Chereads / Runaway With Me / Chapter 8 - Eskwelahan 4

Chapter 8 - Eskwelahan 4

~Hapon~

"Tamayo! Dito!"

Tawag ni Melanie kay Yvonne sabay turo sa upuan na bakante sa tabi niya. Agad na nilingon ni Yvonne ang dalaga sa bandang gitna ng klase nung pagkatawag na pagkatawag pa lang nito sakanya. Lumapit na kaagad si Yvonne kay Melanie at saka umupo na si Yvonne sa tabi ng dalaga.

"Tamayo! May nakilala akong lalake nung sabado!"

Sabi ni Melanie kay Yvonne sabay hawak nito sa braso niya. Nakangiting tinignan ni Yvonne si Melanie at saka hinawakan ang kamay nito.

"Pano mo siya nakilala nun?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Melanie habang hawak pa rin niya ang kamay nito. Hinawakan ni Melanie ang kanyang pisngi gamit ng kanyang isa pang kamay na tila ba'y kinikilig.

"Ganito kasi un... nasa isang bookstore ako nun sa mall, tapos may nagustuhan akong libro. Kukunin ko na sana un nung biglang may lumitaw na kamay at akmang kukunin din ung libro na un, tapos nagkahawak ang kamay namin pareho! Teka! Kinikilig ako!"

Kwento ni Melanie kay Yvonne ngunit tumigil ito dahil sa kilig na kanyang nararamdaman. Tumawa na lang si Yvonne dahil kay Melanie dahil natutuwa siya na naiexpress ni Melanie ang sarili niya kay Yvonne.

"Tapos eto na nga! Pagkalingon ko sakanya- my ghad, teh! Ampogi niya! Mas pogi pa siya kay Jervin!"

Tuloy ni Melanie sa kinekwento niya kay Yvonne habang kinikilig pa rin siya. Napa kunot ng noo si Yvonne dahil sa sinabi ni Melanie. Agad na nilingon ni Yvonne si Jervin at nakita niya ito na nakatingin pala sakanilang dalawa ni Melanie. Nginitian ni Yvonne si Jervin ngunit umiwas ng tingin ang binata at nagkalikot na lang sa kanyang phone. Nagtaka si Yvonne sa inasta ni Jervin at ibinalik na lamang ang kanyang atensyon kay Melanie.

"Ano ba itsura nung lalaki?"

Tanong ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti. Sa bandang likuran ng silid-aralan ay ibinalik muli ni Jervin ang kanyang tingin kay Yvonne at patuloy na pinagmasdan ang dalaga habang masayang nakikipagkwentuhan ito kay Melanie.

"Anong ginawa mo nung sabado? Ba't bigla ka na lang naglaho na parang bula?"

Tanong ni Jervin sa kanyang sarili habang patuloy pa ring pinagmamasdan si Yvonne sa di kalayuan. Napabuntong hininga na lamang ang binata at naglaro na lamang sa kanyang phone.

"Matangkad siya tapos maputi, nakasuot ng salamin, maayos manamit tsaka... hayy..."

Sagot ni Melanie sa tanong sakanya ni Yvonne ngunit hindi niya natapos ang kanyang sinasabi at nagpangalumbaba na lamang at tumingin sa labas ng kanilang silid-aralan.

"Tsaka ano?"

Tanong muli ni Yvonne kay Melanie habang sinusubukan niya itong ibalik sa realidad na kung saan nasa silid-aralan sila at nasa harapan na ang kanilang guro sa unang subject nila.

"Melanie."

Tawag ni Yvonne kay Melanie na patuloy pa ring naglalakbay sa mga ulap. Nagsitayuan na ang kanilang mga kaklase at silang dalawa na lamang ang natitirang nakaupo. Walang nagawa si Yvonne kundi ay tumayo na at sinapok si Melanie upang makabalik na ito sa realidad.

"Aray!"

