Chereads / Your Eyes. / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Love

"Serena? Hey, Wake up." Nagulat ako nang may nang-istorbo sa masarap kong pagtulog.

Hindi ko agad namulat ang mata ko dahil sa sobrang antok pero gagalaw na sana ako pero binuhat ako at nakita ko ang mukha ng nagbuhat sa akin, si Adam. Inilipat niya ako sa kama.

"I'm sorry kung kailangan mo pa mag-adjust ng higaan para sa'kin"

"No, it's okay. You were really drunk last night so I decided to let you sleep in the bed."

Kinumutan niya ako at inayos ang pagkakahiga ko tulad ng ginawa ko sa kanya kagabi.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"It's 7 am, You can still go back to sleep." Sagot niya.

"Dito ka na nga sa tabi ko, wag ka na mahiya." Pag-aaya ko sa kanya dahil bisita namin siya.

"I'm harmless, Ms. Williams. Just be gentle with me." Biro niya.

"Itulog mo na lang ang natirang tama ng alak sa ulo mo." Sagot ko.

Tumabi na siya sa akin at bumalik muli ako sa pagtulog dahil hindi pa natatapos ang ilang minuto ay bagsak na ang mata ko.

Nagising na lang ako na wala na ang taong katabi ko kaya pumunta na muna ako ng bathroom para mag toothbrush at maghilamos.

San kaya pumunta yung lalaki na yon? Baka umuwi na? Ngeks! Nandito pa rin yung mga suot niya kagabi eh. Psh! Bahala na.

Lumabas na ako ng kwarto para bumaba sa dining room namin para kumain ng almusal. Pagkabukas ko ng sliding door ng dining room ay nakita ko ang BUONG PAMILYA KO na kasama si ADAM kumain ng almusal. Aba! Hindi na nila ako hinintay? May bago ng anak? Palaban si Adam.

"Good Morning!" Bati ko sa kanila pagpasok ko.

"Good Morning, Anak! Diyan ka na umupo sa tabi ni Adam." Turo ni Mommy sa bakanteng upuan. Malamang bakante kasi walang nakaupo at kapag lahat ng upuan ay may nakaupo dun ako uupo sa walang nakaupo.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Adam. Tinuro ko naman yung beef tapa at sunny side up egg pati na rin ang buttered garlic rice. Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato at pinag-timpla pa ako ng kape. Sobrang maasikaso ang lalaking 'to, pogi pa, San ka pa?

"Thank You." I smiled and he smiled back as well. Ang sarap na naman ng kain ko, lalo na paborito ko pa ang beef tapa.

"By the way, Paano ba kayo nagkakilala nitong si Adam?" Tanong ni Daddy.

Si Adam na ang sumagot at ikinuwento kung paano kami nagkakilala dalawa. Sino kaya ang nanalo sa kanilang dalawa kagabi? Teka, May nanalo kaya? Eh pareho naman silang nakahandusay na sa lamesa nung naabutan namin sila ni Mommy.

"Kailan mo ba siya sasagutin?" Deretsahang tanong ni Mommy kaya nasamid ako bigla kaya pinainom ako ni Adam ng tubig.

"Malapit na, Mom. Gusto ko po munang kilalanin itong lalaki na 'to" Seryosong sagot ko.

"Ate, Pwede po ba kami maglaro ng video games ni Kuya Adam?"

Tanong ni Andrew.

"Nako, Baka may gagawi-" Naputol ang sinasabi ko.

"Sure! Pero kailangan ko muna umuwi sa house ko eh. Pero if you want, Pwede mo ako antayin dito and babalik ako agad"

"Okay, Bro! I'll wait, Kuya!"

Tinanong nila Mommy kung saan nakatira si Adam, Hala! Magkatabi nga pala yung unit namin.

"Sa Makati po ako, I live in a condo unit po."

"Really? Where? Serena too, She lives in Makati and also in a condo." Kwento ni Mommy.

"S-Sa Greenland Residence po."

