Blondina
I woke up wrapped in Adam's arms. I tapped his arms to wake him up as well, Uuwi na kami dahil nag-text si Mr. Singleton na pumunta kami sa opisina at 10 am.
"Good Morning! Gising na pinapapunta tayo ni boss sa opisina ngayon, Uuwi pa tayo sa Makati para mag-ayos." Gising ko sa kanya.
Bumangon naman ito at naunang pumunta sa bathroom habang ako naman ay inayos ko na ang higaan.
Pagkalabas niya ng banyo ay nakatapis na naman ito, walang t-shirt. Umagang-umaga na-didemonyo na naman ang mata ko!! My sweet innocent eyes!
"Ako nga siguro dapat ang mag-ingat noh?" Sabi niya sa akin at lumihis agad ako ng tingin.
"Bumaba na tayo para mag-almusal para maka-alis tayo ng maaga." Sagot ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.
Maaga pa kaya sila Manang Rina pa lang ang gising at nagluluto ng almusal. Nauna na kaming kumain at nagsimula na mag-ayos para umuwi.
"Manang Rina, Ang sarap po talaga ng luto niyong almusal."
Puri ni Adam kay Manang Rina.
"Nako ito talagang batang ito nambola pa talaga." Sagot ni Manang Rina.
Mas nauna akong natapos kumain kay Adam kaya kinuha ko na ang plato ko para ilagay sa lababo.
"Manang Rina, Wala po talaga yung nakita niyo nung isang gabi ah."
"Nako, Ma'am! Naiintindihan ko naman po yun eh, Ganun talaga pag gusto mag-lambing." Biro ni Manang Rina.
"Si Rina talaga oh! Hayaan mo lalambingin kita." Singit ni Mang Pio.
"Nako! Baka kayo po ang makatuluyan ah." Biro ko kila Manang Rina at Mang Pio.
"Nako! Hindi ah! Ikaw talaga Serena!" Sagot ni Manang Rina.
"Bakit naman po? Dalaga ka pa naman po at binata si Mang Pio, Why not po diba? HAHAHA." Dagdag ko pa.
"Nako, Mag-ayos ka na, Anak. Ayan na si Adam oh, Aalis pa kayo diba?" Paalala ni Mang Pio habang umiinom ng kape.
"Why not tayo na lang dalawa diba?" Nagulat akong sumingit si Adam.
"Aabangan ko talaga na maging boyfriend mo iyan at dito sa bahay aakyat ng ligaw." Dinig kong bulong ni Manang Rina kay Mang Pio.
Nagpaalam na akong pupunta sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot ako ng blue pencil skirt, white shirt, black blazer, and white pumps. Kinuha ko na rin ang handbag ko at inilipat dito ang mga gamit ko mula sa shoulder bag ko. I blow-dried my hair, napansin ko din na mahaba na rin ito, below bra line na siya.
Lumabas na ako at nakitang ready na rin si Adam pero naka casual attire lang ito, baka magpapalit na lang siya pagdating namin sa condo.
Hindi na ganoong ka-traffic kaya hindi kami nagtagal sa daan. Mabilis naman kaming kumilos dahil 9:30 na at ayaw namin ma-late kay Mr. Singleton. Bakit kaya kami pinatawag ni Mr. Singleton?
Pagkarating namin sa opisina ay sinalubong kami ng mga ka-officemates namin.
"Office-based na ba kayo uli??" Tanong ni Samantha.
"Hindi, Pinatawag lang kami nila Mr. Singleton."
Nag fist bump sila Adam, Rico, at Paulo, kala mo naman ilang taon di nagkita. Nagpaalam na din kami at nagsabay sa pagpasok sa opisina ni Mr. Singleton.
"Good Morning, Sir!" Bati ko.
"Oh, Welcome back Mr. Richardson and Ms. Williams, Finally matapos ang isang buwan na on-call kayo, Balita ko nagkakamabutihan daw kayo ah.
"Huh? Po? Sino po nagsabi?" Nagtatakang tanong ko.
"Ang daddy mo, mag-kumpare kami nung kapanahunan namin."
What? Magkakilala sila Mr. Singleton at Daddy? How come? Di ko man lang siya nakilala before.
"I called the two of you because I'll be needing you. I'll send you to an African Country."
"Africa? Sir, Sino po ba ang kailangan namin imbestigahan doon?" Tanong ni Adam.
"Another gang group that is notorious in drug trafficking. They use children to distribute drugs."
"Children? They use children?"
I asked full of concern.
"Yes, That's why the government wanted to ask help from us." Nag-abot si Mr. Singleton ng dalawang envelope, isa para sa akin at isa para kay Adam.
