Chereads / Runaway With Me / Chapter 2 - Eskwelahan 2

Chapter 2 - Eskwelahan 2

~Hapon~

"Bakit ka napailing dyan? Ayaw mo ba akong katabi?"

Tanong ng dalaga kay Jervin habang bitbit pa niya ang kanyang bag at hindi pa umuupo sa tabi ng binata.

"Ha? H-hindi naman sa ga---"

Sagot ni Jervin sa tanong ng dalaga ngunit natigil ito dahil...

"Si-!"

Tawag ng dalaga sa guro nila na busy pa ayusin ang iba pa nilang kaklase ngunit hindi na niya natuloy ang pagtawag dahil biglang kinuha ni Jervin ang bag nito at inilagay na sa upuan. Nangisi ang dalaga at naupo na sa tabi ni Jervin.

"Ibon talaga pangalan mo?"

Tanong ni Jervin sabay tingin sa dalaga. Napatingin na lang sakanya ito at tinagilid ang ulo ng bahagya. Napangising muli ang dalaga at iniwasan ng tingin si Jervin.

"Nasa sayo na un kung ano gusto mong itawag sakin."

Sagot ng dalaga sa tanong ni Jervin sabay tingin nito sa binata at ngiti. Natawa ng bahagya ang binata sa sagot ng dalaga dahil ayaw nito sagutin ng deretso ang tanong nito.

"Bakit ayaw mo sagutin ng deretso ung tanong ko?"

Tanong muli ni Jervin habang nakangisi at nakatingin pa rin sa dalaga. Patuloy rin ang pagtingin at ngisi ng dalaga kay Jervin.

"Kasi gusto ko?"

Patanong na sagot ng dalaga kay Jervin habang nakangisi at tingin pa rin sakanya. Hindi makapaniwala si Jervin sa sagot ng dalaga sakanya at napili na lang na manahimik habang nakangisi pa rin.

"Okay, goodbye class!"

Sabi ng kanilang guro nang ito'y tumayo na at bitbit ng kanyang gamit.

"Goodbye and thank you, Sir!"

Sabi naman ng magkakaklase sa kanilang guro nang lahat sila ay makatayo na. Umalis na ang kanilang guro at nagsibalikan na sila sa kinauupuan nila kanina noong wala pa silang seat plan. Si Jervin ay bumalik muli sa kanyang inuupuan kanina sa likuran at ang dalaga nama'y naupo sa bandang harapan kung saan siya nakaupo kanina. Ni isa sakanilang mga kaklase ay walang tumatabi sakanilang dalawa. Hindi na bago roon ang binatang si Jervin at ang dalaga nama'y ayos lang kahit walang tumatabi sakanya, sapagkat alam niya sa sarili niya na hindi niya kailangan ng mga pekeng kaibigan para lang makatapos ng pag-aaral at maka survive sa buhay.

"Uy, sis! Diba crush mo si Jervin?"

"Diba crush mo un, sis?"

"Tabihan mo na kaya, baka mamaya maunahan ka pa nung babaeng un."

"Sinong babae?"

"Edi ung bagong lipat. Balita ko kaya na-expelled daw un sa dati niyang school kasi tinulak niya sa hagdan ung girlfriend ng lalaking nilalandi niya."

"Seryoso ba?"

"Oo, sis. Malandi ung babaeng un."

"Balita ko rin nakakarami na raw siyang lalake, tapos pinagsasabay-sabay pa niya."

"Oh, diba? Kaya kung ako sayo, sis, unahan mo na siya bago pa maging isa sa mga biktima ung crush mong si Jervin."

"M-malay niyo naman h-hindi pala totoo ung tungkol dun sa bagong lipat?"

"Kung balak mong kaibiganin ung malanding un, edi go."

"Basta sinabihan ka na namin tungkol sakanya, ha."

"Wag kang babalik samin at sasabihin na tama pala kami sa mga sinabi namin sayo."

"Lalapitan mo pa ba ung crush mo?"

"O-oo."

"Go, sis! Support ka namin!"

"Kunin mo phone number niya!"

Lumakad na papalapit kay Jervin ang babaeng kaklase na may crush sakanya. Hindi pinansin ng binata ang kaklase at tumingin lang siya sa direksyon ng dalaga na kumausap sakanya kanina.

"Kung balak mong hingin ang number ko, sorry pero hindi ko binibigay sa kung sino ang number ko."

Sabi agad ni Jervin sa kaklase niyang may crush sakanya nang natapat na ito sa upuan na nasa harapan ng binata. Napahinto ang kaklase nang marinig ang sinabi sakanya ng binata.