Lagot na! Huhuhu. Baka ano na naman isipin nila Daddy, Paano kung kinuwento na ni Manang Rina yung nakita niya kagabi.

"What? Really? Dun din si Serenity nakatira tuwing may work siya. Anong unit number mo?" Tanong ni Daddy.

Diz iz it na talaga malalaman na nila na iisang condo lang ang tinutuluyan namin. Baka magalit si Daddy o kaya si Mommy.

"Unit 1014 po." Sagot ni Adam.

Ded, deds, dedu, patay.

"Unit 1015 si Serena namin, Good thing magkatabi kayo ng unit, may magbabantay na sa anak kong babae." Kwento ni Daddy.

Are you serious, Dad? Hindi ka magagalit? Bakit hindi ka nagalit? Naaalala ko pag may umaaligid sa akin na lalaki dati, ginegyera ni Daddy eh. Tapos si Adam? Ganyan lang? Papabantayan pa ko? What the heck!

Kumain na lang ako ng tahimik at walang imik, tuwang tuwa sila sa lalaking 'to, lalo na si Mommy, gwapong gwapo sa mokong na 'to.

"Anak, Sumabay ka na kay Adam pabalik sa condo kasi babalik din daw siya mamaya." Sabi ni Mommy habang nasa kusina ako.

"Ma, Pwede naman po ako mag drive eh. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako." Reklamo ko.

"Siya na ang nagsabi na sabay na kayo uuwi at babalik dito mamaya."

"Ma, Kaya ko na—" Naputol ang sasabihin ko dahil kay Mommy.

"Wag kang pasaway ah."

Hmmp! Wow! Para akong bumalik sa pagkabata nung sinabi yun ni Mommy. Sa bagay, sino ba ang hindi napagsabihan ng ganon ng parents or guardians natin diba?

Tumango nalang ako ng oo at pumunta na sa kwarto ko. Naligo at nagbihis ng casual attire, jeans,

cropped top, and sneaker. I used liptint for my cheeks and lip. Kinuha ko lang ang tote bag ko at lumabas na ako.

"Ready?" Tanong ni Adam.

Tumango ako at nagpaalam na kina Mommy at Daddy. Nauna na ako sumakay sa sasakyan ni Adam.

"Ikaw ba naglaba ng clothes ko kagabi?" Tanong niya habang nasa biyahe kami.

"Oo, Pati brief mo." I plainly answered.

"Thank you nga pala kagabi ah."

Wala naman akong magagawa kundi asikasuhin siya eh, Lasing at bagsak na bagsak na siya.

"That's okay, bisita ka namin and kawawa ka pag pinabayaan ka."

Nakarating kami sa condo unit namin agad dahil wala namang traffic gaano. Sinamahan ko siya sa condo unit niya at inantay ko pa.

"You can wait for me here, chill ka lang dyan."

Pwede daw akong manood ng tv, pumunta sa terrace, matulog sa sala pero ang ginawa ko ay ang pakielaman ang fridge niya. Gutom ako, bakit ba? Kumuha ako ng isang slice ng cake at kinain ito. Kumuha na din ako ng orange juice at hindi lang pala isang slice yon, nadagdagan pa dahil kulang ang isang slice sa akin.

"You're done?" Tanong ko noong lumabas na siya sa kwarto niya.

"Ikaw? Hindi pa noh?" Asar na tanong niya sa akin.

"Sira! Tapos na ako oh, naghugas pa nga ako ng plato at baso."

Pagkatapos namin sa condo niya ay pumunta naman kami sa unit ko para kunin yung ibang papeles na kailangan basahin para sa charity activities next week.

Nagtimpla ako ng kape para sa kasama ko nakakahiya naman kung hindi ko siya gagawan nun eh kinain ko yung cake sa fridge niya.

"Thanks." Agad niyang sinabi nang iabot ko sa kanya ang tasa.

I left him for a while and went inside my room to take the files I need. I also grabbed Bobby, ay nga pala si Bobby ay yung alaga kong baboy pero hindi talaga siya baboy, isa siyang stuffed toy. Sa tingin ko 10 years old ako nung binigay sa'kin to nila Mommy.

