"Bestie sure ka ba na papatirahin mo si Lucifer dito sa boarding house? "napahinga ako ng malalim.Tumingin ako sa pinto ng kwarto ko kung saan nandun si Lucifer. Pagkatapos ng nakakahiyang pagkakahuli samin ng kambal sa paghahalikan agad kong pinapasok si Lucifer sa kwarto ko at nagpaliwanag naman ng sobrang haba kila Honey. Naginit nanaman ang pisngi ko ng maalala ang halik ni Lucifer.Bakit nya ba kasi ako hinalikan?
"Hoy girl mamaya mo na isipin yung halikan nyo meron pa mamaya" nahihiya naman akong tumingin kay Honey.
"Pero bakla ang gwapo ng ampon mo hihi"malanding sabi ni Sugar habang hinahampas hampas ako.Iniripan ko naman sya at pinigilan ang kamay nya sa kakapalo.
"Nga pala Bestie mauna na kami,meron pa pala kaming lakad ni Sugar"Sinamaan ko sila sa labas at nagpaalam. Pagbalik ko sa sala nakita ko si Lucifer na prenteng nakaupo habang nanonood ng TV
"Ang saya naman pala manood, so ito ang tinatawag na TV means Television wow"umingos ako at pumunta sa harapan ni Lucifer tinaasan naman ako ng kilay nito dahil natatakpan ko ang TV
"Bakit mo ako hinalikan? alam mo bang first kiss ko yun??? "galit kong sigaw, blanko naman akong tinignan nito
"Ginawa ko yun para malaman lahat ng mga bagay bagay dito sa mundo nyo"
"HUH? Nababaliw ka na ba talaga?"ngumisi naman ito at dinilaan ang kanyang labi. Hindi ko naman maiwasang tumingin doon.
"Ako si Lucifer,isa akong demonyo napatapon ako dito ng mga walang hiyang angkan ko sa tulong ng isang bruha,Kayong mga tao hindi pala kayo naniniwala sa amin,ayon ang nakita ko habang hinahalikan kita" parang sumakit naman ang ulo ko sa sinabi nya. Isa syang Demonyo? Pero bakit? Hindi ko maintindihan.
"Nasa iyo na iyan kung papaniwalaan mo ako o hindi kaya hangal umalis ka na dyan sa harap ko,nanonood ako"Nanghihina naman akong umupo sa tabi nya. Nanaginip ba ako? O nababaliw na? Inis kong ginulo ang buhok ko at humarap sa Lalakeng seryosong nanonood ng TV
"Kung demonyo ka bakit wala kang sungay? wala kang buntot at higit sa lahat hindi ka pangit!!! "
.
"Gwapo ako kahit sa tunay kong anyo, maraming succubus ang nahuhumaling sa akin"
"Ang hangin ah pwede na akong liparin"may pagtataka naman itong tumingin sa akin
"Walang hangin dito at imposible kang liparin"napairap naman ako, akala ko ba alam na nya lahat? Slow parin pala ang demonyo na ito.Paano na ito? may demonyo dito sa bahay dito na ba magbabago ang mapayapa kong buhay?
---
"Hanapin nyo si Lucifer! Kaylangan nyong mahanap sya bago pa mangyari ang digmaan ng mga demonyo at anghel!!!! " nakakatakot na sigaw ni Satan sa loob ng kanyang kaharian. Walang demonyo naglakas loob na tumingin dito dahil ramdam nila ang sobrang itim na awra na bumabalot sa buong kaharian.
Samantala ang mga demonyo na may pakana ng pagkawala ni Lucifer ay hindi na mapakali sa kanilang pwesto. Kinakabahan sila sa oras na malaman ng hari ang kanilang ginawa.
"Medina,nakabalik na si Satan at napupuyos na ito sa galit dahil sa pagkawala ng kanyang anak" balita ng kaibigan na witch ni Medina na nagpanggap na demonyo para makapasok sa Kaharian ni Satan.
"Ipagpatuloy mo lang ang pag eespiya kaylangan nating malaman lahat ng plano ng Hari"utos nya dito gamit ang telepatiya.
"Masusunod" sagot nito.
Pinagpatuloy ni Medina ang kanyang ginagawang salamangka. Salamangka para lalong maitago at maharangan nya ang mga demonyo sa paghahanap kay Lucifer
"Hindi nyo sya pwede mahanap. Hindi muna ngayon"seryoso nyang saad habang nakatingin sa malaki nyang salamin kung saan nya nakikita lahat ng nangyayari kay Lucifer sa lupa.
"Ill custodiat te"