"Grabe ang bigat ng taong ito"
ininat inat ko ang katawan ko,umabot din ng 30 minutes bago ko sya madala dito sa bahay. Buti nalang may nakakita agad saming tricycle driver kaya agad kaming nadala dito.Di ko sya dinala sa hospital kasi wala naman akong pambayad. Kaya buti nalang nahimatay lang sya wala naman syang mga sugat, maliban sa dugo sa kamay nya. Kumuha ako ng pamunas at sinimulan na syang punasan sa katawan at mukha. Kahit nakakailang kineri ko naman. Ng nasuotan ko sya ng Tshirt,nakahinga ako ng maluwag. Pinagmasdan ko ang estrangherong nakahiga sa kama ko.
"Kahit tulog nakakatakot ka parin, lagi ka kasing nakakunot"tinampal ko ito ng mahina ito sa pisngi bago ako pumunta sa C. R kaylangan ko ng maligo para makatulog narin.
---------
**BOOGSH**
Napabalikwas ako sa sofa ng marinig ko ang malakas na kalabog sa kwarto ko. Napakunot noo ako ng ilang beses pa itong kumalabog. Ano bang ginagawa ng lalaking yun?Binuksan ko ang pinto at ganun nalang ang gulat ko ng mabungaran ko ang galit na galit na mukha nito.
"IKAW!!! " napatili ako sa lakas ng sigaw nya.
tinulak ako nito sa likod ng pinto at hinawakan ng mahigpit ang braso ko
"NASAAN AKO?? ANONG LUGAR ITO??"
"Nandito ka sa bahay ko,dinala kita dito dahil nahimatay ka kagabi"napakunot noo naman ito at binitawan ang braso ko
"Hindi ito maaari" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Anong di maaari? Ang weird nya.
"Ang sakit ng pagkakahawak mo sa braso ko. Kakaiba ka,ikaw na nga tinulungan ganyan pa ugali mo, pwede namang magpasalamat ka nalang diba? " naiinis kong sabi habang nakapamewang sakanya
"Hindi ako kaylanman magpapasalamat!! Isa akong prinsipe kaya galangin mo ako hangal na nilalang" hindi ko naman maiwasang matawa sa sinabi nya, sya prinsipe? saan ba nanggaling ito? mental?
"Wag mo akong tawanan baka mapaslang kita"napalunok naman ako sa sinabi nito halata kasing seryoso sya. Napaubo nalang ako ng malakas
"Oh sige na isa ka nang Prinsipe, tara na your highness,kain na tayo ng agahan"
"Ano ang agahan? " tinignan ko naman ang seryosong mukha nito.
"Seryoso kaba sa tanong mo? Agahan means breakfast"tinaasan naman ako nito ng kilay napailing nalang ako at hinila sya papunta sa kusina.Nagtimpla ako ng kape naming dalawa.At niyaya na syang umupo bale magkaharap kami. Sinawsaw ko ang pandesal sa kape ko at kinain yun. Napapikit pa ako sa sarap. hmm sarap talaga ng pandesal. Napatigil ako sa pagsubo ng mapansin kong nakatingin si wengya sino ba sya? anak ng pupo di ko pa pala sya natatanong kung anong pangalan nya.
"Ano nga palang pangalan mo your highness?? atsaka bakit hindi ka pa kumakain? masarap naman iyang pandesal with matching kape saka walang lason iyan. "
tinignan nya ng matagal ang pandesal bako ito sinubo
"Kakaiba," bulong nito, napangisi naman ako nakakacurious talaga ang katauhan ng taong ito
"Ako pala si Minute Raphael Mendoza ikaw anong pangalan mo? "
"Lucifer"
lucifer? napakademonyo naman ng pangalan,pero bagay sakanya hahaha
"Taga dito karin ba sa Manila?Saan ang bahay mo? At bakit nakita kitang duguan sa kamay kagabi? "napangisi naman ito ng parang demonyo sa harap ko. Hindi ko alam pero talangang nakakatakot ang taong ito.
"May pinaslang akong demonyo kagabi"napainom naman ako ng kape sa sinabi nya. Halos maiyak ako ng narealize ko na sobrang init ng kapeng ininom ko.
"Natakot ka ba mortal? Matakot ka lang gusto ko iyan"kumain ito ng pandesal habang tuwang tuwa na nakatingin sa akin.
"P-patayin m-mo p-parin ba ako? "uminom muna ito ng kape bago ako seryosong tinignan
"Hindi muna kita papaslangin ngayon, naisipang kong ikaw nalang ang gagawin kong tagapagsilbi sa akin hanggang nandito pa ako sa lupa" Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya, sino ka ba talaga Lucifer? Bakit kung tratuhin mo ako parang hindi mo ako kauri?
"kaylangan kong pag aralan ang mundong ito, dahil lahat ay bago sa akin,kakaiba dito kaya kaylangan ko ng malaman ang lahat pati narin ang klase ng iyong pananalita"
hindi ko naiintindihan lahat ng sinasabi nya dahil iniisip ko parin kung sino ba itong lalake na ito,Prinsipe ba talaga ito? Saan? at bakit sa lahat ng pwedeng ipangalan sakanya bakit Lucifer pa? Sinumpa ba sya ng mga magulang nya?
Sa sobrang lalim ng iniisip ni Minute hindi nya namalayan na nilapit ni Lucifer ang mukha nito sakanya.
"Sisimulan ko na ang aking balak"saka lang bumalik sa wisyo si Minute ng nagsalita si Lucifer,napalaki naman ang mata ni Minute ng mapansin nyang sobrang lapit ng mukha nila ng lalake sa isat isa. Nakangisi ito habang nakatitig sakanya, hindi nya alam pero parang nakita nyang biglang pumula ang mata nito saglit.
"Anon---" hindi nya natuloy ang sasabihin ng bigla syang kinabig ni Lucifer at Hinalikan.Hindi sya nakagalaw bastat nakadilat lang ang kanyang mata sa gulat.Lalo pang nilaliman ni Lucifer ang paghalik.Para syang mahihimatay ng pumasok ang dila nito sa bunganga nya. Itutulak na sana nya ito ng makarinig sya ng isang pagsigaw
"OMG PORN!!!"