"Let's go na." Yaya ko sakanya nang tapos na ako.

Nilock ko agad ang mga pintuan sa unit ko for safety. Yung baril ko dala ko in case of emergency.

Bumaba na kami sa lobby para pumunta sa sasakyan pero sabi ni Adam ay antayin ko nalang siya at kukunin nalang niya yung sasakyan. Napag-isipan ko na lumabas muna at maglakad-lakad.

Tahimik kong binaybay ang labas ng condo, ang ganda ng mga bulaklak sa tabi, buhay na buhay ang mga kulay nila.

Bumusina ang isang sasakyan sa harap ko at alam ko naman na si Adam iyon kaya pumasok na ako.

"Bili muna tayo ng pagkain para sa kanila. Ano ba paborito nila? Meryenda ah." Tanong niya habang nagmamaneho.

"Favorite nila yung halo-halo sa Corazon's."

"Dun tayo. Turo mo sa akin ang daan."

Pagkarating namin doon ay umupo kami at tinignan ang menu. Nag order kami ng isang platter ng pancit canton and isang platter din ng miki bihon. Hindi pwedeng mawala ang halo-halo, 5 cups ng halo-halo ang order namin.

"Sinong nanalo sa inyo ni Daddy?"

Tanong ko habang naghihintay.

"Hindi ko na maalala HAHAHA, Pero kahit matalo ako liligawan pa rin naman kita eh."

"Bagay kayong dalawa ni Daddy, mga sunog-baga kayo."

"Mas bagay tayo." He winked.

Psh! Mga pambobola talaga ng mga lalaki. Gasgas na yung mga lines na yan eh. Dumating na yung order namin at tumuloy na.

"Hindi na natuloy yung challenge mo ah, Kala ko punta tayo ng bar?"

Tanong niya.

"Kailan ba tayo free dalawa?"

"Tomorrow night, Pwede ka?"

Hmm, Lalabas na naman kami dalawa. Pero okay lang kung ganito ka-gwapo ang kasama mo, why not? Hahaha. Ang harot!

"Yep, Pick me up tomorrow night. I'm not yet sure kung saan ako matutulog." I replied.

We drove to Fairview for an HOUR. Sobrang traffic na! Nakakastress ang ganitong traffic!

Nakarating naman kami ng ligtas sa bahay, buti nalang hindi ako ang nagmaneho dahil liliparin na naman ang sasakyan kung nagkataon.

Excited na lumapit si Andrew kay Adam nang makapasok kami sa bahay. Lalo na si Mommy, aba gwapong-gwapo na naman siya. Nagtulungan kami ni Adam na maghain ng meryenda kasama si Manang Rina.

"Kain na po tayo." Pag-aaya ni Adam sa kanila.

"Wow! Favorite ko 'to!" Kwento ni Andrew kay Adam.

Kumain kami ng nagkukwentuhan, si Daddy naman kararating lang galing sa office. Ako naman busy, oo busy ulit sa pag-kain. I know na malakas ako kumain pero HOY! Sexy ang lola mo!

Natapos na silang kumain at ako, ako na naman ang nahuli. Pagkatapos ko kumain ng pancit lumabas na ako para kumuha ng halo-halo.

"Uy! May halo-halo pa ba?" Tanong ko kila Mommy.

"Wala na, Anak." Sagot ni Mommy.

Nagpaalam muna akong pumunta sa garden namin para magpahangin. Umupo ako at inilagay ang paa ko sa swimming pool. Napa-isip ako sa mga nakaraang nangyari sa buhay ko, nawalan ako ng alaala, pero bakit pa ako? Alam ko paulit ulit ko ng tinanong iyon. Hindi ko alam kung ilan na ba ang naging ka-relasyon ko, sino na ba ang nakakuha ng unang halik ko, o sino na ba ang minahal ko. Ang unfair-unfair ng buhay sa akin.

Nag-iisa ako kanina pero ngayon may katabi na ako. He offered me his halo-halo, sat down beside me, and sprinkled water on my face.

