Chereads / SOON TO BE DELETED / Chapter 32 - ♥ CHAPTER 32 ♥

Chapter 32 - ♥ CHAPTER 32 ♥

⚚ Syden's POV ⚚

"Sy, saan ka niyan pupunta?" bago sila umalis, tinignan ako ni Raven para tanungin.

"Magpapahinga na muna ako" -S

"Ah ganon ba? Sige, alis na kami" -R

Tumango lang ako at nginitian sila. Pagkatapos non, umalis na silang dalawa ni Axelle. Tingin ko nga, super close na sila eh.

Hindi ko na rin binalak na tanungin pa sila dahil sigurado naman ako na wala silang gagawing hindi maganda. Subukan lang nila!

Malalagot sila sa akin!

Pagkaalis nila, lumabas na rin ako at isinara ko ang pintuan. Naglakad na ako para pumunta sa kwarto ko dahil nga gusto ko ng magpahinga.

Buti na lang at walang ginawang masama ang Redblades at Phantom Sinners ngayong araw na 'to. Pero hindi pa rin ako dapat makampante dahil sa pananahimik nila. Baka nga may binabalak na silang masama sa akin.

Habang naglalakad ako sa hallway, biglaang nag-activate ang mga speaker kaya doon nabaling ang buong atensyon ko.

Ano naman kayang ia-announce nila sa ganitong oras? Hapon na rin kasi, kaya nakakapagtaka naman.

"Good Afternoon students. Do you still remember the Carnival game punishment random killer? I guess so. Today, this time...the council will pick for the random killer"

May mga estudyante rin na dumadaan at nakakasalubong ko kaya pagkarinig naming lahat sa sinabi ng announcer. Nag-umpisa silang magbulungan habang ang iba naman, mukhang kinakabahan.

Nakaramdam ako ng kaba dahil baka isa sa amin ni Raven ang mapili ng council para sa punishment...o baka naman sina Icah. Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon, huwag naman sana. Huhu!

Hindi ako mapakali at nanatili lang akong nakatayo habang nag-aannounce pa sila.

"The Carnival game punishment random killer starts now"

Ano bang dapat kong gawin?

Kailangan ko bang magtago? Dahil baka ako ang piliin nila lalo na't maraming estudyante dito na mainit ang mata sa akin.

Nag-umpisang magbilang ang announcer. Parang countdown bago nila i-announce ang  random killer. Parang new year lang eh nuh?

"10.....9.....8.....7.....6.....5..."

Habang nagbibilang sila, kinakabahan ako at lalo akong nanginginig. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin ni Raven. Baka isa sa amin ang piliin nila.

Nagtatakbuhan na rin ang mga estudyante. May umiiyak, may tumatakbo para magtago at higit sa lahat, parang nababaliw na ang iba dahil hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.

Hindi ko kaya kung sakali man na isa sa amin ni Raven ang mapili. Huwag naman sana, please?

"4.....3.....2.....1....."

Wala ng atrasan 'to.

"Sean Raven Fuentes...the new student"

Napaupo ako ng dahan-dahan mula sa kinatatayuan ko.

"H-hindi totoo 'to. Nananaginip lang ako. Hindi totoo ang narinig ko"

Si Raven?! Siya ba talaga ang sinasabi ng council na kailangang tumanggap ng punishment? Nagkakamali lang sila.

Tinignan ko ang paligid at ako na lang mag-isa sa hallway. Nakaupo at hindi alam ang gagawin.

Hindi nila pwedeng gawin 'to sa kakambal ko! Wala siyang kasalanan kaya hindi dapat siya maparusahan.

Tumayo ako para hanapin si Raven at iligtas siya. Hindi pwedeng wala akong gawin habang siya pinapahirapan nila.

I need to save him no matter what happen. Well who cares? kakambal ko siya.

Nagmadali ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang hanapin siya. Hindi niya nabanggit sa amin kung saan sila pupunta ni Axelle.

Ang mabilis kong paglalakad, napunta rin sa sobrang bilis ng pagtakbo. Diretso lang akong tumakbo at nagtanung-tanong ako sa mga nakakasalubong ko kung nakita nila si Raven, pero wala pang nakakakita sa kanya.

