Chereads / Your Eyes. / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Oo.

I'm finally gonna meet the Isneg Kids in the community. When they came in, Their eyes were full of joy and their smiles were priceless. They really did gave me warmth when they hugged me after I helped them in today's Medical Mission. I know they were all tired because they have to cross numbers of communities before arriving here but they look absolutely happy and glad.

I met a young girl named Luna. She has a curly hair, brown skin, and brown eyes.

"Hello, Luna! Kamusta ka?" Tanong ko sa kanya habang ginagamit ang stethoscope para pakinggan ang heart beat niya.

"M-Mabuti naman po. Kayo po?"

Halata sa boses niya na nahihiya siya sa akin.

"Ako din mabuti at masaya. Dapat ikaw din masaya, Patingin nga ng ngiti mo." Pakiusap ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng ngiti pero alam kong pilit lamang ito. May something na bumabagabag sa batang ito.

"May nararamdaman ka bang masakit?" Tanong ko.

"W-Wala naman po."

"Sigurado ka? Sabihin mo na sa akin para matignan ko." Sagot ko.

Tinuro niya ang kanyang tiyan at tinignan ko naman ito agad. Napansin ko na namumutla ang batang ito.

"Lagi ka bang nagsusuka? O kaya pakiramdam mo nangangasim ang sikmura mo?" Tanong ko sa kanya.

"O-Opo, Ate."

Binigyan ko siya ng gamot, may gastritis siya kaya binigyan ko ng gamot para rito. Pinagbawalan ko din siya na wag kakain ng maalat at maaasim na pagkain dahil baka ma-trigger na ulit ito. Sinabihan ko rin siya na wag magpapalipas ng gutom.

"Salamat po, Ate. Ang ganda niyo po." Ngayon nakikita ko na ang totoong ngiti sa kanyang mukha. Ang gandang bata neto. Natuwa ako sa kanya kaya nagpakuha ako ng litrato kasama siya. Lahat pala ng batang tinitignan ko ay nakuhanan ko na ng picture.

Nakita ko si Adam na busy kasama sina Kuya Junie magbuhat ng mga box. Ang hot niya kahit pagod na siya at pawis na pawis.

Nasa kalgitnaan ako ng pag che-check up ay may dumating na lalakin pamilyar sa akin.

"L-Lewis? B-Bakit ka nandito?" Pagtatakang tanong ko

"Nabalitaan ko na may Medical Mission kayo kaya sumunod ako. Aren't you happy?"

"M-Masaya, Nagulat lang talaga ako. Nandun sila Ate Vera tanungin ko nalang muna siya kung saang station ka."

Nagpunta na siya kay Ate Vera pero nakakagulat lang talaga na nandito siya. Hmm, Okay lang kasi mas marami tutulong sa amin.

Marami pa'ng mga pasyente ang dumating, may mga bata at matatanda. Mga ika-lima ng hapon kami natapos dahil sabi ng kapitan ng barangay ay sila na ang huling mga pupunta. Bukas naman ay feeding program at mga activities para sa mga tao. Ako daw ang mag li-lead ng feeding program.

Sabay-sabay kaming lahat kumain ng almusal, tanghalian, at ngayon ay hapunan, alas-syete na rin kasi.

Masasarap ang mga pagkain na inihanda nila para sa amin dahil ito ang mga tradisyunal na pagkain ng mga Isneg. Tuwing pagsisilbihan nila kami ay may kasama itong matatamis na ngiti.

"Tuwang tuwa ka sa mga bata kanina ah." Sabi sa akin ni Adam.

"Paano mo naman nasabi yon?"

"Wala, Ang laki kasi ng ngiti mo, pwede ka ng siopao." Asar niya.

"Bwisit ka! Anong siopao?" Sagot ko na may kasamang hampas sa braso niya.

"Aray! Kalma ka lang."

"Oo, Tuwang-tuwa kasi ako pag nakakakita ako ng bata eh. Napapasaya talaga nila ako." Kwento ko.

"Gawa tayo?"

"Manahimik ka dyan ah! Tigilan mo ko! Tss! Dyan ka na nga." Sagot ko na aaktong tatayo pero hinatak niya ako kaya nalaglag na naman ako sa kanya.

