Chereads / Bes / Chapter 10 - Bestfriend?

Chapter 10 - Bestfriend?

Ang luhang kanina pa pinipigilan ni Amanda ay sunod sunod na lumabas.

Mababaw man pero hindi na niya napigilan. Kahit anong punas nito ay walang habas parin ang pagtulo nito.

Pilit siyang nilalapitan ni Miguel pero umaatras ito.

" wag kang lumapit punyeta ka! Malinaw ang sabi ko sayo. Ireject mo ako o bastedin mo ako! Mahirap ba yon? Kasi walang problema sa akin kung ireject mo ako o sabihin mo man lang na may nililigawan ka na para makamove on na agad pero anong ginawa mo wala. Wala kang sinabi o ginawa kaya ako naman si gaga umasa na may mapapala ako"

Marahas niyang pinunasan ang walang tigil na pag agos ng luha saka masamang tinignan ang binata.

" wala akong sinabing ligawan mo ako o gustuhin mo rin ako ang gusto ko lang manggaling sa bibig mo ang salitang rejection para alam ko kung saan ako lulugar. Tapos malalaman ko nalang may gf ka na pala at partida ipapakilala mo pa ako sakanya? Walastik ka pala! Baka nakalimutan mong nagtapat ako sayo at hanggang ngayon may feelings pa ako sayo tapos iyon ang gagawin mo? Siraulo ka ba!? nag iisip ka ba na makakasakit ka ng feelings ng iba?! ha! Tingin ko nga hindi mo na binasa yung letter ko eh" sigaw nito sa binata na nakatitig lang sakanya. May bakas ng pag-aalala sa mukha ng binata na lalo lang niyang kinainis.

" kung sana umpisa pa lang nagsalita ka na edi maayos tayo kahit may gf ka pa. Pero wala eh, nakasakit ka. Selfish mo bes, napakaselfish mo"

" sorry" mahinang sambit ng binata na nakatayo lang sa harapan niya.

Umayos siya ng tayo at inayos ang damit niya. Pinunasan rin niya ang luha niya at kinuha si Snow.

Bago siya tuluyang umalis sa lugar ay nilapitan niya ang binata.

" sorry mo mukha mo, kung hindi ko pa pala nakita o nalaman na may gf hangang ngayon umaasa ako na may chance pero wala pala talaga. Congratulations parin, pakatatag kayo, kung akala mo ibabalik ko si Snow asa ka, ang dami ko ng nagastos sa aso na to." tinapik ni Amanda ang balikat ng binata at tinalikuran ito pero hindi pa siya nakakalayo ng marinig niyang magsalita ang binata saka siya nito tinitigan.

" bestfriend mo parin naman ako diba?" bakas ang lungkot sa mukha nito.

" oo bestfriend parin kita pero siguro hindi na tulad ng dati. Ang daldal mo pagdating sa kwentuhan pero sa mga ganitong usapan pipe ka. Mali bro, sabihin mo kung anong gusto mong sabihin kahit na makakasakit ka. Tulad nalang ng sasabihin ko sayo. Tanginamoka!" sambit ng dalaga pagkatapos ay iniwan na niya ang binata.

Nakasalubong pa niya sa daan ang dalawang kaibigan habang may bitbit na tray na naglalaman ng kanilang makakain pero kinuha niya ang tray saka nilapag sa lamesa pagkatapos ay hinila niya ang dalawa paalis sa lugar.

" bes san tayo pupunta? Ano ba sayang yung pagkain? Ang laki ng ambag ko doon oi!" bulyaw ni Charlotte habang hila hila siya ni Amanda. Hindi nito nakikita ang kanina pang umiiyak na kaibigan dahil nakatalikod ito sakanila.

" Amanda hindi ko pa nakukuha ang sukli ko doon kay Anna! Wala akong pamasahe mamaya!" ang sunod naman na nagreklamo ay si Marvin.

Pero katulad ng kay Charlotte hindi parin ito umimik. Patuloy lang ito sa pagkaladkad sa dalawa hanggang sa makarating sila sa basement.

" bakit tayo nandito? May sasakyan be---

Tumigil sila sa paglalakad at hinarap silang dalawa ni Amanda na parang batang umiiyak.

" babayaran ko mamaya ang mga pera niyo pero bayaan niyo ang dalawang mag syota sa taas! Mga epal kayo!" sermon nito sa dalawa ng gulat siyang titigan ng dalawa.

Bigla silang nag-alala sa itsura ng dalaga ng napaluhod ito at humagulgol.

" hala bes anong nangyari? Tsaka sila na?" nag aalalang tanong ni Charlotte saka niya niyakap ang kaibigan.

" sila na nung Anna bes, at shit eish ayaw ko ng isipin" pinunasan nito ang luha na walang tigil sa pagtulo ng may bumato sakanya ng jacket at natakpan ang buong mukha nito.