Inikot ko ang buong campus at hindi ako nakaramdam ng pagod dahil siya lang ang iniisip ko. Pumunta na ako kung saan-saan pero hindi ko pa rin siya nakita.

Napaluhod ako sa batuhan kasabay ng pagbuhos ng ulan...pumatak na rin ang luha ko na kanina ko pa sinusubukang pigilan.

"Raven. Nasaan ka na?" nag-aalala na'ko.

Basang-basa na ako pero wala pa rin akong pakielam kung anuman ang mangyari sa akin. Ang mahalaga, mailigtas ko ang kapatid ko. Nagisip-isip ako ng paulit-ulit.

May isa pang lugar na hindi ko nadaanan.

Ang cafeteria.

Tumayo ulit ako at tumakbo para pumunta sa cafeteria. Dahil umuulan, madulas ang daraanan ko. Sa pagtakbo at pagmamadali ko, nadulas ako sa may entrance ng building.

Dahan-dahan akong tumayo kahit nanghihina ang mga paa ko. Namumula rin ang tuhod ko at nagkasugat ito kaya medyo mahapdi.

Habang papunta ako sa cafeteria, nakahawak ako sa walls sa gilid dahil nawawalan ako ng control.

Nakikita ko na ang cafeteria at ilang hakbang na lang, makakapasok na ako. Biglang bumukas ang pinto at may lumabas na grupo ng mga lalaki mula sa loob ng cafeteria. Mukhang nagmamadali sila pero ng makita nila ako, lumapit sila sa akin at mukhang nag-aalala sila.

"Syden? Anong nangyari sa 'yo? Bakit basang-basa ka?" tanong ni Axelle sa akin.

Inalalayan niya ako para makatayo ako ng maayos at hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

"N-nasaan si Raven? Kasama niyo ba siya?" tumitingin ako sa likuran niya para hanapin si Raven. Pero mukhang wala.

Nagtinginan silang lahat bago sinagot ni Axelle ang tanong ko.

"Nakuha na nila siya. Sinubukan namin siyang itakas pero nahuli siya ni Mrs. Lim kaya dinala na siya ng council" nakikita ko sa mga mata nila na nag-aalala din sila.

Naiiyak pa din ako dahil hindi ako mapakali.

"Bago nila siya kinuha he told me to say this. Huwag ka raw mag-alala. Okay lang daw siya" nakatingin siya sa akin at alam kong malungkot din siya.

"No! Alam kong hindi siya okay kaya ililigtas ko siya!" -S

My tears bursted out in pain for my twin-brother.

Iiwanan ko na sana sila pero pinigilan ako ni Axelle at hinarangan niya ang daraanan ko.

"You can't. Sa tingin mo ba maililigtas mo siya habang ganyan ang kalagayan mo? Maghintay ka lang dito at kami ng bahala sa kanya"

"No! You can't stop me. Pwes sasama ako sa inyo" -S

"At pagkatapos ano? Ikaw naman ang mapapahamak? Alam kong kalabanin ang council because I've been living here for 3 years. Baguhan pa lang kayo ni Sean dito kaya for sure kayo talaga ang bibiktimahin nila because you both still don't know how this torturing field works. Hindi ka pwedeng sumama dahil baka ikaw naman ang mapahamak" -A

Hindi ako nakakibo at natahimik na lang ako. Siguro nga. Baka maging threat pa ako sa gagawin nila.

"Fine. I'll just wait here. You will save him, right?" -S

"I promise. He's our friend that's why we won't let him suffer under that f*ckin wheel"

Umalis na sila at pinanood ko lang sila hanggang sa mawala sila paningin ko. Narinig ko ring nagrereklamo na ang tiyan ko kaya naisip kong kumain na muna sa cafeteria total nandoon na naman ako.

May tiwala naman ako kina Axelle.

Binuksan ko ang pintuan ng dahan-dahan at sumilip ako sa loob. May tao naman pero konti lang sila kaya pumasok na ako.

