Chereads / SOON TO BE DELETED / Chapter 30 - ♥ CHAPTER 30 ♥

Chapter 30 - ♥ CHAPTER 30 ♥

▨ Axelle's POV ▨

"Sigurado ka ba talagang okay lang sa 'yo na sumama sa amin?" tanong ko kay Sean habang naglalakad kami.

Inimbita ko kasi siyang sumama sa amin para uminom sa club at sumama naman siya.

Masaya 'to promise!

Nasa harapan kami ngayon ng club habang tinatanong namin kung talagang okay lang sa kanya na sumama sa amin.

"Okay lang" tumango siya at ngumiti sa amin.

Laki nga ng ngiti niya eh. Abot ata hanggang langit haha!

"Bro, baka naman napipilitan ka lang?" tanong ng isang kasama namin kay Sean.

"Hindi. Okay lang talaga sa akin" sagot niya.

Madalas na rin siyang sumasama sa akin at sa mga lakad ko. Well, kahit sino naman, hindi makakatanggi kung isang katulad kong gwapo ang mag-iimbita sa kanya.

"Nakapag-paalam ka ba sa mga kasama mo? lalo na sa kakambal mo?" -A

Nawala ang ngiti niya sa mukha at naging seryoso siya. Sigurado akong hindi siya nakapag-paalam.

"Hindi nga eh" problemado niyang sabi.

See?

"Paano niyan? Siguradong hahanapin ka non" sabi ko.

Umiling siya at ngumiti ulit,

"Okay lang yon. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya pagbalik ko" -R

Nagtaka ako dahil hindi naman siya ganito dati noong hindi ko pa siya kaibigan. Siguro naimpluwensyahan ko.

Ano namang mali kung impluwensyahan ko siya, minsan lang naman.

"Sige, sabi mo eh. Let's go" sabi ko sa kanila.

Pumasok na kami sa loob at medyo nakakahilo ang mga ilaw dahil iba-iba ang kulay, pero sa loob ng ilang segundo, mawawala na ang hilo ko, ganito lang talaga ako sa umpisa, nahihilo.

Pinapasok naman kami dahil matagal na kaming pumupunta dito at may permission kami para pumasok anytime na gustuhin namin. At saka isa pa, kakilala namin ang nagbabatay sa pintuan.

Naghanap kami ng bakanteng mauupuan at mabuti naman mayroon. Apat kami lahat dahil palagi naman akong may kasabay na dalawa sa tuwing pupunta ako dito at nadagdag si Sean.

Umupo na kami doon, may mga sumasayaw din sa harapan pero wala naman kaming pakielam sa kanila. May nag-serve sa amin ng 5 bote ng gin, palagi naman kasing ganoon ang inoorder namin kaya alam na nila. Nauubos din namin 'yon ng kaming tatlo lang, hindi ko naman alam kung kakayanin ni Sean. Dahil sanay na kaming umiinom, kahit maubos namin ang limang bote ng gin, kontrolado pa rin namin ang sarili namin dahil sanay na nga kami.

Pagkabigay ng bote, nilagyan ko ng gin ang baso ko at ininom ko 'yon ng diretso. Ganon din naman ang ginawa ng dalawa kong kasama.

Pero si Sean, nakatingin lang sa amin. Kaya nagsalin ulit ako ng gin sa isa pang baso at ibinigay ko 'yon sa kanya, tinignan ko ang dalawa kong kasama at ngumiti sila bago namin siya tinignan.

"Give it a try!" sambit ko sa kanya habang nakangiti ako ng masama.

Tinignan niya muna kaming lahat. Una, nagdadalawang-isip siya. Pero sa huli, kinuha niya din 'yon at tinignan niya muna bago niya ininom ng diretso. Kitang-kita namin sa mukha niya na first time niya talagang uminom.

Pero ganyan talaga sa umpisa. Sa huli, masasanay din siya. Sasanayin namin siya haha, de joke, ngayon lang naman eh.

"Ayos lang 'yan. Marami pa dito" sambit ko sa kanya. Nagsalin ulit ako ng gin sa baso niya at binigay ko 'yon sa kanya.

