Chereads / SOON TO BE DELETED / Chapter 33 - ♥ CHAPTER 33 ♥

Chapter 33 - ♥ CHAPTER 33 ♥

(Continuation)

⚚ Syden's POV ⚚

Nagtingininan silang lahat sa may pintuan kung saan nakatayo ang mga Phantom Sinners. Pumunta ang mga Phantoms sa tabi ng Redblades at mukhang mag-uusap sina Roxanne at si Clyde.

Siguradong may balak nanaman silang hindi maganda sa akin!

"What is this all about? At anong nangyari sa kanya?" sabay turo sa akin ni Clyde habang kausap niya si Roxanne. As if namang concern siya!

"Well..." tinignan ako ni Roxanne at hinarapan niya ulit si Clyde.

"Your girl member did something terrible to my boyfriend. We're just teaching her a memorable lesson... para naman matuto siya. Kulang kasi sa disiplina ang mga members mo, kaya nararapat lang sa kanya 'yan" ako pa ngayon ang walang disiplina?! Wow ha!

At hindi na ako aasa na maisasalba ni Clyde ang buhay ko dahil sigurado namang hahayaan niya lang si Roxanne.

"Binigyan ko na siya ng leksyon para malaman niya kung saan siya dapat lumugar. Pero parang hindi siya natututo" -C. 

Galing niyo! Ang galing...sobra!!

Tinignan ako ni Clyde ng masama at tumango siya.

"I want this day to be memorable. The day she won't forget for the rest of her life. The most painful lesson for her" sambit ni Roxanne. Malakas ang boses niya kaya siguradong dinig sa buong cafeteria ang mga sinasabi niya.

Pinagtulungan pa talaga ako ng dalawang 'to. May araw din sila.

Nilapitan ako ni Clyde at tinignan ko lang siya ng masama.

"Hindi ko man alam kung anong ginawa mo...pero alam mo ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to" bulong niya sa akin.

Alam ko naman na mahal mo si Roxanne kaya sumusunod ka sa gusto niya. Kung pwede ko lang isigaw sa kanya ang nasa isip ko, ginawa ko na. Pero ayaw ko lang na mas lalo pa akong mahirapan kaya mananahimik na lang ako.

"Egg? Milk? Oil?" tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Siya naman, nakangiti at parang tuwang-tuwa.

"There's something missing!" -C

Bigla akong inubo at na-out of balance na ako dahil nga nanghihina ang paa ko. Binuhusan niya ako ng arina kaya napaubo ako ng maraming beses habang nakahawak ako sa sahig. Itinaas ko ang ulo ko pero hindi ko sila makita ng maayos dahil nga puno ako ng arina sa buong katawan.

Naririnig kong pinagtatawanan nila ako at ni isa, walang tumulong sa akin. Tumayo ako kaagad para umalis. Pero dahil sa mga ibinato nila sa akin, kumalat 'yon sa sahig at paghakbang ko, nadulas nanaman ako na naging dahilan kaya humahalakhak silang lahat habang nakatingin sa akin. Kumikirot na ang paa ko at para bang kahit na anong oras, pwede akong bumagsak at mapilay.

Pinilit kong tumayo kahit mahirap. Kahit masakit, sinubukan kong tumakbo para lang makaalis sa lugar na 'yon. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako ng building.

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan at mula kanina, hindi ito tumitigil. Tumakbo pa rin ako ng mabilis kahit nanghihina na ang buong katawan ko. Nakarating ako sa pinakadulo at wala na akong matakbuhan pa. Tumingin ako sa paligid at hindi ko na napigilan ang luha ko.

Kanina ko pa gustong umiyak sa cafeteria, pero pinipigilan ko dahil ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako. I think this is enough, para mailabas ko ang sama ng loob ko. Wala namang tao kaya okay lang.

Sumigaw ako ng maraming beses para ilabas ang sama ng loob ko sa gitna ng malakas na ulan.

