Chereads / SOON TO BE DELETED / Chapter 34 - ♥ CHAPTER 34 ♥

Chapter 34 - ♥ CHAPTER 34 ♥

(Continuation)

☨ Raven's POV ☨

"Umalis na tayo. Baka maabutan pa tayo ni Mrs. Lim at ipahuli tayong lahat" sambit ni Axelle sa akin habang inaalis ko ang mga bakal na nakakabit sa kamay ko. Mabuti naman at hindi pa nai-lock ng mga guard kanina ang mga bakal na 'yon kaya kaagad kong naalis.

Tumayo na ako at bago kami lumabas, sumilip muna ang isa sa mga kasama ko sa labas para tignan kung may tao.

Ng masiguro niyang walang tao, sinenyasan niya kami para lumabas. Naunang lumabas ang mga kasama ko at nasa pinakahuli ako, pero si Axelle naman nasa harapan ko.

Tahimik sana akong maglalakad dahil baka may makakita sa amin. Napansin kong normal lang silang naglalakad na parang sigurado silang walang makakakita sa amin.

"Bro, hindi ba dapat tayong maglakad ng tahimik para walang makakita sa atin?" bulong ko kay Axelle kaya napatingin siya sa akin.

"Ano ka ba? Okay lang. Walang namang makakita sa atin. Isa pa naka-disable ang mga CCTV kaya hindi malalaman ng council lalo na si Mrs. Lim na natakasan mo ang parusa mo" saad niya habang relax na relax sa paglalakad.

"Ha?! Bakit naka-disable?" pano nila nagawa 'yon?

"Obvious ba? We disabled it bago kami pumunta dito para hindi kami mahuli" pagmamayabang niya.

Tingin ko, meron talagang mali sa tropang nasalihan ko. Pero okay naman sila at mukhang normal na grupo lang kung titignan.

Sa paglalakad namin, nakikita kong papalapit na kami sa exit ng building kung saan maraming guards. Pero ang mga kasama ko, walang pag-aalinlangan at tuluy-tuloy pa rin sila sa paglalakad.

Ng makalapit na kami sa exit, nabigla ako at nanlaki ang mata ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakalabas na silang lahat at naiwan ako sa loob pero napansin nila ako kaya nilapitan ako ni Axelle habang nakatingin ako sa mga guards na walang malay at nakahandusay silang lahat sa sahig.

"Bro, anong nangyari dito?" tanong ko kay Axelle habang siya rin, tinitignan niya ang mga guards na walang malay.

"Hmmmm. Let's just say...pinatumba namin sila kanina dahil hinarangan nila kami" -A

"Let's go" dagdag pa niya at pumunta siya sa tapat ng door exit para lumabas, pero ako, nanatili pa rin sa kinatatayuan ko. Patay na ata sila?!

"Don't worry. Pinatulog lang namin sila, hindi pa sila patay bro" -A

Naluwagan ang pakiramdam ko sa sinabi niya dahil ang akala ko, patay na ang mga guards, pero pinatulog lang pala nila. Kaya sumunod na ako sa kanila at lumabas na ako. Nakita kong pagabi na kaya naalala ko si Syden at napangiti ako.

Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita niya ako.

Sinundan ko lang ang mga kasama ko at sakop na namin ang buong daan dahil marami-rami rin kami. Pumasok kami sa isang maliit na daan na ngayon ko lang nakita sa loob ng ilang months na nandito ako sa PS. Madilim ang daan at medyo masikip kaya sunud-sunod kaming pumasok dahil hindi kakasya kung sabay-sabay kami.

Ng marating namin ang pinakadulo ng daan na 'yon, nagsiupo lahat sila habang ako naman, pinagmamasdan ang buong lugar. Medyo maluwang at mukhang ito nga tambayan nila Axelle bukod sa cafeteria.

Ang iba, naglabas ng sigarilyo para mag-yosi habang ang iba naman, may inilabas na bote at mukhang alak ang laman. Si Axelle naman, may inilabas na kutsilyo at inihahagis niya 'yon na parang pinaglalaruan niya. Pero napansin nila ako.

