Chereads / Your Eyes. / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Bakit mo ako kinalimutan?

Malayo-layo na rin ang aming na-biyahe kaya nakatulog na rin ako. Pero nagulat ako nang tapikin niya balikat ko at nagising ako.

"Hey, We're here."

Inayos ko na ang sarili ko at nang bumaba si Adam ay naglagay ako ng lipstick uli dahil kumupas na.

"Thank You." I smiled when he opened the door for me.

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid, ang ganda ng lugar dahil puno ito ng mga bulaklak. Kakaunti lang ang tao dito pero kung titignan mo ang ambiance ng lugar, tiyak na mamahalin dito.

Mayroon din ditong parang space para sa mga nais sumayaw. May pa- dance floor ha!

He pulled the chair and let me sit down. The waiter gave us the menu and I scanned through the menu and found what I wanted to eat.

The waiter came to us once again but now carrying a bottle of wine, he filled my glass just like Adam.

I ordered my favorite Green Pesto Pasta with Spanish Bread and Greek Salad, while Adam ordered Steak, Potato Chips, and Asparagus Soup.

"Are you alright?" Adam asked.

"Yes, It's just I'm still high on what you said to Mom and Dad."

"Ever since we got home from Mexico, I just find you really interesting and beautiful."

"Thank You, Oo nga pala, Are you also on-call? Kasi naalala ko nung kinuwento sa akin ni Samantha na twice a week ka lang daw pumupunta sa opisina."

"Ah, Yes, I'm not a regular in your office. I was sent here for a mission and for promotion."

"So, Hindi ka magtatagal dito?" Malungkot na tanong ko.

"Oo pero kung magkakaroon ako ng rason para mag-stay dito, Baka magtagal ako."

Medyo nalungkot ako nung sinabi niya na hindi siya magtatagal dito pero kung pwede lang sana, Ako ang magbibigay ng rason sa kanya para mag-stay.

Nagtanungan kami tungkol sa kanya-kanya namin buhay, Ang sarap pala niyang kausap mas mabuti ng ganto kami kaysa mag asaran tulad ng dati. Akala ko dati puro biro lang ang alam ng lalaking ito pero marunong din pala siya mag seryoso, lalo na sa pag-ibig. Habang nag-uusap kami ay nakakita ako ng dalawang pamilyar na mukha.

"Serena? Huy! Anong meron?"

Tanong nila Zia at Nico.

Sa lahat ng mukhang makikita ko ngayong gabi, Bakit sila pang dalawa? Bakit yung magaling pa mang-asar? Bakit silang mag-jowa? Naloloka na naman ako.

"Ahh, Nag d-dinner lang. K-Kayo?" Kabadong sagot at tanong ko.

"Ah kami din nag d-dinner LANG. Who's this man with you?" Sarkastikong sagot ni Zia.

"Oo nga, SERENITY. Sino to?"

Dumagdag pa si Nico.

Tumayo si Adam at naglahad ng kamay sa kanilang dalawa. Parang isang breaking news kapag nalaman ng mga tao na may nanliligaw na kay Serenity Williams.

"I am Adam Richardson, Serena's Partner and Suitor." Pakilala niya.

"Bakit hindi ko alam to?" Tanong ni Zia.

"Ah kasi kani-" Naputol ang sasabihin ko nagsalita si Adam.

"Kanina ko lang kasi nasabi iyon kila Mr. and Mrs. Williams."

"Oh okay, Enjoy the dinner. Mauna na rin kami ni Zia." Paalam ni Nico.

"Ate Gurl! Balitaan mo ko ah.. Weg ke meglelehim se emen" Mahina niyang sinabi sa akin.

Natatawa nalang ako sa sinabi niya na maglilihim ako, Nahihiya tuloy ako kay Adam.

"I'm sorry, They're my friends since we were kids." Pasensya ko.

"No, That's okay. At least they already know about us, Right?"

"Right." I chuckled and our order has finally arrived. Sa totoo lang, kanina pa talaga kumukulo ang tiyan ko at nag-aaway na ang dalawa kong kidney.

