tinignan ng masama ng dalaga ang babaeng nagtanong kanina kay Jervin.
"Ano naman ang pesteng rason niya? Bakit niya kinuha kaagad si Mama Beatrice? Ano ba ang gusto niya? Bakit ngayon pa?"
Tanong ni Yvonne sa babaeng nagtanong kay Jervin kanina at may mga luha nanamang tumulo galing sa kanyang mga mata.
"Hindi kita pinalaki para tanungin ang plano ng Diyos!"
Sigaw ng babaeng nagtanong kanina kay Jervin at akmang susugurin na si Yvonne ngunit agad na napigilan ito ng lalaking katabi niya na may kulot na buhok.
"Ma, hanggang kelan ka magbubulag-bulagan? Hanggang kelan ka maniniwala sa Diyos na hindi natin malaman-laman kung tinutulungan ba tayo o hindi? Hanggang kelan ma?"
Naiiyak na tanong ni Yvonne sa babaeng nagtanong kay Jervin na kanya palang ina. Nagulat na lamang ang binata dahil sa narinig nito sa dalaga.
"Kung hindi ka pala naniniwala sa Diyos, bakit ka pa sumasama saamin para magsimba, magrosaryo?! Bakit mo pa rin ginagawa ang mga un kung hindi ka naman pala naniniwala!?"
Galit na tanong ng ina ni Yvonne sakanya habang patuloy pa rin itong pinipigilan ng katabing lalaki na makalapit ito sa dalaga.
"Labas lang ako."
Ang tanging nasambit na lamang ng dalaga matapos niyang tumayo at naglakad na papalabas ng kanilang tahanan. Dali-daling sinundan naman ni Jervin ang dalaga.
"Bumalik ka rito, Yvonne! Hindi pa ako tapos kausapin ka!"
Sigaw muli ng ina ni Yvonne sakanya ngunit walang dalaga ang naglakad pabalik sa salas. Nang makalabas na si Jervin ay hindi na niya masilayan pa kung saan nagtungo ang dalaga. Inikot na ng binata ang hardin ngunit wala itong nakitang bakas ng dalaga. Ilang saglit pa ay nawalan na ito ng pag-asang hanapin ang dalaga ngunit bigla itong may naalalang mga nasambit sakanya kanina ni Madam Hongganda. Pumikit ang binata at huminga ng malalim.
"Malten Ingdare."
Sambit ng binata habang nakapikit. Maya-maya pa ay unti-unti na siyang nakaririnig ng mga boses na nanggagaling sa loob ng tahanan ng mga Tamayo. Hindi niya pa rin mahanap kung saan naroroon ang dalaga.
"Iveco Yvonne."
Sambit muli ng binata habang nakapikit pa rin. Unti-unti nang naglaho ang mga boses na kaniyang naririnig mula sa tahanan ng mga Tamayo at nangingibabaw na sa pandinig ng binata ang hikbi ng dalaga sa bubong ng tahanan. Tinignan ng binata ang bubong ng tahanan ng mga Tamayo ngunit wala siyang nasisilayang dalaga roon. Nagtaka ang binata dahil sigurado siya na doon nanggagaling ang boses ng dalaga.
"Letivate."
Muling sambit ni Jervin habang nakatingin pa rin sa bubungan ng tahanan ng mga Tamayo at unti-unti na itong lumutang patungo sa bubong.
"Yvonne?"
Tawag ni Jervin kay Yvonne habang pinagmamasdan ang bubong at patuloy pa ring lumulutang sa ere. Ilang saglit pa ay narinig nito at boses ng dalaga sa kaniyang harapan at doon na nagpakita sakanya ang dalaga.
"J-Jervin? H-how?"
Naguguluhang tanong ni Yvonne kay Jervin. Nginitian lamang ng binata ang dalaga at nagkibit-balikat bilang sagot nito. Sinenyasan na lamang ng dalaga ang binata na lumapit sa kinaroroonan nito at agad naman itong sinunod ng binata.
"Ingat, baka mauntog ka."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang inaalalayan na itong lumapag sa kinaroroonan nito.
"Ano 'to? Bakit hindi makita?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne nang makapasok na sila sa lungga ng dalaga. Naupo sa gilid ang dalaga, pinagmasdan ang sahig at nangisi. Naupo na rin ang binata sa harap ng dalaga.
"Lungga ko na ginawa mismo ni Mama Beatrice. Sabi niya sakin dito lang daw ako magtago kapag may mga taong gustong manakit saakin. Hindi ito basta-basta nakikita ng sino man. Ang sabi niya sakin, makikita lang daw itong lungga ko kapag inaya ko ung tao na pumasok dito."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin. Napatingin na ang dalaga sa binata at nawala bigla ang ngisi nito.
"Pano mo nalaman na nandito ako?"
Takang tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang binata.
"Dahil kay Madam Hong."