Chereads / Fall of Demon / Chapter 4 - Chapitre 4

Chapter 4 - Chapitre 4

"Balitang Balita, Sa Channel na maaasahan. Isang pamilya sa Quezon city,natagpuang patay sa kanilang sariling bahay, Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang nangy--"Pinatay ko ang TV at humiga sa sofa. Limang araw ng paulit ulit na may nababalitang may namatay. Di ko na mabilang kung ilang tao ang pumanaw. Ano ng nangyayari sa lugar namin? Bakit sunod sunod ang mga krimen?

"MINUTE!!!!!!!! LUMABAS KA DITO! HARAPIN MO AKO!! " Napatakip ako sa dalawang tenga ko ng marinig ko ang nakalunok na microphone na bunganga ni Madam Auring. Dali dali ko syang pinagbuksan ng pinto at nasilayan ko nanaman ang connect the dots na mukha nya.

"Magandang araw sa magandang may-ari ng boarding house,ano pong atin? "

"Wag mo akong binobola Minute bigay mo na sa akin ang utang mong bata ka"

"Eh Madam wala pa akong pera,pwede bang next week nalang? "

"IYAN DIN ANG SINABI MO SA AKIN NUNG NAKARAAN!,ANO ITO? NAGLOLOKOHAN TAYO DITO?"

"Hindi naman kita niloloko madam ikaw nagsabi nyan" Gigil naman itong nakapamewang sakin

"Chill ka lang Madam Auring baka dumami wrinkles mo nyan baka di ka na ligawan ulit ni Mang Amboy"

taranta naman itong napahawak sa mukha nya.Nilabas nito ang kanyang salamin at inayos ang kanyang buhok.Nang makuntento agad bumalik ang atensyon nya sakin.

"Siguraduhin mo lang na makakabayad ka na next week pag hindi pupulutin ka na sa kangkungang bata ka"

sabay hila sa buhok ko bago sya umalis. Ngumiti naman akong kumaway sakanya,umirap lang ito at pinakita ang gitnang daliri nya sakin. Napakamot nalang ako ng ulo at sinara ang pintuan. Kaylangan ko na talaga ng trabaho.

"Ahhh ayoko naa" sigaw ko.Ilang oras na akong naghahanap ng trabaho pero ayaw nila akong tanggapin dahil wala pa daw akong work experience.Syempre wala pa talaga eh 18 palang ako eh bobo ba sila? Napahawak ako tyan ko pisti hindi pa ako kumakain pala.pero kaylangan ko munang makahanap ng trabaho para makaipon ako ng pang allowance ko. Huminga ako ng malalim. "Kaya mo ito Minute ngiti lang.ayos lang iyan" Kumuha ako ng Apat na pirasong stick-o sa bag at kinain yun. Nakakaginhawa talaga ng damdamin itong stick-o. Sarap na sarap akong kumain ng may kumalabit saking bata. May inabot sya sa aking skyflakes.

"Ano gagawin ko dito? "nagtataka kong tanong

"Titigan mo ate baka sakaling matunaw "masungit na sagot nito aba bastos na bata

"Iyang dila mo ah ayos ayusin mo baka guntingin ko iyan"gigil nya ako ah

"Ikaw naman kasi ate alam mo na ngang biscuit ito tinanong mo pa kung anong gagawin mo dito aba syempre eh di kainin!"

"Eh bakit mo ba kasi ako binibigyan nyan? "

"Kanina ka pa kasi parang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan kaya binibigyan kita ng skyflakes,pampatibay ng loob,Mag thank you ka nalang kasi pwede? "Ngiti ko namang kinuha sakanya ang skyflakes pambirang bata mabait pero matabil ang dila.

"Salamat ang bait mo"inirapan lang ako nito at umalis na. Binuksan ko ang skyflakes at kinain hmm pwede na panglaban sa gutom.

"Bestie where are you ba? Pumunta ako sa Bhouse mo wala ka anong oras na oh 8pm na"

"Naghahanap ako ng trabaho kasi Honey eh wag ka mag alala malapit nako umuwi"di ko alam kung saan na ako nakarating. Patingin tingin ako sa paligid ng may nakita akong karatula "Wanted Cashier" Napangiti ako ng malapad at pumunta sa Burger store.

"Sige mamaya nalang Honey mag aapply nako"nilagay ko yung phone ko sa bag at kumatok na sa pinto. Agad namn akong pinagbuksan ng matandang babae

"Ah Hello po mag aapply sana akong cashier"

"Di mo ba nakita yung nakapaskil? Closed na kami sa tagalog sarado na! "masungit na sabi nito

"Ah sarado? "

"Oo kaya bumalik ka nalang bukas! "

"Anong oras? "

"Alas kwatro ng umaga"

"Ah sarado?" sinamaan naman ako ng tingin ng matanda

"Pinagloloko mo ba ako babae? " ngumiti naman ako ng matamis sakanya

"Eh Maam baka naman pwedeng tanggapin nyo na ako ngayon may pasok kasi ako bukas eh baka hindi ako makapunta"

"Hindi ko na kasalanan iyon" isasara nya na sana ang pinto ng pinigilan ko ito

"Sige na Maam masipag po ako at magaling sa math,panigurado ako ang magiging best cashier nyo sige na, kaylangan kong makahanap ng trabaho para may pangkain ako sa araw-araw tas baon narin sa school.Pag hindi nyo po ako tatanggapin ngayon baka pulutin nako sa kangkungan dahil papalayasin nako ng land lady namin sa Boarding house di ka ba nakokonsensya? " nag puppy eyes ako sa matanda

"Langyang batang ito dinamay pako oh sya sige tanggap kana"

"Waaa salamat po"niyakap ko si ale at binigay ang resume ko. Pagkatapos nun pinauwi na nya ako

"Maraming salamat Nay"

"Wag mo akong tawaging nanay di kita anak" napapitlag pako ng padabog nyang sinara ang pinto. Galit na galit?

"Makauwi na nga" habang nagmumuni muni sa paglalakad may naaninag akong bulto ng tao na papalapit sakin, Ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang mukha nito,sya yung lalake na gusto akong patayin.

"B-Bakit ka nandito? H-hinahanap mo ba ako? Papatayin mo na ako? "nanginginig akong umaatras habang papalapit sya sakin. Ngumisi naman ito

"Di ko akalaing magkikita tayo ulit hangal na mortal"lalo akong nanginig ng makita kong duguan ang kanyang mga kamay.May pinatay ba sya? Nanghihina akong napaupo dahil di ko na magalaw ang paa ko dahil sa takot.

"Nakakatawa ang iyong itsura,kaaya aya."takot akong nakipagtitigan sakanya. Nakangisi parin ito ngunit bigla itong napangiwi na pinagtaka ko. Napapitplag ako ng bigla itong dumaing. May masakit ba sakanya? Kahit takot nilakasan kong tumayo at lumapit sakanya

"A-ayos k-ka lang ba? " Sinamaan ako ng tingin nito kaya napaatras ako ng kunti.Hinila ako nito sa braso at nilapit ang mukha nya sakin syems.

"Ayoko iyang tingin mo nilalang, hindi ka dapat tumingin sa akin ng ganyan,NAIINTINDIHAN MO?? ISA ---" napatili ako ng bigla syang bumagsak sa akin.

"Ang bigat mo koya" Pilit ko syang tinatanggal sa ibabaw ko at Pagsilip ko sa mukha nya nakapikit na ang kanyang nga mata. OH NOSE NAHIMATAY SYA.

HELP