"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Gusto mo bang sumama sa paglayas ko ngayon?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin nang nakangiti habang nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto nito.
"Sigurado ka bang lalayas ka?"
Tanong ni Jervin pabalik kay Yvonne ng may halong pagtataka sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ng mabuti si Yvonne na walang dalang kahit na anong gamit.
"Bakit? Kasi wala akong dalang gamit?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin sabay pameywang.
"Diba kapag maglalayas ka dapat may dala kang mga damit?"
Tanong nanaman pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay kamot ng ulo niya.
"Bibigyan mo lang ng pabigat sarili mo, e. Halika na kung sasama ka. Baka magising pa pamilya mo, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sabay simangot at lakad na papalayo sa bintana ng kwarto ni Jervin. Nataranta ito bigla habang papalayo na ng papalayo si Yvonne sa bintana nito.
"Hintayin mo ko!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne nang makatalon siya palabas sa bintana. Agad na lumingon si Yvonne kay Jervin habang nanlalaki ang mga mata nito sakanya.
"Sira ulo ka ba!? Bakit ka sumigaw!? Gusto mo bang marinig ka ng pamilya mo?! Bilisan mo hanggat hindi pa sila pumupunta sa kwarto mo!"
Natatarantang sabi ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ang pinanggalingan nito. Agad na hinawakan ni Yvonne ang braso ni Jervin at sabay silang tumakbo ng matulin. Maya-maya ay tumigil na sila sa pagtakbo at nagpahinga sa ilalim ng tulay.
"Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi mo man lang ako pinag impake?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang hinahabol ang kaniyang hininga at nakahawak sa pareho niyang tuhod. Naglakad si Yvonne papunta sa gitna ng ilalim ng tulay habang nakatingin lang siya kay Jervin.
"Halika rito."
Sabi ni Yvonne kay Jervin nang nakangiti at saka iniabot nito ang mga kamay para hawakan ni Jervin.
"Hahawakan ko talaga kamay mo?"
Nag-aalangang tanong ni Jervin kay Yvonne. Tumango lang siya habang nakangiti pa rin bilang sagot sa tanong nito.
"Pumikit ka."
Sabi ni Yvonne kay Jervin. Sinunod naman niya ang sinabi nito at pumikit.
"Tapos maglalakad tayo papunta sa tubig habang nakapikit ang mata, magkahawak kamay at magkaharap."
Dagdag pa ni Yvonne sa sinabi niya. Biglang napamulat ng mga mata si Jervin dahil sa gulat.
"Gusto kong takasan mga problema ko pero ayokong magpakamatay! Nasa matinong pag-iisip pa ako!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne. Napa busangot ito at huminga ng malamim para pakalmahin ang sarili.
"Hindi tayo magpapakamatay, okay? Wag kang mag-over react dyan. Magtiwala ka lang sakin at magiging maayos ang lahat."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ito sa mga mata. Huminga ng malamin si Jervin at pumikit. Pumikit na rin si Yvonne at nagsimula na silang humakbang patagilid habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay patungo sa tubig. Nung naramdaman na nila na wala na silang maaapakan pa ay huminto na sila sa paghakbang.
"Pagbilang ko ng tatlo… sabay tayong tatalon papunta sa tubig, ha."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakapikit at hawak pa rin ang mga kamay nito.
"Magkahawak pa rin ba tayo at nakapikit kapag tatalon na?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakapikit at hawak pa rin ang mga kamay niya.
"Oo."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin. Napahinga ng malalim si Jervin dahil sa kaba.
"Isa."
"Dalawa."
"Tatlo."