"Attached inside are the information about the gang and its members. May isang member na dyan na nakapasok mula sa atin. He gave us the floor plans of the building and their activities." Mr. Singleton explained.
They gave us one week to prepare at hindi lang kaming dalawa ni Adam ang kasama, isang grupo kaming pupunta, baka isang malaking misyon ito. Makikilala na lang daw namin ang kasama namin once na nasa airport na kami in 2 weeks.
Lumabas na kami at nagpaalam na uuwi na. Mas kinakabahan ako sa misyon na ito.
"So, Tuloy ba tayo mamaya?" Tanong ni Adam.
Ayt! Oo nga pala, Nag-aya si Adam na lumabas kami mamayang gabi. Pumayag na ako nung isang araw kaya nakakahiya naman na tumanggi.
"Oo, Tuloy tayo mamaya. Sa Condo naman ako mag-iistay tonight."
"Oh okay, Lunch? Saan mo gusto?"
Tanong ni Adam sa akin.
"Hmm? Japanese Resto na lang, Ikaw na bahala kung saan." I requested.
Malapit lang ito sa condo at nadadaanan ko ito minsan. Pero ngayon ang unang beses na kakain ako dito.
"I'll get my favorite salmon sashimi, oyakodon, and four seasons shake, Thank you!" I ordered.
Excited na akong kumain dahil onti lang ang nakain ko nung nag almusal ako. Habang nag-aantay ay nag-usap kami tungkol sa trabaho.
"Paano nila nagawang gamitin ang mga bata para sa mga illegal na gawain nila? Ganun ba sila ka-demonyo?" Galit kong sinambit.
"That's why we have to work to save them. I'm really curious about our group. Sana madaling pakisamahan."
"Yeah, I hope so. By the way, Saan tayo mamaya?" I asked.
"Crimson Lounge. Sabay ba tayo o we'll go on our ways?"
"Sabay nalang." Sagot ko nang dumating na ang pagkain.
Habang kumakain ako ng sashimi napatingin ako sa sushi ni Adam. Nakakatakam yung itsura eh.
"Can I have one?" I shyly asked.
"Sure" He replied while transferring the sushi on my plate.
"Thanks, Here, Have some." I pointed the sashimi I am eating.
Matapos namin kumain ng sushi and sashimi, dumating na ang main course. Yes! Main course na! Excited na talaga.
Tinignan ko ang kinakain ni Adam na Salmon Teriyaki, natatakam ako kaya nanghingi din ako. At least nagpaalam ako diba!
Ako ang nahuling natapos dahil inubos ko pa ang fruit shake ko. Kahit anong takaw ko sa pagkain, hindi ako tumataba eh.
Nauna na akong lumabas dahil nasa toilet pa si Adam. Nagpunta ako sa may garden ng restaurant.
Habang naglalakad ako, napadaan sa harapan ko ang mga batang nagtitinda sampaguita at nanlilimos.
"Ate bili na ho kayo ng sampaguita." Alok sa akin ng bata.
"Ilang taon ka na?"
"Pitong taon po ate, Bibili po ba kayo?" Tanong niya sa akin.
"Ito oh, Kainin ninyo yan, Magkano ba yung sampaguita?"
Sabi ko habang inaabot ang biscuit mula sa bag ko.
"Ito 5o pesos, Ipambili ninyo yan ng mga makakain at maiinom. Sa inyo nalang ang 50 pesos. Mag-iingat kayo ah."
"Salamat po, Ate. Tara bili tayo ng ulam." Huling narinig ko bago umalis ang mga bata.
Tinawag na ako ni Adam at sumakay sa kanyang kotse.
"Nakita kita kanina ah, Lagi ka ba talagang may dalang biscuit sa bag mo?" Tanong ni Adam.
"Naaawa kasi ako sa mga bata eh, Oo, lagi akong may dalang biscuit para kung sakaling may makita akong bata."
"Kaya ka ba kasali sa isang Foundation?"
"Yep, Gusto kong makatulong. May pupuntahan nga kami this coming Tuesday."
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya.
"Apayao, Bakit? Sasama ka ba?"
Pabirong sagot ko sakanya.
"Oo, Count me in."
"Wala ka bang ginagawa sa buhay mo? Hindi ka ba busy?"
"Nope, I really want to go with you."
I nodded and looked at Adam while he's driving, so he couldn't see that I am staring at him for seconds. Naka-idlip ako habang nasa biyahe, nagising na lang ako nung nasa tapat na ako ng condo lobby.
"Gusto mo bang buhatin kita uli?"