"No, thanks" sagot niya. Pakipot pa eh.

Tinanggihan niya ang gin na binibigay ko sa kanya at inilayo niya ang kamay ko.

Inilapit ko ulit ang kamay ko para pilitin siyang uminom, nagkakasayahan lang naman kami.

Sana kunin niya.

"For the second time bro. Minsan lang naman 'to, kaya sige na" sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sa hawak kong baso at ngumiti siya.

"Okay. Just today" kinuha niya 'yon at sumigaw kaming lahat na parang nagsasaya talaga. Nice one bro!

Hindi ko na kinailangan na salinan pa ng gin ang baso niya dahil si Sean na mismo ang naglagay non para sa sarili niya at uminom siya ng maraming beses.

Hindi ko naman expect na iinom siya ng marami. Pero mas gusto nga namin 'yon eh.

Dahil pare-pareho naman kaming lahat na nagsasaya, syempre hindi maaalis ang kwentuhan at tawanan. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito dahil medyo maingay na kami. So what kung maingay kami?

"Ano nga ulit ang pangalan ng club na'to?" biglang tanong ni Sean sa amin.

Ibinaba ko ang hawak kong baso at tinignan ko siya.

"This is called Street Cheaters' club. The Street Cheaters'  group decided to build their own club para makapag-bisyo. Magmula umaga hanggang gabi, nandito lang sila at hindi rin sila lumalabas outside the club" habang sinasabi ko 'yon, tumitingin ako sa paligid para magobserba.

Wala namang nagbago at okay naman ang club na 'to kagaya ng dati.

"Then, do they have a leader?" tanong niya.

"That's the only thing na hindi namin alam. Maraming sikreto ang club na 'to at natitiyak kong hindi mo magugustuhan" alam ko naman talaga kung sino pero hindi ko pwedeng sabihin.

"Gaya ng?" -R

"Can you see those girls na sumasayaw sa harapan?" tumingin ako sa may stage at nakita din 'yon ni Sean.

"The Street Cheaters' members would intentionally make the innocent girls outside the club to fall for them. Kapag na-inlove na ang mga babae sa kanila, dadalhin sila rito para pasayawin or whatever they want them to do. If hindi papayag ang mga babae, they will surely die slowly and painfully, dahil gagamitan sila ng poison" -A

"So you mean, no choice ang mga babae once na dalhin sila rito, kailangan nilang sumunod sa kung anuman ang sasabihin ng mga members dito?" -S

"Yes. Exactly" -A

"How about the poison? Saan nanggaling 'yon?" -S

"Hindi rin namin alam. Kahit matagal na kami dito, wala pa rin kaming nababalitaan, lalo na sa leader nila" -A

Napansin naming natulala si Sean kaya nagtaka kami.

"Sean, are you okay?" tanong ng isa kong kasama.

Tinignan niya kami isa-isa at parang kinakabahan siya.

"Hey bro, may problema ba?" tanong ng isa ko pang kasama.

"Members ba kayo dito?" kinakabahan niyang tanong.

Napatawa naman kami sa kanya.

Nagtinginan kaming tatlo at nabigla kami sa tanong niya, pero sa huli nagets din namin kung ano ang nasa isip niya.

"You don't need to worry. We are not members of the Street Cheaters' group. Oo mahirap makapasok dito...but, kaibigan namin ang nagbabantay sa pintuan, that's why nakapasok tayo" sambit ko.

"Ahhh ganon ba? Pasensya na kung napagkamalan ko kayo" yumuko na lang si Sean at napangiti.

"Remember, makakapasok ka lang dito kung may koneksyon ka" sabi ko sa kanya.

Tumawa kaming lahat at nag-inuman nanaman.

Pero bigla kaming natahimik ng biglang mabanggit ng isa kong kasama ang tungkol sa Phantom Sinners, kaya kinailangan naming hinaan ang boses namin para walang makarinig dahil delikado.

Maraming koneksyon ang mga Phantom Sinners, pero mas maraming koneksyon ang Blood Rebels kaya mas magandang doble ingat sa pagsasalita tungkol sa kanila.

