Chereads / Your Eyes. / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 23: Desisyon

"No! Please, Don't Leave!!"

"ADAM!!!!"

I was left down on the ground, my braided hair loose, and the sand wrapped my legs.

Tinignan lang niya ako, it was a quick glance, then he turned back, and walked away.

What if siya yun? Kung siya yun, Bakit niya ako tinalikuran? Bakit iniwan lang niya ako?

"Serena! What happened?" Timothy asked.

"I slipped. I wasn't careful."

"Let me help you up."

Inalalayan niya akong tumayo at dahan dahan akong naglakad habang hawak hawak niya ako sa dalawang braso ko.

"Are you sure you're okay?" He asked.

"Yes, Timothy. I'm okay."

"I'll go with you up to your room. I just want to make sure that you're okay."

"Alright, Thank You." I said when I got to my room.

Pagkapasok konsa kwarto napaupo na lang ako sa kama ko at sumandal sa headboard ng kama.

Sorry baby, kung hindi nag-ingat si Mommy. Hayaan mo bukas, hahanapin natin ang daddy mo. Magtutulungan tayo, okay?

Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ang tumatawag.

"Mommy? Bakit kayo napatawag? Kamusta kayo dyan?" Sagot ko.

"Anak, We're okay here. Nag-aalala lang sila Gabby at Alex sayo. Umuwi ka na, Anak, Please? Kamusta ka dyan?"

"Mommy, Hindi pa ako makakauwi. May kailangan pa kasi akong gawin."

"Ha? Nak? Hindi pwede, Hindi mo kaya mag-isa. Paano ka?"

"Sige na, Ma. Tawag na lang ako uli sa inyo. Bye ma."

Ngayong nakita ko na siya kailangan ko gumawa ng paraan para makita ko siya uli.

My profession is an agent but now that I'm retired, I have to ask help from my former agency. Kung nasa trabaho pa ako ngayom, sigurado akong mahahanap ko siya agad pero hindi na pwede dahil kay baby. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Nagpalit lang ako ng damit at tinawagan ang boss ko dati.

"Mr. Singleton?"

"Serena? Napatawag ka."

"Sir, Can you help me?"

"Of course, Serena. What help?"

"Please find Adam for me."

"Alright, We'll do that first thing in the morning. I'll call you, okay?"

"Thank You, Sir."

Bukas kasi pupunta ako sa Boulder's Beach. Baka nandun si Adam at nagbabala-sakali na makita ko siya dun. Espesyal kasi sa akin ang lugar na yun.

Uy! Sino yung kumakatok? Nakakaloka naman. Teka! Wait lang!

"Baby? Why are you here? Where is your Dad?"

"H-He's upstairs. Can I come in?"

"Sure, Come in, Penelope."

Nakakatuwang kausap yung batang ito, parang ka-edad mo lang yung kausap mo. Sobrang chill niya hahaha.

"I have chips for you." She gave me a bag of potato chips.

Kahit na iniiwasan ko ang maaalat na pag ay tinanggap ko na lang yung chips kasi baka magtampo yung bata sa akin.

"Thank You, What do you want to do here, Penelope?"

"I just wanna chill with a girl though, I'm always with Daddy."

"Is that so? Well, You can stay here if you like. We can have a pajama party tonight, If you want?"

"Yes! I'll just change my clothes and I tell Daddy. Wait for me here, Lady."

Okay na rin ito kahit madaldal yung bata para naman hindi mapanis yung laway ko kasi sila lang naman ang nakakausap ko dito. Sana kung babae ang magiging anak ko, Sana ganito ka-bibo at kasing bait.

Hindi ko alam kung makakaya ko na magtagal ng tatlong buwan dito na walang kakilala. Pero sana maging maayos ang stay ko dito for three months.

Parang may rason na naman ako para mas tumagal sa bansang ito.

Kailangan ko lang makahanap ng sagot tapos uuwi na ako.

May kumatok muli sa pinto ko at baka si Penelope na ito kaya tumayo na ako at pumunta sa pinto para buksan ito.

"D-Dad? A-Ano po ang ginagawa niyo rito? Ikaw lang po ba?"

Nagulat ako nung sumalubong si Daddy sa pintuan ko. Wala man lang silang pasabi na pupunta si Daddy rito.

"Oo, Anak. Ako lang."

Pinaupo ko si Daddy sa may couch. Tapos binigyan ko siya ng bottled juice na nasa refrigerator ko.

"Kamusta ka dito?"

"Ok naman po, Daddy. Bakit po pala kayo nandito?"

"Gusto ko lang naman makita ang anak kong babae. Tsaka may gusto sana akong sabihin sayo, Nak."

"A-Ano po yun?"

"Nung high school ako, Nak, Nagkaroon ako ng nobya, Si Veronica Cruz, Classmate ko siya. Nagkaron kami ng anak."