"Dahil sa halo-halo, nalulungkot ka? Here's mine, I can't finish it all so let's share?" He said when he offered halo-halo.

"Psh! Hindi noh, Thanks by the way." I replied.

"Bakit ba gusto mo laging mag-isa? Dahil na naman ba sa hindi mo maalala yung past mo?"

"Wala, Tahimik kasi eh. How'd you say that?" I curiously asked.

"Remember? Back in Mexico, You told me that you had an amnesia three years ago."

"Oh yeah, I remember now. I can actually remember some of my memories but it's not that clear yet. Especially about my lovelife, I guess I should ask my doctor about that."

"Don't you think there's a reason behind that?"

"Behind what?" I asked.

"About removing your memories on your lovelife. Siguro kaya lovelife ang nawala sa memories mo dahil it's for your own good, baka masyado kang nasaktan, baka masyado kang umiyak, maybe it pushed you to your limits and caused you so much pain, kaya hindi mo na naalala."

"Sa akin okay lang na maalala kahit anong sakit ang naidulot noon sa akin."

"Why? Gusto mo maalala kung gaano ka nasaktan before?"

"Hindi naman sa ganun, kahit masakit man o hindi gusto ko maalala, mas magandang maalala ko ang mga sakit na dinanas ko noon kaysa mabubay na walang alam tungkol sa mga napagdaanan ko."

"Deep. Kainin mo na yang halo-halo bago pa matunaw lahat ng yelo."

Tumawa ako and we shared on the halo-halo. Then after an hour, we went back to the house. Adam and Andrew played video games while Mom and Dad were in their office talking about the business, while i'm sitting on the couch watching these two handsome guys in front of me.

"Game?" Tanong ni Adam.

I immediately grabbed the controller and played with them. Naglalaro kami ng shooting and action game.

"I won!!" Andrew shouted after the game.

Hmmm! Hindi ako pwedeng matalo sa dalawang lalaki na 'to. Inaya ko sila ng isang game pa pero pinagtutulungan ako neto.

"No! Wag na, ako na nanalo eh." Andrew boasted.

"Oo nga! Let him savor his success, Ms. Williams." Adam added.

"No way! One more game!" I replied.

"If I win, Ate and Kuya Adam will sleep in our house tonight and you two will get me ice cream." Wow! May pa-condition si bunso ah.

"Okay deal! If I win naman, I will sleep in Ms. Serenity William's room tonight." Adam's deal is so freaking not good, pwede naman siya sa guest room eh, nalinis na yun ni Manang Rina.

"Done deal, If I win in this game, dapat suotin niyo yung damit ko dyan and you two will pose!" Petmalu diba? Hmmp!

Nang magsimula ang game namin, hindi ko tuloy maiwasan mapamura sa excitement at kaba! Buti nalang wala sila Mommy at Daddy dito, hindi nila maririnig.

"Look who's the winner! Me!! 8 kills, double headshot man!!!"

Adam shouted in joy.

Lagot. Dito na naman siya matutulog at sigurado akong papayag si Mommy at Daddy dahil love na love na nila yung lalaki na yon. Ewan ko ba. Daig pa ata namin ang mga mag-jowa dahil hindi ko pa 'to sinasagot tapos nakikibahay na sa amin.

"Tabi tayo ah?" Bulong ni Adam.

"Gagu!" Bulong ko pabalik na ikinatawa niya.

Pumunta muna ako sa kitchen para tignan ang mga niluluto nila Manang Rina na ngayon ay kasama na rin si Mommy. Nagluluto sila ng Sinigang na Hipon, Embutido, at Chopsuey, lahat paborito ko. Nagpaalam ako sa kanila na umakyat muna sa kwarto ko.

Habang nakahiga ako may kumatok sa pintuan ko, pinapasok ko naman at si Adam pala iyon. Sinamahan niya ako manood ng tv at nagulat ako nang may tumawag sa phone ko.