"Kahit mahulog ka pa ng ilang beses, sasaluhin kita ng paulit-ulit."

"Sira!" Narinig ko ang nga tao sa paligid, "Yieee!", "Uyyy!", Mga taong naka-ngisi sa aming dalawa. Balakayodyan!

Inayos ko ang sarili ko nang makatayo na ako at nagsimula na maglakad pabalik ng kubo.

Naligo na ako para mamaya matutulog na lang ako. Malamig na naman mamaya kaya naligo na ako.

"Oh? Kinikilig ka ba?" Tanong ni Lea na isa ring volunteer.

"Huh? Hindi ah."

"Hinahanap ka nung lalaking moreno dun sa labas, Lewis daw."

Lumabas ako at hinanap si Lewis at nakita ko siyang kasama sila Ate Vera sa assembly area.

Kinamusta ako ni Lewis at tinanong kung bakit kasama ko si Adam. Sabi ko dahil gusto niya mag volunteer. Nagpaalam muna siyang may pupuntahan lang. Pero teka, Nasaan nga ba si Adam?

Wala siya sa assembly area, wala din siya sa kubo, San kaya nagpunta yun? Pumasok ako sa gubat para hanapin siya. Tanging phone lang ang dala ko, nangangati na rin ang binti ko dahil sa mga talahib sa gilid ng daan. Nakita ko ang inupuan namin kahoy kagabi sa loob ng gubat pero wala siya doon.

"Adam!! Nasaan ka??" Sigaw ko.

Wala akong narinig na boses ni Adam ni anino niya wala. Shet! San ko ba hahanapin yun? Napagpasyahan ko na bumalik na sa tinutuluyan namin pero bwiset nalimutan ko yung daan. Gagi!! Pano na to? Pano ko makakabalik?

Ang lakas ng loob ko pumasok sa gubat eh nalimutan ko naman pabalik, Stupid!!

Lakad lang ako ng lakad pero hindi ko napansin na may kahoy palang nakaharang sa dinadaanan ko kaya nadapa ako. Shet! Huhuhu, Ang hapdi!

Nagdidilim na at tanging flash lang mula sa phone ko ang nagbibigay ng ilaw sa akin ngayon. Habang naglalakad ako ay may humawak sa braso ko.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinahanap." Bungad ni Adam.

"H-Hinahanap kasi kita. Tinignan ko kung pumunta ka sa upuang kahoy na pinuntahan natin kagabi. Nawala ako sa daan eh."

"May sugat ka? Anong nangyare?" Turo niya sa sugat ko sa binti.

"Wala yan. Nadapa lang."

Niyakap niya ako ng mahigpit at sinabihan na wag na akong aalis ng hindi nagsasabi.

"Oo na, Sorry. Balik na tayo?"

Naglakad na kami pabalik at nagulat akong lahat pala sila ay hinahanap ako. Nakakahiya!

"Ate Vera, Pasensya na po naabala pa kayo dahil sa akin."

"Nako, Nak. Ang importante okay ka lang. Ano nangyare sa binti mo? Pa-gamot mo na yan para hindi ma-infection."

Ako nalang ang nag-gamot sa sarili ko dahil kaya ko naman. Hinugasan ko muna ito ng malinis na tubig tsaka nilagyan ng betadine, Tinakpan ko ito ng gauze dahil hindi kaya ng band-aid lang.

Naligo muli ako dahil puro lupa ang damit ko. Nakita ko si Adam na mag-isa sa may upuan sa loob ng kubo pagkalabas ko ng banyo.

"Okay ka lang? Anong nangyare sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Okay lang ako." Sagot niya.

"Kinausap ka ba ni Lewis? May sinabi ba siya sayo?"

"May dapat ba siyang sabihin?" Tanong niya pabalik.

"W-Wala, Bakit?"

"Wala siyang sinabi sakin kaya wag ka na mag-alala."

Sana wala talagang sinabi si Lewis kay Adam dahil si Lewis lang ang may alam na may sakit ko.

Medyo napagod ako kanina dahil maraming ginawa buong araw idagdag mo pa yung nawala ako sa gubat. Inantok na ako kaya humiga na agad ako.