"W-What, Dad? Seryoso ka? Bakit ngayon niyo pa sinabi ito sa akin?"

"Alam ito ng Mommy niyo, Noong naging kami ng Mommy mo ay sinabi ko agad ito sa kanya. Gusto nga niya na patuluyin ang kapatid mo sa atin nung kinasal kami pero ako ang may ayaw."

"Bakit, Dad? Matatanggap naman namin siya. Nasaan na siya ngayon?" Tanong kong muli.

"Kasama niya ang Nanay niya. Kuya mo yun. He's older ng 7 years. Napag-isipan ko na sabihin ko na sa inyong dalawang magkapatid. I'm sorry kung tinago ko ito sa inyo."

"No, Dad. Don't be sorry, Wala ka namang kasalanan eh. You just needed time para maging handa."

"Thank You, Anak. Salamat kasi naiintindihan mo ako. Hindi ko pinagtaksilan ang Mommy mo. Bago pa maging kami ng Mommy nangyari iyon."

"Nako, Dad. Hindi ako sanay na ganyan ka ka-emosyonal. Tama na yan. Kumain ka na po ba?"

"Hindi pa, Nak. Saan ba ang restaurant dito? Kain tayo." Pag-aaya niya.

"Sa baba, Dad. Tar—"

May kumatok uli, teka puntahan ko muna yun. Baka si Penelope na ito.

Pumasok si Penelope pagkabukas ko ng pintuan. Nakipagkamay si Timothy kay Daddy.

"Who's this little girl with you?" Tanong ni Daddy.

"A friend, maybe. They live downstairs. Sila yung mga kasama ko mamasyal."

"Hmm, Okay."

"Penelope, I think we'll have to postpone our pajama party."

"Oh okay, Maybe sometime?" She asked.

"Okay. I'll see you, Timothy."

Niyaya ko na si Daddy bumaba pagkatapos ko magsuot ng cardigan ko.

Kumain kami sa isang restaurant sa labas ng hotel. Mas gusto ko kasi sa labas para makalanghap ng sariwang hangin.

"Dad, Order ka na. Ako na bahala." I winked.

Marami-rami siyang na-order at halatang gutom talaga siya. Mahaba naman talaga ang biyahe papunta dito. Mas naunang dumating ang beer na inorder niya.

"Dad, May picture ka po ba ng kapatid ko?"

"Meron, Nak. Wait nasa cellphone ko."

Pinakita niya sa akin ang isang litrato ng lalaking naka suot ng tuxedo. Gwapo nitong kapatid ko ah, Kahawig ko ang mga mata niya. Pare-parehas kami nila Daddy ng mata.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko.

"Dean Christopher, Pero Dean lang ang tawag namin sa kanya."

"Ang pogi, Dad. Kamukha mo siya."

"Hayaan mo, Makikilala niyo rin siya. Sana magkasundo kayo."

Dumating na ang mga pagkain habang nag-uusap kami ni Daddy. Quesadilla lang ang kakainin ko. Busog pa naman ako kanina.

"San ka mag ii-stay, Dad? Gusto mo ikuha na lang kita ng kwarto malapit sa room ko?"

"Sige, Nak. Aalis din ako, Sasabay ako sayo pauwi. Diba alis mo na in 2 days?"

Hindi pa pala alam ni Dad na magtatagal pa ako dito. Hmm, Pano ko ba sasabihin sa kanya?

"Ahhh, Dad?"

"Yes, Nak?"

"Wala po." Ngiti ko.

Isa pa pala yung pinag-iisipan ko na sabihin, na nakita ko si Adam o si Adam ba talaga iyon.

Dahil nga nandito si Daddy at pupunta rin ako ng Boulder's Beach bukas ay isasama ko nalang siya para ipasyal.

"Dad, Sama ka sa akin bukas?"

"Sige, Anak. Saan mo ba ko dadalhin?"

"Penguins po." I smiled.

"Pero may papakita ako sayo, Dad. Tapos ka na ba?" Dagdag ko pa.

"Oo, Nak. Tara?"

Naglakad muli kaming dalawa ni Daddy papunta sa parte ng dagat kung saan nag propose sa akin si Adam. Pero syempre hindi ko sasabihin na dun namin ginawa si baby noh!!

"Bakit tayo nandito, Anak?"

"Dad, Dito po nag propose sa akin si Adam. Sayang at wala na daw siya eh. Pero parang ayaw ko pa sumuko, Ayaw ko pa, Dad."

Ayun at tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Napatingin sa akin si Daddy at tinapik ng dahan-dahan ang likod ko.

"Anak, Kung masyado ka ng nahihirapan at nasasaktan, tama na. Kung buhay pa naman talaga siya, magpapakita yan. Pero kung wala na talaga, wag na natin ipilit kasi mas masasaktan lang tayo."

