Chereads / Bes / Chapter 3 - BES

Chapter 3 - BES

" hahahaha oi bakit mo naman ginawa yon? Ang bastos mo" kumuha ng tatlong french fries si Amanda saka isinawsaw sa sundae ng mcfloat niya saka ito sinubo.

" haha gusto ko eh bakit ba? Kumain ka nalang" hinagisan ni Miguel ng french fries na may ketchup si Amanda pero buti na lang at nakailag ito kundi mantsa ang abot ng damit nito. Mahirap pa man ang maglaba.

" patay tayo kay Charlotte bukas" natatawang sambit ni Amanda habang patuloy na pinapapak ang french fries na nilibre ni Miguel.

" edi taguan natin easy!" sagot ng binata saka siya humalakhak. May lumabas pang bagong nguyang french fries sa bibig niya at dumiretso ito sa gilid ng mcfloat ni Amanda. Patay malisya na lang si Miguel si gilid habang pasimpleng tinatanggap ang tumalsik na french fries.

" gagu. Paano mo nagagawa sa kaibigan natin yan?" nakataas kilay na tanong ni Amanda.

" easy kasi gwapo ako" saka ito ng pogi sign. Imbes na matawa ay napangiwi nalang si Amanda.

" ha ha! Alas singko na ng hapon ang late na ng joke mo"

" pero gwapo parin naman ako" kumindat ang binata. Walang reaction si Amanda. Tulala lang siya. Hindi niya alam kung mandidiri ba siya o kikiligin.

" yak! Kindat ba yan? Itigil mo nga yan para kang may sakit sa mata"

Biglang napayuko si Miguel.

Teka? Na offend ko ba siya?

" ne? Seryoso? Nagdadrama ka diyan?" iniangat ni Amanda ang noo ni Miguel saka ito pinitik

"aray!"

" hindi mo bagay ang magdrama. Kumain ka na nga!"

" haha yes maam"

" pero asaan na kaya napunta si Charlotte?"

Nasaan nga ba si Charlotte? Ganito ang nangyari, habang papunta ang tatlo papuntang mcdo ay may binulong si Miguel kay Amada na papara ito ng jeep saka itutulak si Charlotte papasok sa loob. At yun nga na ginawa ng binata. Ang bilis ng pangyayari na tumunganga nalang ang ginawa ni Amanda habang papalayo ang jeep kung saan pinagtulakan ni Julius si Charlotte.

Hindi man lamang siya nakapag paalama ng maayos sa kaibigan. Matapos ang dalawang minuto ay tinawagan sila ng kaibigan at halata sa boses nito na galit na galit ito. Sino ba naman kasi ang may gusto nun diba? Kaya naman ng makabalik sa katotohanan si Amanda ay halos mabali na nito ang leeg ni Miguel sa bugbog.

Nagkwentuhan lang silang dalawa sa mcdo habang nakikikonek sa wifi.

Pagkatapos ay pumunta sila ng SM, nag window shopping pagkatapos ay kumain na naman pagkatapos ay naglakad sila pauwi.

Oo naglakad lang silang dalawa pauwi.

Simula noong mga bata pa sila hanggang sa tumanda sila ay sanay na silang dalawa na naglalakd pauwi. Nasanay na ang kanilang mga binti at paa na maglakad ng malalayo kaya naman paghubad ng kanilang mga sapatos ay namumuti na ang mga paa nilang dalawa.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya hindi magawang magtapat ng dalaga sa binata.

Masaya na siyang kasama ang binata.

Kahit hanggang kaibigan lang talaga.

" uy may good mood"

" ay kalabaw! Ano ba bakla!" ang ganda ng lakad ni Amanda papasok ng bahay ng mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Marivic.

Sa gulat rin nito ay hindi niya napigilang masampal si Marivic na nakasilip sa bintana. Abot naman niya ang bintana kaya mabilis lang niyang nasampal ang kaibigan.

"aray ko naman bakla! Bakit ka naman nananampal?" haplos haplos ng kaibigan ang pisnging nasampal saka masamang tinignan si Amanda.

" epal ka eh! Tsaka bakit andiyan ka sa kwarto ko?" tanong nito.

" ay saglit lang"

Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya saka naabutan niyang nakahiga ang kaibigang si Marivic na nakahiga sa higaan nito.

" hoy bakla! Napadaan ka dito?! buti hindi ka pinalayas ni mama dahil may galang asong nakapasok, ay mali galang kabayo pala" tanong nito habang naghuhubad ng sapatos pero hindi pinansin ng kaibigan ang tanong nito.

" ui may date siya kanina"

Napataas siya ng kilay.

"anong date? Gala lang yon! Tsaka paano mo nalaman? Stalker ka noh?" naningkit ang mga mata ni Amanda habang pinagmamasdan si Marivic mula ulo hanggang paa.

" anong gala? Ang haba ng kwentuhan niyo. Mula sa mcdo hanggang sa SM hanggang sa pag uwi daldalan parin kayo?! yung totoo? Hindi ba date yun?" sunod sunod na sambit nito na may kasamang talsik laway pa.

" pinagsasabi mong bakla ka. Tabi nga!" sinipa ang binti ng kaibigan para umusog ito. At ng may space na siya sa higaan ay magkatabi na silang dalawa.

Kinuha rin nito ang laptop na nakapatong sa side table saka binuksan ang wifi nila.

" ui nakita mo na ang post ni Miguel oo pala?" napalingon siya sa sinabi ni Marivic.