Naka focus ako sa kinakain ko dahil una gutom na gutom na ako at pangalawa sobrang sarap ng pagkain. Masaya ako na ang first time ko na makapunta dito ay kasama ang lalaking nasa harapan ko.

Habang lumalamon ako ay napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na nakatitig sa akin.

"Uhh, B-Bakit?" Pagtataka ko.

"Wala naman, Ang sarap mo kumain and I'm happy that you love this place."

Wala na akong nasabi at ngumiti nalang sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagkain ko hanggang sa naubos na rin ito.

Tinanong ako ni Adam kung gusto ko daw ba mag dessert, nag order ako ng Creme Brûlée.

Nagulat ako nang tumayo si Adam at naglahad ng isang kamay sa akin. Tumugtog din ng sabay ang isang romantikong kanta.

"Can I be your partner?" He gently asked me.

I held his hand and stood up. We went to the dance floor and he held my left hand and place his right one on my waist.

Kami lang ang sumasayaw sa gitna at ramdam ko ang mga matang nakapalibot sa amin. Habang sumasayaw ay nakatingin ako sa mga mukha ng lalaking kasama ko.

"Why?" Tanong niya sa akin.

"Thank You." Sagot ko.

"You don't have to say that. I want to make you happy in any I can. Lahat ng gusto mo na gawin ko ay gagawin ko, basta maging masaya ka."

At this point, Gustong gusto ko na siya sagutin pero hindi pa ito ang tamang panahon para gawin. Kailangan pa namin kilalanin ang isa't isa at kailangan pa niyang mapapayag sila Daddy.

Nilipat ko ang dalawang kamay ko sa kanyang leeg at mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sakanya. Niyakap niya ako, nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya nang niyakap niya ako.

I have never felt this way before, the joy, laughter, and kilig are all first-time to me. Hindi ko inasahan na makakaramdam pala ako ng ganito sa tagal ng panahon na wala akong naging ka-relasyon. Sabi nga nila, "When it rains, it pours", totoo nga siguro ang kasabihan na iyon.

Hinalikan niya ako sa noo ko at naging dahilan ng pagpalakpak ng mga tao na hindi ko inasahan.

"Nililigawan pa lang kita kaya sa noo na lang muna. I respect you." He winked at me and we both went back to our table. Dumating na rin ang order ko na Creme Brûlée.

I took my phone and secretly took a photo of him pero nag snap-sound nung pagkakuha ko ng picture. Nakakahiya!

"Are you taking photos of me?" Tanong niya na ikinaba ko

"Ah, I accidentally pressed the capture button."

"Sana gwapo ako sa kinuha mo na picture noh?"

Natawa ako sa sinabi niya at lumapit siya sa akin para mag-picture. I gave my sweetest smile on the photo, gayundin siya.

Nagpaalam ako na pumunta sa bathroom dahil sasabog na ang pantog ko sa kilig na nararamdaman ko.

Nag-lagay ako ng pulbo at lipstick sa akin para maganda pa rin ako kahit pauwi na. Nagulat ako nung lumapit ang isang matandang babae sa akin.

"Hija, Napakaganda mong bata, Sana masaya kayo ng kasama mong lalaki. Bagay na bagay kayong dalawa"

"M-Maraming Salamat po!" Nakakatunaw ng puso pag may nagsasabi talaga sa akin ng maganda pakiramdam ko nagkakaisa ang langit at lupa.

Lumabas na rin ako agad at bumalik sa table namin. Nakapag bill-out na rin si Adam kaya aalis na rin kami maya-maya.

Nagpakuha kami ng litrato bago lumabas sa restaurant. Tinignan ko ito at talagang nakaka-laglag panty ang kagwapuhan ng lalaking ito. Sobrang kisig niya.

Hinatid niya ako uli pabalik ng condo ko pero nagtaka ako kung saan siya nakatira, malay ko ba kung sa Quezon City pa siya nakatira tapos lagi pa niya ako hinahatid.

"I hope you don't mind me asking this question pero saan ka ba nakatira?" Tanong ko.

"Dadaan tayo mamaya. Papakita ko sayo" He smiled.

