Hindi nakatulog ng maayos si Amanda kagabi dahil sa kakaisip kung anong mangyayari kinabukasan.
Kaya naman alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay nagising na siya agad.
Samantala naalimpungatan naman ang kaibigang babae na katabi niyang natulog ng makarinig siya ng mga kaluskos at pagbagsak ng mga kagamitan.
Binuksan ni Charlotte ang kaliwang mata saka naniningkit na hinanap ang kaibigan. Patay pa ang mga ilaw pero agad niyang nakita si Amanda na nagpipinta parin sa gilid habang may lamp shade na nagisilbing ilaw sa kanya.
Hindi kasi nakakatulog ng maayos si Charlotte kapag nakabukas ang ilaw.
" huy Amanda! Ang aga aga yan agad ang ginawa mo?" namamaos niyang tanong habang pinapanuod ang kaibigan.
Sinandal nito ang likod sa headboard ng kama saka kinamot kamot ang mata.
" para matapos na agad, marami pa akong gagawin pero inuna ko pa talaga to"
Ng tignan ni Charlotte ang oras ay lalo lang siyang inantok. Ala kwatro imedya pa lamang ng madaling araw. Mahapdi pa ang mga nito kaya naman bumalik na lamang siya sa pagtulog.
Simple lamang ang ipininta ni Amanda. Dalawang batang magkahawak kamay at ang background nito ay isang imahe ng lumulubog na araw. Hindi na niya masyadong napaganda pa dahil sa pagmamadali niya. Pero hindi rin naman ito pangit tignan.
Mag aalas singko ng matapos ng dalaga ang pagpipinta at ginising narin niya ang kaibigan para makapag ligo na rin silang dalawa.
Kilala na niya ang kaibigan.
Lagi itong huling gumising na nagiging dahilan kung bakit lagi itong late sa klase.
Ang pinakamaaga na atang gising ng kanyang kaibigan ay alas syete ng umaga.
Ng magising si Charlotte ay sabay narin silang naligo.
Sa banyo sa baba naligo si Charlotte samantalang sa shower naman si Amanda. Mag isa lamang sa bahay si Charlotte dahil kapwa nasa ibang bansa ang mga magulang nito. Ang nakababata naman nitong kapatid na lalaki ay nasa puder ng lola niya. Kaya naman katulad ni Amanda mag isa lamang siya sa bahay niya. Kaya naman na niya mamuhay mag-isa at kung minsan ay dumadalaw ang ina ni Amanda sa tirahan niya upang paglutuan rin siya ng makakain niya. Para na silang magkapatid dalawa kaya walang problema kung nakikitulog siya sa tirahan ni Charlotte dahil payag naman ang ina niya.
Pagkatapos maligo ay nagbihis narin sila.
Nakapagluto na ng almusal si Amanda kaya naman maaga rin silang natapos.
Kaya naman alas sais pa lamang ng umaga ay nag aalmusal na silang dalawa.
" bakit parang nagmamadali ka? Ang aga aga pa oh hindi ka malalate kung alam mo lang" sambit ni Charlotte habang naglalagay ng fresh milk sa baso nilang dalawa.
Ang bilis bilis kasi ng subo ng dalaga na wari nga namang nagmamadali.
Panay rin ang tingin nito sa kanyang cellphone.
" kailangan ko pa kasing bumalik ng bahay kapag 6:30" sagot naman ng dalaga ng hindi nakatingin sa kaibigan.
" bakit? Kukuha ka ng baon mo kay tita? Meron na dito pinadala ni mama" sambit ni Charlotte ng umiling si Amanda.
" hindi baon ang dadaanan ko sa bahay. Sabay daw kami papasok ni Miguel hihi" aniya sabay ngiti.
" so pinagpapalit mo na ako agad? Selos ako beshie" nakangusong tugon ni Charlotte saka ito tumawa na sinundan rin ni Amanda.
" gaga! Anong pinagpapalit. Ngayon ko na kasi ibibigay to tadah!" pag amin ng dalaga saka ipinakita ang love letter na kanyang ginawa. Lalo namang lumaki ang ngiti ng kaibigang si Charlotte.
" yiiiee! Goodluck beshie! Patunayan niyong kayo ang childhood friends turned to lovers charot hahaha" natatawang tugon ni Charlotte saka ito uminom ng gatas.
Malaking kagat naman ang ginawa ni Amanda sa pandesal.
Pagkatapos kumain ay nagmamadaling kinuha ni Amanda ang painting saka isinukbit sa kanyang likod ang backpack.
" Char! Una na ako no? Kita kits sa school. Wag ka na namang malalate parang awa mo na." bilin ni Amanda sa kaibigan na hanggang ngayon ay kumakain parin.
Tinanguan naman siya ng dalaga kaya nag dire diretso na siyang lumabas ng bahay.
