Back to Reality
Today is a day wherein we can do whatever we want. I chose to spend the whole day with my man, Adam. He will take me to the best tourist spots in Apayao. He left early in the morning and said that he'll come back in an hour.
He came back and now riding an ATV. Ngayon lang ako makakasakay sa isang ATV. I guess everything's first time with him.
Naglakad ako palapit sa sasakyan na dala niya.
"Oh? Sino nagsabing dito ka sasakay?"
"Is that how you're gonna treat your girlfriend on your first day?"
"Oh, I'm sorry. Here you go, my love." He helped me get in.
"Ready?" He asked.
"Yes. Go!"
He drove really fast and the wind was touching my face while the sun shines on me. I held onto his chest tighter when we encountered some rocky parts of the road. We stopped in a gate where there is an area for the vehicles.
"San tayo?" Tanong ko.
"We have to walk, Is it okay?
"Syempre, Tara."
Naglakad kami papasok ng gubat pero puro puno lang ang mga nakikita ko dito. Hindi ko alam kung san kami dadalhin ng paglalakad namin.
Pero habang tumatagal ay naririnig ko ang malakas na bagsak ng tubig. Dinala kami ni Adam ng mga paa namin sa waterfalls. Na-excite ako dahil ang linaw ng tubig.
Nakasuot ako ng rash guard at denim shorts pero tinanggal ko ang shorts ko dahil one-piece naman yung rashguard ko.
Si Adam naka board shorts at nag-tanggal siya ng t-shirt. Okay so yung mata ko naka-luwa na, laglag-panty na naman ang lola niyo kahit naka one-piece rash guard ako.
Nasa tuktok kami ngayon ng waterfalls kaya nagtataka ako kung paano ako makakababa. Nagulat ako nang buhatin ako ni Adam mula sa likod niya.
"Ang taba mo."
"Bwiset ka! Ba't mo ko binuhat?" Sagot ko sa asar niya.
"Joke lang, Do you trust me?"
"I do." I replied.
He then held my thighs and jumped from the top. I felt how high we jumped and how deep the water we fell on.
"Ang lamig!" Sigaw ko.
"Fun?"
"Yes, Thank You, Love." I said to him.
"Anything for your happiness."
I hugged him while on the water. We were laughing and swimming while the sun is out.
Until the time when he held me again, I closed my eyes nung akala kong hahalikan niya ako sa labi pero sa noo pala. So awkward!
"Ano yun?" I chuckled.
"I won't kiss you if you're not ready yet. I respect you, I love you!"
"I love you too."
Mga 30 minutes lang kami nag stay sa falls dahil may mga pupuntahan pa kami after dito.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil nag shorts na lang uli ako at nag sapatos.
Sumakay muli kami sa ATV na dala ni Adam at sa init ng araw at lakas ng hangin, natuyo agad ang buhok at naging wavy pa ito.
"We're here."
Dinala niya ako sa mga rock formations. Nagtulungan kaming akyatin ang mga bato para makita ang mga tanawin. Isang napakagandang tanawin, malinis na paligid, at malamig na hangin.
Once again, I felt Adam's heavy arms from my back but this time, he is now holding my hands while hugging me.
"Ang ganda oh." Turo ko sa mga batong may pigura.
"Oo nga, Ang ganda." Sagot niya habang nakatingin sa akin.
Kumuha kami ng kanya-kanya naming litrato. Syempre kailangan ang mga picture natin pang feed-goals diba? Adventurer ang peg!
Naglakad na kami pabalik sa pinag-parkingan ng ATV ni Adam. Medyo hinihingal na ako pero hindi naman ako ganito dati eh.
"Bakit namumula yung pisngi mo? Okay ka lang ba?"
Hinawakan ko ang pisngi ko at tinignan sa phone ko kung anong itsura ng pisngi ko. Mapula nga ito kaysa kahapon. Mula sa dalawang pisngi ko hanggang sa ilong.
"Okay lang ako. Tara?" Sagot ko nalang.
