~Hapon~
"Melanie?!"
Gulat na banggit ni Jervin sa pangalan ni Melanie nang makita niya ang repleksyon nito sa tubig na nasa loob ng malaking palayok na nilapitan nila ni Yvonne.
"Wag mong sabihing nasa cr ka ngayon."
Natatawang sabi ni Yvonne kay Melanie. Napabusangot ang kaibigan at natawa na lang din. Naglakad na rin papalapit si Madam Hongganda sa malaking palayok habang nakaupo pa rin si Josh sa kamay nito.
"Ang daya niyo naman. 'Di niyo ako sinama papunta dyan kay Madam Hong."
Pag-iiba ni Melanie ng topic sa usapan nila ngayon ni Yvonne. Natawa na lamang ang dalaga sa inasta ng kaibigan.
"Madam Hong, bakit kausap mo si Melanie?"
Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda. Lumapit ang matandang babae sa binata habang nakaupo pa rin ang dwende sa kamay nito.
"Kasi nahuli ko kayo ni Yvonne na tumakbo papalayo sa classroom naten."
Sagot ni Melanie sa tanong ni Jervin kay Madam Hongganda. Tinignan ng masama ng binata ang malaking palayok na kung saan ay nakikita nila ang mukha ni Melanie.
"Hinanap kayo ni Melanie saakin."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin sakanya kanina. Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ni Yvonne. Agad na kinuha ng dalaga ang kanyang phone at nakita na tumatawag sakanya ang kaniyang ina.
"Ma, bakit po?"
Tanong ni Yvonne sa kaniyang ina matapos niyang sagutin ang tawag nito. Hindi pa nagtatagal ang pag-uusap ng mag-ina ay tila nanamlay ang dalaga at nabitawan ang kaniyang phone. Dali-dali itong tumakbo papalabas ng tahanan ng matandang babae. Nagtaka ang matandang babae at ang binata sa inasta ng dalaga. Pinulot ni Jervin ang phone ng dalaga at saka tinignan ito. Tumalon pababa ang dwende mula sa kamay ni Madam Hongganda at sinundan ang dalaga.
"Hindi maganda ang kutob ko rito."
Sabi ni Madam Hongganda sa sarili ngunit narinig ito ng binata at nag-alala ng bahagya para sa dalaga. Ilang saglit ay nawala ang repleksyon ni Melanie sa malaking palayok at ang pumalit naman rito ay ang repleksyon ng isang matandang babae na may pagkahawig sa dalaga.
"Hongganda."
Tawag ng matandang babae mula sa malaking palayok kay Madam Hongganda. Agad na nilapitan ni Madam Hongganda ang malaking palayok at tinignan ang repleksyon ng matandang babae sa malaking palayok.
"Beatrice."
Naiiyak na tawag pabalik ni Madam Hongganda sa repleksyon ng matandang babae sa malaking palayok. Tinakpan bigla ni Madam Hongganda ang kaniyang bibig at umiyak na ng tahimik.
"Wag kang malungkot sa nalalapit kong pagkawala, Hongganda. Hindi ito ang panahon upang magluksa."
Sabi ni Beatrice kay Hongganda na pinilit patigilin ang kanyang sarili sa pag-iyak habang ang binata nama'y patuloy lang na tinitignan ang repleksyon ng matandang babae sa malaking palayok.
"Jervin hijo, natutuwa akong makilala ka na."
Nakangiting sabi ni Beatrice sa binata. Lumayo ng bahagya si Jervin mula sa malaking palayok at saka tinignan si Madam Hongganda. Natawa ng bahagya ang matandang babae sa binata dahil sa naging reaksyon nito.
"Huwag kang lumayo. Hindi yan nangangagat."
Natatawang sabi ni Madam Hongganda kay Jervin. Kaya't unti-unting lumapit muli ang binata sa malaking palayok at dahan-dahang sinilip ang repleksyon ni Beatrice.
"Nasisilayan ko ang hinaharap kaya't alam ko ang iyong pangalan, Jervin hijo."