Habang naglalakad ay kausap pa ni Amanda si Marvin sa telepono.
" goodluck beshie! Balitaan mo ako ah?" - MARVIN
" Oo naman, hindi naman kayo excited no?"
" hindi naman, buti naisip mo ng magtapat?" -MARVIN
" Hirap magtago beshie, istorbo sa tulog eh. Tapos para matahimik na rin ako. Atleast kahit basted man ako nakapagtapat ako bawas na yon sa iisipin ko"
" wow positive na positive"
" oo naman bakla, hindi ko naman goal na jowain siya. Ang gusto ko lang talaga masabi ang nararamdaman ko. Hirap pekein ang feelings oi"
Nakarinig siya ng mahinang tawa mula sa kabilang linya na naging dahilan ng pagsimangot niya na may halong ngiti.
" wow naman! Edi ikaw na ang may alam sa pag-ibig. Sige beshie tatae muna ako epal ka eh bakit ka kasi tumawag"
Bigla siyang napahalakhak sa daan, mabuti na lamang at walang masyadong tao sa daan.
" dugyot ka talaga! Sige bye na"
Hindi na niya hinintay pang magsalita ang kaibigan at agad na niyang pinutol ang tawag.
Malapit na siya sa bahay nila ng matanaw niya ang matalik na kaibigan sa labas ng bahay nila.
At mukhang may hawak ito.
" Miguel!" sigaw nito sa binata at ng lumingon ito ay agad niya itong kinawayan.
Patakbo siyang lumapit sa binata at muntik na siyang mapatili ng makita ang hawak hawak ng binata. Isang tuta na siberian husky.
"waaahh! Hawakan mo to! Kukunin ko yung tuta" utos niya sa binata saka inabot ang painting na kasing laki ng kalahating illustration board. Nawala na ang tingin ng dalaga sa binata at nakatutok na lamang siya sa kulay puting siberian husky.
Binuhat niya ito at hinalik halikan pero agad siyang napaurong ng isang mabahong amoy ang sumakop sa kanyang ilong.
" ano to? Hindi naligo yung aso? Amoy tuyo eh" nakangiwing sambit ni Amanda pero yakap yakap parin niya ang aso ng matawa si Miguel.
" haha sino ba kasing may sabing halikan mo siya? 3 months pa lamang siya at malamang hindi pa siya pwedeng maligo. Baka next week pwede na" hinimas ng binata ang ulo ng aso pagkatapos ay hinaplos nito ang pisngi ng dalaga ng nandidiring umatras ang dalaga.
" yak! Dugyot ka! Ok ng bumaho ang damit ko wag lang mukha ko" natatawa siyang tinignan ni Miguel.
" hinalikan mo nga eh tapos ngayon nandidiri ka? Ang gulo mo rin." humalakhak na ang binata ng suntukin siya ng dalaga sa dibdib.
" heh! Wag mo kong utusan sa kung anong gagawin ko. Diba puppy?" tinitigan ng dalaga ang tuta saka nito inilapit ang kanyang mukha ng dilaan siya nito sa ilong.
Imbes na mandiri ay humagikgik ang dalaga.
" haha ang init ng dila niya. Kaso amoy bulok na peanut butter ang hininga niya haha"
Nakangiti siyang pinagmasdan ng binata saka may inabot sakanyang dog lace.
" ano to? Pinapahawak mo?" walang kaalam alam na tanong ng dalaga ng pisilin ni Miguel ang ulo nito.
" aray ko shit ka!"
" sayo na siya ano ba! Regalo ko sayo." nakangiting sambit ni Miguel na labis niyang ikinagulat.
Muntik na niyang mabitawan ang tuta pero mabuti nalang at agad siyang nakabalik sa sarili niya. Hindi siya makapaniwalang binigyan siya ng tuta ni Miguel.
" totoo?! as in? Walang halong biro?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa binata ng tumango tango ito saka siya nginitian.
" shit! Narinig mo yun? Akin ka na raw" kinausap ng dalaga ang tuta ng muli na naman siyang dilaan nito sa pisngi.
" wala na akong pakialam kung mamaho ako mamaya haha!"
" pero as in akin na talaga to?" hindi pa rin siya makapaniwala ng simangutan na siya ng binata.
" sige ayaw mo akin na garud" akmang aagawin ng binata ang tuta sa dalaga ng ilayo niya sa tuta sa binata.
"naninigurado lang haha, anong pangalan niya?"
" pedro haha wag mong baguhin pangalan niya ah?" agad na napangiwi si Amanda sa narinig na pangalan ng tuta saka niya tinignan ng masama ang binata mula ulo hanggang paa.
" pedro? Ang cute cute ng aso na to tapos pedro lang? Ay papalitan natin"
" ano naman daw?"