Habang naglalakad ako, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Hindi pa rin kasi ako makapaglakad ng diretso, may sugat pa ako sa tuhod at higit sa lahat, basang-basa ako dahil nga sa ulan kanina. Kaya nga siguro nagtataka sila kung bakit ganito ang itsura ko.

Paki ba nila!

Hinayaan ko na lang sila at pumunta ako sa gitna para kumuha ng pagkain. Konti na lang ang nakaserve na pagkain dahil nga 6 pm na at medyo madilim na.

First time ko lang pumunta sa cafeteria ng ganitong oras dahil kadalasan nandoon ako sa kwarto ko at nagpapahinga.

Kumuha ako ng gulay para naman medyo lumakas ang katawan ko at isa pang ulam na hindi pamilyar sa akin. Pero dahil nga gutom na 'ko kumuha na lang ako ng kahit na anong ulam basta ang mahalaga, makakain  ako.

Pagkakakuha ko ng pagkain, halos bakante naman ang mga upuan dahil iilan na lang naman ang tao. Pero nakita kong may mga Redblades sa dulo at kasama nila si Roxanne. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na ako habang hawak ko ang plato ko para umupo.

Sa paglakad ko, naramdaman ko nanaman na nanghina ang paa ko at lalo pang humapdi ang sugat ko...kaya na-out of balance ako. Oh no!

Nagulat na lang ako ng may makasalubong ako at nabitawan ko ang hawak kong plato. Sa kanya ko naitapon ang pagkain ko. Halatang nabigla din naman siya kaya naramdaman kong napahawak siya sa braso ko dahil nga na-out of balance ako.

Tumingala ako para tignan siya at nanlaki ang mata ko. Para bang lalong nanginig ang mga paa ko ng magkasalubong ang mga mata namin.

"C-c-carson?" kulang na lang, mawalan ako ng boses pagkasabi ko non. Bakit ikaw pa? Sa dinami-dami ng tao dito!

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin pero natatakot pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ko maramdaman ang sakit.

Tinignan niya ang tuhod ko kaya napatingin din ako dito.

"Stay away from her!" whoa! Look who's here?

Inalis ni Roxanne ang pagkakahawak ni Carson sa akin kaya tuluyan akong nawalan ng balance at nadapa ako.

Lumuhod si Roxanne at hinarapan ako.

"How dare you do that to my boyfriend?!"  Sadya ko?!

"Can't you see dumadaan siya?!" -R

"Kung nakita ko siya, edi sana tumabi ako. Mag-isip ka nga!" -S

Hindi rin naman siya mag-isip. Pakibhasa puro bunganga niya lang ang pinapairal niya.

Mukhang nainis siya sa sinabi ko. Well, dapat lang!

"It's obvious naman na sinadya mo talagang banggain ang leader ng Blood Rebels" sambit ng kasama niyang member ng Redblades kaya napatingin ako.

Ano bang klasing pag-uutak mayroon ang mga taong ito? Ibang klasi kung mag-isip.

"Excuse me?! At bakit ko naman gagawin 'yon? Kung si Roxanne ang nabangga ko, no doubt. Sasadyain ko talaga" -S

"Roxanne, stop it. It's okay" hinawakan ni Carson ang braso niya kaya napatingin siya dito.

"No. It's not right. Hindi pwedeng basta-basta ka na lang niyang binabangga. So, you stay here and watch us to give her a lesson" -R

"There's no need for that- " -C

"Don't say anything. Once na pinigilan mo kami, magiging issue ang Blood Rebels for saving this girl against us. Of course, alam ko namang ayaw mong masira ang group mo d'ba?" -R

At talagang nilason niya pa ang isip ng boyfriend niya.

Sinamaan ng tingin ni Carson si Roxanne at lumabas siya sa cafeteria.

Lumapit ang mga Redblades sa akin at sapilitan akong hinila patayo. Nanghihina pa rin ang paa ko at mahapdi pa rin ang sugat ko kaya hindi ako makapaglakad ng maayos. Lalo pang sumasakit dahil hinihila nila ako at hindi ako makapalag.

Dinala nila ako sa gitna ng cafeteria kung saan kita ng lahat. Nakatingin lahat sila sa akin habang ang mga Redblades naman, sobrang laki ng ngiti. Abot ata hanggang langit?