Nag check ako ng phone at nakita ko na punong-puno ng text at missed calls ang lock screen ko. Galing yun sa iba't ibang tao, kila Zia, Nico, Camryn, Kelsey, and Samantha, Naghahanap ng chismis ang mga ito.

Ika-10 na pala ng gabi, medyo dinadalaw na ako ng antok ko. Naalala ko may follow-up check pala ako sa doctor ko bukas.

Mga ilang oras din ay nakarating na kami sa sinasabing tinutuluyan niya pero condo ko ito.

"Akala ko pupunta tayo sa bahay mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo nga. We're here." He smiled.

Niloloko ba niya ako? Don't tell me na dito rin siya nakatira? I can't!

Pinindot niya ang elevator papunta sa 10th floor ng condo. Dito rin ang floor ko. Seryoso ba talaga to?

Nagulat ako nang sa tabi mismo ng unit ko ang unit niya. Bakit kaya hindi nag ku-krus ang landas namin nito?

"Kailan ka pa nakatira dito?" Tanong ko sa kanya.

"Last month lang, Bagong lipat lang din ako dito." Sagot niya habang binubuksan ang pintuan.

Magkasing laki lang ang unit namin, pero iba ang disenyo ng unit niya, mas simple at puno ng grays and whites.

"I live next to your door, actually." I mentioned to him.

"Really? Pwede na ako manghingi ng ulam sayo niyan Hahaha"

"Yes, but I think I have to call it a night. It's really late." Paalam ko.

"Oh okay, I guess i'll see you again tomorrow?" He asked.

"We'll see. I have an appointment tomorrow so i'll just text you." I smiled.

"Sure, You take care. Thank you for spending your time with me."

"No, Thank You! You made my night so special and I couldn't thank you enough for making me happy."

"Goodnight, I'll see you tomorrow." He waved.

I was about to say goodnight as well but he came right at me and hugged me tightly once again.

Gustong gusto ko ang amoy niya, he's very masculine.

"Why? Are you okay?" Alalang tanong ko.

"Yes, Namiss lang kita agad."

Hindi ko pa siya sinasagot pero pinapakilig niya na ako ng ganto. He is such sweet and handsome man, hindi na ako magtataka kung magkakaroon ako ng karibal na mga bitchesa kung magiging kami.

"Sige na, Get some rest. Goodnight!" Paalam ko.

Pagkapasok ko sa unit ko ay halos sumabog ang puso ko sa kilig at tuwa, gusto kong sumigaw at tumili sa sobrang kilig. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nararamdaman ko.

I took a shower and removed my makeup. I also changed my clothes to my pajamas. Mabilis akong humiga sa aking higaan at natulala ng ilang minuto dahil iniisip ko ang mga nangyari kanina.

Napatili na ako ng di sinasadya dahil hindi ko na maitago ang nararamdaman ko. Para akong bumalik sa pagiging high school, bumalik ako sa pakiramdam na parang pa-crush crush lang pero mas mature na ang nararamdaman ngayon.

Tumama na ang antok sa sistema ko dahil mag a-alas dose na rin, may check up pa pala ako bukas.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at patuloy na natulog. Hindi na ako makapaghintay sa kung ano pa ang pwede namin gawing dalawa.

Sa sobrang late ko na nakatulog kagabi ay tanghali na ako nagising. Naabutan ko na umiilaw ang phone ko nang imulat ko ang mga mata ko. Tumatawag sila Mommy.

"Nak? Nasaan ka? Nag-aalala kami sayo kasi hindi ka sumasagot sa mga tawag ko kagabi pa." Alalang tanong ni Mommy.

"Sorry, Mommy, Ginabi na rin kasi ako umuwi kagabi at kagigising ko lang. Bakit po?"

"Remind lang kita, Anak, may follow-up check up ka sa doctor mo, 3pm yun, Okay?"

"Yes Mom, Sige na po, Papahinga muna ako uli. Good Morning! I love you."

Pinikit ko uli ang mga mata ako at bumalik sa pagtulog pero may kumatok sa pintuan ko. Sino ba yon? Ang aga mambulabog.

"Sino ba ya-" Naputol ang sasabihin ko nung makita ko si Adam sa pintuan ko

"Good Morning, Ms. Williams!"

