Chereads / Bes / Chapter 4 - ANG BAKLANG HERO?

Chapter 4 - ANG BAKLANG HERO?

" nakakainis talaga yung matandang yun! Eh ano naman kung nagsusuklay ako sa loob ng cr? Masama ba yun?"

" anong gusto niyang gawin ko sa cr? Humiga? Comfort room nga diba? Eh magiging komportable ako kapag nagsusuklay"

" tsaka bakit ako lang ba ang nagsusuklay doon??! ako lang ba? Sa akin ba lahat ng mga nawalis niyang buhok?"

" hindi naman nagbara sa drainage ang mga buhok ko ah!"

" hays! Hindi ko tuloy masyadong naayos ang buhok ko! Letse talaga! Urgh!!!"

Sunod sunod ang pagrereklamo ni Charlotte tungkol sa Janitress ng CTE dahil sa pagsita sakanya. Halos lahat ng mga nakakasalubong nila ay lumalayo kay Charlotte dahil para na itong mananakal. Sa sobrang highblood niya naibato pa niya sa kalsada ang notebook nito.

Samantalang ang kasama nitong si Amanda tulala at parang wala sa sarili.

" huy Manda! Ayos ka lang?" sabi ng kaibigan sabay yugyog sa balikat nito pero hindi parin ito umiimik.

Nagdi diretso lang itong naglalakad.

Napahawak sa beywang si Charlotte.

Eto badtrip na nga ako dumadagdag pa tong babaeng to.

"bes!!" sigaw nito ng huminto ng paglalakad si Amanda saka dahan dahang hinarap si Charlotte.

" mabuti naman a----uhh Manda? Bakit ganyan ka makatingin?" napaatras si Charlotte ng makita ang pagmumukha at reaksyon ni Amanda. Para itong papatay.

" anong sabi mo kanina?" tugon ni Amanda habang dahan dahang lumalapit kay Charlotte na dahan dahan ring umaatras.

" uhh? Manda mabuti naman at lumingon ka. Yun sana ang sasabihin ko" mahina niyang sagot sa kaibigan

" hindi bago yun"

" uh bes?" wala sa sarili nitong sagot ng bigla siyang hinila ni Amanda saka tinitigan sa mata.

" may katagang "real bestfriends don't call each other bes!" kaya wag mo akong tawaging bes! Naiirita ako sa tawagang yan!" naiiritang sagot ni Amanda saka niya binitawan ang pagkakahawak niya sa braso ng kaibigan pagkatapos ay nauna na siyang naglakad.

Samantala, naiwang tulala si Charlotte sa gilid habang pinagmamasdan ang likod ng kaibigan.

Anong nangyari doon?

Napailing iling ito habang patuloy na iniisip kung anong nangyayari sa kaibigan. Dapat ito ang naglalabas ng sama ng loob dahil sa kinaiinisan niyang janitress na walang boyfriend kaya laging mainit ang ulo pero naungusan siya ng kaibigan.

Pero dahil hindi siya sanay na nagkakaganyan ang kaibigan ay patakbo niya itong nilapitan pero agad rin siyang napatigil ng tumigil rin sa paglalakad ang kaibigan.

May pinapanuod si Amanda.

Ng silipin ni Charlotte kung ano ang pinapanuod ng kaibigan ay maski siya napatigil rin.

Sa labas ng gymnasium ay magkasama si Miguel at Anna. Bitbit ng binata ang bag ni Anna at masaya silang nagkekwentuhan.

Ng mawala sa paningin nila ang dalawa ay tinignan ni Charlotte si Amanda. Kita niya ang lungkot sa mukha ng dalaga.

" tara na" napangisi si Amanda saka naunang naglakad.

Bilang isa ring babae alam ni Charlotte kapag may gusto sa isang lalaki ang isang babae. Iba ang tingin ni Amanda kay Miguel. Isang tingin na parang ayaw na niyang pakawalan at parang si Miguel lamang ang nakikita niyang lalaki sa paligid.

Pero ayaw niyang umasa.

Kailangan niyang tanungin mismo kay Amanda para matulungan niya ito.

Pero dahil napatigil siya sa paglalakad, hindi niya namalayan na wala na pala sa paningin niya ang kaibigan.

Hinanap niya ito sa kung saan at ng makita na niya ito, may kasama itong lalaking abot hanggang balikat ang buhok. Mukha silang nag aaway.

Ng tignan niyang mabuti kung sino ang kasama nitong lalaki saka lang niyang napagtanto na ito ang kasama ni Amanda na bakla sa bahay nila, yung naglaba ng mga damit nito. Pero anong ginagawa ni Marivic sa University?

" oh bakla napadaan ka dito? Nagpagupit ka?" tugon ni Amanda saka hinawakan ang buhok ni Marivic na abot hanggang balikat na lang.

Kulay itim na rin ito at hindi na kulay ginto. Nakasuot rin ito ng black leather jacket, white v neck tshirt at black pants na pinaresan ng black heel boots.

Shit! Bakit ang pogi ng baklang to ngayon? Wag mong sabihing andito ang bago niyang bf?

" anong bakla ang pinagsasabi mo?Amanda umayos ka nga!" tinampal ni Marivic ang pisngi ni Amanda na naging dahilan para hampasin rin siya ng dalaga

"so Marvin ka ngayon? Ganun ba?" nakapameywang na tanong ni Amanda saka pinagmasdan mula ulo hanggang paa si Marvin.

Kung titignan mukha naman talaga siyang lalaking lalaki dahil siya ang tipo ng bakla na hindi nagsusuot ng mga damit pambabae. Ang kulay gintong buhok lang nito ang sagabal pero dahil itim na ang kulay ng buhok nito ay mas nagmukha na siyang lalaki.