Ang susunod naman namin na pinuntahan ay isang kainan kung saan mga espesyal na lokal na pagkain ng Apayao ang inihahanda nila. Kakaunti lang naman ang kinain ko dahil hindi ako masyadong gutom.
Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa tinutuluyan namin. Hapon na rin at nag didilim na kaya bumalik na kami dahil ayaw namin na abutin ng dilim.
I know I was tired because we went to so many places in one day, but i'm happy I spent my last day here with this man with me.
"Thank You, Love. I love you!" I gladly said to him when I lay down on my place.
"I told you, Anything for you. Lahat gagawin ko basta mapasaya lang kita. I know you're tired, Pahinga ka na dahil mahaba na naman ang biyahe natin bukas." Adam replied.
"Okay, Goodnight, Love. I love you!"
"I love you more, love."
I closed my eyes and slept. Hindi ako nahirapan makatulog dahil talagang pagod ako ngayong araw.
But it was a very memorable one for me, to be around the man who said and made me felt that he truly love me, I swear it was genuine happiness and love.
"Hey? Good Morning. You have to wake up because we'll leave early."
Adam greeted when I opened my eyes. I sweat mamuta-muta pa ang mata ko dahil sobrang himbing ng tulog ko. Nagsimula na akong gumalaw at inuna ko ang pagligo at pagbihis. Sinunod ko naman ang pag-kain ng almusal. Lastly, Nag-impake na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Ate Serena? Mag-iingat po kayo ah." Paalam ni Flora sa akin.
"Mamimiss kita, Flora. Salamat dahil inalagaan niyo kami dito, Wag ka mag-alala magkikita uli tayo." Paalam ko sa kanya at niyakap ko silang dalawa ng kanyang nanay.
Masaya ako na nakasama ko ang mga taong ito ng tatlong araw, lalo na ang mga batang ang cu-cute ngumiti. Binigyan nila ako ng karagdagang kasiyahan at parte na sila ng puso ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na nakatulong ka sa kapwa mo na walang hinihintay na kapalit. Basta makita mo lang sa mga mata at labi nila ang saya, tiyak pati ikaw sasaya lalo.
Bago umalis ay nagpaalam na ako kila Ate Vera at Kuya Junie pati na rin sa iba pa naming kasamang volunteers, nagpasalamat ako at niyakap ko silang lahat. Sana magawa ko uli ito.
Sumabay na kami kila Mommy sa van namin, sabi kasi ni Daddy sabay-sabay na kaming lumuwas sa Maynila. Ang haba na naman ng biyahe, siguradong ang sakit na naman ng pwet at balakang ko sa biyaheng ito.
Magkatabi sina Mommy at Andrew sa unang hanay ng van sa likod habang si Daddy naman ay katabi ni Mang Pio.
"Nako, Pio. Alam mo ba na ang Serena natin ay may boyfriend na?" Kwento ni Daddy.
"Oo, Pio. Napasagot na ni Adam si Serena nung isang gabi." Dagdag pa ni Mommy.
"Nako, Ma'am. Natutunugan ko na yan bago sila lumuwas papunta rito sa Apayao. Dalaga na nga itong si Serena."
Natatawa nalang ako sa mga kwento nila tungkol sa amin ni Adam. Bago kami umuwi ay dumaan kami sa isang Pasalubong Store sa Ilocos. Bumili sina Daddy ng mga delicacies ng Ilocos, habang ako ay bumili na rin ng Pastillas at Yema para sa mga kaibigan ko.
"May gusto ka ba?" Tanong ko kay Adam.
"Hmm, Pili Nuts nalang. I'll pay, okay? Ako na bahala dyan."
"Thanks, Boyfie."
"Baka kasi makalimutan mo na.. Hindi ka pa nakabayad eh." Sabi ni Adam.
"Baka gusto mong sapakin kita dyan, Mr. Adam Richardson?!"