Sabi ni Beatrice kay Jervin habang nakangiti ito sakanya. Tinitigan lamang ng binata ang repleksyon ni Beatrice sa malaking palayok.
"Ngayong nagkakilala na kayo ng aking apo na si Yvonne, may isa sana akong pabor na nais ko sanang gawin mo para saakin at para na rin sa aking apo. Huwag na huwag mong hahayaang mapunta ang aking apo sa masasamang wizards at witches. Ayokong may mangyaring masama sakanya. Sana'y pagbutihin mo ang iyong pag-aaral patungkol sa mahika. At huwag na huwag mong kakalimutang maniwala sa iyong mga gagawin at lalung-lalo na saiyong sarili, hijo. Dahil ang pangalawang pinakamalakas na mahika matapos ang pag-ibig ay ang pagtitiwala mo saiyong sarili."
Pagdagdag ni Beatrice sa kanyang sinabi kay Jervin kanina. Nanatiling tahimik lamang ang binata habang patuloy pa rin ang pagtitig nito sa repleksyon ng matandang babae sa malaking palayok.
"Hongganda."
Tawag muli ni Beatrice kay Madam Hongganda na naluluha nanamang muli.
"Nais kong ibigay mo ang aking basbas kay Jervin."
Sabi ni Beatrice kay Madam Hongganda. Tumango na lamang ang matandang babae at hinarap ang binata. Walang pag-aalinlangang hinarap din ng binata si Madam Hongganda upang tanggapin ang basbas nito. Itinaas ni Madam Hongganda ang kaniyang kanang kamay at itinapat ito sa ulo ng binata.
"Jervin A帽onuevo. Ikaw ang aking binabasbasan na nawa'y manatili kang matatag at masigasig. At nawa'y makamit mo na ang kasiyahang matagal mo ng hinahangad."
Sabi ni Beatrice habang unti-unting nagliliwanag ang kamay ni Madam Hongganda na nakatapat sa ulo ng binata. Hindi nagtagal ay hindi na napigilan ni Madam Hongganda ang pagluha. Tinakpan ng matandang dalaga ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng kaniyang dalawang kamay. Nalulungkot na lamang ang binata sa pag iyak ng matandang dalaga.
"Bakit mo ako binasbasan Lola Beatrice? At saka sino-sino ung mga masasamang wizards at witches ang gustong kunin ni Yvonne?"
Naguguluhang tanong ni Jervin kay Beatrice nang tinignan niyang muli ang repleksyon ng matandang babae sa malaking palayok.
"Malalaman mo rin balang araw, hijo. Sa ngayon ay kailangan muna ng aking apo ng masasandalan ngayong maglalaho na ako sa mundong ito. Maaari mo ba siyang samahan para sa akin?"
Sagot ni Beatrice sa tanong ni Jervin sakanya. Tumango na lamang ang binata bilang sagot nito sa matandang dalaga.
"Adi贸s, Hongganda. Hasta la pr贸xima vez que nos volvamos a ver, mi querido amigo. (Bye, Hongganda. Until the next time we meet again, my dear friend.)"
Pagpapaalam ni Beatrice kay Madam Hongganda sa huling pagkakataon. Tuluyan ng umiyak ang matandang babae at pinilit na tignan sa huling pagkakataon ang repleksyon ng kanyang matalik na kaibigan sa malaking palayok.
"Hasta la pr贸xima vez que nos volvamos a ver, Beatrice. (Until next time we meet again, Beatrice.)"
Pagpapaalam ni Madam Hongganda kay Beatrice sa huling pagkakataon habang patuloy pa rin siyang umiiyak. At ilang saglit pa ay nawala na ang repleksyon ni Beatrice sa tubig na nasa malaking palayok. Naluhod na sa sahig si Madam Hongganda at patuloy pa ring umiiyak. Hindi na mapakali si Jervin dahil kay Madam Hongganda kaya't nilapitan niya ito at kinomfort na ang matandang babae. Ngunit biglang tumigil si Madam Hongganda at hinarap ang binata.
"Alam mo kung sino ang mas nangangailangan ng masasandalan. Puntahan mo siya. Kailangan ka niya ngayon."