Nasa office na si Leo kasi maaga pa ng flight nya from Manila. He just came back from Japan a week ago. First thing he did was to check on Trina's FB. nagulat sya na hindi na siya friends sa FB pero ang mas ikinagulat nya eh ang PP ni Trina eh may kayakap na baby girl na nasa 2 taong gulang. At nung tignan nya ang bata ay may hawig sa kanya pero mas malaki ang hawig sa akin..
Hindi kaya... nabuntis si Trina? naki usyoso ako sa mga kasamahan ko. Tinanong ko kung anong bago kung sino ang nag asawa at nag ka anak, strategy ko yun para maka fish ng information. Ayon nga sabi ni Ms Vi isa sa HR staff eh si Trina daw may baby na (tinanong pa nga ako if naaalala ko pa ba daw sya) syempre girlfriend ko yon eh! para hindi halata dinugtungan ko din, ahh nag asawa na pala sya? si Ms Vi naman ay tuloy pa din sa chika.. ang alam ko wala eh.
Bingo! anak ko yun!
So eto ako ngayon sa office sa Cebu alam ko darating sya today. gagawa ako ng way na makausap ko sya kung hindi man ngayon basta bago sya bumalik ng Bacolod. At sisiguraduhin ko na kasama nya na ako pag bumalik sya don!kasama ng anak namen.
Naunang dumating si Aileen kasama si Tanaga-san sa 2 taon namen sa Japan eh nagkamabutihan ang dalawa at ayan buntis n si Aileen..mabilis din kumilos tong Hapon na to eh! Naupos si Aileen sa tabi ko at nakipag kwentuhan naging close kami sa isa't isa sa pag stay namin sa Japan. Alam nya na din ang tungkol sa amin ni Trina. Napagalitan pa nga ako kasi daw hindi ko man lang nagawang mag paalam ng maayos.
Dumating si John at nag kumpulan n kami sa round table habang nag kukulitan.
May narining akong boses, sa labas hi Ate May!! na miss po kita!! alam ko si Trina na yun.. para akong teenager hindi ko alam ang gagawin kom Alam ko ready na ako kanina eh naka pag practice na ako ng gagawin at sasabihin ko baket ngayon eh parang nauutal na ako..dahil ba alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya? bahala na si batman!
{Trina}
Dumating na kami ni Jessie sa office at dahil close na din kami sa lady guard namen na si Ate May ay binati ko eto. Dala dala ko ngayon si Atasha kasi wala naman kaming work, mag papakita lang talaga kami sa office. nag kwentuhan pa kami sandali ni Ate May, yan na ba ang baby girl mo.. Hello baby girl what is your name? tanung ni Ate May, Atasha Lorine po.. kampante din akong hindi pa darating ang managers base on my experience eh on the day na ang karaniwang dating nila. Sige Ate pasok muna kami. Pag pasok ko sa loob nakita ko si Sir John, si Ms Aileen at si Leo... hindi ko alam kung aatras ba ako oh tutuloy, pero wala na akong choice, nakita na ako. ni Sir John karaniwan sa kasamahn ko ay kinuha kong ninang/ninong ni Atasha yun nga lang at first time nila mamimeet ang anak ko..ang anak namen ni Leo.
Trina! bati ni Sir John sa akin, say hi to Tito Ninong baby.. Hello Lorine, kiss Tita Ninong, finally nagkita na tayo.. naka smile lang ang anak ko at nag eenjoy sa nakikita nya. Si Leo naman ay tamihik lang sa gilid. Bumati ako sa kanila ni Ms Aileen, good afternoon po.
Baby mo? tanung ni Leo sa akin. Tumingin ako sa kanya, ahh oo. sabay ngiti.
Binalingan nya si Atasha, hello Baby..
