~Hapon~
"Ang ganda ng 'Weathering with You'!"
Sabi ni Yvonne habang naka angat ang kanyang mga braso sa ere na tila bang siya si Rose sa pelikulang 'Titanic'. Napangiti na lamang si Jervin dahil kay Yvonne.
"Gutom ka na?"
Nakangiting tanong ni Jervin kay Yvonne. Biglang ibinaba ng dalaga ang kanyang mga braso, tumingin sa binata, ngumuso at tumango bilang sagot.
"Kanina pa."
Dagdag pa ni Yvonne sa sagot niya kay Jervin. Natawa ng bahagya ang binata at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.
"San tayo kakain?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang hawak ang kanyang tiyan. Nilingon ng binata ang dalaga at tumawa ng bahagya.
"JBee?"
Patanong na sagot ni Jervin kay Yvonne sabay tingin nito sa dalaga habang nakangiti. Tinignan naman ng dalaga ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito na tila ba'y natatakot nang kumain sa kainang iminungkahi ng binata. Biglang nagtaka si Jervin sa inasta ni Yvonne.
"P-pwede ano… s-sa ibang kainan na lang tayo k-kumain?"
Nahihiyang tanong ni Yvonne kay Jervin habang hindi siya makatingin sa binata ng diretso. Tinignan pa ng mas matagal ng binata ang dalaga bago nagpatuloy muli sa paglalakad. Agad na sumunod si Yvonne sa binata.
"Ba't ayaw mo sa JBee?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan nito ang dalaga sa gilid ng kanyang mata. Napahimas ng batok ang dalaga at tumawa ng bahagya.
"Dati kasi... sa tuwing kumakain kami ng mga kaibigan ko sa JBee... kung sino mahuling matapos kumain... iinumin niya ung pinaghalu-halong ketchup, gravy at coke. Ayun... napainom ako ng mga hinayupak na un ng dalawang beses."
Nahihiyang sagot ni Yvonne sa tanong sakanya ni Jervin. Hindi tinignan ng binata ang dalaga sapagkat naghanap na lang ito ng iba nilang makakainan.
"Kadiri naman."
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin siyang naghahanap ng makakainan nila ng dalaga. Napayuko na lang ang dalaga habang patuloy na sinusundan ang binata sa paglalakad. Ngunit ilang saglit lang ay lumiwanag muli ang mukha ng dalaga at saka hinawakan ang damit ng binata.
"Sa McDee na lang tayo kumain~!"
Sabi ni Yvonne Kay Jervin habang hawak pa rin niya ang damit ng binata. Nilingon ni Jervin ang dalaga at saka nginitian ito.
"Sige. Sa McDee na lang."
Tugon ni Jervin sa sinabi ni Yvonne. Napatigil ang dalaga sa paglalakad at napatitig ito sa binata habang kumikinang ang mga mata nito. Natigil na rin sa paglalakad ang binata dahil nahumaling ito sa kumikinang na mga mata ng dalaga. Ilang saglit pa ay may pagkulo na narinig ang dalawa at sabay na tumingin sa tiyan ng dalaga. Tinignan ni Jervin si Yvonne ng may halong pagtataka. Ang dalaga nama'y tumingin sa binata at nginitian ito ng may halong hiya. Natawa ng bahagya ang binata.
"Tara na. Baka makapagsalita na ung tiyan mo."
Sabi ni Jervin kay Yvonne at nag-umpisa nang maglakad patungong McDee. Sinundan naman kaagad ng dalaga ang binata ngunit hindi nagtagal ay tinakpan nito ang kanyang pagmumukha dahil sa sobrang hiya.
"Letse kang tiyan ka! Nakakahiya ka! Kainis!"
Bulong ni Yvonne sa sarili habang tinatakpan pa rin niya ang kanyang pagmumukha. Hindi nilingon ng binata ang dalaga ngunit may bakas pa rin ng tuwa at ngiti sa mukha nito.
"Andito na tayo."
Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay hinto sa tapat ng McDee. Hindi napansin ng dalaga na huminto na sa paglalakad ang binata kaya't bumangga ito sakanya. Agad na napatingin si Yvonne kay Jervin na nabangga niya habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Sorry, Jervin! Sorry! Di ko sinasadya!"
