Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Bes

🇵🇭THEODDGIRL
10
Completed
--
NOT RATINGS
45.1k
Views
Synopsis
Kahit sino matitikman ang bangis ni Kupido. kahit kanino pwede kang tamaan. walang ligtas sa pana ng anghel na ito. kahit hindi mo kilala nagugustuhan mo pero paano kapag sa bestfriend mong matagal mo ng kasama biglang tumibok ang nananahimik mong puso?
VIEW MORE

Chapter 1 - PATAGONG FEELINGS

"ano bang wala sa akin na meron sakanya?" mangiyak ngiyak na tanong ng kapitbahay niyang bakla. Tahimik lang na naglalaba si Amanda sa likuran ng bahay nila ng sumulpot ang kaibigan niya, umiiyak pero wala namang luhang tumutulo.

"gusto mo sabihin ko sayo kung anong wala sayo na meron sa babaeng pinalit sayo ng bf mo?" sambit nito Marivic ang kaibigan niyang bakla saka niya ito tinaasan ng kilay.

" hindi na, mukhang alam ko na friend kung ano yun" malakas na tumawa si Marivic saka niyakap ang sarili tapos biglang tumahimik na parang may nakitang kaluluwa.

" pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?" tanong muli nito sabay kinuha ang nilalabhang damit ni Amanda at siya na rin ang nagkusot

May magandang epekto rin pala ang pagiging sawi ng baklang to tinuran ni Amanda sa sarili saka ito mahinang napatawa.

Sa totoo lang hindi expressive na babae si Amanda kaya naman sa mga pagkakataong ito ay talagang pinagmamasdan lang niya ang mga kaibigan nito kapag nagdadrama tungkol sa mga lovelife nila. Hindi nito alam ang gagawin kung yayakapin ba niya ang kaibigan o magbibigay ng payo o hindi kaya ay iuuntog nalang niya sa dingding para matapos na ang problema nito. Ganoong klaseng babae si Amanda.

" hoy Manda! Sagutin mo ako!? pangit ba ako?! kapalit palit ba ako?!" sinigawan siya ng kaibigan saka niyugyog ang braso nito.

" shhhh!! wag kang maingay!" saway naman niya kay Marivic. May tumalsik pang laway sa mukha ng kaibigan dahil sa pagsaway niya.

" bakit?" pabulong niyang tanong.

" kasi hindi ko marinig ang tibok ng puso ng baklang sawi hahahahahahaha ahhh! Ano ba malamig!" nagawa pa niyang asarin si Marivic ng basain siya nito ng bula mula sa batya.

Ano ba yan! Reklamo niya sa kanyang isip.

" alam mo Marvin, gwapo ka kaya. Maghanap ka nalang kasi ng chikababes. Sa mukha mong yan pwede kang maging heartrob haha" matalim siyang tinignan ni Marivic dahil sa sinabi nito. Hinawi rin nito ang buhok nitong abot hanggang beywang.

" heartrob? Bulag ka ba Manda? Heartrob?" sabat nito sabay pakita ng mahaba nitong buhok na kulay ginto. Feeling ata niya si Rapunzel siya. Laman ng utak ni Amanda habang pinipigilang tumawa. Mahaba nga ang buhok ni Marivic at halos mas maganda pa ito sa buhok niya pero hindi ito nagsusuot ng mga damit ng mga babae. Lalaki parin ang pormahan nito.

" tsaka wag mo nga akong matawag na Marvin! Marivic ang pangalan ko" dagdag pa nito sabay kusot niya sa panty ni Amanda. Gigil na gigil siya sa pagkusot. Pakiramdam ni Amanda ay mapupunit ang tela ng panty niyang inorder pa sa avon.

" huy dahan dahan naman sa pagkusot niyan! Hindi ko pa bayad yan!" saway nito pero isang irap lang ang nakuha niya kay Marivic.

" edi ikaw magkusot, wala ka talagang kwentang kaibigan" pagmamaldita ni Amanda pero sa huli siya parin naman ang nagkusot.

"Amanda! Omg!" inangat ni Amanda angkanyang tingin at namataan niya si Charlotte, bestfriend niya at kasalukuyang papalapit kasama si Miguel isa rin niyang bestfriend.

Ang dami niyang kaibigan diba? Tiyak marami ring mauutangan.

Kababata ni Amanda si Miguel samantalang naging kaibigan naman niya si Charlotte noong highschool pa sila. Nag-aral kasi sa ibang bansa si Miguel noong highschool pa sila. Pero ngayong college na sila, silang tatlo na ang magkakasama.

"ehem!" napatingin siya Marivic na nginunguso ang nakaheadset na si Miguel. Ang pogi niya ngayon. Laman na naman ng utak niya. Sinisumulan na naman niya pagpantasyahan ang binata sa isipan niya.

Lalo na ngayon na binago nito ang hairstyle niyang parang dinilaan ng kalabaw at ngayon ay parang katulad ng sa mga koreano. Tinititigan pa lamang nito ang binata ay hindi na niya mapigilan ang kiligin. Nakakainlove talaga siya.