"Sean, join us!" sambit ni Carl na isa sa mga nagyoyosi.

Tumabi ako kay Axelle at mukhang busy na busy silang lahat sa mga ginagawa nila.

"Ito pala ang tambayan niyo?" saad ko sa kanya habang pinagmamasdan ang paligid.

May mga sulat din ang wall na ginamitan ng spray paint. Pero hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dahil medyo magulo rin.

"Oo, ito kasi ang kaisa-isang lugar kung saan komportable kami" wika niya habang pinaglalaruan pa rin ang kutsilyong hawak niya.

"Bro, salamat pala dahil tinulungan niyo ako kanina. I thought mabubulag na talaga ako" -R

Seryoso pa rin si Axelle habang pinaglalaruan ang kutsilyo niya.

"You don't have to thank us" sagot niya kaya nagtaka ako.

"Bakit naman?" -R

Inihagis niya ng mas mataas ang kutsilyo at nasalo niya 'yon. Pagkatapos, itinago niya 'yon sa bulsa niya at tinignan niya ako.

"There must be one person na pasalamatan mo. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka namin maililigtas against the council's punishment" pagkasabi sa akin ni Axelle, napatigil lahat ng mga kasama ko at naging seryoso ang mga mukha nila.

Lahat sila, seryosong nakatingin sa akin at parang nag-iba ang aura nila.

Ano bang nangyayari?

"Sino naman?" -R

Tumayo si Axelle at ngumiti. May kinuha siyang susi sa bulsa niya at nginitian ako.

"Let's just wait inside. Darating din siya" wika niya sa akin kaya tumayo na rin ako at pagkabukas niya sa pintuan, pumasok kaming lahat.

Pagkapasok namin sa loob, malawak ang buong lugar at nage-echo din ang boses kapag nagsalita ka. Maraming mga sirang upuan, habang ang iba naman, maayos pa rin at pwedeng gamitin.

Itinuloy nila ang mga bisyo nila habang ako naman, parang nakakaramdam ng kaba habang patagal ako ng patagal sa lugar na 'to.

Parang may mali talaga.

Tutal busy naman silang lahat. Nagpasya muna akong lumabas para magpahangin. Pumunta ako sa pintuan para lumabas pero hinarangan ako ng iba.

"Pasensya na. Pero hindi ka muna pwedeng umalis dito" sambit nila sa akin.

"Ha?! Bakit naman?" -R

Tinignan ko si Axelle at lumapit siya sa amin.

"Bro, bakit ayaw nila akong palabasin?" -R

"Kahit gustuhin ko mang palabasin ka. Hindi pwede kaya pasensya na Sean, hindi kita matutulungan" -A

Nabigla ako sa sinabi niya at mas lalo pa akong nagtaka.

"Bakit naman hindi ako pwedeng lumabas? Dahil ba baka mahuli ako ulit ng council? Mag-iingat nanaman ako" sambit ko.

Natahimik ang buong lugar at tinitignan nila ako.

"No, it's not that. Look...maghintay ka lang ng konting minuto" eh sino bang hinihintay namin dito?

"Bakit kailangan kong maghintay? Ano bang hinihintay natin dito?" -R

Walang sumasagot kaya tinignan ko sila isa-isa at matapang silang nakatingin sa akin.

Ano ba talagang nangyayari? Hindi kaya papatayin nila ako kaya ayaw nila akong palabasin? Pero imposible naman 'yon.

"Fine. Total may tiwala naman ako sa inyo" sagot ko sa kanila at nilapitan ko si Axelle na nakaupo sa gitna.

Bago ako nakaupo sa tabi niya, narinig kong bumukas ang pintuan kaya napatingin ako sa likuran ko.

Nabigla ako at kinabahan ng makita ko siya.

Nakita niya rin ako pagkapasok niya at base sa nakikita ko sa reaksyon niya. Natutuwa siya at sarcastic akong tinitignan.

Anong ginagawa niya dito?!

