Chereads / I love you Mr Manager / Chapter 20 - Big Change

Chapter 20 - Big Change

Naiannouce na ang magiging changes sa Company nila Trina, well it's ok lang naman kasi never naman sila nagka problema sa mga tao kasi halos lahat sila ay mag kakasundo

Never nila n feel na may competition yada yada. They are very happy with everyone's achievement.. Pero ang changes naman kay Trina sa personal nyang buhay ay medyo nakakalungkot talaga..Narinig pa nya na ginagawang item ngayon si Leo at si Aileen kasi pareho silang single, baka daw hindi lang companya ang mapalago nila baka pati sila eh magkamabutihan din.. Hindi alam ng lahat kung ano ang meron kami ni Leo at sa pag kakaalam ko hindi nila alam na sa Bacolod nag pasko at nag bagong taon eto kundi sa pamilya neto sa Bukidnun. Andon din si Leo nung nag meeting kami nkita ko sya sa video at ang mas masakit eh hindi man lang sya nag react habang tinutukso sila ni Aileen parang mas nag eenjoy pa nga sya.. Kaya napag disisyunan ko na itigil ko na ang umasa.. iisipin ko nalang na isang magandang alala kung ano man ang namagitan sa amin dalawa. Kahit sabihin kong mahal na mahal ko sya, pero hindi ko naman naring mula sa kanya na ganun din ang nararamdaman nya, kaya mabuti pa isarado ko na ang libro namen kung meron man.. Ayokong mag assume kasi ang sakit sakit na..hindi ako masukista na kahit nahihirapan na ako eh go pa rin ako.

Lumipas ang 2 linggo nabalitaan ko kay Jessie na naka lipad na si Leo at Aileen sa Japan nag pa farewell party pa nga daw si Sir Akira, Si Sir Tanaga daw ang makakasama nila Aileen at Leo sa Japan. At simula ng umalis sya dito sa Bacolod wala na kaming kumunikasyon pa.

Exactly 2 mos after umalis sila Leo, well company wise eh wala naman nag bago ganun pa rin. sa katunayan eh may lumabas na na memo na pupunta ang mga supervisor sa Manila para sa isang calibration. At kasama ako don. Hinihintay ko nalang ang confirmation para sa ticket ko..

As usual, gigising na ako para magsimula naman ang pani bagong araw.. Pero parang ang bigat bigat nga pakiramdam ko. nasusuka ako na hindi ko malaman..napatakbo ako sa labas ng hindi ko na talaga makayanan parang hinahalukay ang sikmura ko! Halos maubos ang lakas ko pagkatapus kong magsuka, kinabahan ako mag tatatlong buwan na akong walang dalaw.. hindi kaya..

Sheeeeet!!! hindi pwede to anong gagawin ko??!! dahil maaga pa naman at may oras pa pumunta ako sa isang drug store para bumili ng pregnancy kit.kailngan ko makumpirma ang nararamdaman ko. Dali dali na akong umalis..

Bumalik ako sa bahay na may dalang 3 PT at ginamit ko yun lahat at the same time..Kinakabahan talaga ako habang nag hihintay ng resulta. After few minutes tinignan ko at CONFIRMED positive ang 3 pregnancy kit, kung sa ibang sitwasyon to eh siguro magiging masaya talaga ako kasi mag kakababy na ako. Pero ngayon, oo masaya naman ako kasi ginusto ko rin ang nangyari sa amen kaibahan lang eh ako lang ang mag papalaki at tataguyud sa magiging baby ko..

Naalala ko bigla si Leo, ahh baka masaya na sila ni Aileen ayoko na lang maki gulo pa sa kanila. Kasi kung talagang mahal nya ako he should have made ab effort to reach out, pero wala eh.. sige baby ok lang kaya naten to.. pero wag ka mag alala aalagaan ka ni Mama at sisiguraduhin ko na hindi mo mararamdaman na may kulang sayo.. Mahal na mahal kita..