May dalawang Redblades na lumapit sa akin. Tinignan ko silang dalawa at may hawak silang tali. Itinali nila ang kamay ko kaya pumalag ako. Pero may lumapit ulit sa akin at hinawakan nila ako kaya naitali na ng tuluyan ang mga kamay ko.

"Ano nanaman bang gagawin niyo sa akin?" matapang kong tanong kay Roxanne habang siya naman, nakangiti.

"You'll see. Sigurado akong ito ang araw na hindi mo makakalimutan...at dadalhin mo hanggang sa kabilang buhay. Save your breath" ngumiti silang lahat at nagtawanan.

Why should I fear them? Simula ng makapasok kami ni Raven dito, lagi naman kaming pinapahirapan.

"Naisip ko lang" habang sinasabi ni Roxanne 'yon, nakita kong may tumabi sa kanyang member niya na may hawak na isang tray ng itlog.

"Girls, what if mag-bake kaya tayo ng cake? The ingredients are enough naman para makagawa tayo, right?" tanong niya sa mga members niya.

"I think that's a good idea" sagot ng member niya.

"Then, let's start" tinignan niya ako ng masama at ngumiti siya.

Kumuha si Roxanne ng itlog at ibinato niya 'yon papunta sa akin kaya napapikit ako. Naramdaman kong tumama 'yon sa balikat ko kaya binuksan ko ang mata ko at tama nga ang hinala ko.

Sign na 'yon para batuhin nila ako ng paulit-ulit at pumikit na lang ako habang nararamdaman ang pagbato nila sa akin.

Na-feel ko na sobrang lagkit na ng katawan ko lalo na ng mukha ko dahil iilan din ang tumama sa mukha ko. Tinignan ko silang lahat ng masama at nakita kong tuwang-tuwa naman sila sa ginagawa nila sa akin.

Hindi ko ikakamamatay 'to kaya okay lang kahit isang-daang itlog pa ang ibato nila sa akin. Basta't ang mahalaga, huwag kong ipakita sa kanila na mahina ako.

Alam kong hindi pa sila tapos kaya hindi na ako magtatanong. Habang tinitignan ko sila na nasa harapan ko. Hindi ko namalayang may lumapit sa likuran ko at binuhusan niya ako ng gatas kaya nabigla ako.

"What the- " bulong ko sa sarili ko habang binubuhusan pa rin nila ako ng gatas.

Naririnig kong nagbubulungan na rin ang ibang estudyante habang pinapanood ako.

Lumapit si Roxanne sa akin habang nakangiti siya. Tinignan ko lang siya ng masama habang nararamdan kong dumadaloy sa katawan ko ang ibinuhos nilang gatas.

"How sweet" sambit niya gamit ang sweet niyang boses...which is nakakainis para sa akin.

May binuksan siyang bote at itinapon niya lang ang takip sa tabi niya.

"Mas maganda pa rin kung hindi dumidikit. Kaya kakailanganin mo 'to...para hindi na kayo magkalapit ng boyfriend ko" -R

Never kong nilapitan ang boyfriend niya. Masyado naman siyang assuming na aagawan ko siya. Palibahasa, guilty kasi.

"You are a threat to my plan" bulong niya sa akin. So?

Ibinuhos niya sa akin ang laman ng boteng hawak niya. Narinig kong mas lumakas pa ang pagbubulungan ng mga tao. Binuhusan niya ako ng napakaraming mantika kaya nainis ako pero hindi ko ipinahalata dahil baka lalo siyang matuwa.

"Look at yourself. Nakakadiri ka" tumalikod na siya para layuan ako.

Base sa tingin nila, nakikita kong nandidiri sila sa akin. Nandidiri sila sa sarili nilang gawa.

Sobrang lagkit ko na. At dahil sa mantikang ibinuhos ng walang hiyang Roxanne na 'yon...hindi ko na alam kung ano pang nararamdan ko.

"What is this all about?" pagtingin ko sa pintuan.

Nakita ko ang mga Phantom Sinners kasama si Clyde at napayuko nanaman ako.

Hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko.

To be continued...