"uhm" napatingin sa itaas ang dalaga na waring nag iisip ng dahan daha siyang napangiti.
" alam ko na bagay na bagay, snow wait saglit lang nga babae ka ba?" iniangat ng dalaga ang tuta para tignan kung ito ba ay babae o lalaki at ng malaman niyang babae ito ay niyakap na naman niya ito. Talaga nga namang nanggigigil siya sa regalo ng binata.
" snow, simula ngayon ako na ang nanay mo, at eto ang kargador natin hahahahahah" napahalakhak ang dalaga sa kanyang tinuran pero ang binata ay nanatili lang na nakangiti habang pinagmamasdan siya.
Matapos ang ilang minutong pag uusap ng dalawa ay napag pasyahan nilang maglakad papuntang kwarto ni Marvin para doon muna iwan ang alagang aso hanggat hindi pa siya nakakabili ng dog house. Noong una ay umangal pa si Miguel pero dahil mapilit ang dalaga ay wala narin itong nagawa kundi pumayag dahil pag mamay ari narin ang dalaga ang aso.
" oo pala, kung may binigay ka sa akin aba syempre meron rin ako" sambit ni Amanda saka niya tinuro gamit ang nguso nito ang painting na hawak hawak ng binata.
" ano to?" tanong ng binata. Nakabalot pa ito kaya naman hindi nito makita kung ano ang nakapinta sa loob.
" basta buksan mo nalang pag uwi mo tapos ito pa, wait pahawak nga muna si Snow"
" bakit kasi hindi mo nalang siya ilapag?"
" wala kang pakialam!"
Nanahimik na lang ang binata habang hawak sa kabilang kamay ang aso at sa kabila naman ang painting habang ang dalaga ay abala sa pagkalkal.
At ng makuha nito ang letter ay humugot muna ito ng hininga. Desidido na talaga siya. Wala na itong atrasan o urungan. Kung ano mang mangyari ay tatanggapin niya.
" oo pala may sasabihin ako sayo tu--" umpisa ng binata pero natigil ito ng may liham na tumambad sa harapan ng mukha nito.
Abot abot ni Amanda ang letrato habang nakayuko ito. Nanginginig ang kamay niya at dahil hindi na niya kayang hawakan pa ang liham dahil sa panginginig ng kamay niya ay isinuksok na lamang niya ito sa bulsa ng polo ng binata saka dali daling kinuha ang aso mula kay Miguel.
" ano to?" hawak hawak ni Miguel ang kulay pink na liham at handa na sana itong buksan ng pigilan siya ni Amanda.
" ano wag mo munang buksan. Pag uwi mo narin. Pero sasabihin ko nalang yung iba sayo ngayon" hindi makatingin ng diretso ang dalaga sa mga mata ng binata na ngayon ay nagtataka.
Kinakabahan talaga siya at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Pawis na rin ang katawan niya at hindi niya alam kung bakit parang nanunuyo ang lalamunan niya.
" uhm" umubo ubo muna ang dalaga ng makarinig siya ng mahinang tawa mula kay Miguel.
" sige na sabihin mo na"
Muli, nagpakawala na naman siya ng buntong hininga saka tinignan sa mata ang binata na nakataas ang dalawang kilay habang nakangiti sakanya.
" Miguel gusto kita, actually matagal na pero sana walang magbago? Magkaibigan parin naman tayo diba? Walang iwasan diba? Pero please sabihin mo sa akin kung kapag hindi mo ako gusto para mag move on na ako agad haha! Ok lang?" sunod sunod niyang sambit siya niya nahihiyang nginitian ang binata na biglang natahimik at talaga nga namang gulat na gulat.
Kinabahan bigla ang dalaga pero bigla agad rin itong nawala ng unti unting ngumiti ang binata.
" yiiiiieeeeee! Oo naman bes walang magbabago. Magkaibigan parin tayo" nakangiting tugon ng binata saka nito ginulo ang buhok ng dalaga pagkatapos ay nauna itong naglakad.
Nanatiling nakatayo ang dalaga habang pinagmamasdan ang binata.
Napahawak rin ito sa dibdib niya habang dinadamdam ang lakas ng tibok nito.
" nagtapat na ako, pero wala siyang sinabi kung hindi niya ako gusto o ano, aasa na ba ako snow?" tinignan lang siya ng aso saka siya tipid na ngumiti.
Hindi na niya inintindi pa ang sitwasyon saka siya patakbong naglakad papalapit sa binata.
" doon ang kwarto ni Marvin ano ba hindi diyan"
Ang mahalaga sakanya ay nakapagtapat na siya.
Wala na siyang pakialam pa kung gusto ba siya o hindi ni Miguel basta ang mahalaga sakanya ay nailabas niya ang dinaramdam ng puso niya.