" ha? Anong post?" nakakunot noo nitong tanong habang nilalagay ang username at password niya sa facebook.

" tignan mo nalang, hindi ko alam kung post ba yun o my day ah basta tignan mo nalang!"

" oo na wag atat!"

Pagkabukas ng facebook ay agad niyang hinanap ang post ni Julius na tinutukoy ni Marivic.

to my future girlfriend konting hintay nalang….

Nakalagay na caption nito at sa ibaba ay may letrato ni Miguel.

Ito ang letratong kinuhanan niya kanina sa mcdo.

230 likes and 120 comments.

Nica: Anna ikaw ba to? haha

Miguel: luh mommy hindi yan.

Nica: sauce! Boto naman ako sainyo

Anna: nica ano to?

Miguel: shhhh!!

Tch. Mayroon pang susunod na comment pero hindi na siya nag abalang pang basahin.

Hindi niya alam pero parang may kumirot na naman sa puso niya. Pero ano nga bang kaparatan niya? Magselos lang ata ng patago ang kaya niyang gawin. Kamalasan kapag sa isang kaibigan ka pa nagkagusto.

" hala friend. Bakit kasi hindi ka pa magtapat?para sana ikaw ang pinag uusapan diyan oh" inabkayan siya ni Marivic. Nasakop na siya agad ng braso ng kaibigan.

Para sa bakla ang laki ng katawan niya.

" duh? Kita mo yan? Ayoko nga!" napakagat siya sa ibabang labi dahil pinipigilan niyang umiyak. Hindi pwede pilit niyang sinasabi sa sarili niya. Bakit ko iiyakan yun?

Nag iscroll na lamang siya pababa para hindi na makita ang post ng binata.

Pero nag comment parin siya ng " ang drama mo"

" alam mo Amanda, nakalimutan mo na atang ang batas sa social media ay wag mong babasahin ang nasa comment section masasaktan ka lang" sinuklay suklay ni Marivic ang buhok ni Amanda gamit ang daliri nito pero sinamaan lang siya ng tingin ng dalaga.

" ang kapal ba ng balat ng Julius na yan at grabe ang kamanhidan? Magtapat ka na kasi, feeling ko naman malaki ang chance mo" ngitian siya ni Marivic. Pero parang may kakaiba kay Marivic? Kakaiba ang ngiti nito anito sa sarili niya.

" paano mo nasabi?"

" siguro dahil bes ka niya? Matagal ka na niyang kasama tapos alam na niya lahat sayo? Mga pangit mong uga--" sinamaan niya ng tingin si Marivic ng mapahalakhak ito.

" I mean iba ka niya itrato sa ibang mga babae. Kumbaga may special treatment ka mula sakanya kaya"

Inalis ni Amanda ang pagkakaakbay ng kaibigan sakanya dahil nabibigatan na siya sa bigat ng braso nito.

" yun na nga ang ayaw ko eh. Matagal ko na siyang kasama. Kapag nagtapat ako ngayon o bukas hindi ko na alam ang mangyayari sa susunod na araw. Baka iwasan niya ako o ano pa man. Ayokong mangyari yun no" itinabi nito ang laptop saka napasubsob nalang sa kanyang unan.

" so anong pinparating mo? Na hanggang tingin ka nalang sa gusto mo? Naku ang sitwasyon mo parang pagbili ng gamit sa isang store. Kapag gusto mo talaga ang isang bagay gagawa ka ng paraan para makuha iyon. Yung iba nga nagnanakaw pa pero ikaw tititigan mo lang talaga? Hahayaan mong may ibang makakuha?" may punto ang kaibigan pero hindi pwede. Isang malaking sakripisyo ang gagawin nito kapag nagtapat siya. Nakasalalay dito ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Julius.

" bakla! Bulag ka ba? Hindi pa ba obvious na may nakakuha na? Ayan na oh!"

" saan?" mukhang lutang na tanong ni Marivic pero ang tinutukoy lang naman ni Amanda ay si Rose.

" ewan ko sayo" napairap nalang siya sa kaibigan dahil parang walang mangyayari sa usapan nilang dalawa.

" pero bakla sayang talaga. Mas bagay kaya kayo. Magkamukha nga kayo kung tutuusin eh. Diba yung mga magkakamukha sila yung mga nagkakatuluyan?" hinarap siya ng kaibigan. Nakikita tuloy ni Amanda ang mas makinis pang mukha ni Marivic sakanya.

" seryoso ka bakla? Hindi lahat ng magkakamukha nagkakatuluyan." tinulak ni Amanda ang mukha ni Marivic saka umalis sa higaan.

" oi teka saan ka pupunta?" tanong nito sa dalaga.

" tatae lang, naparami ata ang kain ko kanina! Gusto mo sama ka? Singhutin mo ang gas galing sa pwet ko?" tugon ni Amanda ng mapangiwi ang kaibigan. Kitang kita ang pandidiri sa pagmumukha nito. Hindi niya napigilang matawa.

Habang naglalakad papasok ng cr, lihim siyang napangiti. Para siyang baliw na bigla na lang ngumingiti.

Mabuti na lang andito tong baklang to kundi baka kanina pa ako nag crying lady.

Bubuksan pa lang sana ni Amanda ang pinto ng cr ng mag vibrate ang cellphone niya. Pagtingin niya ay may isang text mula kay Julius.

"bes, partner tayo bukas sa PE ah?"

Tch.

" shit" hindi na niya napigilan ang magmura.

BES.

tatlong letra pero kakaiba ang dulot sakanya.