Tanong ni Adam nung pungay-pungay pa ang mata ko.
"No, I'm good." Naglakad na ako papunta sa elevator at sumakay kasabay si Adam.
"Thank You for the lunch." I said to him while on the elevator.
"That's okay. I'll see you 7pm." He reminded before I got in my condo unit. I changed office attire to house clothes. I slept the whole afternoon and alarmed my phone at 5:30 pm. Alam ko para akong baboy na pagkatapos kumain ay matutulog.
Nagising ako nang tumunog ang alarm ko kaya nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko. Nagpaganda ako at nag-suot na naman ako ng bistida, kulay beige ito na off shoulder pero long sleeves, medyo fitted at hanggang tuhod ko ito.
Habang naglalagay ako ng kulay coral na lipstick sa labi ko ay may kumatok sa pintuan ng unit ko, alam ko naman na si Adam yun kaya kinuha ko na ang bag ko at sinuot ang kulay pula kong heels.
Gaya nga ng sabi ko, Si Adam ang nasa pintuan ko. Ilang segundo rin bago siya nagsalita.
"Y-You look great, Let's go?"
"Thanks." Gwapo rin siya sa suot niyang puting long sleeves at khaki pants. Sobrang kisig niya sa pompadour haircut niya, ang linis tignan. Siguradong laglag panty na naman ako sa kanya.
Pagdating namin sa Crimson Lounge ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan lumabas.
"You look handsome tonight, Mr. Richardson." Sabi ko habang inaayos ang kwelyo ng kanyang damit. Inayos din niya ang buhok kong nahawi ng malamig na hangin.
Nang papasok na kami sa loob ng Crimson Lounge ay inilagay ni Adam ang kamay ko sa kanang braso niya. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Nang makarating kami sa table namin nagulat ako na nakita ko ang mga pamilyar na mukha sa akin.
"Huy! Ano 'to? Bakit kayo nandito?" Pagtatakang tanong ko kila Kelsey.
"Ano pa ba? Edi pakana ng lalaking kasama mo. Bakit ayaw mo ba kami makita?" Sagot ni Camryn.
Niyakap namin ang isa't isa at nagulat ako na kasama ang kaibigan kong buntis. Magkatabi sila ni Nico at nagsimula na kaming uminom pero Iced Tea lang ang pinainom namin kay Zia. Baka kasi mamaya ipanganak na lasing yung junakis niya eh.
Habang nagkukwentuhan kami nila Adam at mga kaibigan ko, dumating ang ilan pang kakilala ko.
"Serena!!" Tili ni Samantha habang lumalakad papunta sa amin.
"Sorry late kaming tatlo, tinapos pa namin ang trabaho sa office tapos umuwi kami. You look really good." Bungad niya.
"Thanks, Ikaw din. Pakilala kita sa mga kaibigan ko."
Pinakilala ko sila Samantha, Rico, at Paulo sa mga kaibigan ko. Nagkasama sila ng maayos at masaya kaming sumayaw buong gabi. Tinanong ako ni Adam kung pwede ba ako mahiram ng saglit mula sa mga kaibigan ko. Pumayag naman sila kaya pumunta agad kami sa upuan namin kanina.
"Hmm, Bakit?" Tanong ko.
"Wala, I just want to have some nice time with you tonight."
"Thank You for making this night so lovely." Nang sinabi ko iyon ay nag-iba ang tugtugin sa club. Mula sa isang maingay at nakakabuhay na kanta ay naging mabagal at nakakakilig na tunog.
"Let's dance? Is it okay?" Pag-aaya niya sakin.
"Sure, Let's go." I placed my two bare hands on his shoulder while his hands are on my waist.
We were dancing while going with the beat. I looked into his handsome blue eyes, I can see what I've been looking for my whole life. He is the answer to all the questions I have in this cruel world.
"Adam?" Mahinhing tawag ko.
"Hmm?" Sagot niya habang nakatingin sa akin at sumasayaw.
"Y-Yung sagot ko sa tanong mo."
"O—" Natigil ako sa pagsasalita nang may lumapit na babae kay Adam.
"Adam! How many years has it been since I last saw you! You're here as well! I can't believe we're in the same roof. Admit that I still look beautiful just like the old times." Sabi ng babaeng naka blonde ang buhok.
"H-Hey! This is Serenity." Pakilala niya sa akin sa babaeng lumapit sa kanya.
"Hi! I am Tracy Galvez! Adam's good friend and former girlfriend."
Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman ito. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Adam.
I was left-out from that moment so I decided to go back to my friends.
"If you'll excuse me, I'll leave you two bigbir—, love birds alone."