" oo ano ba? Halika ka nga rito!" hihilain sana ni Marvin ang braso ni Amanda ng tabigin ito ng dalaga.

" anong ginagawa mo dito? May PE pa ako oi" sambit ni Amanda saka ito nag cross arms.

" ano request lang ako. Pero alam ko namang kaya mo to ikaw pa. Please?" pagmamakaawa ng kaibigan.

Sa itsura ng kaibigan mukhang kailangan na kailangan talaga nito ng tulong.

Napaikot ng mga mata si Amanda saka napabuntong hininga.

" anong klaseng request naman yan? Umayos ka Marivic o Marvin dahil lugmok ako ngayon"

Tumango tango ang kaibigan saka kinuha ang palad nito. Hindi na nagulat si Amanda dahil sanay na itong laging nahahawakan ni Marvin ang kamay nito. Minsan kasi si Marvin ang naglalagay ng cutix sa mga kuko nito.

" madali lang to. Kasi alam mo namang hindi alam ng parents ko na BI ako diba?"

" bakla narin yun pa BI BI ka pang nalalaman" mataray na tugon ni Amanda ng hampasin ni Marvin ang palad niya.

Napa aray na lang ang dalaga sa sakit.

" oo bakla na kung bakla pero patapusin mo ko please"

" oo na. Ituloy mo na" inaantok na tugon ni Amanda ng hilain na naman siya ni Marvin sa isang bench.

" pero bago yun maupo muna tayo"

Parang gustong suntukin ni Amanda si Marvin ngayon dahil hindi pa diretsuhin kung ano ang pakay niya.

Pero ramdam niyang kinakabahan ang kaibigan dahil kanina pa ito lingon ng lingon sa paligid.

Ng makaupo silang dalawa ay hinarap siya ng kaibigan.

Mayroon na lang limang minuto bago mag umpisa ang PE nila.

" ganito kas yun, kakauwi lang nila daddy galing Japan. Alam mo namang hindi nila na alam mo na diba?"

" oh tapos? Anong pinaparating mo? Mag tatapat ka na?" tanong ni Amanda pero umiling lang si Marvin

" magpapanggap kang girlfriend ko hahaha di----aray! Ko shit! Para saan ang sapak na yon?!" atungal ni Marvin habang kapa kapa ang pisngi na sinuntok ni Amanda.

" hindi! Hindi pwede! Hindi tayo bagay este may gusto ako diba? Alam mo yun!" sigaw ni Amanda kay Marvin saka napatayo na ito mula sa pagkakaupo nila.

" jusku po Amanda! Magpapanggap lang tayo please? Tsaka hindi kita bet. Ayaw ko ng babaeng nanunutok. Tapos wag kang mag-alala babayaran kita haha" nag taas baba ang kilay ni Marvin habang nakatingin kay Amanda.

Natulala si Amanda.

Alam ni Amanda na takot si Marvin sa mga magulang nito.

At kahit na ilang buwan pa lamang silang magkakilala ay nakabagayan na niya ang ugali ng kaibigan at kadalasan ito ang tumutulong sakanya tuwing may mga problema siya, bukod kay Charlotte.

Kalahating hapon si Marvin at isa sa mga boarder nila Amanda.

Tutulungan ko ba tong baklang to? Laman ng isip niya.

" sige paano kung tutulungan nga kita diyan. Anong makukuha ko?" tanong ni Amanda saka ito tumabi kay Marvin.

" madali lang, tulungan kitang mapalapit kay Julius hanggang sa magtapat ka sakanya. Eto ang hina mo kasi! Baka maunahan ka pa. Kumbaga ilalakad kita pero parang hindi. Wag kang mag alala hindi ko sasabihin na nagpapanggap tayong mag jowa tayo hahaha yuck kaya!" paliwanag ni Marvin pero ng marinig ni Amanda ang yuck ay nakatikim na naman siya ng sapak mula sa dalaga.

" kung yuck ako eh bakit ako ang pinili mong maging peke mong jowa?! sira ka rin eh" sabat ni Amanda saka niya pinandilatan ang kaibigan na ngayon ay tawa ng tawa.

" ano ba maganda ka, gwapo ako bagay na bagay ahaha!" tinuro ni Marvin ang sarili niya saka siya gumawa ng heart shape gawa sa kamay niya.

Nandidiri naman siyang tinignan ni Amanda.

" kaya ka nagpagupit ng ganyan? Infairness bagay mo. Pero mas bagay kapag mas pinaikli mo pa"

" bigyan mo akong pang gupit" nilahad nito ang kamay niya sa harapan ni Amanda pero dirty finger lang ang natanggap niya kay Amanda.

" payag ka na? Makikinabang ka rin naman dito oi"

Napakunot ang noo ni Amanda.

Saka siya tumingin sa kawalan na waring nag iisip.

" sige na nga. Basta lumayas ka na rito! Mag PPE pa ako!" tinaboy taboy ni Amanda si Marvin pero sumunod lang ito sakanya.

Hanggang makarating ng gym ay nakasunod sakanya si Marvin. Nanunuod sa practice ng kanilang sayaw.

Si Miguel ang naging partner niya at wala ng mas hihigit pa sa kasiyahan niya.

Pero parang lalong nang iinis si Marvin sakanya lalo na ng sumigaw ito na umalingawngaw pa sa buong gym.

" go babe!! kaya mo yan!"

Napasampal nalang sa sariling pisngi si Amanda dahil sa pinag gagawa ni Marvin.

Humanda ka sa akin mamaya baklang to!