Sa pagsigaw ko ng maraming beses, unti-unti ng kumirot ang mga paa ko na para bang susuko na sila. Naglakad ako papunta sa sulok dahil alam ko namang hindi ko na kakayanin pang bumalik sa dorm. Pagkarating ko doon, hindi ko na na-control ang mga paa ko at bumagsak ako. Wala akong nagawa kundi umupo na lang. Tumigil na ang ulan at wala akong ibang maisip kundi umiyak sa sakit.

Sakit sa pisikal. Sakit sa emosyon. Parang sinasaksak ako sa labas at loob.

Basang-basa ang paligid. Malamig ang panahon. Tahimik at madilim.

Basang-basa ako. Nanginginig. Sugatan. Higit sa lahat, isang kahihiyan.

Tinignan ko ang relo ko at pinunasan ko 'yon para makita ng maayos kung ano ng oras.

"8:32 pm na pala" may nakita akong dalawang lalaking papalapit sa akin, pero hindi ko makikilala dahil naging malabo ang paningin ko sa patuloy na pag-iyak.

"Sy?! What are you doing here?!" tanong niya.

Tinignan ko siya ng maayos at nakilala ko sila. Si Raven at Axelle. Halatang gulat na gulat sila nang makita nila ako.

"R-raven? Ikaw ba yan?"-S

Hinawakan ko ang pisngi niya at nabigla din ako. I thought naparusahan na din siya just like me!

"Oo" -R

"B-but how?!" masaya akong nakaligtas siya pero hindi ko expect na makakaligtas siya against the council.

Tinignan niya si Axelle at ngumiti siya kaya napatingin din ako dito.

"My friends saved me...Naka-lock na ang dorm but Axelle helped me para makapasok. I was supposed to visit you para ipaalam sa 'yo na nakaligtas ako but, wala ka doon kaya hinanap ka namin" -R

Nginitian ko sila at napayuko na lang ako at napaiyak nanaman.

"Hey, what's wrong?" -R

Hinawakan niya ang balikat ko at dahan-dahan akong tumingala para tignan siya.

"Bakit nandito ka? At bakit ang dumi mo? Come on, tell me everything" -R

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at umupo ako ng maayos para yakapin ang sarili ko.

"Redblades...and Phantom Sinners" pahayag ko sa kanya habang umiiyak ako.

Nagtinginan silang dalawa ni Axelle at mukhang mas lalo pa silang nag-alala.

"Anong ginawa nila sa 'yo?!" -R

"Pinahiya nila ako sa cafeteria...No one helped at pinagtawanan nila ako. They treated me like a trash" hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak ko habang pilit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng mga ginawa nila sa akin.

"The way na nakikita ngayon. Mukhang alam ko na kung ano ang pinag-gagagawa nila sa 'yo!" galit niyang sabi.

"Tiniis ko naman lahat, d'ba? Nanahimik ako. I never said anything. Why should I be punished?" -S

Niyakap niya ako at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Sy. I'm sorry...I..should have been there para ipagtanggol ka...I'm sorry na naiwanan kita" -R

"It's not your fault. Totoo nga ang sinabi ni Roxanne. I would really not forget this day for the rest of my life. Right now, nagsisisi ako. Pinagsisisihan ko na nanahimik ako at kung bakit nananahinik ako. Takot pa din naman ako hanggang ngayon kay Clyde...pero mas natatakot ako para sa sarili ko, na baka sa sobrang galit ko makapatay ako at hindi 'yon kakayanin ng konsensya ko. I won't let that happen. Kaya na-realize ko, hangga't may oras pa. Hindi na ako mananahimik"

-S

Parang nabigla si Raven kaya mas lalo pa siyang lumapit sa akin, "What do you mean?!"

Tinignan ko siya ng masama habang tumutulo pa rin ang luha ko.