"huy tama na ang pagtitig baka matunaw" sinamaan na niya tingin ang baklang may mapang asar na tingin.

" bunganga mo isara mo kundi ipapainom ko sayo itong bula" babala nito ng irapan siya ng kaibigan.

" opo madam, grrrrr!" pagsuko nito saka nanahimik na lamang habang patuloy na nagkukusot.

"hi Amanda" nginisian niya si Miguel saka nahihiyang kinawayan. Gusto niyang murahin ang kanyang sarili dahil bigla nalang siyang nahiya. Napailing iling ito saka tumayo.

" yo! Anong ginagawa niyo dito at napadaan kayo?" masigla niyang bati sa dalawang bagong dating.

Pinaupo niya muna sa sofa sa labas ang dalawa at tinabihan. Mula sa sofa ay kitang kita nilang tatlo si Marivic.

Ng tignan ni Amanda si Marivic ay hindi niya naiwasan ang mapangiwi dahil masyado nitong kinareer ang pagkusot pero bago yun gumawa pa ito ng malaking heart gamit ang kamay niya saka tinuro si Julius na tahimik sa gilid. Pinandilatan nalang niya ang kaibigan para tumigil ito dahil nakakahiya kapag nakita ni Miguel.

" napadaan kayo dito?" tanong nito.

" hello enrollment ngayon. Hindi ka mag eenroll?" ani Charlotte.

Sumandal ito sa sofa saka kinamot ang mata. Kulang ang tulog ni Charlotte kagabi kaya naman pulang pula ang mga mata nito ngayon.

" bukas na, ieenrol ko pa mamaya kapatid ko wala na akong oras" sagot ni Amanda ng hawakan ni Charlotte ang braso niya saka siya tinitigan sa kanyang mga mata.

" hala! Manda baka pwedeng makahiram muna ng 850? kulang kasi yung pang enroll ko ngayon eh" pakiusap ni Charlotte kay Amanda ng kumunot ang noo nito

" si Miggy ngay? Diba mayaman yan?" tinuro ni Amanda si Miguel na nakapikit habang nakikinig sa headset nito.

" ehhh? Nahiya akong humiram" napakamot siya sa ulo.

Sige na nga.

Ito naman ang maganda kay Amanda, kahit na wala siyang kwenta sa pagpapakalma sa mga barkada niya maaasahan mo naman siya kapag kailangan mo ng tulong. Gagawa siya ng paraan matulungan lang ang kaibigan kahit pa mangutang o ibigay ang sarili niyang allowance. Maganda man yun o masama ang mahalaga sakanya ay makatulong siya.

" basta bayaran mo bukas ah? Kundi patay ako kay mama" tinanguan siya ni Charlotte saka mahigpit na niyakap.

" yehey! Oo babayaran kita bukas. Nalate kasi ang bigay sa akin ng allowance kaya nagkulang ang pang enroll ko" pinisil nito ang pisngi ni Amanda tapos ay hinalikan siya nito sa ilong.

Kahit kailan talaga napakaclingy ng babaeng to. Simple siyang napangit.

" sige kunin ko lang sa kwarto yung bayad"

" sige hintayin ka namin dito" tumango ito saka nginitian ang kaibigan.

Pero hindi pa nakakapasok sa loob ng bahay ay halos mapatalon siya sa gulat ng bigla siyang kinalabit ni Miguel sa tagiliran. Hindi niya namalayang sumunod pala ang binata sakanya.

" makisabay nalang ako sayo mag enroll bukas" sambit ni Miguel habang nagkakalkal si Amanda naman ay nagkakalkal sa wallet. Si Miguel naman ay nakahiga sa higaan niya at yakap yakap pa nito ang spongebob niyang unan.

" ha? Bakit? Mag enroll na kayo ngayon ah? Sayang ang oras" sambit ni Amanda ng hindi nakatingin kay Miguel. Nakatalikod siya sa binata.

" ayokong kasabay si Charlotte" napalingon siya sa binata na ngayon ay nakaunan sa braso nito habang nakatitig sa kisame. Pati siya napatingin sa kisame.

" tungkol parin ba to sa pagpapanggap mo na bf niya? Miggy tapos na yon haha alam mo namang kaibigan lang tingin sayo nun" sabi ni Amanda saka siya nag unat ng braso.

Noong nakaraan kasi napagplanuhan nilang magpanggap si Miguel na boyfriend ni Charlotte para tantanan ito ng obssessed nitong ex boyfriend. Nagtagumpay naman ang kanilang plano. Muntik nga lang mabugbog ng ex ni Charlotte si Miguel pero mabuti nalang at naunahan ito ni Amanda. Nakakatawa mang isipin pero si Amanda ang nambugbog sa ex ni Charlotte.

Simula nang araw na iyon ay napasama na si Charlotte sa kanilang dalawa. Kaso itong si Miguel ayaw kausapin si Charloote. Awkward ba?

" makikisabay ako sayo bukas, sige uwi na ako" hindi na tumingin sakanya dahil nag dire diretso na itong lumabas ng bahay.

Batrip ba yun?