Parang bumalik kami sa oras na papunta pa lang kami sa Apayao, nagka-asaran pa kami sa stop-over dahil feeling artista yung kolokoy na ito. Tapos yung babae sa cashier naalala pa niya na hindi pa ako nakabayad matapos siyang magpacute. Pero hmp! Wag kayo! Yung lalaking gustong gusto niyo na sobrang gwapo, matangkad, at hottie? Boyfriend ko na siya so back off!
"Joke lang! I love you, Love." Adam replied.
We held hands while walking, ito na ata ang definition ng relationship goals, holding hands while walking, mag travel kasama ang mahal mo, at iparamdam sayo na mahal ka niya at importante ka.
Mga 11 na kami ng gabi nakauwi at hinatid muna kami nila Mommy at Daddy sa condo namin.
"Pahinga ka na agad ah, I'll see you tomorrow. I can't wait to see my ray of sunshine. Goodnight, Love." He kissed me on the forehead and gave me a big, sweet, and tight hug.
"Goodnight, I love you wholeheartedly." I replied.
It was truly a tiring day for everyone, especially me. Hindi ako ganito kabilis mapagod tulad ng dati, mas mabilis na akong hingalin, at laging namumula ang mukha ko.
Bukas ay papasok ako sa opisina dahil kailangan namin pag-planuhan ang misyon namin next week. I know by just reading the background of the suspects, this is gonna be a hell of a mission.
Nagising ako dahil nag ring ang phone ko. Sinagot ko ito dahil naiingayan na ako sa tunog.
"Hello?" Sagot ko.
"Good Morning, Love! Gising ka na, maaga pa tayo sa office. Can you answer the door?" He requested when I heard a knock on my door.
Nagdala siya ng mga pagkain, halatang bagong luto ito dahil mainit pa ang dala niya. Just like what I did before, Ako ang bahala sa kape niya.
"We should do this everyday, By the way, have you seen the email that Mr. Singleton sent?"
"Not yet, Why?" I replied.
"He said that the team that he'll send to the mission is from the agents in the office."
"That's good to hear, Hindi tayo mahihirapan makisama kung ganun."
"Sabay na tayo pumasok? I'll drive for my love." He winked.
I smiled back and nodded. I was the one to was the dishes because I want him to relax after he made breakfast for the two of us.
"Here." He handed me a piece of paper. What I saw in that paper is the code of his condo unit.
I also gave him the code for my unit.
"Uy! Balik ka na sa unit mo." Sabi ko sa kanya.
"Maliligo na ako eh. Dun ka na manood sa inyo."
"I want to watch."
"Kulit mo! Leave now! I'll call you if i'm done. Mag-ayos ka na for work." I told him.
I only wore black jeans, denim long sleeves, and my killer heels. I also put makeup on me, pero gandang pulbo at lipstick lang tayo dahil yung mukha ko pisngi ko namumula pa rin.
"Ready?" He asked when I went out of my door.
We held hands together while getting out of this building. He swiftly drove our way to the office. I saw something in his bag, a pink notebook but it does look like a diary. It seems familiar though, but never mind.
"I have to go somewhere after work, Can you drive me home and i'll drive?" I asked him.
"Can I drive for you? I can go with you, Serena." He replied.
"Y-You don't really have to, I can go alone." I stuttered.
"Okay, I won't force you but we should have dinner together."
Dinner? Ay shet! Ngayon pala yung birthday ni Samantha at may pa-dinner siya mamaya.
"Alright, We're here."
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ng mga kasamahan namin tungkol sa amin ni Adam.
"Good Morning!" Bati ko sa mga ka-trabaho ko.
Pumasok naman kami agad sa opisina ng kataas-taasang lider ng agency namin.
Sumaludo kami sa kanya bago kami umupo dahil kasama ni Mr. Singleton ang isa sa mga lider.
In-explain niya ang magiging trabaho namin next week and it's not easy by just looking at everything. Isang malaking tao ang kakalabanin namin and it's dangerous.
I guess i'm really back in reality, back in my suicidal job, back in my real life.
I have a plan and I think I should retire in my job. I should retire after this mission. I know i'm still young but I can't do it anymore. I am getting weaker and weaker everyday. I have to take a leave.