Chapter 20: Gone
"Adam? Nasaan ka? ADAM!!"
"Well, well, well. Who do we have here? It's nice to see you after three years, Ms. Serenity Williams."
"Kung akala mo na matatakasan mo pa itong mga kademonyahan mo, Pwes! Nagkakamali ka! Mabubulok ka sa kulungan at sisiguraduhin ko yan." Sigaw ko.
"Hindi mo ba maalala nung pauwi ka galing Batanes?"
"A-Anong Batanes? Anong ba ang pinagsasabi mo?"
"Oo, Nasa sasakyan ka na nun. Kakalabas mo lang galing sa airport. Naaalala mo?"
Hindi ako kumibo pero iniisip ko kung anong ibig sabihin ng sinasabi niya.
Itinutok ko ang hawak kong baril sa kanya. Dahil sa sobrang galit ko ay may tumulong luha mula sa mga mata ko. Naguguluhan? Oo. Nasasaktan? Oo, Sobra.
"HAYOP KA!!!"
"That's it! Put the gun down, Mr. Suarez. You are under arrest."
Dinig ko mula sa mga kasamahan ko.
"Hindi dito natatapos ang lahat, Dahil lahat tayo mamamatay dito!! Walang pwedeng makalabas. May bomba dito at pwedeng sumabog kahit na anong oras." Sigaw niya.
"Shut Up, Mr. Suarez! Stop with the nonsense. Take him."
"Serena, Let's go." Sabi ni Paulo.
"No, Si Adam, Hindi natin siya pwedeng iwan!!"
"Sorry, I can't leave you here. Hahanapin na lang siya ng rescue and investigation team."
"HINDI NGA AKO AALIS EH. BAKIT BA ANG KULIT MO?!?!"
Nagulat ako nang hatakin ako ng mga lalaking kasama ko lang kanina. Hawak nila ako sa likod ko habang hinihila ako palabas.
"LET ME GO!!! ANO BA?? BITIWAN NIYO KO!!!!!! PAULO, TELL THEM TO STOP!!"
"Sorry, Serena. I have to make sure na ligtas ang mga natitirang kasamahan ko."
Nanghihina na ako dahil kanina pa ako pumapalag pero sa sobrang lakas ng hawak nila sa akin ay hindi na ako nakalaban pa.
Nang makalabas ako ay plinano ko na bumalik sa loob. Ngunit isang malakas na ugong ang tumigil sa akin. Sumiklab ang isang malakas na pagsabog hanggang sa makita ko ang kulay kahel na apoy.
Habang naririnig ko ang mga pagsabog ay tuloy-tuloy ang pagragasa ng mga pangyayari sa aking isip. Iba ang ipinapakita ng aking utak, Nakikita ko ang aking sarili na may kausap na isang lalaki, umiiyak na parang nagpapaalam. Hanggang sa umalis ang lalaking kausap ko at naiwan akong tulala, nag-iisa, umiiyak.
Sumunod naman ay palabas ako mula sa isang malaking pintuan at nakita ko ang isang pulseras na kulay pula. Sumasakay ako sa loob ng isang sasakyan, ngunit habang tumatakbo ito, ay sumabog ang sinasakyan ko. Nakita ko ang sarili ko na duguan, naiipit ng mga nakadagang upuan, at unti-unting tumutulo ang mga luha mula sa mata hanggang sa bumalik sa kasalukuyang panahon ang lahat. Nagising na ako mula sa nakita ko.
Doon ko lamang napagtanto na ang lalaking kasama ko ay ang lalaking pakakasalan ko, ang pinakamamahal ko.
"A-Adam, ADAM!!!!!" Sinigaw ko ng malakas ang kanyang pangalan habang sumasabog ang puso ko sa sakit. Wala ng lumabas na salita mula sa bibig ko dahil hagikgik at pag-susumamo ang lumalabas rito.
Tumayo ako at pinunasan ang mga luhang galing sa mata ko. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at tuluyan na nanghina ang aking binti at ako'y napaluhod.
I can hear echoes calling my name but I can only see shadows, blurred figures until everything went black.
——————————————
Kelsey's View
"Tita? Pwede po ba namin siya makita?" I asked Tita Kathy.
"Sure, Hija."
The moment I walked inside the room where Serena was in, I felt nothing but pain, I can see how hard and painful it is for her to undergo in this stage again. A stage where she almost gave up the last time she was in this state. It's so hard to see a person that is paramount to you is suffering.
"Serena?" Zia whispered.