"Pwedeng maki-upo?" Tanong ni Lewis.

"Sure, Go ahead."

Ilang minuto bago siya nagsimulang magsalita at magtanong. Hmm, Anong meron?

"So, What's the score between you and Adam?" He asked.

"We're friends."

"Really? Just friends? Good. I don't like him for you."

"What? How could you say that? You don't even know him."

"I know enough."

"Alam mo tigil-tigilan mo ko sa mga paandar mo na yan. I know you're one of my good friends but won't you just let me be happy?"

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo na..."

"Na ano?"

"Gusto kita matagal na. Wala lang talaga akong lakas ng loob aminin sayo."

Ano daw? Dati kasi nagka gusto ako kay Lewis, Nung college kami nun. Pero nung inamin ko sa kanya na gusto ko siya, may girlfriend siya noon. Bakit ba may mga taong mamahalin tayo pabalik kung kailan masaya na tayo? Kung kailan may iba ng nagmamahal sa atin?

"I'm sorry, Lewis. I can't give you the love that you wanted to receive. You deserve someone better."

Tumango siya at nagbigay ng malungkot na ngiti at tuluyan lumabas sa kubo ko.

"Anong nangyare dun?" Tanong ni Adam.

"W-Wala."

"Want to go for a walk again?" Adam asked.

"I guess no, I'm really tired."

"Alright, I'll just stay here with you."

I slept soundly last night because I was really tired and I woke up at 8 am because we have to prepare for the activities today. Nagsuot lang ako ng leggings and a cropped top.

I helped with the food we'll prepare for everyone and also the programs for today. We'll be doing games for the children.

Mga ala-una kami nagsimula kaya medyo mainit na. Nauna muna ang mga palaro sa mga bata, puno ng ngiti ang kanilang mga labi. Natutuwa naman ang mga magulang nila na pinapanood sila.

Pagkatapos ng mga palaro ay namigay naman kami ng mga groceries na naglalaman ng mga de-lata, biscuit, noodles, at mga inumin. Binigyan namin sila ng makakain pagkatapos ng program, may kanin, barbecue, lumpia, at juice.

Nagpaalam muna ako na pumasok sa loob ng kubo dahil nangangati yung mukha ko, ang init sa pakiramdam nung pisngi ko.

"Serena? Anong nangyari sa pisngi mo? Bakit ka namumula?" Tanong ni Lea.

"Wala yan, mainit kasi kaya siguro namumula."

Hindi naman kasi ako nagkakaroon ng ganito dati kahit mainit ang panahon. Bumalik na ako dahil hindi pa ako nakakakain ng tanghalian kumuha ako ng pagkain.

Busy ang lahat sa pag entertain sa mga tao, Si Adam kasama ang mga batang lalaki sa loob habang naglalaro.

Last day na namin bukas, Ano kayang magandang gawin? Balak ko sanang mamasyal dahil bago ako pumunta dito ay nag check ako ng mga magagandang lugar dito sa Apayao.

Mga 4pm kami natapos sa mga programa para sa mga tao. Medyo napagod ako kaya natulog muna ako ng hapon. Pagkagising ko ay napansin kong walang tao sa labas. Hanggang sa nakita ko na papunta si Lea sa bahay kubo namin.

"Serena!! May nangyari kasi eh. Sumama ka sakin, Ipapakita ko sayo."

"Ha? Bakit? Ano ba nangyar—"

"Basta sumama ka nalang sa akin."

Nagsuot ako ng tsinelas at dinala ang phone ko. Medyo mahaba na ang nalakad ko kaya hinihingal na ako. Gabi na kaya medyo nahirapan din kami sa paglalakad dahil madilim na. Nakarating kami sa assembly area kung saan naabutan ko na nakatalikod silang lahat.

Lumapit si Flora sa akin, binigay niya ang isang bouquet ng sunflower. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si Luna, nagbigay siya ng isang box. Binuksan ko ito at nakita ang pagmumukha ko sa loob, puno ito ng litrato ko pero stolen.

Biglang nagliwanag ang paligid dahil nang humarap ang mga tao sa akin ay may hawak silang mga glow in the dark sticks.