"Serena? Busy ka ba? Punta ka dito sa bahay ni Zia." Pakiusap ni Camryn.

"Ha? Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"Si Zia kasi eh. Basta pumunta ka nalang dito ah."

Agad akong tumayo at nagbihis tapos tinanong ako ni Adam kung saan ako pupunta.

"Sa bahay nila Zia, May nangyari daw kasi eh."

"Samahan na kita and wag ka na mag reklamo, ako nalang ang magdadrive, Okay? Just let me wear my shoes."

Inantay ko siya at agad na bumaba para magpaalam kila Mommy at Daddy, nung una ay ayaw pa nila ako payagan pero nung sinabi ko na emergency pumayag din sila.

Kinakabahan ako habang nasa biyahe, buti nalang naituro ko pa ng maayos yung bahay nila. Nang makarating na kami ay agad kami nag-park at lumabas na ako ng sasakyan. Pinagbuksan naman kami agad ng gate at pumasok agad sa bahay, lahat sila ay nasa dining room nakaupo.

Nakatitig sila sa aming dalawa ng lalaking ito at halatang gulat sila. Nilapitan ko sila Kelsey at tinanong kung anong nangyari.

"Huy! Ano ba nangyari?"

"Yan si Zia ang tapang tapang sa mga bagay tapos ngayon umiiyak dahil kay Nico."

"Huh? Bakit daw?"

"Nakita daw niya si Nico may kasamang chix sa mall." Kwento ni Camryn.

"Baka naman kaibigan lang niya o pinsan niya or what?"

"Gaga! Nagsusubuan nga ng hotdog at popcorn habang papunta sa sinehan." Singit ni Zia.

Pinigilan ko nalang hindi matawa sa sinabi niya dahil dapat siya ang kinakampihan ko dito.

"Nasaan na daw si Nico?" Tanong ni Kelsey.

"Pupunta daw dito eh, Sinundo ni Lewis." Sagot ni Camryn.

Pinakelaman ko na ang pantry ni Zia, hoy hindi panty ah! Kumuha ako ng isang bote ng red wine at binigyan sila ng baso. Tinignan ko si Adam na halatang nahihiya sa mga kaibigan ko.

"Yan ba yun?" Tanong ni Camryn habang nakaturo kay Adam.

"Oo, bakit?" Sagot ko habang naglalagay ng wine sa mga baso namin.

"Papuntahin mo naman dito sa dining room para hindi ma-o.p"

Niyaya ko si Adam pumunta sa dining room, chinichika nila ito habang naghihintay kila Nico. Nako! Pag nakita ko ang lalaking to talaga.

"Psst! Zia, Hayaan mo ko na bigyan ng isang suntok si Nico ah, para matuto." Bulong ko.

Um-oo ito at nagpatuloy na kami sa pag-inom ng wine. Halata naman na gusto rin nila si Adam pero nanahimik kami bigla nang may pumasok na dalawang lalaki sa pinto.

"Hoy! Lalaki!" Sigaw ni Camryn.

Mas lalong umiyak si Zia nang makita niya si Nico. Halata sa mga iyak niya ang sobrang sakit na nararamdaman niya dahil sa nakita niya. Nagagalit ako kapag nakikita ko silang umiiyak, hindi ko man alam ang pakiramdam na naloko.

"Nico, Patawarin mo ko ah, Pero kasi nakakainis ka eh." Sabay suntok sa tiyan niya. Halata sa emosyon na napinta sa mukha niya na nasaktan siya. Napangiti sila Kelsey, Camryn, at Zia sa ginawa ko. Nagsimula na mag-usap sina Nico at Zia pero naririnig namin sila.

"Babe, Hindi ko naman sinasadya yun."

"Gago ka! Bakit mo nagawa yun? Ano bang kulang sa akin na meron siya?"

"Wala!"

"Bakit mo nga nagawa yon ha?"

"Lalaki ako hindi naman mawawala yung naa-attract kami sa mga babae eh."

"Lahat kayo yan ang dinadahilan eh, di bale ng makasakit ka ng damdamin basta mapunan lang yang pagkukulang sa inyo?"

