Chereads / Runaway With Me / Chapter 9 - Eskwelahan 5

Chapter 9 - Eskwelahan 5

~Hapon~

"Jervin."

Tawag ni Yvonne kay Jervin matapos ang kanilang unang subject. Agad na napalingon ang binata sa dalaga at nakita itong naglalakad na papalapit sakanya.

"Sinundan mo ako nung paalis na ako ng mall, noh?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti at paupo na sa tabi ng binata.

"Hindi, ah."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakanya habang iniwasan niyang tumingin sa dalaga at tumatawa siya ng bahagya. Kumunot ang noo ng dalaga dahil sa nagging reaksyon ng binata. Nang nilingon na ng binata ang dalaga ay may nakita itong isang maliit na nilalang na kasing tangkad ng isang lipstick sa balikat ni Yvonne at may binubulong ito. Nanlaki ang mga mata ni Jervin at tinuro ang nilalang na nagtago nang muli sa likuran ng dalaga.

"Nakita mo un?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakaturo pa rin ang binata sa balikat ng dalaga.

"Wag ka na magtago kuya Josh. Nakita ka na niya, e."

Sabi ni Yvonne sa maliit na nilalang na kasing laki ng lipstick na nagtatago pa rin sa likod ng dalaga. Ilang saglit pa ay nagpakita nang muli ang maliit na nilalang kela Jervin at Yvonne. Tinignan ng binata ang maliit na nilalang na nagngangalang Josh gamit ang nanlalaking mga mata nito.

"Pasaway ka talagang bata ka! Kapag nalaman to ng SCOWW! Ay nako! Ewan ko na lang sayo!"

Pagsasaway ni Josh kay Yvonne sabay pingot ng tainga ng dalaga.

"Aray, kuya! Masakit!"

Reklamo ni Yvonne sa pagpingot ni Josh sa tainga niya. Binitawan na ng maliit na nilalang ang tainga ng dalaga at saka nag cross arms ito at tinalikuran ang dalaga dahil sa katigasan ng ulo nito.

"Hindi naman ako paparusahan ng SCOWW pag hindi na isa sa mga 'ordinaries' si Jervin diba?"

Tanong ni Yvonne kay Josh habang nakangiti at nakatingin kay Jervin. Tinignan ng masama ng maliit na nilalang ang binata. Natakot si Jervin sa tingin sakanya ni Josh kaya't lumayo siya ng bahagya kay Yvonne. Tinignan ng dalaga ang maliit na nilalang sa balikat niya at tinulak ng mahina gamit ang kanyang hintuturo upang patigilin ito sa pagtingin ng masama sa binata.

"Hoy! Punyemas kang bata ka! Kamuntikan na akong malaglag sa balikat mo!"

Sigaw ni Josh sa tainga ni Yvonne kaya napatakip ito ng tainga. Patuloy pa ring pinapanuod ni Jervin ang dalaga at ang maliit na nilalang habang patuloy pa rin itong nagbabangayan.

"Kasi naman kuya Josh! Kung itinigil mo na sana kanina pa ang pagtingin ng masama kay Jervin, edi hindi na kita itutulak dyan."

Pagdadahilan ni Yvonne kay Josh.

"T-totoo talaga yan Yvonne? Pati ung pag laho mo ng parang bula sa fire exit nung nakaraang araw?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang palipat-lipat ang tingin niya sa dalaga at sa maliit na nilalang dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanayang harapan. Hinawakan ni Yvonne ang pisngi ng binata at saka sinampal ito.

"Aray!"

Sabi ni Jervin sabay himas ng kanyang pisngi na sinampal ni Yvonne. Nginitian ng dalaga ang binata matapos nitong sampalin ito.

"Nasaktan ka. Edi hindi 'to panaginip. Ako si Josh. Isa akong dwende na matagal ng naglilingkod sa pamilyang Tamayo at 264 years old na ako."

Pagpapakilala ni Josh kay Jervin habang masama pa rin ang tingin nito sakanya. Tinignan ng binata ang dalaga habang nanlalaki ang mga mata nito. Natawa ng bahagya ang dalaga.