Kaming tatlo ng mga kasama ko, napag-usapan ang tungkol sa Phantom Sinners. Dati kasi, pinarusahan kami kahit wala naman kaming kasalanan kaya ganoon na lang ang galit namin sa kanila. Tahimik lang si Sean habang nakikinig sa amin, pero pagkatapos naming mag-usap, tumingin kaming tatlo sa kanya kaya napatingin din siya amin.

"B-bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong niya ng may pagtataka.

Nagtinginan kaming tatlo at ngumiti kami.

"Wala ka bang ikwekwento sa amin tungkol sa Phantom Sinners?" tanong ng isa sa mga kasama ko.

Ininom ni Sean ng diretso ang gin sa baso niya at parang nagisip-isip muna siya.

Mukhang malaki problema niya sa mga Phantoms.

"Hindi ba galit ka din sa kanila?" -A

Medyo marami na siyang nainom kaya hindi na kami nagtaka kung bakit mapungay ang mga mata niya.

Tinignan niya kami at ngumiti siya,

"Oo, galit ako sa kanila. Galit na galit" sabi niya habang lasing kaya medyo iba na rin ang pananalita niya.

"Bakit ba? Ano bang atraso nila sa'yo?" tanong ko.

Pare-pareho kaming lasing at sigurado naman akong matatandaan ko lahat ng nangyayari ngayong gabi. Pero hindi ko lang alam kay Sean kung may matatandaan pa siya.

"Sa akin wala silang atraso...pero sa kapatid ko meron.." seryoso niyang sabi.

"Kung pwede ko lang sabihin sa Blood Rebels, sasabihin ko...pero hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanila" -R

"Bakit kailangan mo pa sila kung Phantom Sinners ang may atraso sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka habang seryoso lang kaming lahat na nakikinig sa kanya.

"Clyde has a secret. Nalaman 'yon ng kapatid ko, that's why they forced her to join them para itikom niya ang bibig niya" -S

"Masyado naman atang importante ang sikretong 'yon?" -A

"Hindi sinabi sa akin ng kapatid ko kung ano ang sikretong 'yon. But there's only one thing na alam ko" seryoso niya kaming tinignan at nakita naming talagang galit siya.

"That secret involves Blood Rebels...kung alam ko lang ang sikretong tinatago ni Clyde. Ako na mismo ang lalapit sa Blood Rebels para sabihin sa kanila ang totoo, pero sa kasamaang palad, hindi ko alam at ayaw sabihin ng kapatid ko dahil delikado raw" pagkasabi ni Sean, bigla na lang siyang nakatulog sa kinauupuan niya.

Aiys! Lagot ako kapag nakita siya ni Syden na ganito.

Nagtinginan nanaman kaming tatlo at nagulat kami sa mga sinabi niya.

"Hindi siya matutuwa dito" sambit ng isa kong kasama sa isa ko pang katabi at naririnig ko sila.

At alam kong hindi nga siya matutuwa.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Syden's POV ▨

Ibinagsak ko ng malakas ang bag ko sa lamesa pagkaupo ko. Pagkagising ko pa lang kanina, talagang bad mood na 'ko. Lalo pang nasira ang araw ko dahil nakita ko nanaman ang mga tatlong leaders na ayaw na ayaw kong makita.

Minamalas ata ako ngayon eh.

Nasa pinakaharap ako at buti naman malayo ako sa kanila dahil nasa likuran sila.

Humanda talaga siya akin!

Hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa niya!

Nanginginig ang katawan ko sa galit at gustung-gusto kong pumatay, pero kailangan ko munang magtiis hangga't hindi ko pa siya nakikita.

Hihintayin ko ang break time at humanda siya sa akin.

Sa tuwing naiisip ko ang nangyari kagabi, hindi ko makuhang kumalma. Mabuti pang hindi ko sila hinayaang maging magkaibigan.

"Mukha atang wala ka sa mo- " biglang may lumapit sa akin.

"Pwede ba layuan mo ako?! Wala akong oras na makipag-usap sa 'yo!" sigaw ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa lamesa at nagtitimpi sa galit kaya hindi ko nakita kung sino siya. Buti nga sa kanya!