Bati niya na may dalang pancakes.

"Hi! Good Morning! Come in." Pinapasok ko sa unit ko at inilapag ang dala niyang pancakes.

"Sige upo ka lang dyan, Punta lang ako saglit sa bathroom, Feel at home."

Shit! Hindi niya ako pwedeng makita ng ganto ka-bogsa ang mukha ko. Agad ako naghilamos at nag toothbrush, pagkatapos ay nag pulbo ako at liptint. Nagiging conscious na ako sa itsura ko simula nang makilala ko to.

"Kain tayo?" Tanong niya sa akin nang lumabas ako ng kwarto.

Lumapit naman ako agad sa dining table at umupo sa tapat niya. Marunong din pala siyang magluto noh?

Siya na ang naghain ng pagkain at nag-lagay ng mga plato at kubyertos sa lamesa. Nakakatuwa talaga pag pinagsisilbihan ka ng mga tao sa paligid mo.

Sabay kaming kumain at nagkwentuhan habang kumakain.

Infairness, ang sarap ng pancakes na ginawa niya, lalo na yung maple and strawberry syrup.

"You don't have work?" I asked.

"Nope, Saan ba lakad mo? Samahan na kita?"

"Hindi na, okay lang. Kaya ko naman mag drive mag-isa tsaka matagal yun."

"Okay, but can I see you later? Are you free after your appointment?"

"Sure, I'll just text you. Hmm, Ako na lang mag-liligpit nito. Dun ka muna sa sala habang nagliligpit ako."

Niligpit ko ang mga pinag-kainan namin, pinunasan ko ang lamesa at hinugasan ang mga plato at kubyertos. Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa sala kung nasaan si Adam.

Mga isang oras din siyang nag stay sa unit ko pero pinabalik ko na rin siya dahil may follow-up check up pa ako tapos dadaan pa ako sa office nila Ate Vera pag makakuha ng update sa charity works.

Nag-text yung assistant ng doctor ko at ang sabi niya ay 2:30 pm daw ang appointment ko. Kinakabahan ako tuwing pupunta ako sa doctor ko dahil kung hindi good news ang matatanggap ko, bad news.

Naligo na ako at nagpalit ng damit dahil gusto ko mabango ko pag nakita ako ni Adam. Napagpasyahan ko na dalhan din ng pagkain si Adam pag lunch na.

Mga 11:30 nung napagpasyahan ko na magluto na ng lunch ko, nagluto ako ng stir-fried repolyo, paborito ko ang ganitong klase ng luto ng gulay. Niluto ko din ang mga ginawa ko na burger patties kahapon. Nag luto din ako ng pineapple fried rice, dinagdagan ko ang niluto ko dahil gusto kong bigyan si Adam. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan na next door lang.

Habang nagluluto ako tumawag ang barkada ko. Gusto nila mag video call. Pagkasagot ko palang ay pangalan ko na agad ang tinawag nila, iba-iba sila ng sinasabi pero iisa lang ang ibig sabihin, nagpapakwento sila tungkol sa nangyari kagabi.

"Okay, Pakinggan niyo muna ako ah, Adam is my partner back in Mexico tapos niyaya niya ako mag dinner kahapon and binisita namin si Andrew na nasa hospital, hindi ko rin naman inexpect na magpapaalam siya bigla kila Mommy at Daddy na gusto daw niya akong ligawan."

"Aba! Si Ate parang 16 years old! HAHAHAHA" Biro ni Kelsey na ikinatawa ng lahat maliban kay Lewis.

Si Lewis kasi ang bestfriend ko mula pagkabata, siya rin ang pinaka over-protective sa akin.

Tahimik lang siya sa buong pag-uusap namin magkakaibigan.

Nang matapos na ang niluluto ko ay nagpaalam na rin ako sa kanila at inayos ang mga pagkain na niluto ko.

Lalabas na sana ako pero nagulat ako nang may kumatok sa aking pintuan, Agad akong nagpulbo at naglagay ng liptint para mukhang natural lang, inayos ko pa ang shorts at t-shirt ko dahil baka si Adam yung kumakatok.