"Friend? Nandito na kaming lahat, Gising ka na. Sobra sobra ka na sa beauty rest. Kausapin mo na kami, nandito na ang buong barkada."
"Serena? Si Nico ito. It's been a month nung huling beses tayong nagkita. Tignan mo oh, lumalaki na yung tiyan ni Zia. Sana gumising ka na para magkasama-sama na uli tayo."
"Kelsey? Halika dito." Tinawag ako ni Zia.
"Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita siya ng ganyan. Dapat tapos na siya sa ganito pero bakit pinagdadaanan niya uli ito? Mabuti tao si Serena at hindi niya deserve ang ganitong paghihirap pero bakit siya?" Umiiyak ako dahil nasasaktan ako para kay Serena.
"Shh, Kelsey. Kami rin na nalulungkot dahil kay Serena, Pero kailangan natin maging matatag para sa kanya. Kailangan ipakita natin na kaya natin para lakasan din niya ang loob niya."
Niyakap ako nina Zia at Nico, niyakap ko rin sila pabalik at kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nakakalungot man isipin na ganito ang nangyari sa kaibigan namin ay kailangan namin maging matatag para sa kanya.
We stayed with Serena for an hour pero niyaya ko na sila na umalis dahil buntis si Zia at hindi makabubuti sa kanya ang manatili sa ospital.
"Tita, Mauuna na po kami. Balitaan niyo nalang po kami tungkol kay Serena. Salamat po!"
Niyakap ko si Tita Kathy dahil alam ko na pagod na rin siya at malungkot din. Habang nagpapaalam kami kina Tita Kathy at Tito Robert ay lumapit ang isang lalaking naka puti at nagbabadyang kakausapin kami.
———————————————-
Daddy Robert's View
Isang buwan na ang nakalipas nung pumasok kami sa loob ng ospital na ito. Isang buwan na rin namin hindi nakakausap ang anak namin. Bakit ba niya kailangan pagdaanan ito? Wala siyang ibang ginawa kundi ang alagaan kami, pagsilbihan ang mga mahal niya at at mahalin ang mga nasa paligid niya. Sana sa oras na ito ay magising na siya at malimutan na lang niya lahat ng sakit na nararamdaman niya.
"Hon, Ano bang nangyayari sa anak natin? What if this time sumuko na talaga siya? Paano kung ngayon ayaw na niya lumaban? Oh My God! Wag, hindi ko kaya mawala ang anak ko."
"Kathy, Hindi marunong sumuko ang anak natin, alam mo yan. Wag mo sabihin yan, Gigising siya."
Umaga, hapon, gabi, hinihintay namin na gumalaw ang kanyang mga daliri at magbukas na muli ang kanyang mga mata. Naalala ko nung na-comatose siya tatlong taon na rin ang nakakalipas ay tatlong buwan siyang nasa higaan at nakikipag sapalaran.
Handa kami na gumastos ng malaki basta wag lang siyang susuko. Handa namin ibuwis ang buhay namin mabuhay lang ang anak namin.
Pero paano kung kaming mga mahal na lang niya ang lumalaban? Paano kung siya mismo ay sumuko na? Sa pagkakakilala ko kay Serena, ayaw niya ng mga tubo na nakakabit sa kanya, Ayaw niya ng ganito.
Kahit gusto kong umiyak, kahit gusto kong iparating sa kanila na nasasaktan ako, hindi ako pwedeng mang-hina dahil kung lahat sila ay pinang-hihinaan na ng loob, gusto ko maging matatag para sa kanilang lahat. Hindi pwedeng pati ako ay sumuko na.
Ang mga kaibigan ni Serena ay dumadalaw bawat linggo, tuwing sabado. Minsan nagbabantay sila ng ilang oras at minsan naman ay nagdadala sila ng pagkain at mga regalo para kay Serena. Gusto nila na bawat oras ay nararamdaman pa rin ni Serena na kahit hindi siya makausap ay kasama pa rin namin siya. Kitang-kita ko na mahal na mahal nila si Serena.
Nakakalungkot lang na kung kailan nahanap na ni Serena ang lalaking para sa kanya, ay nawala rin ito. Wala na kaming natanggap na balita tungkol kay Adam. Sabi nila kasama raw siya sa pagsabog na naganap sa misyon nila, ang sabi naman ng iba ay tuluyan na niyang iniwan si Serena, maaaring nagtatago o hindi na talaga mahahanap. Hindi namin alam kung anong sasabihin kay Serena pag nagising na siya at hinanap niya si Adam. Pero isa lang ang alam ko, Parte na ng pamilya namin si Adam at hindi na maaalis iyon.