"Dad, Hindi ako pwedeng tumigil eh, May anak kami, Dad. Kailangan mahanap ko siya kahit mahirap gagawin ko kasi mahal ko sila pareho."

"Basta, Anak. Pag alam mo na wala na, tama na. Nandito naman kaming lahat para sayo. Hindi ka namin pababayaan."

"Thanks, Dad. Balik na po ba tayo? Para makapagpahinga ka na po."

"Sige, Pagod rin ako sa biyahe eh."

Pagkabalik namin sa hotel ay nag request na kami ng isa pang room para kay Daddy. Sinamahan ko muna siya papunta sa kwarto niya tsaka ako bumalik sa kwarto ko.

I took a warm bath and changed my clothes to pajamas. I also removed my makeup and used several skin care products.

Nagbasa lang ako saglit ng libro bago ako matulog. Pagkatapos nun ay pinikit ko na ang mga mata ko at mahimbing na natulog.

Pagkagising ko ay naligo na ako at nagbihis muna ng casual para mag breakfast. Tinawagan ko si Daddy para sabay na kami pumunta sa restaurant for breakfast.

Inantay niya ako sa loob ng restaurant at nakitang may lamesa na para sa aming dalawa.

Hawak hawak ko ang tiyan ko habang papunta kay Daddy.

"Good Morning, Serenity at sa apo ko. Ang tagal mo naman lumabas excited na kaya ako."

"Nako, Dad. Wag mo madaliin yan kasi siguradong mas pogi yan sayo." Biro ko.

"Mana ata sa amin ni Alex yan."

"Dad, Wala pang gender si baby. Inaako mo na talaga na lalaki ah."

"Lalaki yan, Tignan mo." Dagdag pa niya.

Si Daddy ay nag order ng rice and omelette. Ako naman ay sinubukan ko yung Mandazi, which is an African version of doughnut. Naka coffee si Daddy at ako ay tsaa.

So naka 4 na piraso ako ng donut at naubos ko pa ang isang tasa ng tsaa kaya busog na busog na ako.

It's 10 in the morning kaya sabi ko kay Dad ay magbibihis lang ako at aalis na kami para ipasyal siya.

Nung makabalik na ako sa kwarto ay namili na ako ng susuotin ko. Naka fitted black and white maxi dress ako. Tapos white vans ang suot ko para sa paa ko.

Pagkatapos noon ay bumaba na ako at baka dumating na yung sasakyan na ni-rentahan ko.

"Dad, Tara na?" Tanong ko nung nakita ko si Daddy sa lobby.

"Let's go, Excited na ako."

May driver na kasama yung sasakyan na ni-rentahan namin. Sa Boulder's Beach ko dadalhin si Daddy tapos dadalhin ko na lang din siya sa mga museum dito kasi mahilig si Daddy pumunta sa mga ganun.

It was an hour-long drive going to Boulder's Beach. Nang makarating na kami sa pupuntahan namin ay sinalubong kami agad ng tour guide.

Habang naglalakad ako papunta sa mga penguins ay unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro ito ang huling lugar na pinasyalan namin ni Adam bago pa siya mawala.

"Nak, Okay ka lang?" Tanong ni Daddy nang makarating na kami sa mga penguins.

"Yes, Dad. Sige just take a photo with the penguins, it's okay."

Naluha na naman ako at nalungkot dahil naalala ko na naman si Adam, ang hirap ng ganitong sitwasyon.

"Anak, Kailangan mo magpaka-tatag ah, Para sa magiging anak mo. Kasi ako, pinagsisihan ko na di ako naging ama sa kuya mo. Kahit may pagkakataon ako para gawin ang tama ay hindi ko pa rin ginawa."

"Dad, Nakita ko siya kahapon. Pero hindi niya ako pinansin. Binalikan niya lang ako ng tingin at tuluyan naglakad palayo."

"Anak, Kahit na anong desisyon ang gawin mo, Susuportahan kita, Pero kung ikakasama mo at ng apo ko ang pinipili mo, Hindi ko hahayaan na iyon ang piliin mo."

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay bahagyang naliwanagan ako. Ngayon alam ko na ang talagang dapat kong gawin.

Pinagbigyan na ako ng pamilya ko sa gusto ko at ngayon sila naman ang pagbibigyan ko.

Pag natapos ang lahat ng ito at nakakuha na ako ng sagot, baka sakaling gawin ko na ang mas makakabuti para sa sarili ko at magiging anak ko.

Sana lang ay tama ang desisyon ko na hanapin pa si Adam, pero hangga't nabubuhay ako ay hindi ako mawawalan ng pag-asa na babalik siya sa akin. Mabubuo ang pamilya ko at babalik ang tatay ang anak ko.