"Surprise!" Pang-gugulat ni Samantha sa akin na kasama pa ang mga officemates namin na ugok.

Oo, nasurprise ako akala ko si Adam yun pala ay yung bungangera kong kaibigan na galing sa Palawan. Pinapasok ko silang lahat.

"Kamusta na? Anong balita kagabi?" Agad na tanong niya.

"Okay lang, Nagpakilala siya kila Mommy at Daddy." Kwento ko.

"Talaga ba? I'm so happy for you my friend! Baka siya na talaga si Mr. Gwapong Maginoo pero Medyo bastos HAHAHA"

"Gaga ka talaga! Oh kayo? Kamusta ang misyon?"

"Ah oo okay lang, Nakita na namin yung pinapahanap ni Mr. Singleton sa Palawan. Muntikan pa kaming pumalya dahil sa isa dyan!" Inis na kwento ni Sam.

"Grabe ka naman! Kung di dahil sa akin hindi ko makukuha ang lalaki na iyon noh!" Pagmamayabang ni Rico.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Oo, Kumain na kami kanina sa airport, dumaan lang kami dito para iabot ang pasalubong namin sayo, eto pala yung Honey Nougats galing sa Palawan." Sabi ni Paulo pagka-abot niya ng pasalubong.

"Aww, Thank You!" Pasalamat ko.

"Oh sige na, Mauna na kami" Paalam nila.

"Ah sige, Mag-iingat kayo ah, Labas tayo kapag hin-" Naputol ang sasabihin ko nung may kumatok na naman sa pintuan ko. Binuksan ko ito at si Adam ang bumungad sa akin.

"Adam? Bro!" Nag fist bump sila Rico,Paulo, at Adam.

Magkakaibigan pala itong tatlong itlog na to. Nakakaloka ah!

"Pinuntahan ko lang si Serena dito sa unit niya kasi sabay kaming nag lu-lunch dalawa."

"Ahh, Bro, Wala ka atang kinukwento sa akin ha? Kailan next session natin?" Tanong ni Rico kay Adam.

"Ay Juskoday! Dito pa talaga nakipagkwentuhan at hindi pa nahiya. Istorbo kayong dalawa sa kanila eh" Pagputol ni Samantha.

"Sige bro, message nalang." Paalam nila Rico at Paulo.

Nag-beso kami ni Samantha at nagpatuloy na sila sa pag-alis.

Nang maka-alis na sila ay tinulungan ako ni Adam dalhin ang mga pagkain na inihanda ko.

Napagpasyahan namin na sa unit nalang niya kumain.

"Thank You." I smiled nung nakapasok na ako sa unit niya.

Nilapag ko ang dala ko sa may dining table at sinabihan ako ni Adam na kumuha lang daw ako ng gamit at mag-hain.

"Let's eat?" I asked him when he got out of the room.

He smiled and sat beside me, sana ganto kami palagi lalo na pag naging kami na talaga. Ang saya ko tuwing nakikita ko siya lalo na ang effort niya para magpakilala agad kila Mommy and Daddy, yan ang totoong ideal man, seryoso.

Tinikman ko ang niluto niyang adobo and it does taste good.

"Paano ka natuto magluto?" I asked him.

"My mom taught me when I was still in US, bago ako mag serve sa military, tinuruan niya ako." He answered.

"Hmm, Okay. Oo nga pala, May gagawin ka ba next week?"

"Wala naman, why?"

"Sama ka sa akin."

"Sure, Saan tayo?"

"Basta, Trust Me" I winked.

Ang sarap titigan nitong lalaking to, Ang sarap niya noh HAHAHA.

Nagustuhan niya yung ginawa kong gulay and patties. Nagpaalam na rin ako na babalik sa Condo Unit ko para mag-ayos kasi 1pm na

rin.

"I'll go ahead, kita nalang tayo later, I'll text you when I get there."

I was at the door when he hugged me and I hugged him back and held him as tight as I can.

Mabilis din niya akong binitawan at inayos pa niya ang buhok ko. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawang malalambot niyang kamay.

"I would be the luckiest man in the world if you let me love you."