"They've reached my limitation. Sobra-sobra na ang pang-aabuso nila sa akin. Napahiya na ako sa harap ng karamihan" -S

"So, anong gagawin mo?" -R

"Kailangan kong makausap ang leader ng Blood Rebels, si Carson. In private, nang hindi nalalaman ng Phantom Sinners at Redblades....that's my plan. Sasabihin ko sa kanya ang sikreto ni Clyde. Pero hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon" sambit ko habang nag-iisip.

"Then, we'll help you" saad ni Axelle.

Tumingin ako sa kanya at nagtaka ako, seryoso ba siya?

"Pero paano?" -S

"May mga Blood Rebels na tumatambay sa club. We might get informations kung paano mo makakausap si Carson" -A

"Paano naman kayo makakakuha ng information? Magtatanong kayo sa mga members? Delikado 'yon at hindi ko hahayaang mapahamak kayo" -S

"Sy, huwag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sa amin. D'ba nga nailigtas ako ni Axelle against the council? Nothing is impossible pagdating sa amin" wika ni Raven.

"Sigurado ba talaga kayo?" -S

Nagtinginan silang dalawa at seryoso akong tinignan.

"Ikaw dapat ang tinatanong namin. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi ka na makakaatras once na mapuntahan natin si Carson" tanong ni Raven sa akin.

Tumingin ako sa malayo para magisip-isip.

"I can't do this anymore. I'm tired of trying to be okay when infact nothing is really okay. No one can stop me. I'm sure of it" pahayag ko sa kanila.

Alam kong once na gumalaw na sila para kumuha ng impormasyon, hindi na talaga ako makakaatras. Pero buo na talaga ang desisyon ko.

"Pero Sy, bakit sa Blood Rebels mo unang sasabihin ang sikreto ni Clyde?" tanong ni Raven sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Dahil involve sila dito. Higit sa lahat, they are the victim" -S

"Pwede bang tayo munang tatlo ang nakakaalam ng plano ko? Ayaw kong may makaalam ng plano ko bago ko makausap si Carson, dahil kapag may nakaalam...siguradong gagawa sila ng paraan para pigilan ako" dagdag ko.

"Huwag kang mag-alala. Walang makakaalam ng plano mo" wika ni Raven.

Inubo ako dahil nga basang-basa pa rin ako.

"Kailangan na nating magpahinga, lalo ka na Sy. Basang-basa at nanginginig ka na" -R

Tumayo ako at bumalik na kami ni Raven sa dorm. Si Axelle naman, nag-ibang daan para bumalik na rin sa lugar kung saan sila nagpapahinga ng mga tropa niya.

︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻

♥ Flashback ♥

⚚ Raven's POV ⚚

Tinulak ako ng mga guard papunta sa upuan na nasa pinaka-gitna. May mga bahid din ito ng dugo. Sapilitan nila akong pinaupo sa upuan na 'yon at inilagay nila ang kamay ko sa arm rest na may bakal. Nang maipwesto nila ang mga kamay ko, ni-lock nila ang mga bakal na nakakabit sa kamay ko.

Nang masigurado nilang hindi na ako makakatakas. Lumapit sila sa whiteboard na nasa harapan ko at binuksan 'yon ni Mrs. Lim. Pagkabukas ng whiteboard, nakita ko ang spinning wheel na sinasabi nila. May mga nakasulat doon kaya nalaman kong 'yon ang mga punishment na pagpipilian ko kahit ayaw ko naman talaga.

"Do you like it Mr. Fuentes?" sarcastic na tanong ni Mrs. Lim.

"Eh kung ikaw kaya ang umupo dito?" tanong ko sa kanya.

Lalo siyang ngumiti at nilapitan niya ako.

"Really? Let's just say...I'm lucky dahil never pa akong umupo d'yan. Besides, hindi ako ang nararapat na umupo d'yan" -Mrs. Lim

Tinignan ko ang inuupuan ko bago ako nagsalita.

