Chereads / Runaway With Me / Chapter 15 - Tamayo's Residence 2

Chapter 15 - Tamayo's Residence 2

~Gabi~

"Hindi mo ko tatanungin kung ano sinabi niya sakin?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne. Natawa na lamang ng bahagya ang dalaga at umiling bilang sagot. Ilang segundo pa ay biglang napabuntong hininga ang dalaga.

"I don't feel like myself anymore, Jervin. Hindi ko na alam kung ano na ang dapat kong isipin. Hindi ko na alam kung ano na ang dapat kong gawin."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin lang ito sa sahig. Hindi na napigilan ng dalaga ang kanyang emosyon at nagsimula nanamang tumulo ang kanyang mga luha. Nilapitan ng binata ang dalaga at saka pinunasan ang mga luha nito.

"Sobra na akong naguguluhan sa buhay ko. Gusto ko na lang mawala. Gusto ko na lang magpahinga habang buhay kasi sobra na rin akong napapagod."

Dagdag pa ni Yvonne sa sinabi niya sa binata kanina habang patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak. Tila nakaramdam ng paninikip sa dibdib ang binata dahil sa sinabi sakanya ng dalaga.

"Ung mas gugustuhin mo na lang matulog ng matagal hanggang sa maging okay na ang lahat."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin ito sa ulo ng dalaga. Napatingin bigla ang dalaga sa binata kaya't nagkatama ang kanilang tingin. Nasilayan ng dalaga ang malungkot na mga mata ng binata na nagtatago sa matamis na ngiti nito ngayon. Nakaramdam ng paninikip sa dibdib ang dalaga nang makita ang mata ng binata na wala ng kabuhay-buhay. Hindi namalayan ng dalaga na palapit na pala ng papalapit ang kaniyang katawan sa binata at saka niyakap ito. Niyakap din ng binata pabalik ang dalaga.

"Sabi na nga ba pareho tayo, e."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang magkayakap pa rin silang dalawa. Natawa na lamang ang binata sa sinabi sakanya ng dalaga at nanatili sila sa ganuong posisyon.

"Pano mo naman nasabing pareho tayo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne nang kumawala na sila sa kanilang yakap sa isa't isa.

"Kutob. Hehehe."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakanya habang nakangiti ng pagkatamis. Natawa ng bahagya ang binata at umiwas ng tingin. Ilang segundo pa ay ibinalik niyang muli ang kanyang tingin sa dalaga at nasilayan niya na naroroon pa rin ang matamis na ngiti nito, kaya't napangiti na lamang din siya.

"Tara na. Baka hinahanap na tayo nila mama."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang naglalakad na siya papalabas g kanyang lungga. Ngunit hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at pinigilan muna itong lumabas. Napatingin ang dalaga sa binata ng may pagtataka sa kaniyang mukha.

"Baket?"

Takang tanong ni Yvonne kay Jervin. Napabitiw bigla ang binata sa pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga at nakaramdam ng hiya.

"Kelan ka pa hindi naniniwala sa Diyos, Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang hindi pa rin nito tinitignan ang dalaga. Nangiti ng bahagya ang dalaga at naupo sa tabi ng binata.

"Hmm... last year siguro, nung meron kaming subject na world religion sa pinanggalingan kong school. Hindi naman sa hindi na ako naniniwala sa diyos. Parang ano lang... nagdadalawang isip. Ganun."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin lang ito sa lapag at tila bang may ginuguhit gamit ang kanyang daliri. Unti-unti nang tinignan ng binata ang dalaga at pinanuod lang ito.

"Please don't judge me, Jervin."

Dagdag pa ni Yvonne sa sinabi niya kay Jervin nang itinigil na niya ang pagguguhit sa lapag at niyakap ang kaniyang tuhod saka ibinaon ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod. Napangiti ang binata dahil sa inasta ng dalaga.

"Hindi naman ako mapanghusga."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Unti-unting tinignan ng dalaga ang binata habang yakap-yakap pa rin nito ang kaniyang tuhod. Natawa ng bahagya ang binata, dahilan upang makampante ang loob ng dalaga rito.

"Pero buti may natutunan ka na kaagad kay Madam Hong."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti ito sa binata. Natawa ng bahagya ang binata sa sinabi sakaniya ng dalaga. Ilang segundo naging tahimik ang dalawa at tinitigan na lamang ng binata ang mga mata ng dalaga.

"Malabo ba talaga mata mo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinititigan ang mga mata ng dalaga.

"Hindi naman. Trip ko lang talaga mag salamin kasi sabi ni Mama Beatrice sakin, cute daw akong tignan pag may salamin."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin. Natawa na lamang ng bahagya ang binata.

"Teka nga... bakit pala ako palagi ang tinatanong mo?"

Takang tanong ni Yvonne kay Jervin. Umiwas na lamang ng tingin ang binata at saka akmang lalabas na sa lungga ng dalaga.

"Porcetnoti."

Sambit ni Yvonne habang nakatingin kay Jervin. Napalingon bigla ang binata dahil sa sinambit ng dalaga.

"Ano ginawa mo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Napaiwas ng tingin ang dalaga at saka hinimas ang sarili nitong braso.

"B-binigyan lang kita n-ng proteksyon."

Nahihiyang sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin. Napangisi na lamang ang binata sa sagot ng dalaga sa kaniyang tanong. Ilang segundo pa ang lumipas ay hinawakan na ng binata ang kamay ng dalaga, kaya't napatingin bigla ang dalaga sa binata.

"Tara na. Baka hinahanap na nila tayo. Mapagod pa si kuya Josh kakahanap satin."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti at hawak pa rin nito ang kamay ng dalaga. Nginitian pabalik ng dalaga ang binata at tumango bilang pag sang-ayon nito sa sinabi sakaniya ng binata. At lumabas na silang pareho sa lungga ng dalaga at patagong bumaba sa bubong ng tahanan ng mga Tamayo.

"Salamat sa pagcomfort mo sakin, Jervin. Kung wala ka, mag-isa nanaman siguro akong iiyak dun sa lungga ko."

Pagpapasalamat ni Yvonne kay Jervin habang hinihimas nito ang sariling braso at nakatingin sa lupa ng kanilang hardin dahil sa hiya. Tinignan lamang ng binata ang dalaga habang nakangiti.

"Wala un."

Sagot ni Jervin kay Yvonne sabay gulo nito sa buhok ng dalaga, kaya't napatingin ang dalaga sakaniya habang nakangiti.

"Yvonne!"

Tawag ni Josh kay Yvonne, pagkakita na pagkakita pa lamang nito sa dalaga. Napalingon kaagad ang dalaga sa direksyon ng dwende.

"Saan ka nanggaling!? Kanina pa kita hinahanap!"