"Hindi, Zia. I'm sorry."

"Sorry, sorry? Bakit maibabalik ba ng sorry mo yung dinadala ko?"

Punyemas! What? Anong dinadala niya?, shookt ako mga bes! Lahat kami nagulat sa narinig namin.

"Anong dinadala? May deposito na yan?" Tanong ni Camryn.

"Oo nga, May laman na yung oven mo?!!" Dagdag ni Kelsey.

Inaantay namin ang sagot niya, lahat kami nakatutok and all ears for her answer.

"Oo, I'm 2 weeks pregnant."

Shit! Matapos lokohin ni Nico si Zia yun yung malalaman namin? Wiw Magic!

"Babe? Magiging tatay na ako?"

Tanong ni Nico pero hindi ko alam kung masaya ba siya o nalulungkot.

"Vuvu mu! Buntis nga diba? Ikaw lang naman boyfriend niyan! Edi ikaw ang tatay!" Singit ni Kelsey.

Natawa talaga ako sa sinabi niya kahit lahat sila seryoso na. Hindi mo talaga maiintindihan kung disappointed si Nico o masaya eh!

Habang tumatawa ako nakita ko si Nico lumuluha, umiiyak ba to?

"Tears of joy o tears of sorrow?" Tanong ko sa kanya.

Tumakbo ito papunta kay Zia at niyakap ito. Parehas silang umiyak kaya natahimik na rin kami.

"Baby? I'm sorry kung nasaktan ko si Mommy ah. I promise that I will never do it again, I will do everything to not hurt her again, and I will take care of the both of you because I love you and Mommy." Nico said genuinely while holding Zia's tummy.

Ang mga inis at galit namin kanina ay napalitan ng tuwa at luha, nakakaiyak ang nakikita ko. Habang pinapanood ang dalawa naming kaibigan na masaya, naramdaman ko ang isang yakap mula sa likod ko. Hindi na ako nagreklamo dahil hindi ito ang tamang oras para mag-eskandalo at magbunganga ako.

"Lagot ka talaga sa akin mamaya, pasalamat ka maraming tao." Bulong ko kay Adam.

"Ayaw mo ba ng ganto?" Tanong niya.

"Gusto." Lumalambot na ang puso ko sa lalaking 'to. Hindi ko na mapigilang kiligin dahil sa kanya.

Ilang oras pa kaming nanatili dito sa bahay nila Zia para magkwentuhan. Napakasaya namin para sa kanilang dalawa ni Nico. Nagpaalam na kami matapos namin maubos magkakaibigan ang dalawang bote ng wine.

"Oh, May baby ka na ah, Panindigan mo yan! Sorry kung nasikmurahan kita kanina, Mahal ko lang talaga ang kaibigan namin." Paalala ko kay Nico bago umalis.

"Pasensya na sa nagawa ko ah, Pangako ko hindi ko na uli siya sasaktan. Salamat pala uli!"

"Bro! Ingatan mo rin ang kaibigan namin ah, Alagaan mo yan baka pag nasaktan din yan, masikmurahan ka HAHAHA" Paalala din ni Nico kay Adam.

"Salamat! Plan na ng next session." Sagot ni Adam.

Tumawa silang dalawa at nagkamay. Nakipagkamay din si Adam sa mga kaibigan ko. Kinausap siya ni Lewis pero hindi ako sinama. Ano kaya pinag-usapan nila noh? Sana naman maging maayos ang pag-uusap nila, importante si Adam sa akin pati rin si Lewis.

Masaya namin nilakbay ang daan pauwi sa bahay namin.

"Nadala lang ako ng emosyon ko kanina dahil kila Zia at Nico."

"Pasimple ka pa, Okay lang yon. At least hindi ako nagalit diba?"

"Pero sabi mo gusto mo eh, diba?" Tanong ni Adam.

"Oo na!" Nahihiya pero pasigaw konv sagot.

