Sadyang pinag trabahuan nga ni Leo para naibalik ang tiwala ni Trina. Pagka galing sa Cebu ay nangako si Leo na aasikasuhin lang ibang naiwang trabaho at pupuntahan na sila neto. Pero hindi nya alam na pupunta si Trina ng Manila para pormal nang tangapin ang inaalok ni Andrea sa kanya na pagiging Senior Supervisor.
Dumating si Trina sa Manila kasama ang yaya at anak nila ni Leo.
Dumiretcho na muna sila sa hotel na kinuha ng kompanya para sa kanya. Pag kacheck in nya ay binilinan si Jing na wag lumabas ng hotel at babalik naman sya agad kailangan nya lng talaga mag report sa opisina.
Dumating si Trina sa opisina nila at dumiretcho kay Andrea, hindi pa rin nya sinasabi kay Leo nanandito sya. Nagulat eto ng makita syang papalabas sa production.
Babe! napalingon ako sa tumawag sa akin, si Leo naka ngiti sa akin. Mamiss mo ako noh! Biro neto sa kanya .Sira nag punta ako kay Andrea kasi pumayag na ako sa inaalok nilang posisyon. kaya lang i have to stay here most of the time, kawawa naman si Atasha kung sa yaya ko lang iiwan.
Nasaan na pala sya? tanung ni leo, nasa hotel iniwan ko na muna. sagot ko sa kanya
Eh bat ka pa mag hohotel eh may apartment naman tayo? Leo
{Leo}
Nagulat ako ng makita ko si Trina sa office. At masaya na din akong nalaman nanandito sila ng anak namen. Kakausapin ko sya nadito nalang sila para magkasama na kami. Inaya ko na sya sa hotel kung saan nya naiwan ang anak namen at ang yaya..
Habang nasa daan, Babe simula ko..
kung need ka dito sa manila, why not mag transfer nalang dito. Anyway mas mabuti nga yon kasi magkasama na tayo. At least diba mas madali tayong makakabuo ng baby brother ni Atasha.. naka ngiti kong tudyo sa kanya..
Tinignan nya lang ako at nginitian ng pilit!
Tumawa lang ako ng malakas..
Sa wakas na convinced ko na si Trina na lumipat na lang dito. Kinausap namen ang yaya ni Atasha if ok lang sa kanya na dito na sya sa manila kasama namen. Kailangan nlng namen kunin ang ibang mahahalagang gamit sa Bacolod at paparentahan n din ang bahay doon. Alam ko kailangan ko pang patunayan na mahal ko sya talaga at gagawin ko ang lahat mapatawad nya na talaga ako ng tuluyan. At naka isip na ako ng paraan..
Natapus namin ang mga dapat ayusin sa Bacolod ngayon eh pabalik na kami sa Manila, at ako naman, sisimulan ko na ang plano ko na para mapatunayan ko na talaga kay Trina kung gaano ko sya mahal.
Isang surprise wedding ang gusto kong gawin.. kinunchaba ko ang mga close ni Trina sa office pero meron akong kinuhang wedding coordinator. Yung sa gown eh si Jessie na ang bahala don..
makalipas ang 1 buwan na pag hahanda ay ready na rin ang lahat sa wakas...