"Talaga namang hindi ka makakaupo dito. Tignan mo nga ang sarili mo Mrs. Lim...mas malaki ka pa sa inuupuan ko kaya hindi ka magkakasya" pang-asar ko sa kanya.

Kung ipapakita ko kasing takot ako, mas lalo nila akong papahirapan at ayaw kong maging masaya sila sa gagawin nila sa akin. Medyo kinakabahan ako kaya dinaan ko na lang sa biro para hindi ako lalong matakot.

Nakita kong nainis siya sa sinabi ko kaya kulang na lang sumabog ang mukha niya sa sobrang pula. Hahaha!

Lumabas na si Mrs. Lim at pabagsak niyang isinara ang pintuan. I thought may chance na ako para makatakas, pero narinig kong ni-lock ang pintuan mula sa labas.

Wala na akong pag-asang makatakas dahil ang pintuan lang ang pag-asa ko...isa pa walang bintana.

Lumapit sa akin ang mga guard at tinanggal nila ang mga balak na nakakabit sa kamay ko. Pinatayo nila ako at itinulak sa harapan ng spinning wheel.

Ibig sabihin nito kailangan kong i-spin ang wheel na 'to para malaman nila kung anong ipaparusa nila sa akin. Hanep!

Tinignan ko lang 'yon ng matagal at hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko dahil wala akong balak na i-spin ang wheel na 'to.

"Ano pang hinihintay mo? Do it!" sambit ng guard sa akin. Bakit hindi ikaw?

Tinapatan ko siya at tinignan ng masama, "And why would I that?"

Tinalikuran niya ako pumunta siya sa likuran kaya sinundan ko siya gamit ang mata ko.

"Kung ayaw mo, there will always be a way para mapasa sa iba ang kaparusahan mo. Sigurado naman akomg hindi mo magugustuhan kung ang kakambal mo ang iuupo namin d'yan, right?" saad niya na naging dahilan para magalit ako.

"Huwag na huwag niyong idadamay ang kapatid ko!" nilusob ko siya pero napigilan ako ng isa niyang kasama at kinuryente ako kaya napaupo ako.

"Kung ayaw mo siyang madamay, do it" wika niya.

Tinignan ko siya ng masama at dahan-dahan akong tumayo. Lumapit ako sa sa wheel na 'yon at kahit ayaw ko, kailangan kong gawin para kay Syden.

Sigurado akong nag-aalala na 'yon tungkol sa kalagayan ko. Pero magiging okay ako at kakayanin ko para sa kanya.

Pumunta ako sa side para i-spin na yung wheel. Tinignan ko muna silang dalawa ng masama at huminga ako ng malalim. Inikot ko 'yon at nakita kong sobrang bilis ng pag-ikot.

Tinignan ko ang dalawang guard at natutuwa sila habang umiikot yung wheel. Ako naman, hindi ko na tinignan dahil natatakot ako. Oo! Kahit lalaki ako, natatakot ako!

Narinig kong unti-unting tumitigil ang pag-ikot kaya mas lalo pa kong kinakabahan.

Nanginig na ako dahil alam kong huminto na ito. Tinignan ko ulit ang mga guard at mukhang tuwang-tuwa sila. Dahan-dahan kong tinignan ang spinning wheel para malaman ko kung ano ang punishment ko.

At alam kong mabubulagan ako ng isang mata dahil sa right eye tumigil ang wheel.

C

ongrats to me!

Nilapitan nila ako para iupo ulit sa upuan kaya sinubukan kong pumalag pero sayang malakas sila. Bago nila mai-lock ang bakal sa kamay ko, nakita kong may tumusok ng injection sa kanila sa leeg kaya natumba sila.

Pagkakita ko, si Axelle at ang iba pang kasama namin. Nice! Nice!

"Hey bro, I thought late na kami. Pero tamang-tama pala ang pagdating namin" bati niya sa akin.

Ngumisi ako at sila naman, nginitian ako sarcastically.

Akala ko, mawawala na ang kagwapuhan ko. Tsk!

To be continued