Psh! Edi Wow! Adam! Admit that i'm still pretty achuchuchu!! English english pa siya dyan, Kala mo nagmukha siyang foreigner sa blonde hair niya? Hindi noh, Nagmukha siyang nahilaw na Amerikana! Maputi lang naman yung blondina na yon! Kala ko ikinaganda niya yun eh.
"Oh, Asan na si Adam? Wait.. Sino yung kasama niya?" Tanong nila Camryn.
"Ahh old friend daw niya. Yaan mo sila dun, ang saya saya nga nilang dalawa eh."
"Uyyy! Nagseselos yung kaibigan natin!"
"Hoy hindi ah! Masaya nga ako dahil kasama niya yung old friend niya eh." Sabi ko habang nagkukunwaring hindi nagseselos kahit alam kong nagseselos ako.
Umupo muna kami at bumalik sa pwesto namin kanina. Nag order ako ng Piñacolada na inumin. Nakaka apat na ako nito pero hindi pa rin ako tinatamaan.
"Uy! Hinay hinay lang ah. Baka kung anong mangyari sayo mamaya." Sabi ni Kelsey.
Nagkasundo sila Kelsey at officemates ko, masaya nga sila habang nagsasayaw kanina.
"Psst! Megkunwere ke leng ne wele leng seye yenv nekete me ah." Sabi niya nang makita namin na papalapit si Adam sa amin. Si Blondinang Tracy naman nakikipaginuman sa mga lalaki sa paligid niya.
"You okay?" Tanong sa akin ni Adam nang makaupo siya sa tabi ko.
"Yes, Of Course! Bakit naman hindi diba?" Sagot ko habang kunwaring tumatawa.
Habang iniinom ko ang inumin ko ay sinabayan ko sila Camryn, Kelsey, at Samantha sa pag sayaw. Ang mga lalaki naman ay may sariling ginagawa, Magkakasama sila Rico, Paulo, Adam, at Nico sa dance floor.
Mga 11 na rin ng gabi at naparami na rin ako ng inom. Kaya nagpasya akong umalis na. Sila Nico at Zia ay aalis na rin at sasabay na ako sa kanila. Mukhang busy talaga makipag-sayaw si Adam kay blondina pero palabas na ako ng pinto nang may humatak sa braso ko.
"Hey! Uuwi ka na?" Tamong sa akin ni Adam.
"Oo, bakit?" Malamig kong sagot.
"Wait for me here. Babayaran ko lang yung mga order natin kanina.
"No, You don't have to. I can share a ride with Zia and Nico. Just stay here."
"No, I insist. Please?"
Hindi na ako nakapalag at napilitang maghintay sa kanya. Hindi naman siya gaanong nagtagal kaya nakalabas din kami agad.
Bubuksan na sana niya ang pintuan para sa akin pero nauna ako sa kanya. Tahimik lang ako habang nasa biyahe.
"You okay? Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya sa akin na bumasag sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa.
"Oo. Pagod lang ako."
"About Tracy, Wa—"
"There's no need to explain. I'm not your girlfriend though."
"I want to. She's my ex-girlfriend but I broke up with her before I got back in the Philippines." Paliwanag niya sa akin.
"Okay, Now I know. Thanks by the way." I answered.
Tahimik na naman kami habang pauwi at nang makarating na kami sa condo ay nauna akong pumasok sa loob.
"Are you sure you're okay? Are we okay?" Tanong niya habang nasa elevator kami.
"Yes, Why would we not be?" I answered.
"Goodnight, Serena." Paalam niya bago ako makapasok sa unit ko.
"Goodnight din, Thanks for tonight." I replied.
Umupo ako sa sofa at tinanggal ang sapatos kong suot. Namumula na yung paa ko dahil dito. Naligo ako para mawala yung tama ng alak na nainom ko at Nagpalit na ako ng damit pang-tulog. Tinanggal ko yung makeup ko at patuloy na humiga sa kama ko. Tumunog at nag flash ang ilaw mula sa phone ko.
Message from Adam:
- I'm really sorry for what happened earlier. I really didn't expect that she is also at the same place we were in. Get some rest, Goodnight, Love.
Hindi na ako nakatiis kaya tinanggal ko na ang inis ko pero hindi na ako nag reply sa kanya. I just really hope na wala lang yung blondinang Tracy na yun.
Nahihilo na ako at alam kong tinamaan na ako ng nainom ko kanina. Sayang lang dahil sasagutin ko na sana si Adam kung hindi lang si Tracy "The Blondina" Galvez. Ito na siguro ang simula ng labanan para kay Adam.