"H-hindi! N-nagkakamali ka ng iniisip!"

Nauutal na sabi ng kaklase ni Jervin sakanya habang nanatili lang itong nakatayo sa pinaghintuan niya kanina.

"Narinig ko usapan niyong magkakaibigan, at sabi pa nila sayo na kunin mo raw ang number ko."

Sabing muli ni Jervin sa kaklaseng may crush sakanya sabay tinignan ito ng masama. Napaatras ng bahagya ang kaklase dahil sa tingin ng binata sakanya.

"W-wala akong lakas n-ng loob para hingin ang n-number mo."

Pautal-utal na pagtatanggol ng kakalse sa sarili niya kay Jervin. Tinaasan lamang siya ng kilay ng binata.

"A-ako nga pala si---"

Tangkang pagpapakilala ng kaklase kay Jervin ngunit nagsalitang muli ang binata.

"Melanie Fuentes."

Tapos ni Jervin sa pangungusap ng kaklase niya na nagngangalang Melanie. Tinignan ng kaklase ang binata habang nanlalaki ang mga mata.

"Narinig ko rin lahat ng mga pinagsasasabi ng mga kaibigan mo tungkol sa bago nating kaklase."

Dagdag pa ni Jervin sa sinabi niya kanina kay Melanie. Napatitig at napalunok na lamang ang kaklase sa sinabi ni Jervin sakanya. Tumayo na si Jervin sa kanyang kinauupuan at lumapit sa kaklase.

"Kung paniniwalaan mo ang mga sinabi sayo ng mga kaibigan mo… mas mabuti na lang na lumayo ka na sakin at sa bagong lipat nating kaklase."

Bulong ni Jervin kay Melanie at naglakad na palayo at palabas ng kanilang silid-aralan. Habang naglalakad ang binata ay napahinto siya at napabuntong hininga.

"Hi~!"

Bati ng dalaga kay Jervin nang nakangiti. Nagulantang ang binata at napalayo ng kaunti sa dalaga.

"Ibon! Anong ginagawa mo dito?!"

Tanong ni Jervin sa dalaga habang inaayos niya ang kanyang uniporme. Nawala ang ngiti ng dalaga at napatingin na lang sa binata sabay tilt ng kanyang ulo ng bahagya.

"E, ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Tanong pabalik ng dalaga kay Jervin. Natigil sa pag-aayos ang binata nang makita ang inosenteng pagtingin sakanya ng dalaga.

"Ako? Ano... magpapahangin lang sana."

Sagot ni Jervin sa tanong ng dalaga na medyo nahirapan pa mag-isip ng maisasagot. Ngumiti nanaman ang dalaga sa binata at nagsimula ng maglakad pabalik sa kanilang silid-aralan.

"Tara na! Baka managot pa tayo sa next teacher natin pag nalate tayo ng pasok!"

Sabi ng dalaga kay Jervin ng huminto sa paglalakad at tinignan niyang muli ito at nginitian. Napangiti na rin ang binata at sumunod na sa dalaga.

"Bakit 'Ibon' ang nilagay mong pangalan sa contacts ko?"

Tanong ni Jervin sa dalaga nang pareho na sila ng pace sa paglalakad sabay tingin sakanya.

"Hmm... kasi may mga araw na gusto ko na lang maging ibon at lumipad papalayo sa sinumpaang lugar na 'to."

Sagot ng dalaga sa tanong ni Jervin sakanya sabay tingin sa binata at ngiting muli. Napangiti rin ang binata sa pagngiti sakanya ng dalaga. Ilang saglit pa ay nasalubong ng dalawa ang kaklase nilang si Melanie na umiiyak. Natigil sa paglalakad si Melanie nang sumagi sakanyang isip na sina Jervin at ang dalaga pala ang kanyang nakasalubong.

"S-sorry Tamayo. P-patawarin niyo sana ako n-ni Jervin."

Paghingi ng tawad ni Melanie kina Jervin at sa dalaga at lakad ng muli papalayo sakanila. Nagtinginan sina Jervin at ang dalaga. Walang pag-aalinlangang sinundan ng dalaga si Melanie at naiwang gulat ang binata.

"Saan ka pupunta!?"

Pasigaw na tanong ni Jervin sa dalaga habang nakatayo pa rin sa pinaghintuan nila ng dalaga kanina. Natigil saglit ang dalaga, tinignan si Jervin, ngumiti at hinabol ng muli si Melanie.

"Ano ba tumatakbo sa utak nitong Ibon na 'to?"