Chereads / I love you Mr Manager / Chapter 18 - What's the real score..

Chapter 18 - What's the real score..

Nag tataka lang si Trina kasi kahit kailan ay hindi man lang nag I love you si Leo sa kanya. Wala din silang label na natatawag. At never din nila napag usapan kung ano ba talaga sila.

Lumipas ang mga araw at dahil magkasama sila sa isang bahay ay para lang silang mag-asawa, pero yun lang ang masakit, kasi walang label...

Tapus na ang mahigit isang linggong bakasyon ni Leo at babalik na sya sa Manila. Kasalukuyan silang nasa isang resort ngayon para mag spend time bago eto bumalik at wala sayang alam kung kailan eto nakakabalik dito sa Bacolod.

{Leo}

Babalik na ako ng Manila bukas at nag message sa akin ang head namen na may mahalagang pag uusapan daw kami pag balik ko. Ngayon ay sinusulit ko pa ang oras ko with Trina kasi hindi ko alam kung kailan ako nakaka balik. Alam ko nararamdaman ko na nag hihintay sya na marinig na mahal ko sya. At masasabi ko naman na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pinag iisipan ko na pag balik ko dito saka ko na sasabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. For now ienjoy na lang muna namen ang company ng isa't-isa, hindi ko man sinasabi sa kanya ang mga katagang yun, eh pinaparamdam ko naman.

Hapon na kami naka balik sa bahay ay talagang sinulit namen ang bawat oras na magkasa.

Araw na ng pag alis ko, at nakikita ko na nakulungko sya. Pero pilit kong pinapasaya ang aura ko para kahit papaano ay gumaan naman. Hinatid ako ni Trina sa airport at alam ko sobra syang malungkot, gustohin ko man sabihin na mahal ko sy pero gusto ko na sigurado talaga ako ng 100% oo, inaamin ko hindi pa ko ganun ka sigurado. Alam ko ang gago lang kasi nga binigay nya naman lahat sa akin pero ako kasi ang tipo ng tao na sinisigurado muna ang sarili bago bumitiw ng mga sasabihin. Hinalikan ko sya sa nuo at sa labi bago ako bumaba sa sasakyan. Hindi na sya nag park pa bumaba nalang ako sa Departure area ng airport...

Bye Babe, magingat ka pauwi ha, I will call you pag naka land na ako sa Manila. sabi ko sa kanya. At tumango lang sya sa aken, alam ko malapit n sya umiyak kaya nag pasya na akong bumaba ng sasakyan.

{Trina}

Nandito ako sa airport para ihatid si Leo, kakalabas nya lang ng kotse at nalulungkot ako kasi aalis sya pero hindi pa rin malinaw kung ano talaga kami. Umuwi na ako ng bahay at aabalahin ko nalang ang aking sarili sa pag lilinis total eh Linggo naman at bukas pa ang pasok ko. Sabi naman nya eh tatawag sya pag dumating ng Manila.

{Leo}

Naka uwi na ako sa apartment ko at tumawag ang Boss ko if I could meet them for dinner at pag uusapan na namen ang sinabi nya. Total eh 4pm pa lang naman umuo na ako at para malibang na rin at hindi ko ma miss si Trina. Tatawagan ko muna sya bago ako umalis.

Hello, Babe? nasa apartment na ako, mag reready kasi mag kikita kami ni Boss later for dinner. Dirediretcho kong sabi.

Ahh ok.. namimiss na kita, malambing nyang sagot sa akin. Hindi rin nag tagal kami nag usap sabi ko eh tatawag nalang ako mamaya, at pinatay ko na ang cellphone ko at humanda na gumayak.