"264 months old lang si kuya Josh. Pero mas matanda siya sakin ng apat na taon. Buwan-buwan kasi nagber-birthday ang mga dwende dahil ang isang buwan sakanya ay parang kasing tagal na rin daw ng isang taon. Kaya ganun."

Nakangiting pagpapaliwanag ni Yvonne kay Jervin. Sinamaan ng tingin ni Josh ang dalaga dahil sa sinabi nito.

"Sino nagsabi sayo nyan?!"

Inis na tanong ni Josh kay Yvonne kaya't natakot muli si Jervin. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang dwende at saka hinipan ito ng malakas.

"Hoy! Peste kang bata ka! Bakit ba ako ang pinili ng mga magulang mo na taga pagbantay mo?!"

Reklamo nanaman ni Josh kay Yvonne. Inirapan na lamang ng dalaga ang dwende at ibinaling na lang muli ang kanyang atensyon kay Jervin.

"Sagutin mo ko! Peste ka!"

Sigaw nanaman ni Josh kay Yvonne. Di na nakapagtimpi ang dalaga kaya't ibinaba na niya sa arm chair ang dwende.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili nila mama na maging taga pagbantay ko pero sa tuwing mag-isa ako ay natutuwa ako na lagi kitang kasama dahil meron akong nakakausap o kaya napagtitripan. Kaya please kuya! Please wag ka na magreklamo. Saranghae~"

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Josh sabay ngiwi nito. Napabuntong hininga ang dwende at nilapitan ang dalaga saka nginitian.

"Saranghae."

Tugon ni Josh sa sinabi ni Yvonne sakanya habang nakangiti pa rin. Dahil sa ginawa ng dwende ay napangiti na rin si Yvonne.

"Tamayo, ang tagal mo naman bumalik sa upuan mo."

Sabi ni Melanie kay Yvonne habang naglalakad na papalapit sa dalaga at sa binata. Noong nasa harapan na siya ni Jervin ay nasilayan ang kanyang ngiti.

"Hello kuya Josh~!"

Masayang bati ni Melanie kay Josh. Nginitian naman ng dwende pabalik ang dalaga.

"Hello Melanie~!"

Bati pabalik ni Josh kay Melanie habang nakangiti pa rin ito. Tinignan ni Jervin si Melanie habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito at ibinalik muli ang kanyang tingin sa dwende.

"Hindi ba kayo natatakot na baka makita ng mga kaklase natin si Kuya Josh?!"

Natatarantang tanong ni Jervin kela Yvonne at Melanie ngunit nagtinginan lamang ang dalawang dalaga.

"Wag ka nga mataranta dyan. Maingat akong tao, okay? Bago pa kita kausapin tungkol sa magic eme keme na 'to ay nag activate na kaagad si kuya Josh ng magic shield sa paligid nating dalawa para walang ibang 'ordinaries' ang makarinig ng pag-uusapan natin."

Sagot ni Yvonne kay Jervin habang kalmado lang ito pati na rin sina Melanie at Josh. Tinignan ni Jervin ang dwende at ibinalik muli ng binata ang tingin niya sa dalaga.

"Ikaw nagsabi kay Yvonne na sinundan ko kayo nung isang araw, noh, kuya Josh?"

Tanong ni Jervin kay Josh habang tinignan niya ulit ito gamit ang kanyang nanlalaking mga mata. Tinaasan ng kilay ni Josh ang binata at sabay cross arms.

"Aba shempre sasabihin ko un kay Yvonne dahil buhay at kinabukasan niya rin ang nakasalalay oras na malaman mo na isa siyang witch."

Sagot ni Josh sa tanong ni Jervin sakanya. Nanlaki nanaman ang mga mata ng binata dahil sa sagot ng dwende at kaagaad na tinignan ang dalaga. Ngunit ang nasilayan lamang ng binata sa mukha ng dalaga ay ang matamis na ngiti nito habang nakatingin sakanya.

"Please be one of us. Be a wizard, Jervin Añonuevo."