Abot langit ang kilig ko nung sinabi niya yun, wala na akong mahingi pang iba kundi siya. Kung magmamahal ako ng lalaki, siya lang ang gusto kong mahalin.

Lumabas na ako ng unit niya at bumalik sa lugar ko. Mabilis akong nagbihis dahil naligo na naman ako kanina. Nag suot lang ako ng hikaw at bracelet at naglagay ng lipstick sa labi ko.

Tinawagan ko ang assistant ng doktor ko at sinabing papunta na ako dahil mga 2pm na rin ako naka alis. Mga 15 minutes lang naman ang biyahe papunta sa ospital. Kinakabahan ako habang nagmamaneho dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ng doctor.

Nang makarating na ako sa ospital ay agad kong tinanong sa concierge kung saan ang room ni Dr. Gonzales. Tinuro niya ito at pinuntahan ko na ito agad.

"Good Afternoon!" Katok ko at sabay pumasok.

"Hello, Ms. Williams, Nandyan na si doc, Pasok ka lang."

"Thank You Po!"

Pumunta ako kay doc at agad naman niya akong inasikaso.

"I received your test results yesterday and I must say that I have two good news for you."

Hay, Salamat! Walang bad news at sobrang good news ito because I'll receive two good news.

"The good news is that you don't have to take your depressants, nag normal na rin ang heart mo and you don't have to take it just to control your emotions."

"Really, doc? Thank you!"

"The good news is your SLE is now inactive but I have to give you immunosuppressants so that your lupus will not be active." Dr. Gonzales stated.

"Thank You, Doc! Sana matulog nalang palagi yung lupus ko."

I left my doctor's clinic with so much happiness. I thanked the Lord because he gave me so much strength to be this strong. I bought my medicines from the clinic.

I went straight to the NGO's Office so that I could visit my workmates.

Niyakap ako agad ni Ate Vera pagdating ko.

Nakakatuwa dahil makakasama na uli ako sa mga mission nila.

"San yung next natin, Ate Vera?"

Tanong ko.

"Sa Apayao tayo next week, Sama ka na ba uli?"

"Ah Okay, Yes Ate, Kasama na ako at may isasama ako ah."

"Talaga? Excited ako na ako, Sana boyfriend mo na ang kasama mo"

Ay, Kung alam lang talaga nila. Kumuha na ako ng schedule namin para next week pati yung information tungkol sa mga gagawin namin.

Pagkatapos ko sa office ay bumili ako ng pagkain dahil gusto kong pumunta sa bahay nila Mommy. Nagtataka ako kung bakit 5pm na hindi pa rin nagtetext si Adam sa akin. Hmm, Baka busy lang.

Medyo natagalan ako dahil naabutan ako ng rush hour kaya inabot ako ng isang oras sa biyahe papuntang Fairview.

Pagkapasok ko ng bahay ay sinalubong ako ni Manang Rina at sinabing may bisita daw si Daddy.

Nandoon daw sila sa may veranda at UMIINOM. Sino naman kaya yung kasama ni Dad?

Pumasok muna ako sa kwarto ko at nagbihis, Nagsuot muna ako ng white denim shorts at gray v-neck shirt.

Paglabas ko ay kumatok ako sa kwarto ng kapatid ko para sorpresahin siya. Kasama niya si Mommy sa kwarto at niyakap agad ako.

"I brought your favorite Sans Rival and Salted Egg Chips"

Niyaya niya agad si Mommy bumaba at umakyat ako sa veranda namin para tignan kung sino yung kasama ni Daddy.

Kumatok muna ako bago pumasok pero laking gulat ko nung nakita ko ang kasama ni daddy. Naka suot ito ng white t-shirt at black shorts.

"Anong ginagawa mo dito?!" Agad na tanong ko.

"Your dad invited me to come over and I came." Adam answered.

"Dad, Ano to?" Binaling ko na naman ang atensyon ko kay Dad.

"Anak, Gusto ko lang makilala itong manliligaw mo, Okay? Kalma lang kayo ng Mommy mo."

Hinatak ko si Adam at dinala sa loob. Tinanong ko ito kung bakit nandito siya.