Lahat naman ng kasama ko, nakatingin sa kanya.

"Nandito na pala kayo? I thought, mauuna ako sa inyong dumating" sambit niya habang tinitignan ang mga kasama ko.

Pagkatapos, sa akin na ulit siya tumingin. Ngumiti siya ng masama habang ako naman, halatang nabigla sa kanya.

"Sean Raven, right?" tanong niya sa akin pero wala akong balak na sagutin siya.

Tinignan niya muna ang paligid at ngumiti siya ng sobrang sama.

"Welcome...to the home of Blood Rebels" saad ni Carson, leader of Blood Rebels.

Lalo pa akong nabigla at kinabahan ako sa sinabi niya. Nanlamig ang katawan ko sa kaba.

Ibig sabihin, ang kinatatayuan ko ngayon...ay teritoryo ng Blood Rebels. Pero sina Axelle at ang mga kasama ko?

Napatingin ako sa likuran ko para tignan si Axelle, alam ba niya ang tungkol dito o pareho kaming biktima?

"Axelle? Ano bang gagawin sa atin ng Blood Rebels? Bakit nandito ang leader nila?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at sarcastic siyang ngumiti. Tinignan ko ang mga kasama namin isa-isa at nakangiti silang lahat na parang naging ibang tao sila.

Napaatras ako ng may biglang pumasok sa isip ko.

Kung iisipin ko ulit ang sinabi ni Axelle, kapag ikaw ang napili ng council para sa Carnival game punishment random killer...makakaligtas ka lang kung official member ka ng Blood Rebels o Phantom Sinners, o kahit hindi ka member, kung gusto ka nilang iligtas, makakaligtas ka. Pwede ring magtago sa Street Cheaters' club pero imposible.

Ibig sabihin, all this time. Blood Rebels pala ang mga kasama ko at ang mga itinuring kong kaibigan!

"Lahat ng nakikita mo dito ay members ko" saad ni Carson kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang lalaking inakala mong kaibigan mo- "itinuro niya si Axelle kaya napatingin nanaman ako sa kanya.

"Is Dave Axelle, my right hand. Sa Blood Rebels, we call him Dave. He never used his name Axelle before. But I asked him to introduce himself to you as Axelle" pahayag ni Carson.

WTH!

"Ibig niyo bang sabihin, you were just deceiving me all this time? For what? Papatayin niyo ba ako at papahirapan?" tanong ko sa kanila.

Nanginginig ako sa galit, dahil naloko lang pala ako...but I don't believe them fully, I felt that they were my friends. I felt it and there must be a reason.

"Sean, it was our intention na kaibiganin ka lang for some reason. But believe me, itinuring ka na naming kaibigan that's why we saved you earlier" pahayag niya.

"Bakit kailangan niyo akong kaibiganin? Para saan?" -A

Alam ko naman na talagang itinuring nila akong totoong kaibigan. Gusto ko lang malaman ang reason kung bakit kailangan nila akong kaibiganin in the first the place.

"Para makalapit kami sa kapatid mo" saad ni Carson.

"Para makalapit kayo kay Syden? Bakit naman?" -R

Lumapit sa akin si Carson at sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito. Pero tingin ko kailangan ko ring makausap ang Blood Rebels.

Pumunta kami sa kwarto at sumunod din si Axelle. Pagkapasok ko, nakaupo na si Carson at may katabi siya sa kanan na isang lalaki. Si Axelle umupo sa kaliwa niya. May natira pang isang upuan sa harapan nila kaya doon ako umupo.

"Bakit niyo gustong lapitan si Syden?" tanong ko sa kanila.

Ipinatong ni Carson ang paa niya sa lamesa sa harapan niya bago nagsalita.

"Curious ako kung bakit ayaw siyang palapitin sa amin ni Clyde at kung bakit kinaiinisan siya ni Roxanne at isa pa, gusto kong malaman ang sikreto ni Clyde.