" ano ba Darwin! Kung makabato ka naman ng jacke----

" takpan niyo mukha ni Amanda, ang pangit niyang umiyak baka may makakita pa!" seryosong nitong tugon saka naglakad paalis. Kung saan ito pupunta ay hindi nila alam.

Yakap yakap lang siya ni Charlotte habang patuloy na umiiyak.

Hinahagod ng kaibigan ang likod niya at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Mabuti na lamang at kasama niya ang mga kaibigan niya kung hindi baka kung saan na siya napunta sa kadramahan niya.

Ng kumalma siya ng kaunti ay tinignan siya ng kaibigan.

" ang pangit mo nga talaga haha"

Pabiro niyang hinampas ang kaibigan saka niyakap ng mahigpit.

" thank you, dahil diyan shot tayo sa Kallaleng libre ko haha"

" yon! Text ko si Marvin! At ikekwento mo kung anong nangyari!"

Minsan talaga sa parte ng buhay tulad sa pag-ibig na tayo ay masasaktan. Uuwing luhaan at mayroon pa ngang pupunta ng inuman tapos doon na ilalabas ang kadramahan. Parte na yan ng buhay at hindi kailaman mawawala. Walang makakaligtas.

Kahit saang pangyayari ng buhay kahit hindi yan sa pag-ibig masasaktan at masasaktan tayo. At isa sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan ay dahil sa umasa tayo. Akala natin mahal tayo, akala natin gusto tayo, akala natin matatanggap tayo sa trabaho, akala natin mananalo ka sa pageant dahil marami kang nakuhang sash pero akala lang natin iyon hanggang sa mangyari ang hindi natin inaasahan.

Hindi rin kasi nating maiwasang umasa lalo na kapag may mga pruweba tayong nakikita kung kaya naman hindi na natin magawa pang magtanong pa. Nagtitiwala na lamang tayo agad sa mga nararamdaman at nakikita natin. Mas maganda ng magtanong para sigurado. Sabi nga ng mga broken, don't assume unless otherwise stated pero paano na lamang kung tinanong mo na pero hindi parin nagsalita? Naku dalawa na kayong may problema.

May mga tao talagang ipinanganak upang paibigin tayo pero hindi paninindigan ang sinimulan at sa huli tayo ang talo. Tayo yung mga taong pinagtagpo pero hindi tinadhana. Mga love story na hindi pa nagsisimula pero natapos na agad dahil mismong partner mo ang kontrabida ng buhay mo. Isa sa mga dakilang paasa o pafall na dapat ipinapakain sa mga kamag-anak ni lolong. Pero sino nga ba talaga ang tunay na may kasalanan? Ang Umasa? O Nagpaasa? Dalawa silang may kasalanan. Dalawa silang may ambag kung bakit sila nasasaktan at may sinaktan. Pinasok natin ang sitwasyon na iyan kahit na walang kasiguraduhan kaya naman iiyak na lang natin at idaan sa inuman kasama ang mga tunay na kaibigan.

Lalaki lang yan, babae lang yan, marami pa diyan. Sabi nga ng mga matatanda na dapat nating tandaan " kaya siguro tayo iniiwan dahil may nakalaan sa ating pangmatagalan" kaya naman kapag iniwan ka ng jowa mo o niloko ka ng ex mo at katulad ng nangyari kay Amanda be thankful dahil hindi mo siya deserve. Lahat tayo deserve na sumaya, walang makakaagaw non.

Kaya ang gawin mo? Punasan ang luha, magpaganda, magpapogi, tumayo , itaas ang bandila ng mga sawi na nakabangon at ipakita sakanilang kaya niyong mabuhay ng wala sila.

---------KATAPUSAN-----------

Darwin /

" kuya wala ka talagang balak sabihin kay Amanda na nagpapanggap ka lang na ako? Kuya pag sinugod tayo ni Cynde pata---

Pinatigil ko sa pagdada ang binabae kong kapatid saka patuloy na pinagmamasdan si Amanda na naglalaba. Bigla tuloy akong natawa. Ang unang beses na nakita ko siya ay naglalaba rin siya tapos ngayon naglalaba parin siya. Labandera ata ang kapalaran ng babaeng to eh.

" eh kuya hanggang kailan ba talaga ako magpapanggap na ikaw? Nakakahalata na ata ang pinsan ni Cynde eh. Nakakatakot yun kuya! Nakakaloka siya. Naalala ko binaril niya sa harapan ko yung lalaking bumili ng dog food para sa aso niya tapos ng malaman niyang hindi yun pedigree binaril niya! Koya! Help me!!"

Hindi ko nalang pinansin si Marvin.

Dibale, magaling ata to. Magaling na nga gwapo pa.

Related Books

Popular novel hashtag