Chereads / I love you Mr Manager / Chapter 21 - Time flies so fast...

Chapter 21 - Time flies so fast...

{Leo}

Sa 2 taon kong pamamalagi dito sa Japan ay nag prosper naman talaga ang negosyo na itinayo namen nila Aileen at Tanaga-sanm Masasabi ko na maganda na ang estado neto sa merkado at nakaka pag akyat na rin eto ng pera sa ngayon. Gaya ng pinag isapan namen nila Akira-san bago namin itayo eto, pwede na kaming maka balik sa Pilipinas pag ok na ang lahat. At babalik ako sa pwesto ko na pagiging HR Manager dahil si John ay pupunta na ng US kasama ng pamilya nya. Malaki ang nagawang tulong sa akin sa 2 taon ko sa Japan ang dami dami ko ring natutunan kay Tanaga-san, Akira-san at maging kay Atty Aileen. At sa mga panahong yun hindi pa rin nawawala sa puso't isipan ko si Trina. wala na akong balita sa kanya at ang laki laki ng kasalanan ko dahil hindi ko man lang nagawang mag paalam ng maayos. Wala akong pwedeng maging rason kasi kung gusto ko magagawan ko ng paraan, pero sadyang na overwhelm ako sa opurtunidad na dumating. Sana lng talaga hindi pa huli ang lahat para sa amin. Pag umuwi ako aaminin ko na sa kanya na mahal na mahal ko sya. At aayain ko agad ng kasal.. Sana lang hindi pa talaga huli ang lahat para sa amin..

{Trina}

Atasha come to Mama, tawag ko sa mag dadalawng taong gulang kong anak, mahigit 2 taon na rin simula ng umalis si Leo, kahit anong pilit kong kalinutan sya ay hindi ko magawa kasi kmaukhang kamukha nya ang anak namen. Girl version ni Leo si Atasha. Lumapit sa akin ang aking anak at sabik n sabik kasi 3 araw din ako nawala nang pununta ako sa Manila para sa isang importanteng meeting. Pinupog ko ng halik si Atasha, marunong na din syang magsalita kahit medyo nabubulol pa.. Mama!!! sigaw nya.

Sa susunod na bwan ay pupunta nanaman kami ng Cebu para sa mid-year gathering ng companya at bali balita na darating na daw si Aileen, Tanaga-san at si Leo. Ang huling balita ko ay buntis na daw si Aileen at dito nya gusto manganak dahil nandito ang kanyang pamilya. So nagkatotoo ang panunukso sa kanila.. Naramdaman ko na parang tinutusok ang dibdib ko.. hangang ngayon sya pa rin talaga. Ayoko naman umalis sa trabaho ko kasi may anak akong binubuhay, isa pa hindi naman ako direktang nag rereport kay Leo so wala naman sigurong magiging problema don. Kampnte rin ako na hindi alam ni Leo na may anak kami. Alam sa office na nag kaanak ako pero hindi ko sinabi kong sino ang ama. Sa Mid-year eh plano kong isama si Atasha saka ang yaya nya kasi gusto kong i pasyal naman sya sa cebu. Kukuha nalang ako ng room na separate.

Mabilis na lumipas ang mga buwan at May na.. naiannounce na rin ang pag reresign ni Sir John at malalaman namen sa mid-year kung sino ang ipapalit sa kanya. Nakaka lungkot lang kasi simula lang nag umpisa ako dito ay si Sir John talaga ang naging mentor ko. Napaka laki ng respeto ko sa taong yan kaya nakakalungkot na malaman na aalis na sya sa company at maninirahan na sa US kasama ang pamilya nya.

Araw ng alis namin papuntang Cebu.. first airplane ride eto ni Atasha. Dumating naman kami sa Cebu sa takdang oras kaya nag check in n muna kami bago ako mag punta sa opesina. Habang nag check in ay dumating si Jessie.. Nag yakap kami kasi na miss namin ang isat isa pinakilala ko si Atasha sa kanya.. Baby say hi to Ninang.. Hi Baby, binuhat nya si Atasha at hinalikan, pagkatapus maka check in ay tinawag nya ako. lumayo kami sa karamihan,

Katrina Andrada umamin ka nga sa akin, si Sir Leo ba ang tatay ni Atasha?

Nagulat ako sa tanung ni Jessie.. na corner nya ako..wala na akong magawa kundi ang umuo at lumuha..

Niyakap nya ako..Magkwento ka nga. sabi nya.. Sige dalhin ko na muna sila sa kwarto tapus magkukwento ako sayo sa kwarto mo.

Kinukwento ko kay Jessie lahat lahat mula sa Baguio hanggang sa pag punta n Leo sa Bacolod.. Pero baket hindi mo sinabi sa kanya? tanung nya..

para ano pa Jes?alam ko naman masaya na sya sila ni Aileen.

Huh? san mo naman napulot yang chismis na yan? na sila ni Aileen?!Jessie

Kasi diba tinutukso sila nun before sila umalis saka alam ko buntis si Aileen ngayon diba..

uu buntis si Aileen pero.. hay naku Katrina mag usap kayo ni Leo para malinawagan ang lahat hindi yung ganito puro hear say ang alam mo!

eh paano nga?! hindi nga nakuhang mag paalam bago umalis tapus all of a sudden lalapitan ko sya after more than 2 years tapus ano sasabihin ko, hi Sir ko pala yung iniwan mo 2 years ago at tadah may baby na tayo.. ganun?! biro ko kay Jessie pero alam nya na nasasaktan ko kasi umuiiyak na ako habang tumatawa..

Gaga! baliw! tapus niyakap nya nalang ako.

Everything is gonna be alright Trinz Im sure..