Sabi ni Melanie matapos siyang sapukin ni Yvonne. Natawa na lamang si Jervin sa ginawa ng dalaga sa kanyang kaibigan. Tinignan ng masama ni Melanie si Yvonne ngunit agad na tinuro ng dalaga ang kanilang guro sa harapan. Tumingin si Melanie sa harapan at nasilayan ang kanilang guro na masama na ang tingin sakanya. Agad na tumayo si Melanie at umayos naman ng tindig ang kanilang guro.

"Good afternoon, class."

"Good afternoon, Ma'am!"

"Take your sits."

Sabi ng guro sa klase at nagsi upuan na sila. Siniko ni Melanie si Yvonne at natawa na lamang ang dalaga sa kaibigan nito.

"Bakit hindi mo ako sinabihan kagad?"

Tanong ni Melanie kay Yvonne nang makaupo na sila pareho. Nagpatuloy lang sa pagtawa si Yvonne kay Melanie. Pinalagatok ni Melanie ang kanyang mga daliri at saka pinitik ang hangin. Pagkapitik na pagkapitik ni Melanie sa ere ay hinawakan ni Yvonne ang kanyang noo.

"Aray!"

Sabi ni Yvonne habang hinahaplos na ang kanyang noo para bawasan ang sakit na kanyang nararamdaman roon. Natawa naman ngayon si Melanie sa kaibigan.

"Sira ulo ka ba? Pag may makakita sayo… mananagot ka sa SCOWW!"

Pabulong na sigaw ni Yvonne kay Melanie. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi sakanya ng kaibigan at saka umayos na ng pagkakaupo.

"Pasensya na. Ngayon lang kasi ako nagkaron ng kaklase na kapareho ko, e."

Pagpapaliwanag ni Melanie kay Yvonne. Nginitian ng dalaga ang kaibigan at hinawakan ang braso nito.

"Okay lang yan. Basta sa susunod mag-iingat ka, ha. Baka kung ano pa ang ibigay na parusa ng SCOWW sayo, e."

Sabi ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti pa rin. Nginitian pabalik ni Melanie ang kaibigan ngunit ilang saglit pa ay kumunot ang noo nito.

"Ano ibig sabihin ng SCOWW?"

Tanong ni Melanie kay Yvonne. Tinignan na lamang ng dalaga ang kaibigan sabay kibit-balikat nito.

"Hindi mo alam ung SCOWW?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Melanie sabay ayos nito ng upo. Umiling ang dalaga bilang sagot sa kaibigan.

"Hindi ko rin alam, e. Pero lagi siyang sinasabi sakin ng mga magulang ko."

Sagot ni Yvonne sa tanong kanina sakanya ni Melanie habang kinukuha niya ang kaniyang kwaderno at ballpen upang kopyahin ang sinusulat ng kanilang guro sa pisara.

"Ano sinasabi ng mga magulang mo?"

Tanong muli ni Melanie kay Yvonne habang kinukuha na rin niya ang kanyang kwaderno at ballpen sa kanyang bag.

"Kapag daw pinaalam ko sa mga 'ordinaries' ung powers ko, paparusahan daw ako ng SCOWW. Kapag daw sinaktan ko naman ang isang 'ordinaries' gamit ng powers ko, paparusahan daw ako ng SCOWW. Ung mga ganun."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Melanie. Napatango na lamang ang kaibigan sa nalaman niya sa dalaga.

"Ni isang beses hindi nabanggit sakin yan ng mga magulang ko. Maski ng lolo't lola ko."

Sabi ni Melanie kay Yvonne habang kinokopya na nila pareho ang sinusulat ng kanilang guro sa pisara.

"Kilala ang pamilyang Fuentes, lalung-lalo na ang mag-asawang Manuela at Marcelino Fuentes, dahil meron daw silang ginawa na hindi nagustuhan ng SCOWW."

Sabi naman ni Yvonne kay Melanie habang patuloy pa rin sila sa pagkopya. Natigil sa pagsusulat si Melanie at lumingon kay Yvonne. Agad naman itong napansin ng dalaga kaya't agad nitong nilingon ang kaibigan.

"Lolo't lola ko sila. Manuela Fuentes at Marcelino Fuentes ang pangalan ng lolo't lola ko."