Ngumisi ito at nagpatuloy sa pagmamaneho habang ako naman ay itinago ang mukha kong kinikilig. Dumating kami sa bahay na naabutan silang kumakain ng hapunan. Pinasabay na kami nila Mommy at Daddy.

"Adam, Dito ka na mag-stay uli, okay? Gabi na tsaka malayo pa ang uuwian mo kaya dito ka na magpahinga."

And boom! Dito na naman siya matutulog. Magkasundo na talaga sila ni Mommy at Daddy, sobrang gusto nila ang lalaking ito.

"Sige po Tita Kathy, Thank you po uli!" Sagot ni Adam.

"You can borrow clothes from me, Adam." Pinaalam ni Daddy.

"No, Tito, It's okay. I brought my own clothes. Thank you po!"

Natapos na kaming kumain kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Maliligo na ako dahil gustong gusto ko na magpahinga.

Matapos kong maligo ay lumabas na ako sa bathroom ko para maligo, naka-tuwalya lang ako. Nang lumabas ako sa pintuan ay nagulat akong nasa harapan ko si Adam, nakahiga pa sa kama. Napatili ako sa gulat kaya nadulas ako. Aray! Ang sakit ng balakang ko. Kasi eh!!

"Kaya ko!!" Sigaw ko kahit nakakabaliw yung sakit.

"Weh? Iwan kaya kita dyan?"

"Ay wag! Joke lang pala, Hindi ko pala kaya." Bawi ko sa sinabi ko kanina.

Tinulungan niya ako tumayo pero hindi ko pa rin kaya dahil masakit talaga yung balakang ko.

"Walang malisya pero i'll have to carry you."

Binuhat niya ako at isa na namang unexpected guest ang pumasok sa kwarto, si Manang Rina once again! Suki na ko sa kanya.

"M-Ma'am, Narinig po kita sumigaw, Okay ka lang po ba?" Tanong ni Manang Rina.

"Nadulas po ako, Manang Rina. Pero okay na naman po ako." Sagot ko sa kanya habang ibinababa ako ni Adam sa sofa.

Lumabas na rin siya nang sinabi ko na okay ako. Naka tuwalya pa rin ako hanggang ngayon, inutusan ko si Adam na kumuha ng damit ko sa closet.

Bumalik siya na may dalang damit ko, Sira talaga 'tong lalaki na 'to.

Ang ikli ng shorts at sleeveless pa ang kinuha sa akin. Tapos yung bra at panty kulay itim pa!!

"Manyak ka talaga noh?" Inis kong tanong sa kanya.

"Grabe ka naman, Sabi mo kumuha lang ako ng damit sa closet mo eh."

"Ikuha mo ko ng iba! Pajamas ah!!" Utos ko muli sa kanya.

Agad naman itong kumilos at sumunod naman sa sinabi ko.

"Thank You, Labas na! Dun ka na muna sa labas may upuan dun!"

"I'm not like those other guys so i'll go out now. Call me when you're done." He reminded.

Nagbihis na ako dahil mas okay na ang baywang ko. Hindi na ito gaano masakit tulad ng kanina. Tinawag ko na rin si Adam.

Pagpasok niya ay may dala siyang two glasses of fresh milk. Hmm, I wonder why. He gave me the other glass and drank it with me.

Bago kami matulog, sabi niya tabi nalang daw kami sa kama. Pumayag naman ang lola niyo! Wag lang talaga siya gagawa ng kalokohan.

"Goodnight, Love." He bid me a sweet goodnight in a warm voice.

"Goodnight too... Love." I replied with such kilig when I said "Love".

Wala ng mas sasaya pa pag naging akin na ang lalaki na ito. Ang lalaki na hindi ko inasahang darating sa buhay ko, Ang lalaking alam kong mamahalin ko. Alam ko corny pero naniniwala ako na kahit saglit pa lang ang panahon na magkasama kayo, mararamdaman mo talaga na mahal at nais mo'ng makasama ang tao na ito sa lahat ng oras dahil siya ang pumupuna ng pagkukulang sa puso mo.

Yes, I do love him now.