Chereads / Bes / Chapter 9 - Isang bagsakan

Chapter 9 - Isang bagsakan

Lumipas ang isang linggo ay walang nagbago.

Magkasama pa rin si Miguel at Amanda at para nga namang walang nangyaring tapatan sakanilang dalawa.

Nagpasalamat ang binata sa niregalong painting ng dalaga pero hindi niya alam kung nabasa ba ng binata ang liham nito dahil parang wala namang nababanggit ang binata sakanya.

Sa loob ng isang linggo ay silang dalawa lagi ang magkasama.

Nagtatampo na nga ang dalawa niyang kaibigan dahil hindi na niya nakakasama.

At para naman makabawi sa isang linggong pagkawala ng dalaga ay naisip niyang dalawin muna si Marvin pagkatapos ay si Charlotte.

Dinala ni Amanda ang asong si Snow kay Marvin para sabay nila itong paliguan habang nagkekwentuhan.

" ano ba naman tong asong to! Asong grasa ba to? Bakit ang baho baho? Amoy bulok na tuyo!" bulyaw ni Marvin ng maamoy ang aso pero nauna pa itong magpaligo sa aso.

Mukhang pati siya ay nasisiyahan sa aso.

" sabi ko nga eh amoy tuyo pero syempre tuta pa lang yan. Kakahiwalay lang sa nanay niya tsaka magkasakit yan kapag pinaliguan agad" sambit nito habang pinapanuod na shampoohin ni Marvin si Snow.

Ang maputi nitong balahibo ay lalong pumuti dahil sa bula ng shampoo.

" magkano bili mo dito?" tanong ng binata ng umupo na sa sahig ang dalaga. Nasa harapan siya ngayon ni Marvin.

" ay hindi ko ba nasabi sayo? Bigay yan ni Miguel noong nakaraan. Galing no?" aniya at hindi na naman niya maiwasan ang mapangiti.

" naks! Mukhang may chance nga silang dalawa. Nakita ko na naman kayo kahapon sa mcdo eh! Mga palamunin ng wifi mga hindi na nahiya haha" saka siya humalakhak ng batuhin siya ng tsinelas ni Amanda pero agad rin niya itong naiwasan.

" heh! Parang ikaw lang? Halos ikaw nga lang ang gumagamit ng wifi namin eh! Makapagsalita tong baklang to!" pinandilatan ng dalaga ang kaibigan saka niya kinuha ang tabo saka binuhusan ng tubig ang mabula na niyang aso.

" ano ba namang ang ginawa mo kay Snow? Ginawa mong damit! Kulang na lang kusutin mo narin siya eh" napairap si Marvin

" luh! Ang oa na amo, shampoo ngarud diba kaya mabula haha" tulad ni Amanda na nagbubuhos ng tubig, si Marvin naman ang nagtatanggap sa mga bulang nasa katawan ng aso habang patuloy na binubuhusan ng tubig ni Amanda ang katawan ng aso.

Matapos paliguan ang alagang aso ay ang binata na rin ang nag blower dito.

Kung titignan parang ang amo ay si Marvin hindi si Amanda dahil sa pag aasikaso nito.

Pinabanguhan pa ng binata si Snow at pinutol ang mahahaba nitong kuko.

Pagkatapos ay pumunta silang dalawa sa SM para bumili ng dog food ni Snow.

Tinawag narin nilang dalawa ang kaibigan si Charlotte para sulit ang gala nilang tato.

" wow naman beshie! May pa husky husky ka pang nalalaman ah! Yayamanin!" sambit ng kaibigan habang buhat buhat si Snow.

Kanina si Marvin ang may hawak ng aso pero dahil halos magpatayan na silang dalawa sa kung sino ang maghahawak kay Snow ay nakatikim sila ng sapak mula sa amo nito.

Hanggang sa huli, si Charlotte ang nagwaging humawak. Nasa gilid naman si Marvin na nagmamaktol habang pasimpleng hinihimas ang malambot na buntot at paa ni Snow. Para talaga siyang bata.

" bigay yan ni Miguel. Ikekwento ko sana sayo kaso lagi kang wala sainyo! Saan ka ba napuntang gaga ka!" bulyaw ni Amanda sa kaibigang babae ng irapan siya nito.

" parang nakalimutan mo ah? Pumunta akong Manila diba? Eto palibhasa lagi silang lumalabas ni Miguel kaya nakakalimutan na niya ang mga pangyayari dito"

" haha sorry naman bes, pero kung tutuusin wala naman masyadong nangyari pagkatapos kong mag confess. Ganun parin naman siya. Walang nagbago as in." kwento nito habang patuloy lang silang naglilibot libot sa SM.

" ay ganun? Hindi ka basted? Hindi ka nireject?"

" ewan ko? Parang hindi. Kasi wala naman nanggaling sa bibig niya na " sorry bes pero hindi kita gusto. I will always be your bestfriend" mga ganung keme?" napatili naman si Charlotte sa gilid

" yiiiieeee! Childhood friends to lovers na ba ituu?! Manguel loveteam na ba to?" kinikilig na sambit ng kaibigan ng makarinig sila ng malakas na tawa mula sa likuran.

" hahaha ang bantot! Manguel? talaga? Wala ka talagang taste babae ka hahahaha ta---aray ko shet ka!" hinampas siya ni Charlotte sa braso.

Kahit na may hawak na aso ang kaibigan ay hindi parin nakalampas si Marvin sa hampas ng dalaga.

" grabe yang kamay mo, ang bigat."