Mas lalo akong natuwa nang kumanta sila ng sabay sabay ng Panalangin. Gusto kong maiyak pero nauuna ang tuwa at kilig, unti-unti silang umusog sa gilid.

Nakita ko sila Mommy, Daddy, Andrew. Sila naman ang mga kumanta. Hanggang sa tumabi rin sila at huling nakita ko ay si Adam na naglalakad papalapit sa akin.

Naluha na ako lalo nang kumanta siya at sumigaw ang lahat ng tao. Abot-langit ang kilig ko ngayong gabi.

"Ako ang pinaka-masaya at pinaka-swerteng tao kapag pinili mo akong mahalin ka at alagaan ka. Will you be my girlfriend?"

"Oo! Boyfriend na kita? AHHHHHHHHH!" Tumili ako sa saya at kilig na nararamdaman ko. Lahat sila ay nakatawa at pumalakpak nang sinigaw ko ang YES! Yes! Finally! Kami na ni Adam. I couldn't be happier when I recalled that I am now his girlfriend. Nagbukas ang mga ilaw pagkatapos at nakita ko na may nga inihanda pa silang mga pagkain.

"Mommy! Daddy!" I hugged my parents and also Andrew.

"We are so happy for you, Anak. I know Adam is what you really need. I love you, Anak." Dad hugged me tighter.

Lumapit din sa akin sina Samantha at niyakap din nila ako.

"Sabi ko sayo eh, Magkaka-boyfriend ka na! Nag-antay ka ng mahabang panahon at ngayon binigay na sayo." Biro ni Ate Vera.

Lumapit sa akin si Adam at niyakap ako ng napaka higpit.

"Thank You and I promise you that I will love you and take care of you."

"Aww, Thank You, Love." I hugged him back. Niyaya niya akong lapitan sina Daddy at habang naglalakad ay hinawakan niya ang kamay ko. He held me tight and felt the lightness on his hands.

"Sir, Thank You." Naglahad siya ng kamay kay Daddy.

"Anything for my daughter."

He hugged my Mom and had a high-five with Andrew. I can see how much they like Adam for me. They really go well with each other since they got to meet him.

After an hour of chatting, We decided to call it a night and made my family stay in our kubo. Malaki naman ito kaya kasya kaming lima. Si Mommy at Daddy ay magkatabi sa isang malaking banig at si Andrew naman ay gusto raw akong makatabi kaya dito pinatulog ko muna siya.

Umupo si Adam sa tabi ako at nag-usap kami ng mahina.

"Walk?" He asked.

"Sure, Let's get some coffee."

Ako ang nagtimpla ng kape at binigay ang isang tasa para sa kanya. Nagsimula muli kaming maglakad papunta sa upuang kahoy sa may gubat.

We were watching the stars twinkle while I put my head on his shoulder. I know now that I won't get lost if i'm with him. He made me happy in a way nobody can. He held my right arms and kissed me on the forehead.

"I Love You." He said.

"Ano yun? Hindi ko marinig?" Biro ko sa kanya. Ang hina kasi ng boses niya.

"I Love You!!" He shouted.

"Shhh!! Wag ka sumigaw!"

"Ngayon naman ayaw mo ng malakas. I want the world to hear how much I love you. I want you to know that I love you."

"I love you too, Love." I replied and hugged him once again.

Parang ayaw ko na bumitaw mula sa pagkaka-yakap ko kay Adam. Parang gusto ko na lagi na lang siya nandito sa tabi ko.

"Tama na, Nakakarami ka na sa abs ko noh."

"Yabang talaga eh. Balik na ba tayo?"

"May gagawin ka na ba bukas?" Tanong ni Adam.

"Wala pa naman."

"Pasyal tayo? Ako bahala."

"Sige. I like that."

Naglakad na kami pabalik dahil baka hanapin kami nila Mommy at maabutan na hindi pa kami tulog.

I recalled the events that happened earlier, I still can't believe that I have a boyfriend. Mula sa pagiging hopeless romantic at ngayon may jowa na? Hayy! I'm blessed.

He made me so so very happy. Tomorrow is another big day, Mamamasyal daw kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero wala na akong pakialam. I know I'm safe when I'm with him. I trust him and I love him.