Chereads / I love you Mr Manager / Chapter 19 - It's between love or career

Chapter 19 - It's between love or career

Nandito na ako sa restaurant kung saan kami mag kikita ni Mr. Tateshi, sya ang isa sa mga may-ari ng company na pinag tatrabahuan namen ni Trina. Hi good evening Akira-san, hi Leo have a seat.. paanyaya nya.

Umupo ako sa harap ng Boss ko. After a while dumating si Ms Aileen Uy ang attorney ng company, she does all the legal matters.

Ok, since you two are here I want to go straight to the point. I want you two to go to Japan to help Tanaga-san with the new business we want to put up. Remember the one that we been planning since last year, we've decided that it is the good time to start.

Nagkatinginan kami ni Aileen. Well, basing on your status both of you are single so it will be easy for you to go to Japan to work since you don't need to think about your partners, and maybe we don't know you two can be partners too.. Tudyo ng amo naming Hapon. Nagulat ako sa offer nya, it is really tempting considering na pagkakatiwalaan nya kami isang malaking break eto para sa akin.

I will give you time to think and I am expecting your answer at the end of the week. Is tht fair enough? dugtong ni Mr Tateshi.Marami pa kaming napag usapan nung gabing yun purely business talaga. Nag hiwalay kami ng mga 10 na ng gabi. Sabay kami ni Aileen pumunta sa parking area at nag uusap kami kung ano ba ang magiging disisyon namen. Para sa akin break na to kaya tatangapin ko na.Malaki ang maitutulong sa akin. Yun nga lang kailangan namin mag stay sa Japan ng 2 taon para siguraduhin na ok ang negosyo, Hindi kami babalik dito sa office sa Pinas ng hindi stable at fully operational na eto. Daming ideas na pumapasok sa utak ko.. Excited ako masyado nakalimutan ko na may maiiwan pala ako pag nag kataon.

{Trina}

Mag aalas 11 na pero wala pa rin akong natatangap na tawag or text kay Leo, baka napagod na yun at naka tulog na pag-uwi nya.

Nag pasya na din akong matulog at may pasok pa ako bukas. Paper works nanaman ang haharapin at kailangan etong maisubmit kaagad.

Maaga ako gumising, nag check ako ng phone pero walang message na galing kay Leo. Ako ang naunang mag message.. Good morning Babe.. hindi kana naka tawag sa akin kagabe ah..

lumipas ang ilang oras pero wala akong may natangap na reply sa kanya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag tatrabaho. Natapus ang buong araw na ni isang message galing sa kanya ay wala akong natanggap. Sinabi ko nalang na baka madami lang yun ginagawa kaya hindi na naka tawag sa akin.

{Leo}

Naging abala ako sa buong mag hapon, sa ilang araw na wala ako sa opisina ay medyo madami akong dapat asikasuhin lalo na at kailangan ko mag turn over kay John nang lahat lahat dahil sa pag punta ko ng Japan ay sya na ang hahalili sa aking bilang HR Manager, at ipopromote nya ang isang tao nya bilang Operation Manager, mamaya ko pa malalaman sa meeting kung sino sino ang aakyat ang posisyon.

Tumingin ako sa phone ko may message galing kay Trina, 7:30am yun at anong oras na ngayon mag aalas 2 na at nag reready na ako para sa meeting namen. Kaninang umaga pag dating ko sa office ay pinuntahan ko si Akira-san at sinabing I'm considering his proposal at tuwang tuwa siya kasi si Aileen daw ay sumagot na din. Mamaya ay pag uusapan n ito ng pormal at malalaman na din namen kung kailan kami aalis ni Aileen.

Board Room:

Nag umpisa na ang pag pupulong at inanunsyo na ni Akira-san ang pag alis namin ni Aileen at eto ay sa susunod na linggo na! Si John ay naging bagong HR Manager, si Andrea ay ginawa namang Operation Manager at ang ipinalit kay Andrea ay si Jessie bilang senior supervisor. Bale sya na ang mag ooversee ng operations magiging under nya na sila Trina at ang mga ibang kasamahan netong supervisor.

Nagpakpakan ang lahat at kinungratuate ang mga na promote.

{Trina}

Memo: Please make yourself available tomorrow at 9 am we will be having a meeting as we will be discussing some of the changes in terms of our role in the company.

Yan ang email na nabasa ni Trina before she call it a day..She always make sure to empty her email before logging out. Ano kaya to? parang intriguing ahh..Anong changes?

Nag message ako sa Slack kay Jessie. Jes, anonf changes yun? yung sa memo?

Jessie: ahh yah kasi aalis na si Sir Leo pupunta na sya ng Japan with Ms Aileen so si Sir John na ang magiging HR manager at si Ms Andrea ang magiging Manager sa Ops..

hindi ako naka sagot sa reply n Jessie. si Leo?pupunta na sa Japan?bat hindi ko alam?bat hindi nya sinabi? anong nangyare?Naalala ko hindi nga ako nireplayan sa text ko nung umaga... Ano to?dahil bah wala kaming label eh ganito nalang kadali para sa kanya?hindi ko naman sya pipigilan kung aalis sya eh, ang sa akin lang eh sana sinabi nya man lang sa akin. hindi ko namalayan eh umiiyak na pala ako..

Nung gabing yun at iyak lang ako ng iyak. Hindi man lang sya naka alala na tumawag or mag text sa akin. Sinubukan ko tumawag, pero hindi man lng sya sumagot. Sige bibigyan ko sya hanggang bukas, pag wala talaga hindi na ako aasa.