Chereads / Bes / Chapter 6 - LIHAM NG LIHIM NA PAG-IBIG

Chapter 6 - LIHAM NG LIHIM NA PAG-IBIG

"ano kayang pwedeng maisulat? May alam ka ba?" tanong ni Amanda kay Charlotte na nakahiga sa higaan nito habang nag titipa sa cellphone nito.

Tutok na tutok ang kaibigan niyang babae sa cellphone nito na parang nakalimutan na nitong may kasama siya.

Dumiretso sila sa bahay ni Charlotte para doon gawin ang love letter nito para kay Miguel pero ilang oras na ang lumipas pero wala parin siyang nasusulat kahit ni isang salita.

Madilim na rin ang langit at malapit ng mag alas otso ng gabi.

" hoy babae! Patulong dito!" hinila ni Amanda ang paa ni Charlotte sa higaan saka niya ito dinaganan. Agad na napaungol sa sakit ang kaibigang dalaga dahil sa pagdagan niya dito.

" shit Amanda! Mag diet ka na! Ang bigat mo!" singhal ni Charlotte saka pilit na tinutulak si Amanda pero hindi niya magawa dahil nga sa bigat nito.

Nakadapa si Charlotte samantalang nakahiga naman sa likod nito si Amanda na nakatingala sa kisame. Pinagmamasdan nito ang ipininta niyang galaxy sa kisame ng kwarto ni Charlotte.

"mabigat na ba talaga ako? Sabi naman ni Miguel kumain raw ako ng marami kasi ang payat ko na raw" mahinang tugon ni Amanda pero hinihingal lamang siyang tinawanan ni Charlotte.

"sa itsura mong yan payat ka pa? Bulag ata si Migs haha! Aray!!" kinurot ni Amanda ang tagiliran ni Charlotte na naging dahilan para mapatalon ang kaibigan sa higaan kaya ang huli ay nalaglag silang dalawa sa sahig.

Napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kwarto ni Charlotte ng magtitigan silang dalawa.

" pero paano kapag nagtapat ako tapos hindi pala niya ako gusto?" tanong ni Amanda na may kaunting bahid ng lungkot sa mukha.

" sige tanungin kita, sinong namili ng University na papasukan niyong dalawa?"

Napakunot ang noo nito sa tanong ni Charlotte pero sinagot pa rin niya ito.

" ako"

" sino naman ang namili ng course niyo?"

" ako rin pero dapat h--

"hep! Pero ikaw parin!"

Ibubuka na sana ni Amanda ang bibig niya pero napili na lang niya itong itikom.

"kapag may groupworks sinong lagi mong kapartner?"

"siya"

"sinong pumilipili?"

"siya"

Naguguluhan man sa mga tanong ni Charlotte ay patuloy parin si Amanda sa pagsagot.

" sino ang laging nagdedecide sainyong dalawa?"

"ako"

"payag naman siya?"

"oo, wala siyang angal"

" yun na nga eh! Gusto ka nun! Iba ang treatment niya sayo! Tapos eto pa napansin ko, maalaga siya sayo. Ikaw nililibre pero kami kahit piso hindi man lang malibre. Tapos mukhang nagselos pa siya kanina kay Darwin. Tapos dapat lagi kang kasama dapat lagi kang kasabay. Hindi mo gets?"

Napataas ang kilay ng dalaga at lalo pa siyang nalito.

"ha? Diko parin gets"

Napasampal na lang sa mukha si Charlotte dahil nahihirapan siyang magpaliwanag sa kaibigan.

Hinawakan nito ang magkabilang braso ng kaibigan saka ito tinitigan sa mata.

" actions speak louder than words Amanda, at kung ibabase sa mga pakikitungo niya sayo gusto ka niya" seryosong sambit ni Charlotte ng tipid na ngumiti si Amanda.

Unti unti na niyang naiintindihan ang pilit na sinasabi ng kaibigan.

" alam mo may punto ka pero may kulang. Actions speak louder than words pero kailangan parin mismo na manggaling sakanya. Tandaan mo Charlotte pagdating sa pag-ibig bawal ang umasa" seryoso niyang tugon ng marinig niyang tumawa ang kaibigan.

"alam mo ang galing mo sa mga advice. Pero aminin mo umaasa ka no?"

Napakagat sa ibabang labi si Amanda saka nahihiyang tumango.

Anong inaasahan niya? Tama nga naman ang mga sinabi ni Charlotte. Kakaiba ang pakikitungo ni Miguel sakanya hindi katulad sa ibang mga babae.

Baka nga siguro gusto siya ng binata.

Muli, ginulo nito ang buhok niya saka bumuntong hininga.

" magtapat muna tayo bago ang lahat. Bawal umasa"

Pilit niyang sinasabi sa sarili niya na bawal umasa pero mukhang baligtad ang nangyayari sakanya. Hindi niya maiwasang umasa at lalo pa itong lumalala. Hindi na niya mapigilan.