Habang nakaupo kami sa labas ng ICU ay dumating ang isang lalaki at babae.
"Are you Robert and Katherine Williams?" Tanong ng isang babae.
"Yes, How may we help you?" Sagot ni Kathy.
"I am Gabriella Richardson, the mother of Adam. I heard what happened to Serena."
Nakipag-kamay kami sa kanya at ikinwento ang nangyari.
"Kilala ko na si Serena even before, lagi kasi siya kinukwento ni Adam at nung nalaman ko ang nangyari kay Adam ay pumunta agad ako sa South Africa para malaman ang nangyari. Naabutan ko ang isa sa mga kasamahan nila, si Paulo."
"Ah, Yes, Si Paulo, Kasama nila yun sa misyon nila." Sagot ko.
Isang tao na lang ang hinihintay ko na pupunta rito. Si Lewis, Isang malaking kasalanan ang nagawa niya kay Serena at Adam, pero sana makita niya si Serena at humingi ito ng tawad. Alam ko na kahit ganon ang ginawa niya kay Serena, mapapatawad niya ito.
Napatayo kaming nandito sa ospital nang lumapit ang doktor ng aming anak.
"Doc? Any news about Serenity's condition?"
—————————————————
Lewis's View
Napaka-laki ng pagsisisi ko sa nagawa ko kay Serena. Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ko nagawa yun, pero isa lang ang alam ko, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay sobrang sakit din ang kapalit nun. Nung nalaman ko na sila na ni Adam, kinailanga— ginusto ko na sirain ang relasyon nila. Ginusto ko na magkahiwalay sila at masira ang tiwalang binigay ni Serenity kay Adam.
Nung gabi na nalaman ko na sila na ni Adam ay nilunod ko ang sarili ko sa alak. Pumunta ako sa isang bar at doon nagpakalasing.
Isang hindi inaasahan na tao ang dumating sa lugar na kung saan naroon din ako. Nakita ko si Adam na may kasamang isang babae, maputi ito at kulay olandes ang buhok. Hanggang sa naabutan ko na nagtama ang kanilang mga labi.
Naisip ko na kuhanan sila ng litrato para makita ni Serena. Nung una ay gusto ko lang naman malaman ni Serena ang totoo pero sa kalaunan ay naging isang plano para sirain silang dalawa.
Kinabukasan matapos ang nangyaring iyon ay tinawagan ko si Serena para ibalita ang nangyari at pinuntahan ko siya sa kanyang condo. Pinilit ko siyang piliin ako. Mahal na mahal ko si Serena at gagawin ko ang lahat mapasa-akin lang siya. Galit na galit ako kay Adam dahil siya ang mas minahal at pinili ng babaeng mahal ko. Niloko niya si Serena at dahil dun ay nagkalakas ako ng loob na gumawa ng paraan para makuha siya.
Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga desisyon kong akala ko ay tama pero hindi pala.
Tinawagan ako ni Nico at binalita sa akin na nasa ospital si Serena at nag-aagaw buhay. Hindi ko alam kung pupunta ba ako dahil nilalamon ng konsensya ko ang utak at isipan ko. Wala akong mukhang maiharap sa babaeng sinaktan ko.
Gusto kong malaman niya na nagsisi na ako, gusto kong humingi ng kapatawaran para sa mga maling ginawa ko, pero huli na ba ang lahat? Wala na ba akong karapatan humingi ng kapatawaran?
Sisiguraduhin ko na pag nagising na siya ay babawi ako. Aayusin ko ito para sa kanya. Ipapakita kong ako pa rin ang Lewis na kaibigan niya. Ipapakita ko na nagsisi na ko.
Bumili ako ng pagkain para kina Tito Robert at Tita Kathy pati na rin bulaklak para kay Serenity.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanilang lahat.
Bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa lugar kung saan naroon si Serena ay ganun din ang tibok ng puso ko, dahil sa kaba.
"Sir, I'm sorry."
"Lewis, Matagal ka na naming hinihintay na dumalaw." Bungad ni Tito Robert.
"Sir, I know I don't have the right to say this but I am also sad for what happened to her. I hope that you give me another chance to prove myself and earn your trust."
"You are forgiven, hijo. Hindi ka naman dinemanda ng anak ko. Ganun ka niya ka-mahal, hindi lang talaga sa paraan at sitwasyon na gusto mo. Pero mahal ka niya." Dagdag pa ni Tita Kathy.