Mukha atang napakaimportante ng sikretong 'yon kaya ganon niya na lang pahirapan ang kapatid mo para lang hindi magsalita?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol kay Syden. Wala naman akong naikwento kay Axelle tungkol kay Syden.

"Kaya kailangan ka namin para malapitan namin si Syden" -C

"Bakit hindi na lang kayo ang kusang lumapit sa kapatid ko total marami naman kayong koneksyon at may kapangyarihan kayo d'ba?" -R

"It's not that easy as you think it is. Masyadong binabantayan ng Phantom Sinners si Syden, at once na lapitan namin siya...sigurado naman akong papahirapan siya ni Clyde. Sinubukan ko na siyang lapitan many times and I witnessed na takot na takot ang kapatid mo sa tuwing nakikita niya ako, lumalayo siya at palagi niyang tinitignan si Clyde para alamin kung nakita ba ni Clyde ang paglapit ko sa kanya" -C

Iniisip ko, habang kausap ko ang Blood Rebels. Hindi ba ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanila ang lahat ng napag-usapan namin ni Syden? Baka sa ganitong paraan, makalaya siya sa Phantom Sinners.

"Kapag nalaman niyo na ang lahat ng gusto niyong malaman, anong gagawin niyo kay Syden?" -S

"If sasabihin niya ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa Phantom Sinners. Kukunin ko siya sa Phantom Sinners and I'll set her free" -C

Iyon lang naman ang gusto ni Syden. Makaalis sa Phantom Sinners.

"Sigurado ba kayong tutupad kayo sa usapan?" -R

"I'm true to my words. We're not like Phantom Sinners" -C

Nanahimik muna ako ng ilang segundo para makapag-isip ng maayos at huminga ako ng mlalim.

Diretso ko ng sasabihin sa kanila.

"Tama lahat ng nalalaman niyo tungkol kay Syden. May plano siya na kausapin ang Blood Rebels pero hindi niya alam kung paano dahil nga bawat galaw niya, nakikita ni Clyde kaya kahit gustung-gusto ka niyang kausapin, hindi niya magawa dahil takot siya kay Clyde. Isa pa, hindi niya magawang magsalita dahil binalaan siya ni Clyde na idadamay ako at ang mga kaibigan namin kaya mas lalo pa siyang natakot. Sinubukan ko siyang tanungin kung ano ba ang sikreto ni Clyde...pero ayaw niyang sabihin dahil dekikado raw. Pero may isang bagay siyang nabanggit sa akin tungkol sa sikreto ni Clyde. Kaya gusto ka niyang kausapin, dahil involve daw ang Blood Rebels sa sikretong 'yon" pahayag ko sa kanila.

Ng marinig 'yon ni Carson, napakunot ang noo niya at nakita kong mas lalo pa siyang nagseryoso.

"Kaya kung tutulungan niyo ang kapatid ko. Pwes...tutulungan ko din kayo" -R

"Now that you said na involve amg Blood Rebels sa sikreto ni Clyde, it makes me want to confront your sister because I have a bad feeling about that. But I know I shouldn't....But don't worry, once na magsalita si Syden about Clyde's secret, you'll be protected by my group if...you'll join us" -C

I knew this would be their condition.

"If you're a new member of Blood Rebels, you'll be protected, kung hihilingin mo kay Carson na protektahan din ang kapatid mo, papayagan ka niya as long as you are loyal to him" pahayag ni Axelle.

What should I do? Kung para naman kay Syden.

"I'm not joining you for power. I'm joining you because I want to protect my sister and set her free against the Phantoms" -R

"All settled, then. You are now a member of Blood Rebels but you can't tell your sister about it. Ikaw at si Dave, shall pretend like nothing happened here pagkalabas niyo" pahayag niya sa amin.

"Anong kailangan naming gawin?" tanong ni Axelle kay Carson.

"Hayaan niyo munang planuhin ko ang lahat ng maayos para hindi malaman ng Phantom Sinners. Sa ngayon, puntahan mo muna ang kapatid mo, sigurado akong kailangan ka niya. Just act normally infront of her, huwag kayong magpahalata" -C

To be continued...