{Leo}
Hindi naman kami umabot ng 20 minutes at pumasok na kami sa isang subdivision. Terranova yan ang naka lagay sa labas. Ok naman at gated ang subdivision meaning safe si Trina dito. pag dating sa ika 3 kanto ay kumanan kami at sa hindi kalayuan ay tumigil kami sa isang maliit pero cute na bahay. Kulay Cream eto, may maliit na garahe at may terrace din. pumasok na kami sa garahe at nang naka hinto na eh bumaba na kami.. We're here..welcome sa bahay ko! Ngumiti lang ako kay Trina. binuksan ko ang back seat at kinuha ang bag at laptop ko. Pag pasok sa bahay ay mapapansin mo agad ang sala na maliit, may kulay gray na sofa, may maliit na center table at may 40 inch led tv. sa right side ay nandon ang kainan na 4 sitter na dining table, at may naka hati na parang counter, sa gilid nun ay may mga gamit sa bahay. Kompleto din naman sa kagamitan at malinis eto. Napahanga akl kay Trina napaka organized nya sa gamit at ang aliwalas tignan. Babe, sorry ha isa lang kwarto dito sa bahay ko eh so tabi nalang tayo. Sabi ni Trina habang kumukuha ng tubig sa ref. Babe, kahit 10-20 pa ang kwarto sa bahay mo hindi din naman ako matutulog don syempre tatabi ako sayo.. na miss kaya kita. Sabay yakap sa baywang nya..humarap sya sa akin na naka ngiti ang hinalikan ko sya sa labi.. una ay banayad pero kalaunan ay mas naging mapag hanap at tinugon din yun ni Trina. Ramdam ko rin ang pagka miss nya sa akin. Kumalas sya ng makabawi at tinignan ako ng nakakaloko..sabay sabing.. ilaw ha! tumawa nalang ako ng malakas at niyakap ko sya ule at hinalikan sa nuo, sa tungki ng ilong at sa labi. Pero hindi na yon lumalim pa kasi bumitaw na sya sa akin.
Pinasok ko ang gamit ko sa kwarto nya, at gaya ng sa labas ay malinis din eto may makikita kang table sa dulo at meron duon desk top na 21 inch screen. Maganda kasi may halaman pa sa gilid neto at may frame. may lalagyan ng ballpen at sticky notes..
Dito mo nlang lagay ng laptop mo Babe ha..
Lalabas muna ako mag freshen up lang ako para ikaw naman pagkatapus.
{Trina}
Lumabas ako ng kwarto para maligo at dahil napaka malainsangan ng panahon. pagkatapus kong maligo ay bumalik ako sa kwarto at naabutan ko si Leo na naka harap sa laptop nya. Babe, ikaw na..
nasanay na akong tawaging Babe si Leo, yan ang naging endearment nya sa akin simula ng may nangyari sa amen sa Baguio. Wala kaming formal na usapan kung ano talaga kami pero masaya na ako kung anong meron sa amen. Talagang lumalalim na ang nararamdaman ko para sa kanya at medyo natatakot na rin ako. Pero sige lang kaya ko pa naman. We'll cross the bridge when we get there., ika nga sa kasabihan. Tumingin si Leo sa akin, wow sexy ah... ikaw ha! sige wait lang at maliligo lang ako! Ill be back in a few...
tumawa nyang sabi. At ako naman eh napapailing nalang sa mga kalokohan ni Leo na natutuksan. At lalo pa syang napamahal sa akin...
{Leo}
Lumabas ako sa kwarto at pununta sa banyo para maligo, at haharapin ko ang emails ko bago matulog (kung makakatulog) hahah (lumalabas ang pagiging pervert ko pag kasama ko si Trina)
Dali dali akong naligo at bumalik sa kwarto naka upo si Trina sa pc nya at parang nag chicheck din ng email.Babe... tawag ko kay Trina, so you mean pag ikaw lang dito nag tatrabaho ka pa din kahit gabi na?tanung ko.
Tumingin sya sa akin na naka ngiti. nag bihis ako ng shorts at t-shirt at umupo n din sa tabi nya at nag check na din ng email ko. Si Trina, kita mo yan..sasawayin mo ako tapus ikaw din pala! hahah
Hindi, nag check lang ako ng mga naiwan kong emails na importante. After this eh alam mo na.. matutulog na tayo.. sabay ngiti ko sa kanya.
Pagkatapus kong ma sure na ok na ang mga email ko eh, tumayo na ako at lumapit kay Trina sabay yakap sa kanya..Tama na yan, magpahinga na tayo.. habang hinahalikan ko sya sa tainga habang hawak hawak sya sa puson. Bumubulong ako sa kanya.. I miss you Babe.. so much at sumagot nya naman ng halik.. lumalim ng lumalim ang halik ko sa kanya at hindi na namen napansin naka lipat na pala kami sa kama at sinimulan ko ng tangalin ang mga damit ni Trina.
Naging napaka sarap ng gabing pinag saluhan namen ni Trina.. Mag mamadaling araw na kami nakatulog at pinatunayan ko talaga kung gaano ko sya na miss.