Wala na akong nasagot pa kundi ang pagpatak ng luha ko. Bumagsak na ito dahil sa tuwang nararamdaman ko. Masama ang ginawa ko sa kanila pero kabutihan ang binalik nila sa akin.
"C-Can I see her, Tito?"
"Go ahead."
Nagsuot ako ng lab gown at mask at naglagay ako ng alcohol sa aking kamay. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob ng kwarto.
Nakita ko ang isang makina at mga tubo na nakakabit sa isang babaeng nakahiga. Hindi ko matiis na makita siyang ganito. Wala akong magawa kundi ang malungkot at umiyak dahil sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang kausapin siya.
"Serena, I hope you hear me. Ako ito si Lewis. Sana naaalala mo pa ko, sa bagay paano mo ko malilimutan sa nagawa ko sayo. Pero, Gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko sayo. Kahit nasa ganito kang kalagayan mo. Magpapalakas ka dahil deserve mo na mabuhay ng masaya pagkatapos nito. I want you to live your life the way you want."
I held her hand to let her feel that everyone around her is waiting for her to open her eyes. I sat down near her for a moment but the machines around her suddenly made a worrying sound. It was blinking and I read her vital signs.
"NURSE!!!!" Sigaw ko.
Pumasok na ang mga doktor sa loob pati na rin ang mga nurse. Lumabas muna ako para magawa nila ang dapat nilang gawin as protocol. Nilapitan ko sina Tita at Tito.
"Lewis, A-Anong nangyari?"
"Tita, Don't worry, They're doing their job. Kailangan lang nila maayos ang heart rate ng pasyente."
Lumapit na ang doctor sa amin pagkalabas ng kwarto.
"Robert, Her lupus made her condition much worse. Humihina na ang puso ni Serenity. What I suggest is a heart transplant but I can't assure you that she will survive."
"W-What do you mean, Doc?" Tanong ni Tita Kathy.
"The baby. If the operation will succeed, the two of them will be safe."
"But if it doesn't?" Tanong ni Tito Robert.
"Chances are Serena and the baby, will not survive." I answered.
————————————————
Mommy Kathy's View
"DOC! THE PATIENT!!" Sigaw ng nurse na kasama ni Serena sa loob.
Lahat kami ay nagulat dahil nag-uusap kami ng doctor ng anak namin.
Sumilip kami sa bintana at nakitang ni-rerevive muli nila si Serena. Nagdarasal ako na sana ay maging maayos na ang lahat at matapos na ang paghihirap niya.
"She responded." The doctor said.
We quickly went inside the room and saw Serena with her eyes finally open. She still can't talk because of the tubes attached to her. But I held her hand tight.
"Serena, This is Mommy. We're here. We're all here, My Sweet Serenity."
She responded with teardrops on her cheeks. I felt that she held my hand tighter.
"Anak, Please nod so that you can respond."
"Can you remember me?"
Iyon ang tanong na ayaw na ayaw ko na itinatanong sa kanya, hindi ko na kakayanin pa uli kapag nalimutan niya kami uli.
She nodded.
"Doc? I-Is she gonna be much better?" I asked.
"We hope so. But for now, It's a good news that she's finally awake. If there are no complications in 24 hours and If we can see that she can finally breathe on her own after 48 hours, We will remove the ventilator from her."
"Thank You, Doc."
I prayed to God and asked for him to give my daughter another chance to live. She is a living proof that God does make miracles.
We told her friends that she is finally awake. Robert, my husband, picked up Andrew so that he could see his Ate. Andrew loves Serenity so much that he is the most affected on what happened to Serena.
"A-Ate? Can you hear me?" He asked.
Serenity nodded to respond to his question. Another teardrop fell from her tired eyes.
"Anak, Ate's finally okay. Pero, I want you to know that we are all going to take good care of her once she gets home, okay?"
"Yes Mommy! I'll take care of Ate."
"Andrew, You have to know something." I said.
"W-What is it, mom?"
"Your ate has a baby."
He was so surprised that he hugged Serenity's tummy. Whenever Andrew visits Serena during our stay in the hospital, He would always tell stories to her. He was the one who always try to wake her up by whispering to her ears and by holding her hands.
Days have passed and finally the ventilator is now gone. Serenity can finally breathe on her own.
We were all glad and thankful that she is now back to us.
She tried to speak to us and we were saddened to the first word we heard from her.
"A-Adam."
"I-I'm sorry, Anak."
"M-Mommy, D-Daddy." She cried.
"He's gone."