Istorbohin ba naman ako.

Naramdaman kong umalis na siya sa gilid ko pero galit pa din ako.

Paulit-ulit kong tinitignan ang relo ko at hinihintay kong magbreak-time.

Maingay pa din at magulo pero buti naman, walang nanggugulo sa akin dahil baka kapag ginulo nila ako, sa kanila ko maibuhos ang galit ko.

⏳⌛⏰

Pagkalipas ng ilang oras, nag-ring ang bell para sa break time.

Kaya tumayo na ako para hanapin siya. Naglakad ako sa hallway at galit na galit ang tingin ng mga mata ko sa mga nakakasalubong ko.

Nakita kong lumabas siya mula sa classroom nila kaya sinundan ko siya.

Pumasok siya sa men's restroom.

Hunanda talaga siya sa akin!

Nagtago muna ako at tumingin sa paligid para siguraduhin na walang makakakita sa akin.

Pumasok ako sa men's restroom at saktong palabas naman siya.

"Syden?! What are you doing here?!" gulat na gulat siya. Pumasok ba naman ako sa men's restroom.

Galit akong nakatingin sa kanya habang siya naman, nagulat sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang damit niya at itinulak ko siya sa pader.

"Anong ginawa mo kay Raven?!" galit kong tanong sa kanya.

Lasingin ba naman ang kambal ko.

"What are you talking about?" -A

"Huwag kang magkunwari! Bumalik siya sa dorm namin kagabi at lasing na lasing!" sigaw ko kay Axelle.

"What's wrong about that? Nagsaya lang naman kami sa club. Minsan lang naman mangyari 'yon" -A

"Inimpluwensyahan niyo siya. Hindi naman siya umiinom!" -S

"We asked him at sabi niya okay lang daw sa kanya" -A

"So hinayaan niyo nga siya? Hindi man nga siya nakapag-paalam sa akin. Siguro pinigilan niyo siya no?!" -S

"Hoy! Tinanong namin sa kanya kung okay lang ba sa 'yo na uminom siya. Pero ang sabi niya sa amin, huwag na raw kaming mag-alala" -A

"Inimpluwensyahan niyo ang kakambal ko!' sigaw ko sa kanya.

Ang Axelle na ipinakilala sa akin ni Raven, mabait at ayos naman. Pero ang kaharap ko ngayon, parang isang masamang tao at sarcastic akong tinitignan. Bad boy?

Ito ang totoong kulay ni Axelle. Mapagpanggap din pala ang mokong na'to?

Hindi ko dapat ipagkatiwala si Raven sa kanila.

"Hindi namin siya inimpluwensyahan. Siya ang may gusto non. Ginusto niya 'yon" sarcastic niyang sabi.

"Hindi siya ganon at kilala ko ang kakambal ko" matapang kong sabi.

"Fine. Itinuturing ko naman siyang kaibigan, kaya hindi mo kailangang mag-alala" mahina niyang sabi habang ngumingiti siya ng masama.

"Oo. Tinuturing mo nga siyang kaibigan, pero hindi ko hahayaang ituloy niyo pa ang pagkakaibigan niyo" -S

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Iniimpluwensyahan niyo siya sa isang hindi magandang paraan at hindi ko hahayaang mangyari 'yon" -S

"Siguro nga, naimpluwensyahan ko siya. Pero alam mo? Kahit naimpluwensyahan ko siya sa paraang hindi mo gusto, ikaw pa rin ang nasa isip niya, kung paano ka niya ililigtas sa Phantom Sinners" -A

Ang galit ko biglang nawala at nabaling ang buong atensyon ko sa pakikinig kay Axelle.

"A-anong ibig mong sabihin? Paanong- " Don't tell me na sinabi ni Raven sa inyo lahat?

"Umiinom kami kagabi at nakita mo namang sobrang lasing siya. Naikwento niya sa amin ang lagay mo sa Phantom Sinners dahil napag-usapan namin ang tungkol sa kanila. Kaya niya nasabi sa amin ang tungkol sa 'yo" Whut the!

Huhu! Raven, bakit?!

To be continued...