"Sabi ni Tito Robert, I have to beat him. He's challenging me kapag natalo siya pwede na kitang ligawan ng tuluyan."

"What? Seryoso ka ba dyan? Nako pag nalasing ka talaga dyan, Paano ka uuwi?"

"Hindi yan, Don't worry about me, Okay? Sige na, Balik na ako kay tito." Paalam niya.

Bumalik na siya at bahala sila dyan! Kapag talaga nalasing sila wag silang mag-iinarte sa harap namin ni Mommy. Dalawang lalaking sunog-baga nagsama pa sa bahay namin!

Sumama nalang ako kila Mommy sa kusina dahil naabutan ko silang kumakain ng cake na dala ko, nainggit ako kaya kumain na rin ako. Nag movie marathon kami nila Mommy at Andrew tapos nag-dinner na rin kami. Pero ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin bumababa sila Daddy at Adam.

Pinatulog na ni Mommy si Andrew dahil 10 na rin ng gabi at pagkatapos ay pinuntahan namin ni Mommy sila Daddy at Adam sa taas.

"Oh My God! Roberto!! Ano ba yan?" Sigaw ni Mommy kay Daddy.

Nakita namin silang dalawa na lasing na lasing kaya si Mommy ay nagpatulong kay Manang Rina para buhatin si Daddy. Habang ako ay mag-isang inalalayan si Adam pababa. Dinala ko siya sa kwarto ko at nagdasal na sana hindi siya magkalat, Sasapakin ko talaga to!!

"Yan na nga ba sinasabi ko eh, Sige ang lakas ng loob niyong dalawa!"

Sigaw ko kay Adam.

"I'm okay kaya ko." Hiniga ko siya sa kama ko at pinuntahan muna si Mommy para manghiram ng damit ni Adam.

"Mom, Pwede ba makahiram ng susuotin ni Adam?" Tanong ko kay Mommy.

"Sige, Nak, Kuha ka dun sa may paper bag, bumili ako ng bagong brief at boxers tapos kuha ka nalang sa cabinet ng Daddy mo ng t-shirt."

"Thanks, Mommy."

Kumuha na ako ng damit at bumalik agad sa kwarto ko. Binuksan ko na ang aircon dahil nakita ko na pawis na pawis si Adam. Hindi ko gustong paluin siya sa braso pero kailangan.

"Hey! Tumayo ka na, Maligo ka at magpalit ng damit para mahimasmasan ka ng kalasingan mo."

Tumayo naman ito agad at naglakad ng dahan-dahan papunta sa bathroom ko. Mabilis lang ito pero paglabas niya ay wala siyang t-shirt na suot at naka boxers lang. Ang tubig mula sa buhok niya tumutulo pa.

Ang daming pandesal! Myghad! My innocent eyes! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, Shit! Hindi ko na kaya to!!! The way he looked at me when he got out, dahil dun pinawisan ako.

"I know I'm hot." Agad akong lumihis ng tingin at inayos ko na ang higaan niya.

Habang kinukumutan ko siya hinatak niya ako na naging dahilan ng pagkabagsak ko sa dibdib niya. Wag po, Kuya! Wag po!

"Ay! Jusmiyo Marimar, Nalaglag yung pechay! Sorry Ma'am"

Nakita kami ni Manang Rina baka kung anong isipin niya na ginagawa namin. Mabilis akong tumayo at lumabas para kausapin si Manang Rina.

"Manang, Wala yun ah! Bakit po pala?"

"B-Baka may kailangan pa po kayo?"

"Wala na po, Manang Rina, Salamat po!"

Bumalik na ako sa kwarto at inayos ang higa ni Adam. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan eh. 

"Ano yun? Hindi kasi kita maintindihan eh." Tanong ko.

"B-Bakit mo ko kinalimutan?" May luha niyang sinambit sa akin.

Sa sofa nalang ako natulog pero hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi yun, Iniisip ko kung anong ibig niyang sabihin.

Para sa akin ba yung sinabi niya? O baka lasing lang siya? Bakit may luha? Bakit nung sinabi niya iyon sa akin ay may halong lungkot at sakit? Nakilala na ba niya ako dati? Kung oo, Kailan? Paano? Saan?