Paghihingi ng tawad ni Yvonne kay Jervin habang nakayuko ito dahil hiyang- hiya na siya sa mga nangyayari. Ngumiti na lang ng bahagya ang binata at saka pumasok na sa McDee. Pagka-angat ni Yvonne ng kanyang tingin sa binata ay wala na ito, kaya't agad niyang hinanap iyon at nakita si Jervin sa pila. Lumapit agad si Yvonne sa kinatatayuan ngayon ni Jervin.
"Anong order mo?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin ito sa menu na nasa bandang taas ng kahera. Agad na tumingin ang dalaga sa menu para pumili ng kanyang kakainin.
"Hmm... ung Ala Queen. Teka… eto ung bayad."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakanya ni Jervin tsaka kuha ng wallet niya para kumuha ng ipambabayad. Pinanuod lang ng binata ang dalaga habang umuusad ang pila sa kahera. Matapos ng ilang saglit pa ay naka order na sina Yvonne at Jervin at naghanap na ng mauupuan upang makakain na.
"Balak mo ba sana panuorin ung movie nang mag-isa?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang kumakain na sila pareho. Magkaharap na kumakain ang dalawa at mayroon silang nakakalimutan.
"Oo, e. Tapos bigla kang sumulpot. Kaya inaya na lang kita."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakanya sabay subo ulit ng pagkain. Napangiti ang dalaga bago isubo ang kanyang pagkain.
"First time ko palang gumala na isang lalake lang kasama ko."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin silang kumakain. Napangiti ng bahagya ang binata at saka tinignan ang dalaga.
"Oh?"
Tanging sagot na lang ni Jervin kay Yvonne. Nung magsasalita na sana ang dalaga ay hindi na nito naituloy pa dahil tumunog bigla ang kanyang phone. Agad niyang kinuha ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita kung sino iyon ay dali-dali nitong sinagot ang tawag.
"Ma?"
"NASAAN KANG BATA KA?! KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYO!! UNG PAPA NIYO NAG-IINIT NA RIN ANG ULO DAHIL SAYO!!"
"Sorry po ma! Pauwi na po kami ng kaibigan ko!"
"BILISAN MO!!"
"Opo, babye po."
Sabi ni Yvonne sa nanay niya bago siya babaan nito. Napangiwi ang dalaga dahil sa kanyang mga magulang. Napatingin ang binata sa dalaga.
"Mama mo?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne matapos niyang kainin ang kanyang pagkain. Agad na tinago ng dalaga ang kanyang phone at tumayo na sa kinauupuan nito.
"Oo, e. Kailangan ko nang umalis. Galit na kasi, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakanya ni Jervin. Akma na sanang maglalakad ang dalaga ng tumayo na rin sa kinauupuan nito ang binata.
"Hatid na kita sa sakayan."
Alok ni Jervin kay Yvonne. Ngunit hinarap ng dalaga ang binata at bumuntong hininga. Tinignan ng dalaga ang binata sa mapanglaw nitong mga mata.
"Gustuhin ko man... gahol na ko sa oras. Sa susunod na lang siguro. Salamat sa paglibre!"
Tugon ni Yvonne sa alok sakanya ni Jervin at saka naglakad na papalayo. Naiwang mag-isa ang binata ngunit dali-dali naman nitong sinundan ang dalaga. Nagtaka siya nang makita ang dalaga na magpunta sa fire exit imbis na sa main exit ng mall.
Sinundan niyang muli ang dalaga na patungo sa fire exit. Nang naroroon na sila pareho ay nagtago ang binata sa likuran ng pader habang ang dalaga nama'y tinignan ang paligid. Ilang saglit pa ay may sinambit ang dalaga na kung ano at biglang nagliwanag ang pintuan sa fire exit. Nagmasid muli ang dalaga sa paligid bago buksan ang pintuan at saka pumasok na roon. Bago pa magsara ng tuluyan ang pintuan ay tumakbo papalapit roon si Jervin para tignan kung ano na ang nangyari kay Yvonne. Ngunit nadismaya siya nang buksan niya ang pintuan at wala na roon ang dalaga. Nagtaka siya sa natunghayan niya.
"Pano niya nagawa un?"