Nag hi naman si Atasha sa kanya. Come, tawag nya dito. Lumapit si Atasha sa kanya. At kinarga nya naman eto.. Meet your Dad Anak, sabi ko sa isip ko. Biglang nag comment si Sir John, pre magkamukha kayo ni Lorine ahh..
Para na akong lulubog sa kinatatayuan ko. ano ba to! sana hindi ko nalang dinala si Atasha dito kung alam ko lang na nandito si Leo..
{Leo}
Hi Baby Lorine, sabi ni John.. mas lumakas pa ang kutob ko na anak namin ni Trina ang bata.
Habang yakap yakap ko ang bata ay ang gaan gaan ng pkiramdam ko, nagulat ako ng biglang nag salita si John "Pre magkmukha kayo ni Lorine ah" ngumiti lang ako bilang tugon. Tumingin ako kay Trina at nararamdaman ko na nakakaramdam na sya ng tension. Kaya nag salita na ako, kamusta ang byahe nyo Trinz buti hindi ka nahirapan kay Lorine..ahh hindi naman good girl naman sya.. sagot nya. Tapus biglang tinawag ni Lorine si Trina "Mama" kaya binigay ko ang bata sa kanya kaya naka lapit ako at pasimple kong sinabi "Let's talk Babe, please"
nakita ko na nagulat si Trina sa sinabi ko. Pero hindi nya lang eto pinahalata, pagka kuha nya kay Lorine, ay magalang syang nag paalam sa amen.
{Trina}
Ang kapal ng mukha nya! "let"s talk please?" at hindi na nahiya sa asawa nya na nasa tabi nya lang! buntis pa naman ang asaw nya! Gago talaga, si Sir John naman sinabi pa talaga n kamukha sya ng anak ko? nakakahiya kay Ms Aileen!! kung baket sinama sama ko pa kasi si Atasha dito.. nagdadabog kong reklamo kay Jessie.. At etong Jessie naman ay tinatawanan lang ako..
Alam mo Katrina! magusap kayo para maliwanagan ka at para hindi ka nag kakagnyan! sabi ni Jessie
ikaw isa ka pa, napahiya na nga ako don eh, pagmamaktol ko.
Tumatawa pa rin si Jessie..
Sa huli nag decide na ako naiuwi sa hotel si Atasha at ako nalang ang babalik sa office, ayoko na madami pang maka notice ng pagkakahawig ni Atasha sa tatay nya.
{Jessie}
Iba ang alam ni Trina, akala nya talaga asawa ni Leo si Aileen, kaya natatawa nalang ako sa kanya. At alam ko din mahal nya pa rin si Leo. May pagka gago din kasi tong isang to eh! kakausapin ko nga total wala na si Trina hinatid na si Atasha sa hotel.
Sir Leo, busy ka? tanong ko
hindi naman, Jes..sagot nya
lika yosi tayo.. sana ma gets nya ako!
ok sige tara..
pababa na kami sa smoking area ng mag salita ako,
Sir alam ko kung ano kayo ng kaibigan ko at alam ko din ang nangyari, naaawa mn ako sa kanya, pero wala na akong magagaws tapus na yon eh, At nakikita ko naman na gusto mo pa rin sya. Please talk to her, explain your side and i correct mo yong maling akala nya na asawa mo si Ms Aileen..
Dirediretcho kung sabi..
Halos mabilaukan si Leo ng usok ng sigarilyo nya sa narinig nya sa akin..
Ano sabi mo? akala nya asawa ko si Aileen? Nagseselos bah?
parang natatawa nya pang sabi.
malamang! ano ba sa palagay mo!
Ok sige tapusin lang naten ang gathering sisiguraduhin ko kakaisapin ko yang kaibigan mo. At bago pa kami makauwi sa Bacolod sisiguraduhin ko makakagawa na kami ng kapatid ni Lorine!
Mahabang sabi ni Leo sa akin na ikinatawa ko naman..
Alam ko hindi matatapus ang linggong to magiging masaya na ang kaibigan ko.