~Tanghali~
"Yvonne."
Sabi ni Jervin pagkamulat pa lang ng kanyang mga mata sabay ngiti at bangon na sa kanyang kama. Matapos ayusin ang sarili'y bumaba na ang binata para kumain ng almusal. Sabihin na nating tanghalian.
"Ano? Kakagising mo lang? Pisti kang bata ka! Nagpuyat ka nanaman, noh!?"
"Hayaan mo anak mo! Malay natin, girlfriend pala niya ung pinagpupuyatan niya."
"Pa, wala akong girlfriend. Diba sabi niyo pa nga, ayusin ko muna pag-aaral ko bago magkaron ng girlfriend?"
Sabi ni Jervin sa kanyang mga magulang nang papaupo na siya sa hapagkainan para kumain na ng almusal niya na tanghalian na ng kaniyang pamilya.
"Tama nga naman 'tong anak ko."
"Ngayon sinasabi mong anak mo siya? E, kanina lang sabi mo anak ko yan!?"
"Edi anak natin!"
"Bahala nga kayong mag-ama dyan!"
Napailing na lamang si Jervin dahil sa inasta ng kanyang mga magulang sa harapan niya at kumain na lang ng tahimik.
"Sino ang maswerteng babaeng natitipuhan ng aking gwapuhing anak?"
Natutuwang tanong ng ama sa binata.
"Pa, wala ako natitipuhang babae."
"Wag mo sabihing...?"
"Hindi ako bakla, Pa."
"Buti naman."
"Alis na ko."
Sabi ni Jervin sa ama matapos kumain at ilalagay na sa hugasan ang pinagkainan nito. Tinignan ng ama ang anak gamit ang nanlalaki nitong mga mata.
"B-bakit? Saan ka pupunta?"
Gulat na tanong ng ama kay Jervin. Nilingon ng binata ang ama matapos nitong ilapag ang pinggan sa hugasan.
"Sa cr. Maliligo ako."
Sagot ni Jervin sa tanong ng ama habang naglalakad na siya papalapit ng hagdan para umakyat.
"A-ahh. Akala ko kung saan ka pupunta."
"Sa mall."
Sagot muli ni Jervin sa tanong ng ama nung naglalakad na siya paakyat ng hagdan. Nagulat nanamang muli ang ama at tinignan ang anak habang nanlalaki ang mga mata nito. Ngunit hindi na siya pinansin ng binata at derederetso na pumasok ng cr upang maligo. Nilock na ng binata ang pinto ng cr. Ilang sandali pa ay naghubad na ang binata, binuksan ang shower na nagbubuga ng malamig na tubig at nagbanlaw na. Habang nagbabanlaw ay napabuntong hininga ang binata dahil sa dami ng mga iniisip nito. Hindi nito pinapansin ang mga pagsisisigaw ng kanyang mga pamangkin, nakababatang kapatid at mga batang pinsan dahil kinakain na ang kanyang utak ng mga bagay na kanyang iniisip. Ngunit maya-maya pa ay may kumatok na sakanya sa cr.
"Vin! Bilisan mo dyan! Papasok pa ko sa trabaho!"
Sigaw ng isang babae kay Jervin sa labas ng cr habang patuloy pa rin itong kumakatok. Natauhan na ang binata at dali-daling naligo.
"Kung inunahan mo na sana ako maligo kanina ate, noh!?"
Tanong ni Jervin sa babae pabalik na ate pala niya. Ngayon ay nagtutoothbrush na ang binata. Maya-maya pa ay lumabas na si Jervin habang nakatapis at derederetsong naglakad papasok ng kanyang kwarto upang magbihis na. Ilang saglit pa ay lumabas na siya ng kwarto dala ang kanyang wallet at phone tsaka bumaba na ng hagdan.
"Anong gagawin mo sa mall 'nak?"
Tanong ng ama kay Jervin na nakasuot ng black and orange colored na stripes na t-shirt, black na jeans at black na sapatos na may design na checkered. Nilingon ng binata ang ama.
"May bibilhin lang."
Sagot ni Jervin sa tanong ng ama at naglakad na patungo sa kanilang pintuan. Napakunot ng noo ang ama dahil sa tipid na sagot ng kanyang anak.
"Alis na ko."
Paalam ni Jervin at naglakad na papunta sa mall. Mga 20 minutos lang na lakarin ay makakarating na roon ang binata sapagkat mabilis itong maglakad.
"Jervin!"
Tawag ng isang pamilyar na boses kay Jervin sa loob ng mall. Agad napalingon ang binata sa direksyon kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na iyon at laking tuwa ng makita si...
"Yvonne!?"
Hindi makapaniwalang tawag ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti. Tumakbo si Yvonne papalapit kay Jervin habang nakangiti rin.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti pa rin silang pareho sa isa't isa.
"May kikitain sana akong kaibigan dito, e. Kaso di na siya nakapunta. May emergency."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin ng nakangiti pa rin. Tinignan ng binata si Yvonne ng may halong pagtataka dahil sa naging sagot nito.
"Sinabihan na niya ako na di na siya makakapunta kung kelan nandito na ako."
Dagdag pa ni Yvonne sa sinabi niya kanina at napabusangot na. Natawa ng bahagya si Jervin sa dalaga at dahan-dahang naglakad. Sinundan naman agad siya ni Yvonne.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin. Napakibit balikat ang binata at ngumiti. Tinignan ng masama ni Yvonne si Jervin dahil hindi pa niya sinasagot ang tanong nito.
"Pumunta ako dito para magpalamig."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakanya habang nakangiti pa rin. Napatango si Yvonne dahil sa sagot ni Jervin.
"Gusto mo manuod sa sine?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne. Napatingin ang dalaga sa binata habang nanlalaki ang mga mata at bahagyang nakabuka ang bibig.
"Libre mo?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang kumikinang kinang ang mga mata nito dahil sa tuwa. Ngumiti si Jervin at tumango bilang sagot sa tanong sakanya ni Yvonne.
"Yes!"
Sabi ni Yvonne dahil sa tuwa at nagtatatalon na, si Jervin naman ay natatawa sa reaksyon ng dalaga noong sinabi niya na ililibre niya ito sa sine. Ilang saglit pa ay napatigil sa pagtalon si Yvonne at nilapitan si Jervin.
"Anong movie papanuorin natin?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ito gamit ang kanyang inosenteng tingin na parang bata. Natigil sa paglalakad si Jervin dahil napatingin siya sa inosenteng itsura ni Yvonne.
"Weathering with you."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne habang tinitignan niya pa rin ito. Nanlaking muli ang mga mata ni Yvonne at ang kanyang ngiti'y tila aabot na hanggang langit dahil sa tuwa.
"Di nga!?"
Paninigurado ni Yvonne sa sinagot sakanya ni Jervin. Tumango ang binata habang nakangiti bilang sagot nito sa dalaga. Hindi na napigilan ni Yvonne ang tuwa at hinawakan na niya ang kamay ni Jervin at tumakbo. Maya-maya pa ay huminto bigla si Yvonne sa pagtakbo at ganun din si Jervin.
"Bakit ka huminto?"
Nagtatakang tanong ni Jervin Kay Yvonne. Dahan-dahang tumingin ang dalaga sa binata at nginitian siya habang naiilang ito na nahihiya.
"Saan ung sinehan? Hehehe."
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin sabay kamot nito ng ulo dahil sa hiya. Natawa ng bahagya si Jervin at hinatak na si Yvonne patungo sa sinehan.
"Yvonne?"