" psst tama na nga yan! Tara muna sa Max kain na tayo" pigil niya sa dalawang kasama saka niya hinila si Charlotte at nauna silang naglakad.

" ibigay mo na si Snow kay Marvin kawawa naman" utos ni Amanda at iniabot naman ng dalaga si Snow kay Marvin na ngayon ay walang paglagyan ang kasiyahan.

Nasa fourth floor ng sm ang Max restuarant kaya naglakad pa sila ng kaunti hanggang sa dinaanana nila ang escalator.

Magkatabi silang dalawa ni Charlotte samantalang nasa likod naman si Marvin ng makita niya si Miguel kasama si Anna na nasa harapan rin pala nila. Nag uusap ang dalawa.

Tatawagin na sana niya ito ng maunahan siya Charlotte.

" oi Miggy! San punta niyo ni Anna?" sa lakas ng boses ni Charlotte ay napalingon ang dalawa.

Gulat silang tinignan ni Miguel samantalang nginitian naman sila ni Anna.

Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng selos at isa lamang ang pumasok sa isipan niya ng makitang magkasama ang dalawa.

" kakain sana kami, tara sama sama tayo?" imbita ni Miguel ng tignan siya ni Charlotte.

" okay lang? Tara makisabay na tayo" pagpupumilit ni Charlotte ng sa huli ay pumayag narin ang dalaga.

Ng makarating sila sa Max ay nag pareserve sila ng table sa labas ng resto dahil bawal ang aso sa loob.

" guys kami na mag order haha hawakan mo na si Snow oh" inabot ni Marvin si Snow kay Amanda tapos pumasok na silang tatlo sa loob.

Kaya naman naiwan silang dalawa ni Miguel sa labas.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa si Amanda na ang bumasag ng katahimikan.

" musta?"

Gusto niyang murahan ang sarili niya sa tanong.

Kahapon lang ay buong maghapon silang magkasama tapos ito ang tatanungin niya?

" ha ha ayos naman."

May kakaiba talaga sa paligid.

" so anong meron at magkasama kayo ni Anna? He he" aniya ng dalaga saka tipid na ngumiti pero tinititigan lang siya ng binata. Ibbubuka nito ang bibig niya pero walang lumalabas na salita. Kumabaga parang pinipigilan nitong magsalita.

" k-kayo n-na ni Anna?" nauutal niya tanong kay Miguel. Napakagat na rin siya sa ibabang labi niya at pinipigilang umiyak pero katulad kanina ay walang imik ang binata.

" hindi ka sasagot? Sige aalis na a----" akmang tatayo ang dalaga ng hawakan ng binata ang kanyang pulsuan saka sinagot ang tanong niyang nagpatigil ng mundo niya ng ilang segundo.

" o-oo k-ami na sorry ngayon ko lang sinabi" napayuko ang binata ng sarkastikong napatawa si Amanda.

" bakit ka nagsosorry? May ginawa ka ba sa akin para magsorry ka?" ang luhang pinipigilan niya ay biglang umurong.

" hindi kasi hindi ko sinabi? Kas---

" congrats bes" isang pekeng ngiti ang kanyang pinakita ng ngitian rin siya ng binata. Ilang segundo na lang iiyak na siya.

Umasa ako sa wala. Sabi ko na nga ba

" salamat. Mamaya pagdating niya ipapakilala ki---

Pinutol niya ang sasabihin ng binata.

" hindi na. Kilala ko na siya bakit pa?" malamig nitong tugon. Bigla siyang nawalan ng gana. Para saan pa at ipapakilala siya.

" ha? Para sana mas lalo pa kayong magkakilala. Diba? Bestfriend kita kaya dapat lang" sambit ng binata ng mapakla siyang natawa.

" aalis na ako, sabihin mo nalang kay Marvin at Charlotte sumakit ang tiyan ko" sabi ni Amanda saka siya tumayo at akmang kukunin muli sana ni Miguel ang kamay niya ng samaan siya ng tingin ng dalaga.

" sige subukan mo."

" g-galit ka?" nag aalalang tanong ng binata ng muli ay natawa ang dalaga.

" manhid ka ba talaga o tanga ka lang talaga?" tanong ng dalaga sakanya na labis niyang ikinagulat.

" a-anong sinabi mo?"

Hinakbang na ng dalaga ang kanyang mga paa dahil baka hindi niya mapigilang magalit sa binata dahil sa nangyayari ngayon. Ayaw niyang sumbatan ang binata dahil wala siyang karapatang gawin iyon dahil bestfriend lang naman siya ng binata. Pero nainis na siya ng bigla na lamang siyang hinigit ng binata saka dinala sa likod ng restuarant kung saan walang tao.

"anong sabi mo kanina? Tanga ako? Seryoso ka ba Amanda o naghahanap ka ng away? Kung galit ka o badtrip ka sabihin mo hindi yung ganyan ka!" hindi umimik ang dalaga. Hawak hawak niya si Snow na ngayon ay parang nagmamaktol pa dahil kanina pa niya gustong bumaba kaya naman ibinaba niya ito at itinali ang leash sa bakal sa veranda.

Hindi niya parin tinitignan ang binata.

" Amanda, kung may nagawa akong na nagpabadtrip sayo sorry na. May nangyari ba? Inaway ka ba nung Marvi---

" ang sabi ko ang selfish mo! Makasarili ka Migs! Makasarili ka!"

At ang luhang kanina pa niya pinipigilan ay sunod sunod ng lumabas.