Pero para sakanya hindi lang sapat ang isang love letter.

Napatingin tingin siya sa paligid ng makita ang mga ipininta niya para kay Charlotte.

Tama!

Isang magandang ideya ang naisip niya.

Ipipinta na lamang niya silang dalawa ni Miguel.

"yes! Thank you bes! Love you na talaga!" masaya nitong sigaw saka niya hinila ang pisngi ng kaibigan saka niya ito hinalik halikan.

" ahh walang anuman?" nakakunot noong tugon ng dalaga.

Samantala, kinakalkal ni Amanda ang baul ni Charlotte na naglalaman ng lahat ng gamit sa pagpinta.

Bigla siyang naging excited sa kanyang gagawin.

Sana magustuhan niya to.

"ay grabe ang sakit ng katawan ko sayo! Kukuha lang ako ng pagkain sa baba" sambit ni Charlotte saka ito nag unat ng katawan.

Naiwan naman si Amanda na tutok muli sa kanyang gagawin.

Ngayon sigurado na talaga siya sa kanyang gagawin.

Sa kabilang dako, naglalakad pababa ng hagdan si Charlotte at nagkakamot pa ito sa dibdib niya ng halos atakihim siya sa puso ng may makita siyang lalaking nakahiga sa sofa nila sa salas.

Muntik na rin itong madulas dahil tatakbo sana ito ng makita niya ang lalaki pero agad rin niyang nabawi ang kaba at gulat ng makilala kung sino ito.

" masarap ba kamutin yan? Gusto mo tulungan kita?" pilyong tugon ni Darwin kay Charlotte na ngayon ay tinatakpan na ang dibdib nito

" shit ka! Hindi ko kailangan ng tulong mo. Yang ano mo ang kamutin mo" sabat naman nito na ikinatawa ng binata.

Dumiretos sa loob ng kusina ang dalaga upang kumuha ng makakain ng sumunod sakanya si Marvin. Nakasuot lang ito ng simpleng jersey shorts at black sando.

Kitang kita tuloy ang maganda nitong katawan.

"paano ka pala nakapasok dito at paano mo nalamang bahay ko to?! stalker ka noh?!" nagdududang tanong ng dalaga saka nito kinuha ang kutsilyong nakapatong sa island counter saka niya ito itinutok sa leeg ni Marvin.

"woah woah! Relax ka lang. Ginamit ko to" sagot ni Marvin sabay pakita ng cellphone nito. Naipakita doon ang isang kulay pulang dot at parang maliit na mapa. Gumamit ang binata ng GPS.

" eh paano ka nakapasok dito?"

" ginamit ko to" sa pagkakataong ito ipinakita niya ang mukha niya saka siya nag pogi sign ng mapangiwi itong si Charlotte.

May pagkamayabang rin pala to.

" gumana naman sa mga katulong niyo dito. Mukhang crush na nila ako hahaha"

" uso mangarap" napahikab ang dalaga habang binuksan ang ref saka kumuha ng isang box ng pizza at nilagay niya sa oven para ipainit.

" nandito ako para kay Amanda"

Hindi siya pinansin ng dalaga. Patuloy lang ito sa ginagawa niya.

Kumuha siya ng isang litrong coke sa ref tapos tatlong malalaking chichirya.

"huy naririni----

"oo naririnig kita at wala akong pakialam. Ngayon umalis ka na sa bahay ko"

" pero andito ako para kay Amanda"

" bakit si Amanda? Wag mong sabihing gusto mo siya? Hah?" tinaasan niya ng kilay ang binata at binabasa ang mukha.

Napaatras si Marvin saka tumawa.

"ako gusto yun? Haha hindi noh. Hindi kami talo nun. Ano lang kasi nasa labas ng bahay nila yung bestfriend niya hinahanap siya"

"ha?"

" may sasa---

Naputol ang sasabihin ni Marvin ng matigil sila dahil sa nagsisisigaw na si Amanda.

" Charlotte!! kyaaaaahhh!! nagtext sa akin si Migs!! may sasabihin raw siya! Mauna na ak---eh? Anong ginagawa mo dito?"

Tulalang nagtitigan ang dalawa, si Amanda at Marvin

" sinusundo ka. Tara na sa sainyo baka unahan ka pa palang magtapat ng bestfriend mo haha" napakamot sa noo si Marvin ng hilain siya ni Amanda.

" bes! Saglit lang to! Balik rin ako dito! Dito ako makikitulog! Dalian mo Marvin!"

" saglit lang naman babae! Hindi siya mawawala"

Ang bilis ng pangyayari.

Naiwang tulala si Charlotte sa loob ng kusina hanggang sa isang malakas na pagsara ng pinto ang naring niya.

Maya maya napangiti siya.

" goodluck bes" mahina niyang bulong saka siya naglagay ng coke sa isang baso at diretso itong ininom.